CHAPTER 7

1972 Words
AN: Good morning po sa inyong lahat pasensya na po at natagalan, huwag po kayo mag-alala tatapusin ko po ito dahil sa inyo. ------------ "Ano, nalaman mo ba kung saan nakatira ang babae na 'yon?" "Yes, ma'am. Madali na lang po 'yon puntahan kung sakali." Napangisi naman ako dahil sa sinabi ng inutusan ko. Sumenyas ako dito na maaari na siyang lumabas. Nandito ako sa isang hindi kalakihang bahay na medyo malayo sa Manila. Tumayo ako sa kinauupuan ako at nagpunta sa isang pribadong silid. Sumulabong sa akin ang isang higaan at mga aparato na gamit para sa plastuc surgery at ang doctor na binayaran ko para sa trabaho na ito. Walang nakakaalam sa mga plano ko bukod sa mga tauhan na binayaran ko para lang dito. Yes, kaya kong magbayad kahit gaano pa 'yan para sa kagustuhan. Marami akong pera dahil sa pag-model ko sa iba't ibang bansa, pati na rin ang binigay ng mga magulang ko sa akin. "Matagal pa ba 'yan? Masyado na akong naiinip ang babagal niyo kumilos." Sita ko sa doctor pati na rin ang dalawang assistant nito. "Bukas maaari ng tanggalin ang binda at puwede mo na siyang ilabas." Seryosong sagot ng doctor matapos may gawin dito sa babaeng nakahiga na tinakot at binayaran ko. "Mabuti kung ganon babalik ako dito bukas para makita ang resulta at siguraduhin niyo na maganda ang kalalabasan nito." Mataray na sabi ko sa kanila at tumango lang ang may ka edaran na doctor. Umalis na ako at nagtungo sa kotse ko, pumasok na ako sa loob at sandaling napaisip. Hindi mo naman ako bibiguin Doc. Merilla. Dahil kapag palpak ang ginawa mo sa kulungan ka mananahimik. Napangisi ako sa naisip ko at nagpasya ng paandarin ang kotse ko sa ngayon ay uuwi mo na ako sa bahay para mag-rest, dahil paghahandaan ko ang araw na bubulabog sa lahat lalo na sa'yo, Cadmus Ferrero. Maghintay ka lang dahil darating na ang magpapaikot sa utak mo. Napangiti ako habang nagda-drive. --------- Kinabukasan maaga akong nagpunta sa safe house ko dahil sa excited na akong makita ang proyektong pinagawa ko. Pagbaba ko sa kotse pumasok ako agad at diretsong nagpunta sa silid, naabutan kong tinatanggal na ng dorctor ang binda sa mukha ng babae. Sakto ang dating ko, binati ako ng dalawang babae pero hindi ko sila pinansin. Hindi na ako makapaghintay habang unti-unting umaakyat na ang binda papunta sa mata nito. Hanggang sa tuluyang nakita na ang mukha nito na ngayon ko lang ulit nakita at parang buhay na buhay ito. Malawak na napangiti ako at lumapit ng husto upang makita ng maayos. "Oh my god! This is so amazing!" Palatak ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. "Magaling ang ginawa mo doc at talagang pinahahanga mo ako." Masayang sabi ko at nakatingin pa rin sa babaeng nasa harap ko. "Well, sinabi ko naman sa'yo gagawin ko ang lahat para ma-satisfied ka." Confidence na sagot. "Yeah, pero sure ka ba na wala na tong bulilyaso? Baka naman good for one week lang ito? Mananagot ka talaga ka sa akin." Sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya. "You, look at your face." Baling ko dito sa babae na tahimik lang at inabot ko sa kanya ang salamin. Inabot naman nito at pinakatitigan ng mabuti at naghihintay akong may sabihin siya. "Hindi ka ba masaya na nagmukhang kang tao dahil sa mukha ng kapatid kong si, Alexa?" Mataray na sabi ko na nakaangat ang kilay. "Masaya naman po at ang ganda pala niya." Wika nito at binaba ang salamin. "Yes, she's pretty. Pero mas maganda pa rin ako sa kanya, but anyway. Handa ka na bang ipakilala kita? Huwag mo kalimutan na may amnesia ka ok? Oras na magkamali ka sa lahat ng mga sinabi ko sa'yo, malilintikan ka talaga sa akin." Malakas ang boses na sabi ko sa kanya at marahan na napatango. "Naiintindihan ko at hindi ko nakakalimutan ang sinabi niyo." Sagot