AN: Salamat po pala sa laging paghihintay niyo kahit matagal, pati sa mga bagong readers ko salamat po ng marami sa inyo at sa mga comments niyo na nagpapagana sa akin para mag-update. ------------ Halos isang linggo na rin simula ng mag-stay ako dito at simula no'n hindi ko pa ulit nakikita si Cadnus. Ayoko namang magtanong sa kanila dahil baka mamaya ano isipin nila. Malapit na rin si baby Jaxon sa Lolo at Lola niya. Pero si Alexa, ganon pa rin dahil hindi naman niya minsan kinukuha si baby Jaxon. Nakarinig ako ng mahinang katok at napatingin ako doon kasabay ng pagbukas ng pinto. Si Alexa na mukhang bagong ligo at naka-dress ito na kulay krema na hindi umabot sa tuhod nito. Alas otso na ng umaga at gising lang si baby Jaxon habang nakadapa, sabi kasi ni mama kung hindi umiiyak huwa