CHAPTER 3

1386 Words
AN: Salamat sa mga nagbabasa nito dahil nagustuhan niyo. Asahan niyong sisikapin ko na makapag-update dito. ----------- Habang nasa tabi ni baby Jaxon ay hindi ako mapakali rito dahil nasa isip ko pa rin ang ibaba ni, Cadmus. Wahh! Stop, stop na Jasmine. Huwag mo na nga isipin ang putotoy rin ni Cad, dahil hindi na yon pambata. Nakita mo naman diba? Malaking Sawang ahas 'yon. Para akong praning dito dahil sa mga naiisip ko hanggang sa marinig ko na lumabas na siya banyo at napaayos ako ng upo. Nakadamit na siya pagharap sa akin pero ako ito nagkukunwaring wala akong pake sa kanya, pero deep inside ang lakas ng pintig ng puso ko. Habang naglalakad siya palapit sa akin at umupo sa gilid ng kama. Pero natigilan ako dahil pinagmamasdan niya ang mahimbing na natutulog na anak niya. "He also looks like her mother." Pagkasabi niya na 'yon ay napaangat ako ng tingin sa kanya at nagsalubong ang aming mata. Ako na agad ang nagbaba ng tingin dahil parang napapaso ako sa mga mata niya. "Ang ganda siguro ng mama niya, pero nasaan ba ang mama ni Jaxon? Dapat diba siya ang nag-aalaga sa anak niya?" Curious na tanong ko dahil kawawa naman ang batang ito. "Wala na ang mama niya at hindi ko alam kung buhay pa ba ito o patay na. Dahil wala naman nakitang katawan niya. " Sagot nito tumayo at naglakad papunta sa bintina, binuksa niya ito at doon naglabas ng sigarilyo at sinindihan niya ito. "Ganon ba, kawawa naman itong si baby Jaxon." wika ko at napatingin sa inosenteng mukha nito, balak ko pa sanang magtanong kaso nag-aalala ako baka isipin niya masiyado akong pakialamera. "Mag-iingat kayo lagi at huwag kayong sasama kahit na kanino na hindi niyo kilala, lalo na ang gagamit sa pangalan ko."muling sabi nito. "Oo mag-iingat ako, este kami." Napakaano mo talaga Jass. Saway ko sa isipan ko. "Oo nga pala bakit ako ang napili mong mag-alaga sa anak mo? Hindi mo naman ako kilala at hindi rin kita kilala, malay mo ba kung masamang tao rin ako?" Tanong ko dahil nagtataka rin talaga ako at sa akin niya pinagkatiwala ang anak niya. "I saw you while looking at the kids playing and I thought you loved the kid." sagot nito. Ewan pero parang nagkulay rainbow ang paligid ko dahil sa sinagot niya. "Ayon lang pala? Hindi pa rin ako kumbinsido, pero swerte mo dahil mabait at--" natigil ako sa pagsasalita dahil nakatingin siya sa akin. "At mabait ulit." yon ang ibig kong sabihin at napailing ito at binato lang niya ang sigarilyo sa labas. "Eh, 'yung halik para saan naman 'yon? Akala mo ba ikaw pa lang kaya ang nakauna sa labi ko." Tanong ko pa rito habang kay Jaxon nakatingin. "The kiss? It doesn't mean anything for me, why do you ask?  do you like it again?" Biglang kumabog ang puso ko dahil sa sagot niya at sa tono ng pananalita niya dahil may kalakip na mapang-akit na tono. Napatayo ako at saka ko naramdaman na naiihi na ulit ako dahil kanina parang umurong ito, pero ang gulat ko na lang ng hawakan ako nito sa kamay at hatakin pasandal sa pader. Nakatingin siya sa mga mata ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin habang ang kamay ko na hawak 'ay tinaas sa banda sa uluhan ko. Mabuti at mabango ang kili-kili ko, teka ano ba bakit ganito ang nararamdaman ko nagwawala na ang puso ko sa sobrang kaba. At ang bango-bango niya sobra tapos ang hininga niya parang gusto ko ng maubusan ng hininga at sa kanya na lang ang aamoyin ko. Hindi ko alam pero totoo pala na may slow motion dahil unti-unting bumaba ang mukha niya sa akin kaya napahawak ako sa dulo ng jacket niya dahil pakiramdam ko kapag hindi ko 'yon ginawa ay mamlalambot ang tuhod ko. Hanggang sa maramdaman ko na ang paglapat sa labi ko at napapikit ako dahil talagang pini-feel ko pa siya. Ready na akong mamatay jusko po! Napadilat ako dahil wala na akong naramdaman sa labi ko at naroon na sa may salamin si, Cadmus. Inaayos ang suot niya at ang mga baril na nakatago sa loob ng jacket niya. Gaga mo talaga Jassmine, nakakahiya buset ka. Isipin niya sarap na sarap ka talaga at ready ka ng isuko ang batanes. Nagising naman bigla si baby Jaxon at umiyak agad ito kaya napalapit ako dito bigla. Pagkakita niya sa akin ay tumigil ito at napansin ko na napatingin sa amin si, Cadmus. "My son seems to like you." Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya at lumapit sa akin at kinuha si, Jaxon. Kinarga niya ito at pinagmamasdan ang anak niya. Mukha namang mahal na mahal niya ang anak niya, pero nakakalungkot lang dahil wala na ang katulong niya sa buhay. Pero paano kung buhay pa ang asawa niya? Sabi niya kasi hindi naman nakita ang bangkay ng mama ni Jaxon. Mayamaya'y inabot niya na ulit sa akin si Jaxon at hinimas pa nito ang buhok, matapos 'yon ay ginawaran niya ng halik ito sa noo habang nakatitig ako sa paghalik niya. Napaawang pa ang bibig ko dahil napatingin siya sa akin, pero nilapat lang niya ang palad sa ibabaw ng ulo ko. Akala ko hahalikan niya rin ako. Tumigil ka nga Jasmine ang landi mo talaga. "Kailangan ko ng umalis, hindi ko na rin kayo maihahatid pa dahil baka may makasunod sa atin at malagay pa sa alanganin ang buhay mo at ng anak ko." "Ayos lang nauunawaan ko, sana'y magtagalog ka na lang mas bagay sa'yo." Ngiting sagot ko sa kanya at hindi na ito sumagot. Lumabas na kami at lahat ng nasasalubong namin ay napapatingin lalo na sa akin. Langya, baka ano isipin nila kasi ang bata ko pa tapos may dala akong baby at may kasama akong malaking tao na sa tingin ko ay malayo ang talaga ang edad sa akin. "Bakit ba may humahabol sa'yo sino ba sila tapos lagi ka pang may dalang mga baril." Curious na tanong ko at nag-aalala na rin sa kanya. "Saka ko na sasabihin sa'yo." Sagot nito at mabibilis ang bawat hakbang nito. Nakalabas na kami ng hotel at binigay na niya sa akin ang mga pinamili ko, nakita ko na parang kumaway siya at mayamaya'y may lumapit na itim na kotse at lumingon lang siya sa akin. Sumakay na siya doon, abot tanaw ko na lang siya habang paalis. "Wala na ang papa mo, Jaxon. Umuwi na rin tayo." kausap ko at nag-abang na ako ng taxi. May nakita akong taxi at kumaway ako agad, lumapit naman ito agad at lumabas sa loob para tulungan ako sa mga dala ko. Sa likod lang ako pumuwesto dahil ayoko sa harapan. "Alis na po tayo ma'am?" Tanong nito na nakatingin sa salamin na nasa itaas nito, natigilan pa ako dahil may malaking pilat ito sa malapit sa mata nito. Pilit na ngumiti lang ako at medyo kinabahan, nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating na kami sa lugar ko. Pagkababa ay inabot ko na ang bayad sa kanya at ngumiti ito. "Mag-iingat kayo uso pa naman ang nangunguha ng bata, lalo na 'yang dala mo napakagwapong bata." Nagtaka ako sa sinabi nito at natitigilan habang nakatingin sa papalayo na sasakyan nito. Binalewala ko na lang at naglakad na ako papasok sa looban namin. "Aba, kay gwapo naman ng alaga mo. Jass, kano ba ang tatay niyan?" Tanong ng mga chismosang kapitbahay namin, ngumiti lang ako at wala akong balak na magkuwento sa kanila. Narinig ko pa ang usapa nila ngunit hindi ko na lang ito pinansin, nakarating na ako sa bahay at binaba ko agad ang pinamili ko. "Hello baby Jaxon, i'm your magandang Tita Stella." kuha agad nito sa kamay ko. "Nasaan na si mama? Ba't nandito ka na agad? Hindi ka pumasok no'h?" Takang tanong ko dito sa kapatid ko dahil hapon pa ang uwi nito. "Si Ate talaga, ikaw lang naman ang hindi pumapasok noon. May meeting ang mga teacher namin kaya maaga kaming pinauwi." natatawang sagot nito. Tumango sa kanya, sumandal at pinikit ko ang mata ko dahil biglang sumakit ang ulo ko. "Hala ang kyut naman ng mga damit ni baby Jaxon, galing mo pumili ah." Napadilat ako dahil sa sinabi ng kapatid ko at naalala ko ang mga pinamili ko. Inayos ko mga ito at nilagay sa maayos na lagayan, tumayo ako para timplahan ng gatas si Jaxon dahil baka gutom na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD