Ashlee POV
Tumingin ako sa salamin sa isang iglap nagbago ang suot ko ang outfit ng gang nagkaroon din ng half mask sa mukha ko at lumabas na ang tattoo sa aking kamay.
Ngumiti ako ang sexy ko talaga at ang ganda.Readers wag na kumontra totoo lang talaga ang sinasabi ko. Iniharap ko ang likod ko sa salamin. Backless kasi ang suot suot ko. Hinawi ko ang mahabang buhok na tumatakip sa likod ko. Doon at nakita ko ang mga marka na palantandaan ng aking mga pagdurusa. Napangiti ako ng mapait .Maski sa aking katawan ay nakaukit ang aking mga bangungot. Kaya paano ko kakalimutan at tatakasan ang isang bagay na nakadikit na sa akin.
Ibinaba ko na ang buhok ko at humarap sa salamin. Hinawakan ko ang aking maskara na nakasuot sa akin. Isang maskara na nagpapatakbo sa mga tao sa tuwing nakikita nila ito. Palatandaan ng isang malupit na nilalang. Ibinaba ko na ang aking kamay at iwinaksi ang iniisip kong iyon.
Instead of teleportation ang gamitin ko ay nagsasakyan ako isang astig na sasakyan mabilis ko itong pinatakbo sa daan. Nakabukas ang bintana sa gilid nito kaya tumatama sa akin ang malamig na hangin. Hinahangin din ang aking mahabang buhok.
Dahil sa bilis ko magpatakbo hinahabol na ko ng mga sasakyan ng pulis. Ang bagal nila psh.
Binagalan ko ang pagpapatakbo ko para mahabol nila ako. Kawawa naman. Mayamaya pa inihinto ko sa konti ang tao bihira lang talaga ako magpakita sa publiko kaya madaming nagnanais na makita ako pero sila Meorah ay nagpapakita lagi kaya sumisikat kami kahit sa mga mall ay nagpapakita sila at nagsisigasigaan nauukit tuloy ang pangalang Hellish Gang sa buong mundo. Talagang huhuntingin kami ng gobyerno dahil sa mga palabas na ginagawa ng aking mga kagrupo. Lagi na lang silang nasa gulo. Minsan mga katulad namin ang kaaway nila pero madalas pinapatulan nila ang mga mortal.
Bumaba ang mga pulis sa sasakyan nakita ko pa sa side mirror ko yung pulis na lalaki na unti unti na lumalapit sa kotse ko binasa ko yung isip niya
'Nakakakaba bakit ako lang ang lumalapit sa kotse na ito'
Medyo napatigil yung pulis at maya maya pa ay umatras
'What?! *Napalunok ito* kotse to ng isa sa miyembro ng hellish gang atras!!'
Napangiti ako sa nilalaman ng isip ng pulis. Mabuti naman pala at hindi mangmang ang pulis na ito. Natutuwa naman akong kilala niya ang sasakyan ng isang Hellish. Bakit hindi? Nakaburda sa bawat sasakyan namin ang isang tattoo na sumisimbolo sa bawat isa samin
See ganon kami makapangyarihan pati pulis natatakot. Mga duwag hindi kayang panindigan ang mga pinangakong salita. Sa bagay kung ako rin sa kaniya ay tatakas na ako at hindi magbubuwis ng buhay para sa walang kwentang batas nila
-Kotse ng isang miyembro ng hellish gang-
Narinig Kong sabi ng pulis sa mga kasama.
-S-sigurado k-ka?-
Tanong nung iba
Nakita kong tumango yung pulis kanina. Kapag hindi pa sila umalis within 1 minute tutuluyan ko ang mga to.
Narinig ko pang itinawag nila mas lalo akong napangiti ng marinig ko yung sinasabi nila sa phone.
-Ano?! Hellish ??Atras na kayo dalian niyo pagbumaba yan nasisigurado kong patay kayong lahat!!!!!- Hindi natin sila sakop may special force para sa mga yan! Umatras na kayo!”
Halos isigaw na nung nasa phone yung sinasabi niya
Nakita kong nagmamadali naman na nagsisakayan ang mga pulis sa sasakyan nila.
Tsk. Special Force? Patawa
Pinatakbo ko na uli yung sasakyan ko...
Siguradong may dadating ng mga tauhan ng gobyerno sa lugar na iyon. Mabilis makarating ang balita sa kanila pero who cares? Hindi ako ang maghihintay sa kanila. Hanapin lang nila kami ng hanapin kung kaya pa nila.
Kami ang batas kaya hindi niyo ako matatakot. Napasmirk nalang ako.
Bumaba ako ng kotse ko matapos kong iparada ito
ASHLEE POV
Bumaba ako ng kotse ko matapos kong iparada ito
"I thought hindi kana dadating"
Sabi sakin ni Rei
Since naka outfit na kami ng pang hidden identity iba narin ang tawagan namin...
Ashlee- Ash
Rein- Rei
Aiken- Ai
Meorah- Meo
Jedia- Jed
Nakita ko naman ang isang nakaparadang ordinaryong kotse na gagamitin namin papuntang underground. Hindi namin dadalhin ang mga tunay naming sasakyan.Lumakad ako papunta roon at sumakay
"May mga pulis na humabol sakin"
Sabi ko
"Woahh so anong nangyari pinasabog mo ba ang mga mukha"
Nakangising tanong ni Ai
"Nope. Just a waste of time"
Sabi ko
“Paniguradong may mga Special Force na pupunta roon. Saan banda yon? Yun ang mga gusto kong kalaban medyo may thrill” ani ni Jed
Napaismid na lang ako sa sinabi niya
“Tsk . Sungit” sabi ni Jed at inirapan ako
Umiilaw ang tattoo namin sa kamay at kitang kita sa madilim na loob ng kotse
Mga nakablackgloves ang mga kamay namin I mean yung kita ang mga daliri pagkatapos may butas sa gitna para kita ang tattoo .
Maya maya pa nasa tapat na kami ng Underground at rinig mona ang mga putok ng baril.Yes you're right. Underground and this place really exist in earth.Yun nga lang hindi lahat alam ang patungkol dito at hindi lahat pwedeng pumasok
Third Person POV
Isang gangster ang papasok sa Underground City nang mapalingon siya sa pulang kotseng dumating. Naagaw ang atensyon niya dahil napakabilis nito at nagdrift pa sa gilid niya. Sa isip isip nito ay nakapayabang ng nagmamaneho ng sasakyan .Natanaw niya sa loob ang iba't ibang kulay na hugis pabilog na mga mata may dilaw may berde may asul at iba pa nang maisip niya kung ano ang mga yon ay biglang nagbago ang daan niya imbis na papasok ay ang daan pauwi ang tinahak.
Napabulong pa ito sa sarili
'Patay kayo nandyan na sila kamatayan '
Saka dali daling tumakbo sa takot na baka siya ang mapg initan
Third Person POV
Napahawi ang mga nasa pinto ng Underground nang mabilis na binangga ng kotseng pula ang pinto at ipinasok ito sa loob na tila walang pakielam kung may masagasaan man o may matagis.
Huminto ang kotse nang tuluyan nang makapasok sa loob. Bumaba roon ang limang mga babae na pawang mga nakasuot ng maskara. Kilala ng mga tao roon ang outfit na suot nila.Wala ng iba pang magsusuot ng gano kundi ang Hellish Gang lang. Wala rin namang maglalakas na gayahin sila dahil panigurado na sa oras na malaman ng mga Hellisg Gang ang panggagaya sa kanila ay paniguradong patay an gang mga gumaya
Nagsilayuan ang mga nakapaligid doon nang makita ang mga bumaba.
Ang kaninang mga tao roon na akala mo leon sa bangis ngayon ay parang mga tupa na. Mga tupang akala mo ay mas mabait pa sa anghel na hindi kayang gumawa ng masama
Humahawi ang lahat sa dinadaan ng lima.Tumatahimik at natatakot sa maaaring mangyari. Ang lahat ay nagtataka kung bakit naroon ang limang ito and worst kumpleto pa sila. Maingat ang mga galaw dahil one wrong move makikita mo na si Satanas.
Sinong hindi matatakot sa mga babaeng mga nakamaskara miyembro ng napakagaling na Gang sa buong mundo walang sinuman ang nakakakilala sa identity ng mga ito.
Ang iba ay hindi magawang tumingin sa kanila sa takot at dahil sa kakaibang mga presensya at mga matatalim na titig na binibigay ng mga ito. Nakakatakot ang mga dating.
Ang iba naman ay namamangha sa kanila.Nangangarap sa pwesto na meron sila bakit?
Dahil sa estado nila sila ang bida sila ang reyna takot ang lahat at handang paglingkuran sila.
Inilabas ni Ash ang baril niya saka binaril ang mga malalaking speaker na malakas na tumutunog. Ang lahat ay napatigil at nagkaroon ng nakakabinging katahimikan.
Walang gustong magsalita.Ang lahat ay umurong ang dila.
Sinenyasan ni Ash si Meo para magsalita.