nito. "Ok, good. One more thing, hindi porke't asawa ang papel mo dito kay Cadmus ay pangangatawanan mo na siya, hindi ka m************k sa kanya maliwanag? Hindi mo rin kailangan ma-inlove sa kanya. Dahil ako mismo ang magpapatapon sa'yo kapag ginawa mo 'yon." Banta ko sa kanya at nanahimik lang ito. "Ayusin niyo na dito at huwag kayo mag-iiwan ng kahit na anong ebidensya dito Doc. Merilla." Baling ko dito at tumango ito. "Ok, mamaya darating dito ang magpapanggap na mga umampon sa'yo at ipapakita niyo na sa diyaryo niyo nalaman na ikaw 'yung nawawalang anak ng mga Deogracia." Sabi ko pang muli dito. "Ok po, Miss. Alexandra." Mahinang sagot nito. Lumabas naman ako ng kuwarto upang tawagan ang inutusan ko para sa kinuha naming magpapanggap na umampon sa kapatid ko. Kailangan maging maayos ito at walang aberya na mangyayari. Ito lang ang tanging naisip ko upang pagtakpan ang aking nagawa at makaganti na rin kay Cadmus. Hindi rin ako papayag na may ibang babae na magmamay-ari sa kanya lalo na kung ang Jasmine na 'yon. May paglalagyan ka rin sa akin na babae ka at alam kong may gusto ka sa asawa ng kapatid ko, hindi ako tanga para hindi yon mahalata. Isip ko habang nakaupo dito sa sopa, hindi naman sila magtataka ng husto sa kinuha kong impostor. Dahil pareho sila ng katawan ng kapatid ko at ang taas, medyo morena nga lang si Lydia. Pero sinabi ko naman sa kanya na sabihin na nangitim siya dahil sa lugar kung saan siya tumira. Matapos kong tawagan si Arnold ay nagsabi ito na papunta na sila kaya naman napatayo ako upang puntahan si Lydia. "Magpalit ka na ng suot mo 'yung mukhang pang-probinsyana ang isuot mo." Sabi ko dito kay Lydia na tahimik lang. "Oo nga pala, baka namam tawagin mo ako ng tawagin? Hindi mo ako kilala maliwanag? Baka tawagin mo lagi ang pangalan ko, yung cellphone na gamitin mo lang kung may kailangan kang itanong." Muling paalala ko sa kanya. "Ok po." Sagot nito. Naiirita naman ako dito sa babae na 'to dahil sa ganito lang lagi ang sagot niya, baka gusto niyang hindi ko tuparin ang pangakong sinabi ko kapalit ng trabahong binigay ko sa kanya. Muling lumabas ako para hintayin ang taong mga kausap para na rin makausap pa sila ng mabuti dahil baka mamaya magkamali sila. ---------- Nauna akong umuwi sa bahay namin at doon na lang maghihintay at syempre, kailangan nating umarte mamaya. "Oh, Hija. Nariyan ka na pala kumain ka na ba?" Bati ni mama sa akin pagkakita sa akin pero dumiretso ako sa hagdan. "I'm tired ma." Sagot ko lang at umakyat na ako, kailangan ko mag-rest para sa madrama at malaking palabas. Nilipat ko agad ang katawan ko sa malaking kama at doon hinayaan kong makatulog ako. --------- Naalipungan ako sa tunog ng cellphone ko kaya napabangon ako, tumatawag si Arnold. "Hello ma'am, malapit na raw sila sa mansyon niyo." "Ok, sige." Sagot ko at pinatay ko na ang phone ko. Alam kong hindi makakapaniwala si mama at papa kapag nakita nila ang bunsong kapatid ko. Lalo pa at iniisip nila na wala na ito dahil walang bangkay na nakita, alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni mama 'yon. Kaya sabi ko sa kanya noon ay gagawin ko ang lahat, patay o buhay kailangan makita namin ang kapatid ko. Now, this is the time. Kahit pa impostor ito, hindi ko rin alam talaga kung nasaan na ang katawan ni Alexa matapos ang aksidente. Bigla akong natigil ng maaalala ang asksidente na dahilan ng pagkawala nito. Pinilig ko ang ulo ko dahil ayoko ng isipin ang araw na 'yon dahil ilang gabi rin akong hindi nakatulog ng mga araw na 'yon. Naglinis muna ako ng katawan at matapos ay bumaba na ako naabutan ko si mama at papa na nagkakape. Ganito sila kapag hapon na, magkatabi sila dito sa living room at naupo rin ako doon upang abangan ang pagdating nila. "Wala ka bang lakad