bc

Caring For The Mafia's Son (COMPLETED TAGALOG)

book_age18+
46.3K
FOLLOW
187.3K
READ
possessive
age gap
drama
comedy
sweet
mystery
first love
intersex
love at the first sight
passionate
like
intro-logo
Blurb

Yung naglalakad ako sa daan dahil badtrip ako dahil hindi ako natanggap sa inaplayan ko. Tapos, biglang may hahatak sa akin at bigla akong hinalikan ng kung sino mang lalaki. At nilagay sa mga kamay ko ang isang cute na cute na baby.

"Take care of my son. I'll be back."

Hindi pa ako naka-move on sa halik na 'yon tapos alagaan ko raw anak niya? Sandali nagpapatawa ba siya? At dahil sa cute na baby ay nagkaroon ng kulay ang mundo ko lalo na sa ama nito na nakapamisteryoso.

________________

WARNING/ MATURE CONTENT/R**8/ RATED SPG/

©BM_BLACK301 Book cover created by: Sandsrival

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
AN: Another story na naman dahil sa maraming pumapasok sa isipan ko ayan sulat lang. Baka makarami after ng Quarantine, hehe.. Maraming typos at gramatikal errors diyan kaya pagpasensyahan niyo basta sulat lang si otor. -------------- "Ma, aalis na po ako." May kalakasan na paalam ko dahil nasa loob siya ng maliit kusina. Tumayo ako mula sa kahoy na upuan namin. Sumalyap muna ako saglit sa salamin na malapit sa may binta namin kung ok na ba ang itsura ko. "Sige anak, mag-iingat ka. Sana'y matanggap ka sa aaplayan mo ngayon." Sagot naman ni mama na nakangiting lumabas. Tumango ako at lumabas na ng pintuan, habang naglalakad sa may kabasaang daanan at maraming nag-uumpukan na mga bata pati mga nanay na walang ginawa kung hindi ang mag-chismisan. Hayys, sana naman matanggap na ako sa trabaho ang dami na naming babayaran at mga inutangan namin singil na ng singil. Ang hirap talaga kapag high school lang ang natapos mo, 'di ka matanggap agad. Isip ko habang naglalakad at paliko na ako sa may labasan kung saan naroon ang mga jeep na nag-aabang ng mga pasahero. Nakatayo ako dito sa may waiting shed dahil saktong kakaalis lang ng jeep kaya maghihintay pa ako. Hindi naman nagtagal ay may huminto na muli at mabilis na  sumakay ako agad doon at umupo, nagbayad ako agad at tiningnan ko ang cellphone ko na konti na lang ay hihiwalay na ang laman sa case niya dahil sa tagal ng panahon na gamit ko ito. Ano ba yan mukhang traffic pa. Sambit ko ng mapatingin ako sa labas ng bintana dahil sa ang tagal umusad ng jeep. Nakatingin ako sa oras sa phone ko habang paunti-unti ang usad ng jeep namin, hanggang sa makalagpas na ito sa traffic at nakahinga ako ng maluwag. Nakarating ako before eight kaya laking pasasalamat ko. Pagdating sa labas ng company na aaplayan ko ay may ilang aplikante na rin akong nakita na pumapasok na sa may gate. Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang pumasok sa loob. Nag-iwan pa ako ng id sa guard bago ako pinapasok. Habang naghihintay ako dito sa loob na maraming upuan kabilang na ang ibang aplikante, marami rin kami dito sa loob. Pero mas marami ang mga lalaki, hanggang sa tinawag ang mga lalaki kaya naiwan kaming mga babae dito na tahimik lang. Mayamaya'y may lumabas na babae at lumapit sa amin at may hawak itong bote na walang pangalan. "Good morning girls, pakilahad ng mga kamay niyo." Nakangiting bati nito sa amin. Nagtataka naman ako kung bakit niya pinapalahad ang mga kamay namin? Lahat kaming mga babae ay binuhusan sa kamay na parang tubig pero parang alcohol siya dahil may konting lamig siya pero wala akong maamoy. "I-rub niyo saglit at hahawakan ko, dito malalaman kung pasado kayo sa unang screening." Muling wika nito at isa-isa ng lumapit sa amin. Hinawakan niya isa-isa ang mga palad namin at dinama. Inulit kaming hawakan sa mga kamay at wala man lang sinabi ng kung ano matapos kami dalawang beses na hinawakan. "I'm sorry girls, pero hindi kayo nakapasa sa unang screening namin. Bawal kasi ang pasmado ang kamay dahil maselan ang department na paglalagyan sa inyo kung sakaling matanggap kayo." Yon lang sabi niya at iniwan na kami. Hindi ako makapaniwala na ganon-ganon na lang 'yon, pabrika ng plastikan kasi itong inaplayan ko tulad ng lagayan ng mga tray ng pastries at marami pang iba. Minimum ang sahod at kahit high school graduate ay puwede. Pero bakit naman ganon dahil lang sa medyo basa pa ang kamay namin bagsak na agad? Nasaan ang hustisiya doon? Eh hinawakan niya agad kaya basa pa. Hindi naman ako pasmado. "Ma'am, hawakan niyo ulit baka ok na." Narinig ko na sabi pa ng isa naming kasama na humabol pa doon sa babae, hinawakan nga ito ngunit umiling parin ang babae. Nakakainis naman, talaga bang malas ako? Lumabas kaming lahat ng gate  at malungkot na nag-uusap sila habang ako itong lutang ang isip kasi pinaghandaan ko pa naman ito. "Nakakainis naman bagsak agad tayo at wala man lang nakuha kahit isa sa atin." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng babae sa likod ko dahil naiinis talaga ako. Nag-isip na lang ako kung saan uli ako mag-aapply, sayang naman ang araw. Kaya nagpalakad-lakad ako habang nagse-search ako ng puwede kong ma-applayan. ----------- Nanlalambot na ako sa gutom dahil hindi ko namalayan na hapon na at malapit na magdilin. Ilang company na ang napuntahan ko at karamihan ay college level ang hinahanap. May agency akong napuntahan kaso balik na lang raw ulit ako bukas, ewan nakakainis sila. Puro biscuit at tubig lang ang kinain ko simula umalis ako sa bahay. May natanawan akong mga paninda ay kwek-kwek at fishball, kaya napabilis ang lakad ko dahil mas lalo akong nagutom. Matapos kong makipagsisikan sa pagtuhog, finally nabusog rin ako dahil sinabayan ko rin ito ng palamig na gulaman. Naisip kong maglakad lang muna bago umuwi. Jusko naman sana naman magkatrabaho na ako, kulang ang kinikita ng nanay ko sa palingke tapos karamihan utang pa. Napahinto ako sa paglalakad ng mapatapat ako sa may park na may palaruan ng mga bata. May ilang bata pa ang naroon at masayang naglalaro. Simula bata ako lagi akong nasa ganyang lugar dahil masayang maglaro diyan, tapos marami kang makikilala na mga bata. Napahawak ako sa bakal na nagsisilbing pinakaharang nito na napapalibutan ng mga puno at kung ano-anong ligaw na halaman ang paligid dito. Hanggang sa nagulat ako dahil may biglang humatak sa balikat ko paharap at nanlaki ang mata ko ng sakupin nito ang virgin kong labi. Anak ng! Pakiramdam ko nanigas ang buong katawan ko habang nakatingin sa maganda niyang mata. Tapos may nararamdaman akong gumagalaw sa banda sa may dibdib ko. May narinig akong nagtatakbuhan at nakita ko sa gilid ng mata ko ang mga lalaki at nakalagpas ito, medyo malayo na sila at may mga hawak silang baril. "Take care of my son. I'll be back." Sabi nito sa seryosong mukha habang tulala pa ako hindi nakaka-move on sa nangyari, gumalaw ang mata ko at doon ko lang napansin na may hawak siyang baby. At napaka-cute nito at ang puti-puti. "Sa-Sandali, anong sinasabi mo? H-hindi puwede. Hindi ako marunong mag-alaga ng baby." sagot ko na nakabalik na ako sa reyalidad. Ngunit nilagay na niya ito sa mga kamay ko at ngumiti ang baby sa akin na bagay na kinangiti ko rin bigla. "I'll pay you, here's the money. Take it, buy anything for my baby, this is my number call me." mabilisang sabi nito at nagmamadaling naglakad palayo sa akin. "Hoy! Sandali hindi pa ako pumapayag ah? Nakakaloka ka bigla mo akong binigyan ng problema nito ah." sigaw ko sa kanya, pero huminto siya at lumapit muli sa akin napansin ko na may dugo sa kanang braso niya kaya nag-aalala ako bigla sa kanya. "You're name?" Hindi ako agad nakasagot dahil sa muli niyang ginawa. Takte! "A-ako? J-Jasmine." nauutal na sagot ko paano ba naman hinalikan niya akong muli sa labi kaya hindi ako makapagsalita agad. "Ok, Jasmine. Just take care of my son, i'll be back soon. Call me if have anything problem, kailangan ko ng umalis." "Sandali, anong pangalan mo at itong baby." sigaw kong muli dito dahil nagmamadali na talaga itong umalis. "Cadmus. Call me, Cad. My son is, Jaxon." Pagkasabi no'n ay umalis na ito at tuluyan na talagang nawala sa paningin ko. Napatingin ako sa baby na tahimik na nilalaro ang hawak nitong malambot na bagay. Hindi ko tiyak kung ilang buwan na siya, siguro seven or eight months hindi ako sigurado. "Ano raw pangalan ng papa mo? Camus ba? Hindi, Cadus? Ah, ewan ano ba naman kasing pangalan 'yan tapos. Pangalan mo Jaxon? Kakaiba ang pangalan niyong mag-ama." kausap ko dito sa baby at nakakagulat dahil hindi ito umiiyak, kasi ibang baby umiiyak kapag ibang tao ang nagbubuhat. "Ano na lang sasabihin ni mama kapag umuwi ako na may dalang baby? Sa edad kong bente dos para akong naging nanay bigla nito." wika ko habang karga itong si Jaxon, nag-abang na ako ng jeep dahil parang gulong-gulo pa ako sa nangyari. Pagkasakay ko at pagkaupo sa bakante na upuan 'ay napatingin ako sa perang binigay niya sa akin at nanlaki ang mata ko dahil ang kapal na lilibuhin 'yon. Napatingin ako sa mga katabi kong pasahero kung nakatingin ba sila, nilagay ko agad sa bag ko ang pera at 'yung calling card na binigay niya sa akin tiningnan ko. Isang black card ito at cellphone number lang ang nakalagay. Sinulyapan ko si Jaxon at naawa ako rito dahil nakatulog na ito sa dibdib ko. Ang cute naman ng batang to, nakakaawa mukhang napagod siya ano kayang nangyari bakit duguan ang braso ng ama niya? Pero infairness ang gwapo niya tapos 'yung halik. Ya'y ok lang siya ang naka-first kiss sa akin. Kinilig ako sa naisip ko at mas lalo kong nilapit sa dibdib ko si Jaxon. Pakiramdam ko ang gaan ng nararamdaman ko habang kalong ko siya. Pansin ko ang mga babae na napapatingin sa amin at napapangiti, marahil tulad ko ay natutuwa sila dahil ang gwapo at ang cute ng baby na to. Pagdating sa bahay hingal na hingal ako dahil ang bigat ni Jaxon, pagkaupo ko sa upuan dahil bukas ang pinto namin. Nagising bigla si Jaxon at umiyak, nataranta ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. "Ma? Mama?!" sigaw ko na dahil ayaw niya tumigil, namumula na ang ilong nito sa kakaiyak. "Bakit ba? Sandali kaninong anak 'yan?" takang tanong ni mama. "Ma, saka ko na ipapaliwanag. Ano ba, bakit siya umiiyak?" natatakot na tanong ko kay mama. "Baka nagugutom na 'yan nasaan ang gatas niya padedehin mo." Kunot noong tiningnan ko si mama. "Sandali, wala akong gatas ma hindi pa ako nagkakaanak." react ko agad habang inaalog si, Jaxon. "Ikaw talaga, hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Bote niya 'yung may laman na gatas." sabi ni mama na natatawa. "Ah yon ba, nako. Eh, wala teka. Paano 'yan ma? Nagugutom na nga siguro siya." nag-aalalang tanong ko habang patuloy pa rin umiiyak ito. "Sandali at lalabas ako manghihiram ako ng bote ng anak ni, Rochelle." lumabas na si mama. Palakad-lakad ako at pilit na inaalo si Jaxon, tumitigil ito ngunit umiiyak pa rin. Hanggang sa mapatapat kami sa salamin nakita ko ang mukha niya doon. Ngumiti ako at nagulat ako dahil ngumiti rin ito. Langya ba't kinilig ako sa ngiti ng batang 'to? Magkamukhang-magkamukha kasi sila ng ama niya. Muli na naman siyang umiyak, mabuti at bumalik na si mama at may dala na may gatas na ring laman. "Ito ipadede mo na sa kanya." abot ni mama. Agad na umupo ako at pinahiga ko siya sa braso ko at dinala na sa bibig ang bote. Hinawakan niya ito at agad na dinede, nagulat ako dahila ang bilis niyang dumede at ilang saglit lang ay ubos na ito at muling umiyak. Nagkatinginan kami ni mama at muling pumunta si mama doon kay, Rochelle. "Nako sabi ni Rochelle palitan daw natin 'yan." Tumango lang ako kay mama at hindi ako makapaniwala na naubos muli ni Jaxon ang gatas. "Ang takaw pala ng bata na 'yan mamumulubi magulang niyan, pero nakakatuwa kasi ang gwapo ng baby na 'yan." natatawang sabi ni mama. Napangiti na lang ako sa sinabi ni mama, nakatulog na si Jaxon at doon ko kinuwento kay mama. Hindi siya makapaniwala sa mga kinuwento ko pero sa huli ay naniwala na ito, pati ang kapatid ko na babae na nasa high school ay tuwang-tuwa pagkakita kay, Jaxon. ------- Gabi na at hindi ako dalawin ng antok habang nakatingin sa mahimbing na natutulog na si, baby Jaxon. Kamusta na kaya ang papa mo? Ng maisip ko 'yon ay naalala kong kunin ang calling card para kontakin ito. Nagtataka ako sa kanya dahil nagtiwala siyang ipaalaga sa akin ang anak niya. Pumintig pa ang puso ko ng mag-ring ang number, matagal rin bago ito sinagot. "H-Hello, ito ba si Camus? Este, Cadamus ba?" "Cadmus, Cad." Napakamot ako sa ulo ko dahil sa mali pala ang bigkas ko, narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. "How's my son?" Bakit ba hindi siya magtagalog na lang mangangamote ako nito eh. "Ok naman siya at tulog na ngayon. Pero teka, paano mo nalaman na ako ang pinagbigyan mo ng anak mo?" Takang tanong ko sa kanya dahil kilala niya ako agad. "Ikaw lang ang binigyan ko ng number ko." Hindi na ako nakasagot dahil ayon naman pala pero ba't kinikilig ako?. Pero mas maganda palang pakinggan ang boses niya kapag tagalog. Kinikilig na isip ko muli. "Give me your full name and address, i sent you a money. Para sa mga kakailanganin ng anak ko, pakiusap pakialagaan ng mabuti ang anak ko." "Aalagaan ko siya ng mabuti kahit hindi ako marunong mag-alaga." sagot ko at binigay ko na sa kanya ang full name ko at address. "Ok, bye. Call me if there is a problem, if not then don't call me." Matapos 'yon ay pinatayan na niya ako agad, parang bitin ang usapan namin pero hinayaan ko na lang at napaayos na ako ng higa at nilagay sa gilid ko ang cellphone. Good luck sa'yo Jass sa pagiging nanay bigla. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
118.4K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
538.8K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
586.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
430.9K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
66.3K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
201.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook