Kabanata 32

1703 Words

Monica's P.O.V. Abala ako sa paghuhugas nang lapitan ako ni aling Modta. Pasaway na Kakay 'to. Hindi na naman pumasok. Naging pala- absent na. Mabuti na lang talaga at nagpupunta dito si Wilder kaya may katuwang ako. Mas pagod pa nga siya kung tutuusin sa akin dahil talagang inuutusan ko siya ng kung ano- ano. "Monica....may sasabihin ako sa iyo," seryosong sabi ni aling Modta sa akin. Nanlaki ang mata ko. Ngayon ko lang 'yata nakitang seryoso ang mukha ni aling Modta. Bigla akong kinabahan. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Bakit parang nakakakaba naman yata? "Ano po 'yon?" tanong ko sabay kagat labi. Bumuntong hininga siya. "Napagdesisyunan namin ni Bogart na sa ibang bansa na kami titira. Tutal nandoon na rin sa ibang bansa ang anak ko. Wala naman na kaming iintindihing dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD