I
Ashlee POV
Hawak hawak ko ngayon ang form ng BMU (Blackthiana Ministry University). Isang eskwelahan na kilala sa buong mundo kung saan nag aaral ang mga di pang karaniwang mga nilalang na tulad ko
Oras na muli upang magenroll. Anyway kailangan ko muna basahin ang mga bago nilang patakaran ng sa ganoon ay hindi ako magmukhang mangmang.
Binuklat ko ang hawak hawak kong maliit na form na may itim na pabalat. Nakaukit doon ang buong pangalan ng eskwelahan. Ang mga letra nito sa harap ay kulay dilaw na parang isang ginto.
-------2016------
Welcome to Blackthiana Ministry University
The university of supernaturals people. One of the most prestigious and well known university in the world that consist of unordinary students. Blackthiana Ministry University (BMU) is devoted to excellence in teaching ,learning and developing great leaders who will make difference globally.
Enrollment is now on going!
There is only one rule in this university. To kill or be killed
--------------------
Ito ang mga paunang salitang nakalagay sa unang pahina ng libro matapos noon ay isinarado kona. Nabasa ko na lahat sa isang buklatan lamang.Isa yan sa mga katangian ko basta hinawakan ko lang ang isang libro at mabuklat ang mga pahina nito ay kahit hindi ko basahin kusa nang napupunta lahat ng nilalaman nito sa utak ko.
Hindi ba at kahanga hanga na hinid ko na kailangan pang magsayang ng ilang oras sa pagbabasa para lamang malaman ang buong nilalaman ng isang libro. Sa loob ng isang minuto ay ilang libro ang kayaking tapusin at pinagpapasalamat ko na kayang sabayan ito ng aking utak. Hindi pa naman ako nababaliw sa dami ng mga impormasyong pumapasok dito.
Ngayon naman ay magfifill out nako ng form para makapag enroll na sa University na ito. Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin kong hindi na lamang magpatuloy o mag enroll sa University na ito. Mas gugustuhin ko na mag aral na lamang sa ordinaryong paaralan ngunit hindi maaari pagkat ako ay naiiba. Isa pa may mga responsibilidad akong dapat tapusin. May mga malalaking bagay na naka atang sa balikat ko na hindi ko maaaring takbuhan. Hindi pala, hayaan niyong ayusin ko ang maling pangungusap na sinabi ko pagkat maaari ko silang takbuhan pero hindi ko sila kayang takasan pagka’t habang nabubuhay ako ay patuloy nila akong susundan. Patuloy nila akong guguluhin. Patuloy nila akong babangungutin. Kailanman ay hindi ako lalaya
Napapikit ako nang maalala muli ang masalimuot na nakaraan. Mga nakaraan na kahit anong pilit kong kalimutan ay hindi nabubura sa aking isipan. Mga nakaraang hindi ako tatantanan habang ako’y nabubuhay. Mga nakaraan na lagi akong pinarurusahan. Bigla akong dumilat at umiling iling. Kung patuloy ko iyong iisipin ay makukulong lamang ako muli sa aking bangungot at muli nito akong pababagsakin
Tinignan ko ang form na hawak ko . Let's see hmmmm... Hindi naman ganoon kahaba ang dapat kong punan. Bilang lang ang mga tanong dito. Hindi katulad ng mga sinasagutan na mga form ng mga tao dito sa mundong ibabaw na kay raming dapat sagutan.
Pangalan : Ashlee Dae Rinowa
Edad : 18 years old
At sa bandang pinakababa nito ay may isang hindi kalakihang parisukat at sa baba noon nakalagay ang lagda
Yan lang ang tanong sa form na hawak ko. Sobrang dali lang hindi ba? Isusulat mo lamang ang iyong pangalan at edad saka mo lalagyan ng iyong lagda
Ngunit kung gaano kadali ang mga sinagutan mo sa papel ay ganon naman kahirap ang pagsusulit ang gagawin mo. Mga pagsubok na kailangan ng lakas at talino. Mga pagsubok kung saan maaari na maging kapalit ng buhay mo kung hindi ka mag iingat
Nilagdaan ko ang papel saka ko sinugatan ang aking hinlalaki sa kanan kong kamay at saka ko idiniin sa papel ang dumugo kong daliri .
Dugo mo ang magsisilbing pirma at kumpirmasyon mo sa form na iyong sinagutan. If you can't do that mas lalong hindi ka makakapasok sa BMU kung yun lang ay hindi mo kayang gawin tsk.
