Kabanata 30

2027 Words

Monica's P.O.V. Tatlong extreme rides pa lang ang nasasakyan naming dalawa, hinang- hina na si Wilder. Na para bang hindi na niya kaya pang tumayo. Pagkababa pa lang namin ay kumaripas siya ng takbo patungo sa public toilet. Napangiwi ako. Baka masusuka na ang lalaking 'yon. Hindi ko siya pinilit na samahan ako sa pangalawang rides na sinakyan namin dahil takot siya. Pero siya naman itong sumama pa sa akin tapos ngayon, mukha siyang kawawa at hinang- hina. Naupo ako sa bench habang naghihintay kay Wilder. Napatingin ako sa cellphone ko. Tanghalian na pala. Biglang kumalaw ang tiyan ko kaya hinawakan ko ito. Napatingin ako sa banyo pero wala pa rin si Wilder. Hindi pa rin siya lumalabas. Mukhang marami yata siyang sinusuka. "Kasalanan naman niya 'yon," bulong ko sabay tingin sa kawalan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD