Kinabukasan
Third Person POV
Nang magising si Ashlee ay agad siyang naligo.
Pagkatapos ay nagpahinga at hinintay ang oras .
Tumingin ito sa relo pagkatapos ay bigla itong naglaho at napunta sa isang kagubatan.Sa gitna ng kagubatan kung saan walang ordinaryo pa ang nakakakita o nakakapunta sa gubat na iyon.
Napapaligiran ng bungo angpaligid at mga paro paro na may kasama pang mga bulaklak .
Medyo madilim dahil nahaharangan ng malalagong puno ang liwanag na nagmumula sa itaas.
Kumikinang ang paligid dulot ng mga kung anong maliliit na nilalang na may ibat ibang ilaw.
Masasabi mong maganda kahit nasa kagubatan kapa.
Matatanaw mo ang malinaw na sapa at talon sa di kalayuan.
Sariwang hangin at malambing na tunog ang maririnig mo.
Isang nakakakalma na lugar.
Wala kang makikita na kakaiba sa lugar.
Ang lugar na ito ay tapat ng BMU.
Nakita ni Ashlee ang ibang mga enrollees.
Magaganda at mga gwapo.Ang iba ay makikita mong nagsasanay habang siya ay prenteng nakaupo sa taas ng puno.Binilang niya ang lahat siyam na ang naroroon pero bakit hindi pa nagsisimula.
Ashlee POV
Isang ,atandang babae ang biglang nagpakita kaya bumaba nako ng puno.
"Ngayong naririto na kayo lahat simulan na ang pagsusulit.Sampo kayong maglalaban laban .Matira ang matibay.No questions hindi nagtatanong ang mga estudyante dahil alam na dapat nila ang lahat.Sa batch na ito meron lang tayong limang pagsubok.Meron bang gustong sumuko?Aatras? Sabihin niyo na habang maaga pa at kung wala naman ay simulan na natin.Ang lahat ng matatalo sa unang pagsubok ay maari ng umalis at hindi na uli maaaring bumalik.Listen enrollees walang batas sa pagsusulit na ito.Ang makakapasa at makakapasok sa 2nd round ay makatatanggap ng info tungkol sa BMU "
Mahabang litanya ng matanda.
Sampu nalang kami pero sinasala pa.Ganyan sila kahigpit
Kung nababasa ko ang isip ng mga ordinaryo ibahin natin sa mga katulad ko dahil dito palakasan patalinuhan at patapangan hindi sila matatakot sayo unless kung mas mataas ka sakanila walang sinuman ang may kakayahang makabasa ng isip ng mga supernaturals dahil naiiba sila.
Nawala na ang matanda sa harap namin.
Isang boses ng babae ang biglang nagsalita at hindi namin alam kung saan galing.Maaaring sa portal .
Nagkaroon ng isang Circle board at invimark sa harap namin.Pinulot ko agad ito. Magaling isang invimark na kapag nagsulat ka sa board hindi makikita ng iba tanging ikaw lang ang makakakita at kapag times up na lilitaw sa lahat ang isinulat mo.
"Unang Pagsubok.....Talino
Round she is, yet flat as a board Altar of the Lupine Lords. Jewel on black velvet, pearl in the sea
20 seconds then times up"
Nagisip ako pearl in the sea?
Napangiti ako at nagsulat sa board.
Napatingin ako sa isang babae.may kakayahan siyang makita ang mga invisible na bagay pero wala siyang talino kaya nangongopya siya sa ibang board sabagay walang rules at sa salitang iyon may naisip ako .
Agad kong sinuportahan ang board ng lahat hinarangan ko para hindi makita sa mata ng iba.
Nakita kong napakunot yung babae no rules diba kaya free akong makielam.
I'm sure hindi niya na makita ang sagot dahil sa kapangyarihan ko kaya kitang kita sa mukha nito ang pangamba.
Napatingin ito sakin nakita niyang nakatingin ako binigyan kolang siya ng isang mapanginis na ngisi.
Nakita Kong gumagalaw ang anino nito pero bigla ring napatigil
"Stop Show it now"
Sabi ng boses.
Itinaas namin ang mga board
Lumitaw doon ang sagot ko
'Moon'
Maya maya pa ay naglaho na ang babae kanina isa lang ang ibig sabihin failed.
Siyam nalang kami at pahirap ng pahirap ang test habang nababawasan kami.
"Sa ikatlong pagsubok ay makakatanggap kayo ng panibagong impormasyon pero sa ngayon ay ito ang impormasyon na makukuha niyo.Ang BMU ay may sariling pulis you can do what you want but
be careful wag na wag kang magpapahuli sa kanila once na mahuli kayo get ready dahil you will faceconsequences.2nd Test how cold you are?"
Sabi muli ng boses
Biglang nagkausok sa paligid at bigla akong napunta sa isang pamilyar na lugar.
Napakunoot ang noo ko
SAITA! I know this place .
Dito nangyari ang pinakamalaking bangungot ng buhay ko
Napatingin ako sa nakikita Kong tao she's here again....
"Dae...Dae..."
Tawag niya sakin na nakapagpataas ng balahibo ko
Come on Ashlee Ilusyon lang ito.
"Dae....."
Tawag niya muli sa akin
She's not true I don't need to be scared...This is just a test.
"You're not Asmerah !"
Matapang Kong sabi
Napangiti naman ang nasa harap ko..
"Then kill me "
Mapanukso niyang sabi
Naglabas ako ng kuryente sa kamay ko at agad siyang sinugod mamamatay ako kapag hindi ako nagising sa bangungot na ito at ang tanging susi ay ang kamatayan niya.
Ngunit napatigil ako ng makita kong hindi siya gumagalaw hindi ko kaya. Isang inosenteng mukha.
Napatalsik ako ng hambalusin niya ako gamit ang kamay niya.
"You can't kill me..Then I will kill you!!!"
Sinugod niya ko pero agad akong tumayo at binalutan siya ng apoy.
Napamulat ako ng mata nakita ko uli ang kagubatan sinasabi ko na nga ba at bangungot iyon.
Napatingin ako sa paligid nakita kong nakapikit silang lahat tanging ang lalaki sa dulo ang nakita kong nakadilat.
He's looking at me and I don't know why
His red eyes are hypnotizing me....
Nakita kong naglabas siya ng maliliit na patalim sa isang pitik lang mabilis akong tinungo ng mga patalim niya naglabas ako ng napakainit na pwersa agad naging abo ang mga patalim nang malapit na sa akin.
Bakit niya ko pinapatamaan ?
Nakita kong nagsisimula na magising ang iba pero makalipas ang ilang minuto hindi na nagising ang dalawang babae sa harap ko kinain na sila ng bangungot naglaho na sila sa harap namin.
"7 left...let's proceed to the 3rd round but before that I just want to inform you na hindi na kayo pwedeng umatras maaring hindi na kayo buhay na makaalis dito "
Sabi ng boses
"Ang BMU ay may limang sections.Una ang Syielle Section kung saan ang tanging kapangyarihan ng mga estudyante doon ay sixth sense gaya ng teleportation,telekinesis,mind reading sa mga ordinaryong tao at iba pa pero isa lang ang kaya nilang gamitin sa lahat ng sixth sense.
Their famous line is 'Run as long as you can because if you stop you'll die' doon mapupunta ang tatlo kung sakali mang magising ang mga ito.May mga failed enrollees na pwedeng maenroll sa BMU ang maituturing lang na bagsak ay kapag namatay ka sa test remember that. 3rd Round Shoot The Center.Dapat ang 10 bala niyo sa baril ay tatama sa pinakagitna walang labis walang kulang"
Sabi ng boses
Nagkaroon ng isang pabilog na board plain black lang siya sobrang layo niya sa kinatatayuan namin parang isa lang siyang tuldok nagkaroon ng baril sa baba namin kinuha ko iyon sampung bala lang ang meron sa baril na hawak ko at dapat lahat tatama sa napakalayong bilog na iyon na wala pang sukatan dahil plain lang siya .Ang iba ay inaasinta palang ang board napatingin kami sa lalaki kanina ng sunod sunod niyang pinaputok ang kanyang baril.
That guy with a red eyes...
Pagkatapos ay gamit ang kamay naglabas ito ng apoy nalusaw ang baril at naghulmang kutsilyo ng mawala ang apoy ay yung kutsilyo naman sa kamay ang initsa niya patungo sa board.
Pagkatapos ay tumingin siya sakin he's handsome like cupid. Perpekto ang bawat sulok ng mukha.Wala kanang maiipintas sa kanya sa sobrang gwapo I admit it.
Tumingin ako sa board niya iniactivate ko ang kakayahan ng mata ko para makita ko ang napakalayo na board sapul lahat sa gitna pati ang kutsilyo saktong sakto.
There is something I can't explain about this guy.
Tumingin ako sa board ko saka ko sunod sunod na pinaputukan ito sapul ang gitna sinunog ko sa kamay ko ang baril na hawak ko hanggang sa maging abo ito tumingin ako sa lalaki kanina he's not looking at me anymore .
Napairap nalang ako nang matapos ang laban natanggal ang isa at naglaho dahil isa sa bala niya ay sumobra ng kaonti .
Anim nalang kami...
"Anim nalang kayo maghanda kayo sa susunod na laban .Ang ikalawang section ay tinatawag na Eclyps Section kung saan ang mga estudyante doon ay may kakayahang makakontrol ng mga elemento katulad ng tubig, apoy, hangin, lupa at iba pa pero hindi nila kayang gumamit ng sixth sense at isa lang ang kaya nilang gamitin sa mga elemento their famous line is 'Be careful we kill I kill'.4th Round Die or Live Kakalabanin niyo ang mga prof ng BMU one vs one dalawa lang ang choice siya ang mamamatay o ikaw"
Nagkaroon ng maliit na portal sa harap namin
Naunang pumasok yung lalaki sa may tabi ko and it took an hour bago siya makalabas ng pagod na pagod since ako na ang kasunod pumasok ako bumungad sakin ang madilim na classroom.
"Welcome Ashlee Dae. Prof ako ng pinakamataas na section sa BMU kaya mo kaya akong talunin sa loob ng sampung minuto ?Kapag hindi mo nagawa yon ikaw ang mamamatay "
Sabi sakin ng lalaking nagtatago sa dilim
"10 minutes pero kanina oras ang hinintay namin bago lumabas yung lalaki"
Sabi ko
"Ibat iba kayo ng pagsusulit"
Sagot nito
"3 minutes tapos nato"
Sabi ko sa kanya
Napatawa siya at pinaulan ako ng bala umilag lang ako at lumapit sa kanya
Naglabas siya ng kumunoy kaya napatalon ako in 20 seconds tapos nato napatigil siya ng pumulupot sa kanya ang mga maliliit na sinulid napangiti ako bitag ka
"P-paanong?"
Gulat niyang tanong
Sinaksak ko siya ng isang nagaalab na patalim.
Tsk liar hindi siya prof ng pinakamataas na sections.Hindi ganito kahina ang propesor na humahawak ng pinakamalalakas na mga estudyante.
Nagkaroon ng portal sa harap ko tapos na ang laban pagkalabas ko
"Minuto lang ang lumipas"
Sabi sa akin ng isang babae.
Yung isa naman ang pumasok pero nang magbukas ang portal hindi na siya lumabas failed pumasok na yung isa pa hanggang makarating sa lalaki kanina.
Pumasok siya pero ilang Segundo palang ang nakakalipas lumabas na agad ito.Kahanga hanga ang taglay niyang lakas. Tapos na ang 4th round 5 nalang kami ..
"Now kayong lima Cory ,Manuel,Ashlee,Yana at Alexander malalaman niyo ang ikatlong section ang section Crylitalz kung saan ang mga estudyante ay kayang gumamit ng isang sixth sense at isang elemento their famous line 'Pray for your sins now.Your Death is here.Ang pang apat na section ay ang Exe Kills ang mga estudyante na may kakayahang makapagkontrol ng dalawang Elemento at dalawang Sixth Sense their famous line is 'Welcome to my house the hell'.Ang makakapasa sa Round nato ay malalaman ang ikalimang section ng BMU at hahawakan ang libr ng BMU.Matira ang matibay there are only one rule at ang rule nato ang dadalhin niyo sa eskwelahan.'To Kill or to be killed' ang unang mamamatay ang ituturing na failed ang pangalawang masusugatan sa palad ay maglalaho at ang pangatlong masusugatan sadalawang palad ay mawawala last round will be the most hardest test matira matibay "
Bigla akong umusog palayo sa kanila eto na kalaban na namin ang isat isa dapat kong mahawakan ang BMU book para malaman ko ang lahat hindi ko hahayang masugatan ako sa laban sisiguraduhin kong hindi ako mamamatay .
Lumitaw ang isang black with yellow color book sa gitna umiilaw ito at may nakasulat na Blackthiana Ministry University this is it ang unang makakahawak dito ang siyang makakapasa at magkakaroon ng kaalaman sa BMU ang thrill pa dito may nagbabantay din sa tabi nito little monster creature kahit maliit siya alam ko na malakas ang halimaw na ito .
Nagsimula na ang laban sa nakikita ko lahat sila may kakayahang gumamit ng elemento pero isa lang ang kaya nilang gamitin siguro ay sa Crylitalz o Eclyps section sila maaaring mapabilang pero ako hindi ko alam napakunoot ang noo ko nasan ang lalaki kanina ?
Luminga ako sa paligid
"Ako ba ang hinahanap mo?"
Bigla akong napalingon sa likod ko paanong hindi ko naramdaman ang presensya niya?
Tumambad sa akin ang gwapo pero walang expresyon niyang mukha.
"Saita !!Bakit kita hahanapin jerk!"
Sigaw ko sabay sipa ko sa kanya
Medyo napaatras siya
Sinipa niya rin ako pero napailag ako naglabas ako ng apoy sa kamay siya naman ay naglabas ng umiikot na tubig.
Hinihintay ko siyang sumugod pero mukhang ganon din ang ginagawa niya napailag ako dahil sa presensyang naramdaman ko mula sa likod ko isang napakatulis na sibat.Dahil umilag ako patama sa lalaki na kalaban ko ang sibat pero sinapo niya ito ng dalawang daliri niya at pinutol sa harap ko.Niyayabangan ata ako nitong isang to.
Mas nilakasan ko pa ang apoy ko pero nabaling sa iba ang atensyon namin sa isang babae na may itim na buhok maputi pero mas maganda parin ako sa kanya tsk.
Nagalabas ito ng ipo ipo tsk hangin pala ang kapangyarihan niya.
Tumalon siya papunta sakin at hinahampas niya ang nakakamatay niyang hangin lahat ng daanan nito ay nahihiwa. Dahil sa hangin siya pumadyak ako sa lupa biglang nagkaroon ng mga malalaking pader at ikinulong ko kami sa isang parang bahay na walang bintana o pinto tignan natin kung makakuha pa siya ng hangin
Unti unting nawala ang ipo ipo niya
Luminga linga siya sa paligid
Third Person POV
Nanlalaki ang mga mata ni Cory hindi niya alam kung saan siya kukuha ng hanging ngayong nakakulong siya sa isang lupa na gawa ni Ashlee.
Mula sa paa ni Ashlee ay nagsimulang lumabas ang tubig hanggang sa bumaha na sa loob ng lupa
"Surrender I surrender !!! Pakawalan niyo ko!!"
Natatakot na sabi ni Cory hindi niya alam na makakatapat niya ang isang napakalakas na enrollees.Akala niya ay sapat na nag kapangyarihan niya upang makapasa.
"No no dear ..May Rules tayo dito kill or be killed"
Nakangising sabi ni Ashlee at tuluyan nang nilamon ang lahat ng tubig kung saan sa ilalim nito isang napakaganda at napakalambing na boses ang maririnig mo na magdadala sayo sa kamatayan.
Mabilis na gumalaw si Ashlee sa tubig at sinugod ang babaeng kumukontrol ng hangin ..
Naglabas siya ng patalim sa mga kuko at nang makalapit na kay Cory ay malakas na sinuntok niya ito sa dibdib.
Tumagos ang kamay niya sa dibdib nito pero nagulat si Ashlee kasabay ng pagbaon ng kamay niya ay siya ring paglabas ng isang kamay sa kaliwang dibdib ng babae gaya ng kanya tumagos din ito.
Nawala ang umaapaw na tubig nawala ang kulungang lupa akala mo isang hologram lang ang lahat na bigla nalang naglaho.
Tumulo ang dugo ni Cory kasabay non ay ang pagbagsak ng kanyang ulo.
Tinignan ni Ashlee kung kaninong kamay ang nasa kabila napakunot ang noo niya.
Ashlee POV
She's dead..I killed her...No we killed her...
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang taong nagmamayari ng kamay.
Its him again...
Nakasama pala siya nang gumawa ako ng malaking lupa.
Tinanggal kona ang kamay ko pati rin siya bumagsak ang katawan ng maputing babae sa lupa.
Naglaho narin ang katawan nito.
"Jerk"
Tawag ko sa lalaking may pulang mata pero napakunot ang noo ko ng makita kong itim na ang kulay nito
Tsk wag mong sabihin katulad ko nagbabago din ang mga mata niya.
"b***h"
Sabi niya sakin
Napangiti naman ako
"I'm not a b***h jerk Demonyo ako"
Nakangisi kong sabi
Napatsk naman siya
"Tuta kalang wag kang mag assume at hindi ako jerk baka makilala mo ang pagkademonyo ko"
Sabi niya sakin
Ako tuta?