Biglang namang naglaho ang hawak hawak kong papel na aking sinagutan . Paniguradong napunta na iyon sa enrollment list ng Blackthiana Ministry University (BMU). Sila na ang bahala sa lahat ng impormasyon mo at identity wala ka nang problema pa. Kamangha mangha hindi ba? Iyan ang nagagawa ng isang mahika.
*Bzzz* tunog ng aking phone
Ilang minuto lamang ang nagdaan nang may pumasok natext sa phone ko.
From: Blackthiana Ministry University
Yan lang ang nakalagay sa nagpadala walang numero
Ashlee Dae Rinowa
Natanggap na namin ang iyong rehistrasyon at ito ang
mga impormasyon patungkol sa iyong pagsusulit
Oras: 7:00 pm
Kailan : Bukas
Saan : Sa bukasang portal sa harap ng Blackthiana Ministry University (BMU)
Inaasahan namin ang iyong pagdalo
Warning:
NO WEAKS ALLOWED. ONCE YOU ENTERED THE TEST ROOM THERE IS NO TURNING BACK
YOU CAN DIE SO THINK WISELY BEFORE ENTERING.
SEE YOU TOMORROW AND GOODLUCK!!
Yan ang nilalaman ng mensaheng ipinadala nila psh. Kapag pumasok ka na sa silid pagsusulit ay maaari o pwede ka pang umatras at maisasalba mo pa ang iyong pinakamamahal na buhay ngunit kapag na sa ikatlong pagsusulit ka na o higit pa ay wala ka ng boses pa para sumuko kahit gustuhin mo pa. Maswerte ka kung hindi ka mapapatay pagka’t iyon ang mga pagsusulit na humihingi ng mga buhay. Pagsusulit na kung hindi mo kayang lumaban ay mamatay ka na sa silid na iyon at bangkay mo na lamang ang uuwi sa iyong pamilya. Lubhang mapanganib hindi ba? . Isipin mo mageenroll kalang pero maaaring hindi mo na makita pa ang liwanag ng umaga.
Napakunot ang noo ko I can see through my eyes na may padating. At sino naman ang maglalakas loob na lumapit sa mansyon ko?
Napairap na lang ako ng nakita ko kung sino ang mga babaeng papalapit dito wala ng iba pa ang aking mga ka grupo.
The Hellish Gang.
Hindi naman mapagkakailang kinatatakutan ang grupong ito sa mundo ng mga tao. Pagka’t grupo ito ng mga nilalang na hindi ordinary tulad nila
ASHLEE DAE POV
"Anong meron?" Seryoso kong tanong sa apat na babae sa harap ko
"Tara sa underground mamaya pupunta roon yung isang grupo na puno ng mga b***h at asshole"
Nakangiting sabi ni Aiken sa akin
Sounds good mukhang meron nanamang buburahin na mga tao sa mundong ibabaw ang Hellish Gang
Underground kung saan nagkukuta at nagkakasiyahan ang mga halang ang mga bituka puro malalakas pero mga kapwa ordinaryo lamang ang mga tao roon. Kung baga club iyon ng mga masasamang tao sa mundo ng mga mortal. Mukhang makakakita na naman ako ng dumadanak na dugo. At alam niyo ba na iyon ang pinakagusto ko? Ang makakita ng dugo. Hindi niyo ako masisisi. Mula pagkabata ay nakakakita na ako ng pagdanak ng dugo. Kinatatakutan ko iyon hanggang sa makasanayan ko na at naging paborito ko pa. Masyado atang epektibo sa akin ang mga ginawa ng aking mga magulang. Napalaki nila ako sa kung paanong gusto nila. Ganito nga ata ang mga taong lubos na nasasaktan. Binabalot ng kasamaan ang pusong kabutihan.
"I got you. How come na nakilala nyo sila?"
Tanong ko sa aking mga kaibigan
"Binangga nila ako kahapon Ashlee. Akala mo kung sinong magagaling kung pagsalitaan ako kahapon. Nagpapakamatay na ata sila. Sino ba naman kasing tanga ang babangga kay kamatayan"
Sagot ni Meorah
Psh kaya niya naman patumbahin ang mga yon inaya pa talaga kami ng babaeng ito
"Bakit hindi mo na tinuluyan? Kahit isang libo pa yan alam natin na kayang kaya mong patumbahin ang mga iyon. Talagang nag aya ka pa"
Tanong ko sa kanya
"Hoy tumigil ka Ashlee! Ikaw lang talaga sa atin ang lumalaban mag-isa hindi nagshashare ng kalaban. Hindi ba namin maintindihan kung bakit lagi mo kaming iniiwan sa tuwing nasa laban ka. Minsan tuloy nakakatampo na parang hindi mo kami kagrupo "
Singit ni Jedia
Tumingin lang ako sa kanya pagkatapos tumingin uli kay Meorah
“Nagtatampo pala ang demonyo” ani ko at nagsmirk
“Alam mo ba ang kasabihan ?Na kahit ang demonyo ay umiiyak sa tuwing naaalala niyang pintulan siya ng pakpak” sabi sa akin ni Jedia
Kailangan kaya ako iiyak? Poot lang aking nararamdaman wala ng iba pagkat nasa ilalim ako ng kanilang mahika. Siguro pagdating ng sinumpang araw doon ko lamang mararamdan ang bumubugsong damdamin at siguro doon lang muli tutulo ang aking luha
"Hindi kasi ako nakahide ng identity kahapon. Makikilala nila ako sa oras na gumamit ako ng mahika laban sa kanila. Ano na lamang ang sasabihin sa balita? Isa sa mga miyembro ng Hellish Gang ay nakilala na. Pagkatapos ay hahanapin nila ako at ihuhunt down at pag nalaman yon ng gobyerno siguradong kahit saang sulok ay hahanapin nila ang mukha ko. Paano ko pa maiienjoy ang mundong ito ng walang suot na maskara"
Mahabang palusot ni Meorah
Psh
"Dont fool me pwede monang kitilin ang buhay nila ang sabihin mo gusto mo pumunta uli sa Underground ang dami mo pang sinasabi"
Sabi ko sa kanya at napairap
"Ok ok yun na nga"
Pag amin nito
“Ano naman kaya ang lagi mong pinupuntahan sa underground Meorah. May hinihintay ka ba roon at palagi ka na lamang doon naglalagi” ani ko sa kanya
Umiwas siya sa aking ng tingin
“Wala naman. Doon ko lamang nakilala ang taong minamahal ko. Doon niya ako unang iniligtas” malungkot na sabi nito
“Nagmamahal ka pala” sakrastikong sabi ko
“Parang ikaw naman hindi” sakrastikong pabalik niya sa akin
“Ni minsan hindi ako nagmahal” sabi ko
“Sinungaling. Lagi mo ngang nababanggit yung lalaking minsang nagligtas sayo” sabi niya sa akin
Napaismid naman ako
“Nababanggit ko lamang siya pagkat kamiste misteryo ang kanyang presensya na tila ba laging nandyan. Ngunit hindi ibig sabihin non na siya ay aking iniibig wala sa bokabularyo ko ang umibig. At sino naman ang iibig sa taong minsan mo lamang nakita” paliwanag ko sa kanya
“Alam mo Meorah hayaan mo na yang si Ashlee. Malamang ilusyon niya lamang iyon. Ikwento mo na lamang yung taong sinasabi mong nakilala mo sa underground. Ang ibig mo bang sabihin ay umibig ka sa isang ordinaryong nilalang?” tanong na singit ni Rein
“Oo nga ni minsan ay hindi mo siya nabanggit sa amin” ani ni Jedia
“Wala ng saysay kung ikwekwento ko pa sa siya sa inyo pagkat matagal narin mula ng mawala siya. Mula ng maghiwalay kami ng landas” ani ni Meorah
"Pwede ba kung magchichismisan lang kayo wag dito sa mansyon ko. Nainform niyo na ako. Now get out"
Walang habas Kong sabi
Napairap naman sila sa akin
"Just make sure na pupunta ka bukas ha. Hindi kumpleto ang Hellish Gang kung wala ang isa sa atin "
Sabi ni Rein
"Fine"
Tipid Kong sagot sa kanila
Bigla naman silang naglaho sa harap ko.Teleportation.
Psh Hellish Gang ang gang ko kilalang kilala sa buong mundo madalas kami hinuhunting ng gobyerno pero syempre nakakatakas kami at nagagapi namin ang kanilang lakas. Pero napapansin ko na habang nagtatagal ay lumalakas ang pwersa ng mga tao dahil sa kanilang teknolohiya.
Nakatago ang aming identidad sa pamamagitan ng pagsuot ng aming maskara. Makikilala mo kami dahil sa mga burdang nakalagay sa aming kamay na kaya naming kontrolin kung kailan lalabas o hindi. As I said earlier hindi kami ordinaryo.
Siguro ay nagbibigay threat sa kanila ang mga tulad namin kaya gusto nila kaming gapiin. Balita ko rin na gusto nila kaming pag aralan. Siguro nga ay hindi kami nabibilang sa mundong ito. Sa Black Portal talaga kami nabibilang. Pero wala akong pakialam kung hindi kami nabibilang dito. Pupunta kami rito kung kelan namin gusto. Gagawin namin kung ano ang aming gusto.