Third Person POV
"Showtime"
Saka ngumisi si Jed at Meo pumalit sila kay Ash dahil atat na silang makalaban ang Darkhell lalo na ngayon na napagalaman nilang ang leader ng Darkhell ay nanggaling sa matagal ng kalaban ng mga Rinowa.
Ang mga unordinary sa paligid ay enjoy na enjoy sa panonood ng laban ng dalawang malakas na mga grupo.Yun ngalang hindi kumpleto ang isang grupo.
Ang mga mata nila ay nakatingin lang sa apat na magkalaban.
Sino nga bang hindi maeexcite ang dalawang grupo na kinatatakutan nila ay naglalaban ngayon.Plus nandito pa ang anak ng dalawang kilalang warrior.
Masakit man ay dinukot ni Jeyro ang bala sa balikat.Baka mamaya ay malason pa siya.Hindi na bale isa naman sa kanila ay may kakayahang makatanggal ng lason nasa isip isip nito.
Jeyro POV
Saita!Ang lakas ng leader nila.
Ngayon pumalit naman ang dalawang kagrupo niya.
Naglabas ako ng maliliit na karayom sobrang liit pero matutulis at may kahalong lason.
Kumontrol ako ng kuryente muli sa kanang kamay pangbulag sa kalaban para hindi mapansin ang maliliit na karayom na nagkukubli sa mga daliri ko.
Sinenyasan ko si Mhike na ako na ang bahala sa babaeng may asul na mata tumango naman ito kitang kita ang mata nito sa medyo madilim na DB.
Walang pag aalinlangan na sinugod ko ito.Sinipa niya ko pero inilagan ko yun.Pinatamaan ko siya ng kuryente pero mukhang ginagamit niya rin ito ngayon kaya hindi ito tinablan.Palihim kong pinatamaan siya ng maliliit na karayom.Bigla itong napatigil sa pagsugod.Siguro ay naramdaman nitong bumaon sa kanya ang mga karayom.
I took this chance para suntukin siya tinamaan siya nito at napatilapon sa lakas ay nagkalamat pa ang maskara nito sa mukha.Hindi ito makatayo mukhang tinamaan na siya ng lason sa karayom ko.Mabuti kung ganoon ng mabawasan ang masasamang nilalang dito sa mundo.Lumapit ako sa kanya.
"Tsk.Ang hina mo naman biruin mo hindi mo napansin ang mga karayom na nagtatago sa mga daliri ko."Sabi ko sa kanya
Napakunot ang noo ko ng tumingin ito sakin at ngumisi.
"Kahit kelan hindi naging mahina ang isang Salvador"sabi nito sa akin at unti unti siyang tumayo.
Salvador?Wag mong sabihing...
Nakatayo na ito sa harap ko.
"Kahit kelan hindi matatalo ng isang Jeyro Clarkson ang isang Jedia Salvador"Sabi niya na nagpagulat sa akin
Unti unting lumabas yung mga karayom sa katawan nito.
Saita!Ginamit niya ang isang sixthsense niya upang panangga sa mga karayom ko.
Tama ako siya nga .Siya nga at wala nang iba.
"Sinadya kong saluhin ang lahat ng karayom mo Jeyro.Kitang kita ko ito kahit maliit.Ikaw ata ang hindi nakakita sa mga karayom ko"Saka niya ako sinipa ng napakalakas.
Hindi ko nasangga agad ang sipa niya dahil hindi parin ako makapaniwalang si Jedia ang kaharap ko.
Napasuka ako ng dugo.Hindi ko man lang naramdaman ang karayom na tinutukoy niya.
Napangisi ako ng malungkot.Tignan mo nga naman ang tadhana ang tinuruan ko noon mas magaling na sakin ngayon.
Salvador....
Meorah POV
Sunod Sunod na suntok ang ginawa ko sa kanya.
Mas masakit pa dyan mas nakakamatay pa dyan ang sakit na ginawa niya.
Pero simula ng banggitin ko ang palayaw niya hindi na siya lumaban.
"Anong Mali!Lumaban ka!"Siguro ay nakilala na niya ko .
Kahit nakamaskara pa siya kilalang kilala ko siya.Kahit takpan niya pa buong katawan niya ay makikilala ko siya.Lahat ng patungkol sa kanya ay alam na alam ko.
Siya parin yun ang magkaiba lang hindi na niya ko kinikilala o sadyang kinalimutan na niya ko.Ayos lang.Sa haba ng panahong nagdaan ay hindi ko parin siya nalilimutan.
"Meorah..Eo(eyo).."
Tawag niya sa akinng palayaw at pangalan
Napatawa ako ng sakrastiko
"Bakit?Bakit Hindi ka lumaban"
tanong ko sa kanya habang nakaupo.
Tinikom ko na ang bibig ko.
Napatingin ako kay Ash nakatingin siya sakin.
Tsk narinig niya napakatalas talaga ng pandinig.
Hindi kona siya pinansin lahat naman may nakaraan lahat tayo may tinatagong sekreto.
Itinaas ko siya gamit ang damit.
Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo ko sa ulo dala ng pagkakahampas niya sakin kanina pero ngayon wala siyang ginagawa kundi ang saluhin lahat ng suntok at tira ko.
"Lahat nagbabago lahat lahat kaya kung magpapadala ka sa nakalumaan mamamatay kanalang M"
Madiin na sabi ko at Akmang kikitilin ko ang buhay niya ng isang malakas na sipa ang natanggap ko.
Saita napatingin ako sa sumipa sakin isa ring taga Darkhell napatingin ako Kay Jed at may miyembro rin ng Darkhell ang nandon at akay akay yung kalaban niya mukang tinamaan ng makamandag niyang lason.
Napansin ko na tumayo narin sila Rei at Ai.
Si Ash naman nananatiling nakaupo.Prenteng prente na tila kabisa na ang mga mangyayari
Kumpleto na ang Darkhell ang leader nalang nila ang wala.
Ashlee POV
Sumakit bigla ang ulo ko.
Saita! Anong nangyayari sa akin? Bakit ganto? Bakit parang may mga pwersang parang pumapasok sakin nararamdaman ko ang paglakas ko pero masakit sa ulo. Ganitong ganito rin dati kapag may nadidiskubre akong bagong kakaibang kapangyarihan.
Napatingin ako kay Jed naririnig ko ang sinasabi niya napatingin naman ako kay Meo narinig ko rin ang mga sinabi niya.
Napatingin pa ito sakin.
Nakita kong nagsidatingan ang mga miyembro ng Darkhell.
Saita !
Tumayo ako kailangan ko munang umuwi sa palasyo.
Gamit ang kapangyarihan ay naglabas ako ng mga yelo sa aking kamay at pinatamaan ko yung mga miyembro ng Darkhell.
Masakit ang ulo ko kaya pumapalya ang lahat saita!Hindi ko sila matamaan.
Naglabas ako ng apoy sa paligid at pinaligiran sila arrgh saita nararamdaman ko nanaman ang galit..
Bakit ganito?
Napakagulo.
Nakita kong nagkaroon ng takot sa mga mukha nila.
Rei POV
Napaatras kami Saita! Anong nangyayari kay Ash?
Kasama ko na sila Meo magkakasama na kami at na
sa kabilang panig naman naroroon ang mga miyembro ng Darkhell.
"Saita!Baka masira ang DB"
Sabi sakin ni Ai
Ano ba ang nangyayari kay Ash pula nanaman ang mga mata nito.
Nagkalat ang kapangyarihan niya sa buong DB.Kung saan saan lumalabas at pati kami ay pinatatamaan niya
Maski kami natatakot sa kalagayan niya ngayon.Tila ba hindi niya makontrol ang taglay niyang kakayahan dahil maski kami tinitira ng nagbabagang mga apoy niya.
Yung iba umaalis na sa DB natatakot nab aka pati sila ay madamay.Sino ba ang tangang mananatili pa sa parang guguho na gusaling ito?
Kita namin na yung pinupunturya niya talaga ay yung mga miyembro ng Darkhell .
Napatingin ako sa miyembro ng isa sa kanila.
Kahit kelan hindi siya nagbago.
Napailag ako ng isang malaking alon nanaman ang patama samin.
Saita.
Biglang isang makapal na usok ang biglang kumalat sa buong DB.
Kahit active ang mga mata ko ay wala akong makita kaninong pwersa ito? Bakit kaya niyang daigin ang kapangyarihan ko? Wag mong sabihin na galing kay Ashlee. Imposible. Wala akong nakitang usok na nanggaling sa kanya
Ang sakit sa mata.
Matagal bago maglaho ang mga usok.
Nang mawala ay wala narin si Ash.
San siya nagpunta?
Nawala narin ang mga kanina ay halos magpaguho sa DB.
Nawala ang mga kapangyarihan niya.
Saita!
"Let's go wala na si Ash "
Sabi ko sa kanila. Ps hang hilig mang iwan ng babaeng iyon
We need to go .
Tumango naman sila.
Nagteleport na kami pabalik sa Black Land
Ashlee POV
Ang sakit ng ulo ko Saita!
Biglang nagkaroon ng mga usok sa paligid.
Pero kahit ganon kitang kita ko na nagpapanic ang lahat.
I can see it nakaactive ang mga mata ko.
Biglang may yumakap sakin.
I don't know kung paano niya kong nayakap ganong walang makalapit sakin.
Sino ang nilalang na ito?
Bigla kaming nawala sa DB.
At napunta sa isang di ko kilalang lugar.
Inaasahan kong mas titindi pa ang sakit pero pakiramdam ko nawala lahat ng sakit.
Nakita ko ang repleksyon ko sa tubig iba na ang kulay ng aking mata.
Sigurado akong pula ang mga ito kanina.
Paanong napakalma ako ng taong ito?
Sinubukan kong tumiwalag pero mahigpit ang pagkakayakap niya sakin.
"Don't move" He said.
Medyo hindi ko marinig ang boses niya at medyo nanlalabo ang aking mga mata .
Para akong binigyan nanaman ng panibagong pwersa.
I feel safe habang yakap niya ko.
I don't know kung sino siya dahil hindi ko naman siya makita.
"Close your eyes"
Sabi niya sa akin
Who is he?
Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman kong humiwalay siya sakin.
Pangalawang beses nato pangalawang beses ko na siyang nakita pero sa di malamang dahilan hindi ko siya makikilala dahil nanlalabo ang paningin ko.
Agad kong idinilat ang mata ko upang habuli ng tingin ang lalaking nakayakap sa akin ngunit biglang nasa kwarto na ako.
Paanong nangyari iyon? Ilusyon lang ba ang pagpapakita niya sa akin?
Sino ba talaga siya?
Matagal narin simula ng makita ko siya.
Pero parang pamilyar sakin ito.
I called Meo
"Saita !Where are you ash!?"
Tanong nito.
"Go home"
Matipid na sabi ko.
"Panira ka talaga alam mobang magandang Laban san-"
*toot*
Pinatay kona ang phone.
Whatever kailangan kong malaman kung ano ang bago kong kapangyarihan.