Hes out of his mind
Sa ganda kong to tuta?
"Hella"Sabi ko
Hindi ko na patatagalin pa ang laban na ito
Pinagalaw ko ang mga puno sa paligid lahat ng halaman na nakikita ko pagkatapos ay iginapos ko ang tatlo kasama ang dalawang naglalaban sinamahan ko ng bakal na nasusunog ang mga tali sa kanila.
Napasigaw sila .....
Silang dalawa pero si jerk nakatingin lang sakin inirapan ko siya.
Gamit ang halaman ibinuka ko ang palad ng lalaki at nung babae saka ko hiniwaan ang dalawang palad nila mga weak.Hindi man lang nakawala sa pagkakagapos.
Biglang naglaho ang dalawa now itong jerk nalang ang natitira.
Siya nalang ang kalaban ko.
Nakawala siya sa pagkakagapos hella
Pinaligiran ko ang lahat ng yelo pero agad na nalusaw dahil sa apoy na inilabas nito.
Nasira ang gloves ko sa kamay lumabas ang tattoo ko pero agad ko ring tinakpan.
Lumipad ako sa ere at ginawang kumunoy ang lupa pero saita!
Lumipad din siya ibang klase talaga nakakalipad rin siya.
"1 minute and your test will end "
Sabi ng isang Boses
Saita!May oras ang laban.Agad kong tinungo ang libro biglang nasunog ang halimaw doon at sumabog ng paulanan siya ng Jerk ng apoy.
Hahawakan ko na sana ang libro ng sipain niya ang kamay ko.
Sinuntok ko siya at napailag siya.
Umikot ako sa ere saka ko siya tinapunan ng mainit na tubig pero bigla niyang sinangga ito ng payong na yelo.
Ginawa kong lava ang kanina ay mainit na tubig pero still hindi natininag
Sinuntok ko ang yelo at nabasag iyon sa kanya.
Nagkagasgas ito sa mukha
10...9....8....7
Segundo nalang sinipa ko siya ng napakalakas pero nasangga niya iyon.
6.......5...4....3.....
Wala nakong pakielam basta hinawakan ko ung libro nakita ko rin ang kamay niya na nakahawak dito may suot rin siyang gloves pero napansin ko ang sing sing niya alam ko ang markang iyon.
2....1....
The next I knew lumiwanag ang lahat
"Congratulations Ashlee Dae Rinowa and Alexander Klein pasok kayo sa BMU....
At ang ikalimang section ang papasukan niyo ang Bloody Familia..."
Nandito kami sa room isang maliwanag na room nagsisign nako para sa officially enrolled student.
Nagtabla ang laban pareho kami na nakapasa at ang mga tingin samin ng mga prof ay parang namamangha na hindi mo malaman.
"Napakalakas....Sa dinami dami ng estudyante ngayon lang ako nakakita ng ganitong estudyante mas lumakas pa kayo ah at ngayon ko lang nakita na ang isang angkan Klein at Rinowa ay magkasama sounds good pero mukhang ..."
Napatingin ito sa mga kasama niya at napalunok pa
"Mukhang malaking Disaster ito sa hinaharap.The Son of-"
Napatigil ang prof nang magsalita si Alexander klen? klan? what ever I dont care sa kanya.
"Sabihin mona ang dapat malaman dahil nauubos ang oras ko dito"
Seryosong sabi nito.
Nagkatinginan ang mga prof
Seriously hindi ko sila maintindihan pero may nabubuo na sa isip ko dahil sa singsing na nakita ko
"I'm sure alam niyo na ang nilalaman ng libro ng BMU mahalaga yon at napakahirap malaman congrats sa inyo dahil nalaman niyo ang ikalimang section Ang Bloody Familia ang pinakamataas na antas ng BMU
Nandoon ang mga unordinary na kayang gumamit ng apat na elemento at apat na sixth sense pero sa nakikita ko nahigitan niyo pa
Their famous line is 'You only have two choices die or die welcome to hell.Anyway ipapatawag konalang kayo sa araw ng pasukan I enjoy niyo na ang buhay niyo sa mundong ito maaari na kayong umalis"
Mahabang litanya ng prof
Sabagay ano pabang sasabihin niya samin e nabasa na namin ang libro tsk.
Naglaho nako at nagteleport sa bahay.
Magkikita na naman kami dadanasin ko nanaman ang dusa at pasakit na walang hanggan.