AN: Sorry po kung nabitin ko kayo may ginagawa po kasi kaya busy po talaga hindi kaya mag-update ng higit pa. Sana'y pagpasensyahan niyo ako, pero salamat pa rin po.. ----------- "Punyeta ka! Bakit hindi mo sinabi na hindi ka marunong lumangoy?" Gigil na sigaw ko dito kay Lydia pagpasok namin sa isa sa mga room na pina-reserve ni, Grange. "S-Sorry, Alexandra. Hindi ko naman kasi alam na itutula--" "Shut up!" Sigaw ko sa kanya dahil nangigil ako. "Kung hindi ka naman kasi tanga! Sana bago tayo nagpunta dito sinabi mo na sa akin, nagsuot ka pa ng swimsuit na hindi ka naman marunong lumangoy." Gigil na wika ko at pakiramdam ko para akong hinahayblad. "Hindi na mauulit." Nakayukong sabi nito. "Ayusin mo ang pinagagawa ko sa'yo dahil alam mo naman kung ano ang kaya kong gawin, Lydia. I