Ashlee POV
Hindi ko malaman kung ano ang bago kong kapangyarihan tinataglay.
Nakakapanibago parang mas lumakas pa ako well I can say that's good and much better.
Tumayo ako sa kama ko at tumingin sa malaking bintana na ito napakalaki talaga ng Black Portal kaya pinag aagawan tsk.
Biglang may nagbukas ng pinto.
Kahit Hindi ako lumingon kilala ko na kung sino ito.
"Princess Ash"
Mahinang tawag niya sa akin.
"Can you please stop calling me princess it kinda girly drop the word princess I don't like it"
Sabi ko sa kanya ng hindi siya nililingon.
"Okay fine"
Maikling sagot niya sa akin
"Why are you here?"
Tanong ko sa kanya saka tumingin dito
Medyo napakunot naman ang noo niya.
"Look at yourself Ash may nagbabago sayo senyales lang na mas lumalakas ka"
Sabi niya sakin.
"Please be direct to the point alam ko na hindi ka pumarito upang sabihin sa akin yan kaya anong pinunta mo rito?"
Sabi ko sa kanya
"Nakasagap ako ng balita nakaharap mo daw ang mga miyembro ng D-"
"So?"
Putol ko sa kanyang pagsasalita
Rude right? I don't care kahit kuya ko pa siya.Ito na ang binunga ng mga nangyari sa akin noon.
Ito ang bunga ng ginawa nila sa akin noon.
"Nothing bigla ka kasing nawala "
Aniya sa akin
Napairap ako sa sinabi niya.
"It's none of your business mamatay man ako o hindi wala ka na don"
Sabi ko
"It's my business to know if you are alright. You're my little sis remember? Hindi mo pwedeng ialis sa akin ang pag aalala sayo"
Sabi nito.
"Get out!" Pagtataboy ko
Hindi ako mapapaamo ng mga ganyang mga salita.
Hindi mapapalambot ng kahit sino ang batong puso at isa pa ay marami na rin akong iniisip at ayoko ng abala.
Lumabas naman na ito.
Lumabas ako aming palasyo.
Nakasalubong ako ng mga taga BMU they don't know who are me dahil iba ang suot ko na .Nakasuot ako ng cape na may hood idagdag mo pa ang suot suot kong maskara.
"Anong tinitingin tingin niyo?" maldita kong pagtatanong.
Mukha namang nayabangan ang iba sakin.
"Ang yabang mo ha. Kung maka asta ka ay parang ikaw ay isang reyna. Mukhang naliligaw ka ata ng landas alam moba kung anong section ang nandito ha"
Sabi ng isang babae sakin na may kayabangan ang tono
"Hindi saan ba?"
Maang maangan kong sagot.
"Teritoryo to ng Exe kills Section Welcome to our house the hell"
Nakangisi nitong sabi sa akin saka ako sinuntok pero sa kasamaang palad nasapo ko ang kanyang kamao
Bumwelo pa ito at sisipain ako pero nasangga ko nanaman ang sipa niya.
Napatingin ako sa paligid.
Lahat sila ay namamangha na tila ba isang batang ngayon lang nakakita ng sasakyang kabayo sa may perya.
Hindi na bago sa akin ang mga ekspresyon na iyan
Madalas ko iyang makita sa tuwing ako’y nakikipaglaban.
"Ikaw ba ang pinakamalakas dito?"
Tanong ko sa babaeng kaharap ko
"Ano ba sa tingin mo?"
Patanong na sagot nito na may yabang parin sa tono kahit napapahiya na
"Hindi"
Matipid Kong sagot sa kanya
"Mayabang ka talaga akala mo kung sinong malakas ka sino kaba ha?!"
Maangas na tanong nito sa akin
Oh dear dapat hindi mo na tinanong.
"Sure why not? Tutal ay tinanong mo na ako gagamitin ko narin ang pagkakataong ito para bigyan ka ng die or die"
Nakangisi kong sabi sa kanya.
Medyo napakunot ang noo tsk stupid girl
"Saita!!Taga Bloody Familia yan !!Takbo!!"
Sigaw ng isang lalaki.
Kanya kanya sila ng pulasan.
"STOP OR DIE??!"
sigaw ko
Lahat sila na nandoon ay nagsitigil.
Ang nasa harap ko naman ay nananatiling nakatayo.
Nilapitan ko siya .
“Hindi niyo dapat ginigising ang isang dragon. Let me give you an advice” malambing kong sabi dito
"Pity..Hindi mo dapat kinakalaban ang isang estudyante na galing sa Bloody Familia at hindi mo dapat binabangga ang isang
.
.
.
.
.
.
.
Rinowa"
Madiin na sabi ko dito saka ko siya sinaksak ng matulis na kahoy.
Napasuka ito ng dugo.
Nasan na ang angas niya kanina na akala mo pag aari niya ang teritoryong kinatatayuan ko? Patawa. Ang buong lupain na ito ay pag aari ng mga Rinowa
"A-A-Ashlee "
Tawag nito sa pangalan ko at nalagutan na ito ng hininga.
Tumingin ako sa paligid lahat sila alerto.
"May babangga pa?Sino ang nakapanig sa angkan ng Klein?!” Sigaw ko sa kanila
“SAGOT?!!!"
Pag uulit ko.
Walang sumasagot
Mayamaya pa isang matandang babae ang tumayo sa harap ko siguro ay professor siya sa seksyon na ito.
"Ako! Ako Ashlee nakakampi ako sa panig nila! Hinding Hindi ako papanig sa napakasama niyong angkan! Pinatay ng mga magulang mo ang anak ko pinatay nila!! Pinatay niyo si Asmerah!!!" Sigaw nito sa akin
Napatigil ako sa sinabi niya si Asmerah Asmerah nanaman gusto ko na makawala sa bangungot na iyon! Bakit kahit gaano na katagal o kahit nasaan ako ay binabangungot ako ng kanyang pangalan.
Pero tingnan mo nga naman kaharap ko ngayon ang ina ng babgungot ko.
Napipikit ako
"Tandaan mo ito pati na kayong lahat. Saksi ang lupa at kalangitan na sa mga oras na ito ay hahayaan ko kayong mabuhay pero sa araw na magkita muli tayo ay sinisiguro ko sa inyo na iyon na ang araw ng iyong kamatayan"
saad ko sa kanila saka naglaho paalis sa lugar na iyon.
Saita!
Mhike POV
"Ano sa tingin mo paano ko lalapitan ang babaeng iyon?"
Tanong ko sa kanya.
Matapos akong tamaan ng bala niya ay pinabugbog naman ako sa mga kagrupo niya.
Lubhang makapangyarihan nga ang prinsesa ng mga Rinowa. Nasaksihan ko iyon noong hindi niya makontrol ang labis labis na kapangyarihan noong magkaharap kami sa DB
Napayuko ako ng maalala ko siya. Hindi ko alam na madalas pala kami magkita.
Siya pala ang taong lagi naming kinakalaban.
Napakatanga ko para hindi siya makilala. Saita!
"Stop thinking of her. If you don't stop she will just ruin you"
Napatingin ako sa kanya.
Iba talaga itong nilalang na ito nababasa niya ang isip ng isang hindi ordinaryong nilalang. Wala pang sinong nakakaalam ng bagay na iyon maliban sa amin.
"Hindi mo matatakasan ang nakaraan mo. Kailangan mong harapin ito "
Sabi ko sa kanya
Matiim na tumitig lang ito sa madilim na kalangitan.
Natapos na ang snow season at ngayon iba na naman senyales lang na malapit na magsimula ang pasukan.
Matagal na walang imikan ang lumipas sa bawat minute.
Hindi ko mabasa ang laman ng isip niya sa nakikita ko mas matalino pa siya sa ama niyang si Black Demon.
"Stop it"
Bigla itong nagsalita.
"Stop what?"
Naguguluhan kong tanong.
"Itigil mona ang misyon mo Kay Ashlee Dae Rinowa "
Sabi niya sakin.
Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.
"Sinubukan lang kita"
Dugtong nito.
Napasmirk ako.
Sinasabi kona nga ba at may dahilan kung bakit niya pinagawa iyon.
"Sa panahon ngayon wala ka nang mapagkakatiwalaan"
Sabi nito sa akin
Hindi ko alam ang takbo ng isip niya.
"You can go now"
Sabi niya sakin.
Napaisip ako sa sinabi niya.
Anong gusto niyang iparating.
Nagsasanay kami ngayon ng mga ka gang ko lahat kami magkakalaban ganto lagi ang practice walang kaikaibigan.
Mga ilang minuto lang ay natapos na ang pagsasanay lumapit sakin si Meo.
Mukang alam ko na ang ibig sabihin nito.
"Walang makakaalam"
Sabi ko sa kanya
Halatang nagulat siya pero ngumiti rin ito agad.
"Napakagaling mo talaga Ash"
Sabi nito sakin.
Tinapik konalang siya pero napatigil ako ng mahawakan ko siya sa balikat.
Tila lahat ng nakaraan nito mapahanggang ngayon ay rumehistro sa isip ko.
Kilala niya ang isa sa mga miyembro ng Darkhell?
Ito ba ang bago kong kapangyarihan ang malaman ang nakaraan ng iba sa pamamagitan lang ng paghawak sa kanila?
Mas hinwakan ko pa siya at naging malinaw ang lahat ng rumerehistro sa isip ko.
Tama ako ito nga ang bagong kapangyarihang nakuha ko.
"Who's Mhike Sawyer?"
Napatingin si Meorah sakin ng itanong ko iyon
Meorah POV
"Who's Mhike Sawyer?"
Nanlalaki ang mga mata ko na tinignan siya.
Paano niya itong nalaman?
Ganto ba talaga katalino at makapangyarihan ang anak ng mga warriors?
"H-how?"
Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sakin.
"Don't worry no one will know about this"
Saad niya saka ito lumapit sa mga ka gang namin.
Napangiti ako hindi ko talaga makwekwestyon kung bakit naging leader siya ng gang.
Pero naglaho ang ngiti ko ng maalala ko si Mhike.
Saita!
Matagal narin yon pero sariwa parin ang lahat sa aking ala ala.
Dapat hindi ko nalang ito isipin.
Lumapit nako kila Ashlee hinahawakan niya pa sila Ai sa mga balikat at napapakunot ang noo nito.
Napangiti ako wala kang matatagong sekreto pagdating kay Ashlee Dae Rinowa .
Ashlee POV
Tsk.Lahat sila may sekreto na hindi alam ng isat isa.
Malaki ang maitutulong sakin ng kapangyarihang ito.
Nandito ako ngayon sa kwarto at nagiisip ng plano.
Bumukas ang pinto kaya napatingin ako dito.
"Go to my office now"
Maotoridad na sabi ni Papa.
Saka ito umalis.
Ano nanaman ba ang paguusapan namin?
Nang makarating ako sa office lumapit ako kay papa para hawakan siya ng makita ko ang nakaraan pero
"Don't you dare to touch me Ashlee I know what you're thinking you are entering a private property"
Sabi nito.
Napairap ako private ba kamo?
Tsk.
Nakita ko si mama na nakaupo sa tabi ng table.
"Ma"
Bati ko sa kanya.
Ngumiti lang ito.
"So bakit moko pinatawag Dad?"
Tanong ko dito
"I want you to declare a war over Klein's Clan"
Sabi ni Papa
"Seriously Dad? Hindi na kailangan dahil may war na ngayon na nagaganap"
Sabi ko Kay Dad.
"As expected Yan ang isasagot mo "
Sabi sakin ni Mama.
Bakit? Ano ba dapat?
"Hindi pa nagsisimula ang war my daughter malapit palang"
Sabi sakin ni Papa.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya
"Your Dad is right kaya maghanda ka "
Sabi ni Mama
"Ashlee I want you to.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kill Alexander Klein"
Sabi nito sa akin
Napatango ako great idea pero talaga namang uubusin ko ang lahi nila.
Jeyro POV
Saita! Saita! Saita!!
Hindi ako makaget over sa labanan na nangyari sa DB knowing na nagkita kami at siya pala ang nagtatago sa maskarang iyon.
How stupid I am para hindi siya makikilala? At worst ay nasaktan ko pa siya.
Napakabobo mo Jeyro
"Jeyro come here party tayo pre"
Tawag sakin nila Sky.
"Nagagawa niyo pang magsaya tsk.Alam natin na ano mang oras ay maaaring sumibol ang isang digmaan ngayong narito na ang prinsesa ng mga Rinowa."
Wala sa mood kong sabi
Napatingin ako kay Alexander
Napaka seryoso nito at hindi mo mabasa ang iniisip.
"Masama ba? Kung ako sa iyo Jeyro magpakasaya kana dahil malapit na magtago ang mga ngiti natin sa labi. Ito na ang pagkakataon para magrelax"
Sabi ni Kenneth sa akin
Tumingin ako sa kanya.
"I know"
Maikli kong tugon.
May punto siya roon
"Kenneth is right sa oras na magpasukan mas lalaki na ang gulo ngayon nga magulo na e pano pa pagpasukan di ba?"
Sabi ni Sky sa amin
"Tsk.may magbabawal naman"
Sabi ko pero alam ko naman na walang silbi ang mga pulis dito
"Sa tingin mo kaya nilang bawalin ang dalawang anak ng mga Warriors?"
Tanong sakin ni Sky.
"Alam na natin ang sagot dyan"
Umupo nako at ininom ang alak sa maliit na baso.
Biglang tumayo si Alexander.
"San ka pupunta?"
Tanong ni Mhike
"Pagkatapos niyo dyan magsanay kayo wag niyo maliitin ang lakas ng mga ka gang nila Ashlee"
Saka ito naglakad palayo tsk Hindi man lang sinagot ang tanong.
"Snobber psh!"
Sabi ni Mhike
Uminom nalang uli kami.
Naalala ko si Ashlee ang leader ng Hellish Gang dalawa na kami ni Mhike na kalaban niya pero ni hindi man lang nadaplisan ang lakas Saita!
Sino kaya ang mas malakas sa kanila ni Alexander?
Matapos uminom ay nagsitayuan narin kami kailangan naming magsanay.
Kahit siya pa yon kailangan ko siyang kalabanin miyembro ako ng Darkhell at kalaban namin ang Gang nila.
Gangster Laban sa Mafias tsk.
Iisa lang ang binitawan ni Alexander na salita at pinanghahawakan namin iyon.
'Kapag laban laban lang wala ng iba'
Ashlee POV
Nasa labas ako ng palasyo at kung saan saan nagsususuot paano ay naboboring ako sa sa malaking tahanan na ito na wala namang kalaman laman.
Naghahanap lang ako ng papatayin .
Yes papatayin ! Hobby ko na ito ang pumatay tinuruan nila ako.
Sabagay they are Warriors kaya walang kaduda duda sa ugali ko.
Nandito ako sa isang lugar kung saan hindi sakop ng lupa namin nahahati kasi sa dalawa ang buong Black land.
Ang pagaari ng mga Rinowa at ang pagaari ng mga Klein.
Sa madaling salita lumalapit ako sa disgrasya. Kung hindi ito lupain ng mga Rinowa nasa lupain ako ng mga Klein
Nandito lang naman ako sa kuta ng mga kalaban but who cares. Hindi ako natatakot ako ang dapat katakutan.
May malaking gate sa harap ko sobrang taas nito at mukhang magandang sirain ang isang ito.
I can feel na may nakatingin sakin Hindi isa kundi dalawa tsk manood sila sa gagawin ko kung makielam sila I will kill them.
Mula sa mga paa ko nagsimula ang isang gumagapang na apoy patungo sa malaking gate na kaharap ko
Sisimulan ko na ang pagpasok sa kanila.
Hindi sila ang nararapat na nagmamay ari ng lupain na ito. Kami lang.
Malapit na sa Gate ang apoy ng pinigil ito ng gumagapang na tubig napatingin ako kung kanino nanggaling ito.
Dalawang mag-asawa nasa tingin ko at kung hindi ako nagkakamali sila ang namumuno sa angkan ng mga Klein.
They are perfect katulad ng mga magulang ko.
Magaganda at Gwapo but who cares meron pabang mas gaganda sakin.
Napangisi ako this will be a great day and a fun one
"What are you trying to do huh?"
Maotoridad pero calm na sabi ng lalaki psh who's this again?
"Destroying your gate "
Saka ako ngumiti ng nakakaloloko.
"Hindi mo ata alam kung nasaan ka iha"
Sabi ng babae sa akin
"Teka nasaan ba ako?"
Pagmamaang maangan ko.
"Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo"
Sabi sakin nung lalaki na halata sa mukhang hindi gusto ang mga nangyayari
"Kilalang kilala ko. Mr. Greco Liamer KLEIN. Kayo kilala niyo ba ang babangga sa inyo"
Nakangisi kong sabi