"Kamusta mga demonyong umakyat sa lupa mula sa kailailaliman ?Namiss niyo ba kami na tulad niyo rin ay mga demonyo?” nakangising bati ni Meo sa mga naroon
Tama ! Iba iba nga ang katayuan nila doon o estado ay hindi maitatanggi na pareho pareho silang mga demonyo na tila nagbabalatkayo lamang sa anyong tao
Tahimik lamang ang mga tao roon
“Nandito kami para magdeklara ng laban sa isang Gang na nandito ngayon"
Walang emosyong sabi ni Meo
Ang lahat ay napalunok lalo na ang mga gangster na may mga gang. Ang mga ibang nandoon ay napahinga ng maluwag dahil hindi sila madadamay.
Napatingin si Meo sa grupo ng mga nakaputing damit sa may enablado ito ang gang kahapon na binangga siya.
"Spider Gang we want war!"
Madiin na sabi ni Meo
Nanlaki naman ang mga mata ng mga ito. Iniisip kung bakit nais silang kalabanin ng mga gangster na ito. Wala silang maisip na dahilan para pag initan sila.
Ang tanging nasa isip lang nila ay kamatayan na nagaabang ... Siguradong hindi sila bubuhayin ng mga nilalang na ito. Demonyo ang mga ito at mga walang puso.
"RUN!!!!"
Sigaw ng pinuno ng Spider Gang…
Kanya kanya naman silang pulasan. Ang iba ay nagsitalon sa may stage at tumakbo ng napakabilis sa abot ng kanilang makakaya .
Ashlee POV
"Run for your lives " sabi ko saka ngumiti
Inilabas ko ang baril ko saka inasinta ang mga paa nila ganun din ang mga ginawa ng mga kasama ko ang iba naman ay tuwang tuwang nanonood habang mga nakangisi.
Nahagip ng mata ko ang isang Camera agad ko yung pinaputukan halos mapatalon naman ang may ari ng camera ng sumabog ang camera niya. Ang lakas ng loob para videohan kami wala atang takot sa amin ang isang to
Sinenyasan ko sila Ai na habulin na ang spider Gang.
Naiwan ako mag isa sa loob
"Stop grining I hate it. Once you do I'll assure to you sabog yang mga bibig niyo"
Seryoso kong sabi sa kanila na akala mo close kami kung makangiti sa akin
Nawala naman ang mga ngiti nila.
Nilapitan ko yung may ari ng camera kanina at sinuntok ng napakalakas.
Tumalsik naman ito sa may lamesa at hindi na gumagalaw.
“Siguro naman madadala ka na sa nangyari ngayon sayo. Videohan mo na ang lahat wag lang ako” sabi ko sa babae
Binaril ko naman ang isang babae sa may kanan ko.
Nagulat ang lahat hindi ka makakapagtago sakin b***h I know na miyembro ka ng spider gang. Buti sana kung pulis ako pwede ka pang magtago sa madla ng hindi ko napapansin pero sorry not sorry natandaan ko ang mukha mo kanina.
Pagkatapos ay sumunod nako kila Ai.
Hinanap ko ang marka nila kung saan sila pumunta.
Naabutan kong prenteng mga nakaupo sila habang nakaluhod at umiiyak ang dalawang naghihingalong miyembro ng spider gang.
Tumba na ang lahat at mga nakahandusay tanging sila nalang ang natitira.
"Ok nandito na ang bangungot niyo malas niyo at kayo ang natira"
Sabi ni Jed nang makita ako
"Ash Tiniran ka namin ayan o"
Sabi ni Rei
Napairap ako psh ano ako?pulubi lang at kumukuha ng tira tira?
"Saita!Tapusin niyo nayang dalawang yan mukhang mahina na wala nang thrill" sabi ko
Tss hindi manlang ako hinintay para sa kasiyahan mga swapang na kaibigan.
Pero anong silbi ng mga nasa underground?
Nandito nako bakit hindi natin lubos lubusin.
Agad namang gumapang ang mga mortal palapit sa amin habang humahagulgol
“Maawa ka sa amin. Pakawalan niyo na kami. Pangako magpapakabait na kami at magbabagong buhay. Hindi na kami gagawa ng gulo” sabi ng isa sa kanila sa akin
Napaismid ako
“Oh oh .Mali ka ng taong nilapitan. Dapat sa amin ka nag makaawa hindi sa kanya. Kami may 40 % na pakawalan ka pa namin pero sa kanya kahit .01 walang pag asa. Walang puso yan” sabi ni Aiken sa nagmamakaawang gangster
Tama si Aiken. Mali sila ng taong nilapitan
“Ano bang nagawa naming mali sa inyo? Para pag initan niyo kami” tanong ng isa habang umiiyak
“Sabihin na lang natin na ito ang kaparusahan niyo sa mga kasalanang nagawa niyo” sabi ko sa kanila saka sinenyasan si Meo
Binaril naman ni Meo yung dalawa. Isang nakakabinging katahimikan ang sumiwalat sa kapaligiran matapos ang dalawang putok ng baril na nanggaling sa baril na hawak ni Meo
"Anong balak mo?"
Tanong ni Rei
"Umalis na kayo manggugulo lang ako"
Walang emosyon Kong sabi
Napa tsk nalang sila.
(Saita is a cursed word )
Pumasok uli ako ng underground at umupo sa isang counter.
"Whisky ma'am "
Sabay abot sakin ng glasswine ng waiter don
"If I were you I'm going to run now"
Nakangisi Kong sabi
Napalunok naman ang waiter pagkatapos ay tumakbo palabas.
Inilibas ko ang ginto kong baril na may nakaukit gaya ng nasa kamay ko.
Pinaputukan ko yung isang b***h na akala mo wala nang damit mainit pa naman sa mata ko ang mga malalandi.
Napaigtad ito sa sakit na nararamdaman nang matamaan ko ito sa tiyan.
Ang mga gangster ,mafias at iba pa ay tuloy parin sa party medyo komonti na ang tao sa underground kumpara kanina.Ang mga katabi ng mga b***h ay tumitingin tingin kung saan saan at hinahanap kung saan nanggagaling ang putok.
Napangiti ako sige lang hanapin niyo sa oras na mahanap niyo sabog ang mga ulo niyo.
Pinapaputukan ko lahat ng napapatingin sa direksyon ko dapat hindi niyo na hinanap.
Marami narin akong nabaril ng biglang tumahimik ang lahat.
Ako naman tahimik sa isang sulok habang pinapanood sila.
Nanlalaki ang mga mata nila at kitang kita ko ang pawis na tumutulo mula sa kanilang mukha
Saita!Kanina pako pumapatay ngayon lang nila narealize how stupid..
"Nandito pa ang isang hellish member"
Medyo nanginginig na sabi ng isang lalaki
Good now they know.
But pity for him iba ang laro ko as I said ang makakuha ng mga sagot ang unang mamamatay.
Inasinta ko sa bibig nito ang baril ko saka ito pinaputok.
Halos mapatawa ako ng makita kong parang mga ninja sila at kanya kanya ng takbo.
Ang iba naman ay nanatili at naging alerto habang hawak ang armas nila.
Lumabas ako sa sulok hindi naman sila makagalaw
"I'm here ..shoot me"
Malambing kong sabi pero lambing na pumapatay ang tono.
Wala namang nagsasalita
"Boring, hindi naman kayo lumalaban mga walang kwenta"
Sabi ko saka tumalikod
Nang malapit nako sa exit umikot ako sa ere saka sinipa pabalik ang isang bala .
Pinapaputukan ako ng isang bitch.Reverse Card tumama ito sa dibdib niya at tumagos pa.
Mas nanlaki ang mga mata nila.
"Next time siguraduhin niyong tatama talaga sakin ang bala baka bumalik uli sa inyo pag hindi niyo sinigurado"
Nakangisi Kong sabi saka nilisan ang underground.
Nandito na ako sa bahay kakauwi lang.
Tinititigan ko ang tattoo sa kamay ko.
Gaano bako kalakas ?
Ano ba ang kahinaan ko?
Pumikit ako nararamdaman ko ang pwersa na inilalabas ng katawan ko.
Pagdilat ko puno ng yelo ang paligid itinaas ko ang kamay ko saka gumawa ng isang bolang apoy pero kahit na may apoy hindi nalulusaw ang yelo sa paligid ko.
Isinirado ko ang kamay ko kasabay ng pagkawala ng apoy pagkatapos gamit ang isip ay bumuo ako ng salamin sa harap ko.
Tinitigan ko ang imahe sa salamin.
Isang babaeng may dilaw na mahaba at may pagkakulot na buhok.
Lila na mata na nagbabago sa tuwing nagbabago ang nararamdaman.
Pulang mga labi wala ka na atang maiipintas sa akin.
Napapikit ako ng maalala ko ang nakaraan.
Isang bangungot para sa akin
Pagdilat ko kulay pula na ang aking mga mata.
Biglang nabasag ang salamin at unti unting nalulusaw ang yelo sa paligid nabubuhay ang galit ko sa dibdib
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
Kailangan kong pakalmahin ang sarili.
Idinilat ko uli ang mga mata ko tinignan ko ang mga basag ng salamin nakita ko ang repleksyon ko kulay Lila na uli ang mga mata ko.
Umalis nako sa sala at pumasok sa kwarto bukas na ang pagusulit
Simula na naman ng laban.
Nahiga ako sa kama ko sa oras na pumasok nako sa BMU magbabago na naman ang lahat.