ngayon, Alexandra?" Baling ni papa sa akin na kinalingon ko. "I just wanna have some rest dad." Sagot ko sa kanya at napatango lang ito sa akin. "Ma, ang tahimik mo ata?" Pansin ko kay mama na parang ang lalim ng iniisip. "Naalala ko ang apo ko at ang kapatid mo." Malungkot na sabi. Napangiti ako sa isipan ko dahil sakto ang araw na ito. Don't worry mo'm, kahit impostor itong makikita mo atlest parang buhay si Alex. Mababawi na rin natin si Baby Jaxon doon sa babae na 'yon. Mayamaya'y lumapit ang kasamabahay namin sa amin kaya bigla akong kinabahan. "Ma'ma, Clarita. May naghahanap na mga tao sa labas." Wika nito na pinagtaka ni mama. "May inaasahan ka bang bisita ma?" Kunawaring takang tanong ko at napailing ito. "Sinabi ba kung sino sila?" Tanong ni papa dito. "Wala honh sinabi pero importante raw po, tungkol daw sa hinahanap niyo." Sagot nito. Parehong natahimik kami at nakiramdam ako sa kanilang dalawa at sinabi ni papa na papasukin raw. Hindi naman ako mapakali habang hinihintay na pumasok ang mga panauhin ngayon. Hanggang sa bumukas ang malaking pinto at pumasok ang dalawang may edad na at napansin ko na nasa likod si, Lydia. "Magandang hapon ho." Magalang na bati ng babae sa mga magulang ko at tiningnan ko sila na ibig sabihin ay umarte sila ng maayos. "Magandang hapon rin sa inyo, anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Sagot ni papa at binaba ang diyaryo na binabasa nito. Lumapit naman ang lalaki na may hawak na lumang diyaryo at inabot kay papa. Nagtataka na tiningnan ni papa ang inabot nito. "Sino naman yang kasama niyo bakit nasa likod niyo?" Tanong ni mama at tumayo. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko ng lapitan ni mama ito at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ni mama ng umalis ang may edad na babae sa kinatatayuan niya at doon ay malayang nakita namin ang buhay na buhay na kapatid ko. "Panginoon ko, Alexa anak." Bulalas ni mama at lumapit agad ito dito at niyakap. Napatayo na rin ako at umaktong hindi makapaniwala dahil sa nakita. Si papa rin ay napatayo na dahil hindi makapaniwala. "Oh my god, Alex." Sabi ko rin habang nasa tabi nila at yakap pa rin ni mama ito. "Dinala po namin siya dito dahil sa diyaryo na 'yan at pinagisipan namin ng mabuti kung siya talaga ito." Wika ng babae. Yumakap na rin si papa habang umiiyak si mama, ako naman ay kunwaring hinihimas ko ang buhok nito. "Sandali, bakit parang hindi niya ako kilala." Pahid ni mama sa luha niya. "Wala ho siyang maalala kahit ang pangalan niya." Sagot naman ng lalaki. "Salamat po panginoon binalik niyo ang anak ko, hanggang ngayon anak hindi pa rin ako makapaniwalang wala ka na sa amin." Umiiyak na sabi ni mama. "Pasensya na po hindi ko kayo maalala." Sagot ni Lydia at natuwa ako dahil sa sagot niya. "Ok lang anak, ang importante nandito ka na." Sagot naman ni mama, hinihimas naman ni papa ang likod ni mama. "Alexs, i miss you so much." Wika ko at kunwaring naiiyak at yuamakap sandali dito. "Maraming salamat sa pagdala sa aming anak, ano mang tulong ang gusto niyo ay ibibigay namin." Seryosong sabi ni papa. "Sandali, tatawagan ko si Cadmus. Ipapaalam ko sa kanya na narito na ang asawa niya." Wika ko at napatango si mama. Hinanap ko agad ang number ni Cadmus na sa tao lang nito dahil kahit kailan ay hindi nito binigay ang personal na number nito sa akin. Matapos ko makausap ang tao nito ay pinasa na kay, Cadmus. "Hello, Cadmus. May magandang balita ako sa'yo." Masayang kuwento ko at hndi sumasagot. "What?" Masungit na sagot ni. "Alex is here now, buhay siya Cadmus." Masayang balita ko at naging tahimik ang linya hanggang sa naputol na ito. Ganon pa man napangiti ako dahil alam kong pupunta siya ngayon dito sa bahay. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD