AN: Kamusta na po kayong lahat? Pasensya na po sa mahabang paghihintay. Hindi po ako magsasawang magpasalamat sa lahat ng mg readers ko..
---------
"Pumasok na kayo na kayo sa loob."
Napaangat pa ang balikat ko matapos hagkan ni Cadmus sa noo ang kanyang anak. Kakababa lang namin ni baby Jaxon kotse niya at nandito kami ngayon sa tapat ng pinto namin. Mukha akong tanga na parang may hinihintay.
"Do you want anything to say?" Salubong ang kilay na tanong niya at lumapit ng husto sa akin.
"Huh? W-wala, wala na. Sige na umalis ka na, ingat." Pakiramdam ko lalabas ata ang puso ko sa sobrang kaba.
Para ka kasing timang Jassmine, ano aabang ka rin na i-goodbye kiss ka ng papa ni Jaxon? Masiyado ka ng feelingera.
Wika ko sa isipan ko habang nakatitig sa akin si Cadmus na wari ba'y may iniisip ito. Tapos bigla itong napangiti at namulsa.
"Ba't nangingiti ka?" Takang tanong ko na medyo kinikilig kasi ang gwapo niya lalo kapag nakangiti.
Jusko po! Nanlalambot ang tuhod ko Cadmus, lumayas ka na.
"Always take care of my son and you of course." Wika nito at humakbang na papalayo sa akin.
Abot tanaw ko na lang siya habang papalayo at ewan ko ba sobrang saya ng puso ko.
"Yan ba yung tatay ng bata ah, Jass? Ang pogi pala at mukhang artistahin, ang tangkad pa."
Napalingon ako sa gilid ko si Aling Loring pala ang dakilang chismosang kapitbahay namin.
"Oo naman po, nakita niyo naman ang anak namin. Este! Ang anak niya 'diba ang pogi?" Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Sabagay hindi masamang mangarap ng gising Jass." Mapang-asar na sabi niya.
Hindi ko na lang pinansin at binuksan ko na ang pinto namin. Pagpasok ko sa loob dahil bukas naman naabutan ko ang kapatid ko na nakahiga sa upuan habang busy sa cellphone.
"Anak nariyan ka na pala, tulog na ang bata."
Wika ni mama na nasa lamesa naghihiwa ng gulay, tiningnan ko naman si baby Jaxon na tulog na tulog. Dahan-dahan na nilapag ko ito sa crib niya.
"Kamusta naman ata ang date niyo ni---"
Pinanlakihan ko ng mata si Stella at natatawang tumikom ito ng bibig, nahihiya naman akong isipin ni mama. Nagmano muna ako kay mama at kumuha ako ng tasa para magtimpla ng kape.
"Mayaman rin pala ang side ng mga mama ni baby Jaxon." Pagsisimula ko ng kuwento kay mama.
"Ganon ba? Siya nga pala, bakit doon sa side ng babae hindi niya pinaalaga ang anak niya?" Takang tanong ni mama na huminto pa sa paghihiwa ng kalabasa at tumingin sa akin.
"Hindi ko rin alam ma pero randam ko na ayaw niya talaga ipaalaga ito sa kanila. Pero kung sakali man na kunin nila si baby Jaxon sa akin... Malulungkot ako." Mahinang sabi ko at nilingon ko pa ang mahimbing na natutulog na si Jaxon.
"Ganon talaga anak kasi napamahal na siya sa'yo pero wala ka naman magagawa kung iba na ang mag-aalaga kay Jaxon. Lalo na kung mga side ng mama niya, kahit naman ako malulungkot rin." Sabi ni mama na bakas sa boses ang lungkot.
Hindi na muli ako sumagot at matapos ko magtimpla ng kape, inubos ko ito agad para makapagpahinga. Dahil parang napagod rin ako.
-----------
Bigla akong napatayo sa higaan ko ng makarinig ng mahihinang katok, napatingin pa ako sa paligid dahil tahimik. Pagtingin ko sa orasan na nakasabi dito sa kuwarto ko alas dose na pala pasado ng madaling araw. Hinagilap ko ang pambahay ko na tsinelas bago lumabas, pero sinulyapan ko pa si baby Jaxon na tulog na tulog.
Napasarap pala tulog ko hindi ko na namalayan pero alam kong hinayaan na lang ako ni mama na matulog at alam kong siya na rin ang nag-asikaso kay Jaxon habang tulog ako.
Paglabas ko sa maliit na sala namin ay pinakinggan ko pang mabuti kung dito talaga sa pinto namin ang katok. Medyo kinabahan ako kasi nga ganitong oras ng gabi may kumakatok? Pero nilakasan ko na lang ang loob ko.
Pagdating ko mismo dito sa may pinto mas napatunayan ko na dito nga yung kumakatok. Dahan-dahan na tinanggal ko sa pagkaka-lock ang pinto at binuksan lang ito ng maliit.
Pero nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na si Cadmus ang makikita ko ngayon, pawisan ito at mukhang tumakbo ito ng pagkahaba-haba. At nanlaki ang mata ko na may dugo ang damit nito sa balikat.
"C-Cadmus, a-anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalaang tanong ko at nilakihan ko ang bukas ng pinto. Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo, nagmamadali na pumasok ako ng kuwarto upang kumuha ng gamot at bimpo pamunas sa mukha niyang pawisan.
"Sandali gigisingin ko lang si mama para may katulong ako sa---" s**t! Balak ko sanang pumihit pabalik sa kuwarto, paano ba naman nagtanggal siya ng t-shirt at nakita ko ang pawisan niyang pangangatawan at para bang kumikinang ang mga ma-muscle niyang katawan.
"Huwag mo na gisingin sila ayos lang ako, may gamot ka ba diyan? Aalis rin ako agad dito." Sabi nito at tinitingnan ang dumudugo sa balikat niya.
"Ha? O-Oo sige, i-ito pala yung gamot at malinis na bimpo." Nauutal kong sagot at pakiramdam ko kinakapos ako ng paghinga. Saka parang pakiramdam ko pinagpapawisan na rin ako habang di ko mapigilan na hindi mapatitig sa magandang hubog ng katawan niya.
Jassmine, ayan ka na naman. Tulungan mo kaya siyang gamutin ang sugat niya kaysa minamanyak mo siya habang titig na titig sa nakakapaglaway niyang abs.
Wika ng isipan ko at natatarantang lumapit ako sa kanya at kumuha ako ng bulak nilagyan ko ito ng alcohol para ipanglinis sa nagkalat na dugo.
"Sandali ano ba kasing nangyari? Bakit lagi ka nalang may sugat na ganito? Ganitong orasa nakikipag-away ka pa?" Seryosong sabi ko habang pinupunasan ang gilid na may dugo. Pero natigilan ako dahil wala akong narinig na sagot, pagangat ko ng mukha ko nakatitig siya sa akin at bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
Yawa! Ano ba Cadmus! Huwag mo ako tingnan ng ganyan, nagwawala na tong puso ko.
Sambit ng isipan ko dahil nailang ako bigla kaya ako na ang unang nag-iwas ng tingin.
"Nothing, don't worry. Maliit lang ang sugat na 'yan, saktong dito ang daan ko kaya dito na ako pumunta." Sagot niya at kinuha sa ibabaw ng hita ko ang bimpo na dala ko.
Para akong napaso ng dumikit ang balat ni Cadmus sa hita ko dahil nakamalambot lang ako na short na medyo maikli. Pansin ko na nakatingin sa akin si Cadmus kaya nagtaka ako at bigla akong napatingin sa sarili ko at doon ko lang napansin na wala pala akong bra. Napatayo ako bigla at naghanap ng puwedeng ibalabal, mabuti nakita ko yung maliit na towel na ginagamit ko na pamunas kay baby Jaxon.
"Lagyan natin ng betadine yang sugat mo takpan na rin natin." Wika ko pero hindi siya sumasagot kaya naman mas lalong lumalakas ang t***k ng puso ko. Pinahiran ko ang sugat niya na mukhang sumabit ito kaya siya nasugatan, hindi naman ganon kalaki pero masakit rin ito.
"Kumain ka na ba--"
Potek! Ano ba naman klaseng tingin yan? Pakiramdam ko ginagahasa niya na ako sa tingin niya. Jassmine magtigil ka nga.
Saway ko sa sarili ko at pilit na kinakalma ang damdamin ko na kanina pa hndi ko maipaliwanag.
"Ma-magdamit ka na kaya." Sabi ko at tumayo na ako dahil nga sa nag-iinit na ako, este! Nag-iinit na mata ko sa mga nakikita ko. Muli akong pumasok sa loob ng kuwarto para maghanap ng puwede niyang maging damit dahil sa puro dugo ang suot niya.
Matapos kong kumuha ay halos lumandag ang puso ko dahil nandito siya sa loob habang nakatingin sa anak niya na tulog.
"Thank you for carring my son, hindi ako mag-aalala kahit nasaan man ako dahil alam kong inaalagaan mo siya ng maaayos."
"Oo naman aalagaan ko siya ng mabuti, saka napamahal na sa akin ang anak mo" serysong sagot ko na may halong kaba dahil ang lapit niya lang sa akin.
"Hindi na ako magtatagal kailangan ko ng umalis." Sulyap nito sa akin.
"O-Ok, ito pala ang damit gamitin mo na lang sa papa ko yan. Mukhang kasya naman sa'yo." Abot ko ng damit pero hindi yung damit ang kinuha niya kung hindi ang kamay ko, hinatak niya ako palapit sa kanya.
"I'm sorry, but..."
Mahinang bigkas niya at bigla akong nanigas habang nakatayo dahil sinakop ng labi niya ang labi ko. Naghuhumiyaw ang puso ko sa hindi malaman na dahilan, napakapit ako sa braso niya at kusang gumalaw ang labi ko para tumugon sa mainit niyang halik.
Napasandal na ang katawan ko sa pader at patuloy na hinahalikan niya ako, naramdaman ko ang init na unti-unting lumalabas lalo pa at naglulumikot ang kamay niya. Naramdaman ko ang kamay nito na pumasok na sa loob ng t-shirts ko dinama ang isang bundok ko.
"Aah.. C-Cadmus..." Nangangatal ang boses na sambit ko sa pangalan niya dahil sa kakaibang pakiramdam.
"Jass, Jassmine. Bakit bukas ang pintuan?"
Biglang nanlaki ang mata ko at naitulak ko ng malakas si Cadmus sa taranta at takot na makita kami ni mama.
"Oh, Cadmus nariyan ka pala." Sabi ni mama pagbungad sa kuwarto ko.
"O-Oo ma, kakarating lang niya pero aalis na rin siya ulit. Ginamot ko lang ang sugat niya." Sagot ko at halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko.
"Bakit napaano ka ba Cadmus?" Nag-aalalang tanong ni mama dito habang dahan-dahan na nagbibihis.
Ako naman ito pasimpleng tumalikod para ikalma ang sarili at puso ko dahil sa karupukang ginawa ko.
"Ok na ho ako, salamat. Aalis na rin ako may lakad pa rin ako, Jassmine tawagan mo na lang ako kung may kailangan para sa anak ko." Sabi nito.
"Oo sige." Sagot ko pero hindi ko magawang tumingin sa mata niya, hanggang sa umalis na nga ito at ako ito lutang pa rin habang nakahiga at nakatitig sa kisame. Umakyat na rin si mama sa taas.
Gosh! Paano kung hindi bumabas si mama? Naisuko na siguro, malamang wasak ako. Thanks god, pero ganon pala ang feeling non? Para akong nababaliw sa hndi ko malaman na dahilan.
Nangingiti ako sa nasa isip ko at napahawak ako sa labi ko na kanina lang ay inangkin ni Cadmus. Napapikit ako at gusto kong managinip na kasama siya.