CHAPTER 4

1511 Words
AN: Matagal po ito lagi makakapag-update dahil depende po talaga kapag ginanahan ako o sinipag ganon. pasensya na talaga. ❤ ----------- Nagising akong nakangiti habang kapit ang maliit na kamay ni baby Jaxon. Ang sarap lang pagmasdan ng mukha niya dahil ang sarap ng tulog nito, tapos ang tambok-tambok ng pisngi na mamula-mula. Kapag nagkaaanak kaya ako ano kaya ang magiging mukha? Kaso sa edad kong bente dos wala pa talaga akong naging seryoso na naging boyfriend. Isang beses lang 'yon yung naging katatbraho ko kaso babaero, akala mo naman sinong gwapo ang kapal! Bigla akong nabalik sa reyalidad ng tumunog ang cellphone ko at number ni Cadmus ang nakita ko. Sinagot ko ito ng may excitement na boses. "Hello, Cadmus." matamis ang ngiting sagot ko agad kahit kakagising ko lang. "Bakit ang tagal mo sagutin? Maghanda kayo ng anak ko pupunta sa mga magulang ng mama ni Jaxon." Natigilan ako sa sinabi niya ibig sabihin kami lang? "H-hindi ka kasama?" Tanong ko dito pero hindi ito sumagot. "Nako! Ayoko nga magpunta doon kung hindi ka kasama, saka hindi ko sila kilala." narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Ok, i'll go with you." Hindi na ako nakasagot pa dahil pinatayan na niya ako agad ng cellphone. Magaling-magaling todo ngiti pa naman ako tapos ganon ang bungad? Hay nako, kung hindi ka lang masarap humalik eh. Pero natuwa na rin ako dahil kasama siya, tumayo na ako at naligo agad dahil baka tumawag na naman 'yon. Dahil maagang wala si mama dahil nagtitinda pa rin ito sa palingke kahit sinabi ko na hindi na kailangan. Si Stella na lang ang naabutan ko na nagsusuklay ng buhok at naka-ready na para pumasok. "Stella, isarado mo mabuti itong bahay ah. Baka mawala ang mga kayamanan natin." Natatawang bilin ko umirap ito ng nakangiti. "Sige na may date kami ng papa ni baby Jaxon." Joke ko dahil alam kong magre-react itong kapatid ko. "Asa ka pa teh? Sige na mag-enjoy kayo pasalubong ko ah." sagot nito at lumapit kung saan karga ko si Jaxon. "Ba-bye baby Jaxon, ingat kayo ng mama mo." paalam nito sabay halik sa pisngi. Ngumiti ito ng mapang-asar at tinawanan ko lang siya. Mag-ingat raw tayong mag-ina. Sambit ko sa isipan ko habang naglalakad palabas ng eskinita, hinalik-halikan ko naman ang makinis nitong pisngi at ngumingiti lang ito. Balak ko sanang tingnan ang phone ko para i-message si Cadmus, ngunit may natanawan na akong lalaki na tumawid sa kabilang kanto. Naka-white long sleeve ito na nakabukas ang butones nito at maong na pantalon at kahit naka-sunglass ito ay kilala ko siya. Hayy, bakit ba ang gwapo niya kahit naglalakad lang? "Bilisan mo na kumilos." Narito na pala siya sa harap ko ng hindi ko namamalayan at humawak siya sa siko ko na nagbigay ng milyon-milyong boltahe ng kuryente sa buong katawana ko. Tahimik kami na sumakay sa loob ng kotse na nakaparada sa may kanto malapit dito. "Aaa... Cadmus, ilan buwan na ba si baby Jaxon?" lakas loob na tanong ko kasi ang seryoso niya. "I think, eight months. Five months naman na ng nawawala ang mama niya at tatlong buwan palang no'n si Jaxon." sagot nito habang nagmamaneho. Napatango-tango na lang ako at hindi na nagsalita balak ko sanang itanong kung ilan taon na siya kaso baka ano isipin niya. Hanggang sa pumasok na ang kotse ni Cadmus sa isang napakagandang bahay. Mayaman rin pala ang pamilya ng mama ni baby Jaxon. Mangha ako dahil may fountain sa pinaka-gitna. At ang daming mga bulaklak sa loob para akong nasa palasyo dahil sa itsuta mismo ng saloob na bahay. Pinagbuksan ako nito ng pinto na kinangiti ko, magkasabay na naglakad na kami at lahat ng masasalubong namin ay binabati siya. Talagang kilalang-kilala siya dito. Bulong ko sa isipan ko habang nakasunod sa kanya, napansin ko na nakatulog na si baby Jaxon sa balikat ko. "Mabuti naman at pinagbigyan mo ang aming hilig, Cadmus." Nakatingin lang ako sa bumati kay Cadmus na may edad na lalaki, sumunod ay humalik ang babaeng may edad sa pisngi niya ngunit parang hindi ito gusto ni, Cadmus. "Ohh... Ang apo ko." biglang lumapit ang babaeng may edad sa akin at kinuha agad si baby Jaxon kahit tulog sa akin. "Cadmus! Oh my gosh! It's nice to see you." Napalingon kami pareho ni Cadmus sa magandang babae na pababa ng hagdan ang bilis nitong bumaba sabay dikit ng pisngi nito dito. Tahimik na nakatayo lang ako hanggang sa mapatingin sa akin itong babae. "Who is that woman?" Hindi ko alam pero hindi ko nagustuhan ang tono ng pagkakatanong nito sa akin, lumingon naman sa akin si Cadmus. "Jasmine, siya ang nag-aalaga sa anak ko ngayon." sagot lang nito at naupo sa sopa at sumenyas ito na umupo sa tabi niya Atubili akong sumunod dahil mga nakatingin silang lahat sa akin. "Cad, bakit kasi hindi mo na lang sa amin ipaalaga ang pamangkin ko? Kami ang kamag-anak niya." Sabi nitong babae at kung tama ang hinala ko ay ito ang kapatid ng asawa ni ng mama ni Jaxon. "Kailangan ko bang ulitin 'yan? Anak ko siya kaya ako ang may karapatan kung sino ang mag-aalaga sa kanya."  seryosong sagot ni Cadmus na kinairao nitong babae. "Sandali, mukhang bata pa ang kinuha mong taga-alaga sa apo ko sigurado ka ba na naaalagaan mabuti si, Jaxon? Dahil kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya ay mananagot ka sa akin, Cad." Tumingin lang si Cadmus doon sa may edad na babae na biyenan niya siguro habang tahimik lang ang katabi nito na lalaki marahil ay asawa nito. "Ikaw, bantayan mo mabuti ang pamangkin ko. Dahil kapag may nangyari diyan sinisiguro ko sa'yo na sa kulungan ang punta mo." nakataas ang kilay na sabi nitong babae sa akin. Namilog naman ang mata ko dahil sa sinabi niya sa akin. "Sobra ka naman ma'am, kulungan agad? Huwag kayong mag-alala aalagaan ko si baby Jaxon na para kong anak." nakangiting sagot ko na doon nakatingin sa babae. "Alexandra, tumigil ka na. Nandito kami para makita niyo at makasama si Jaxon. Dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit siya madadala rito." mabilis na sagot ni Cadmus dahil balak pa nitong sumagot na si, Alexandra. Pangalan pa lang ng Alexandra na ito pangmaldita at kontrabida na, kung hindi mo ako gusto bala ka sa buhay mo. Nangingiting kausap ko sa sarili ko habang nakatingin kay Alexandra na ang sama ng tingin sa akin. Yung mama kaya ni Jaxon? Katulad rin kaya nitong si Alexandra? Sana naman hindi. "Bueno may pinahanda kaming masasarap na pagkain, Cadmus." basag ng may edad na lalaki at tumayo na ito. Kinuha naman ni Alexandra si baby Jaxon na nagising na umiyak ito ngunit agad rin tumahimik dahil nilalaro niya ito. Tumayo na rin si Cadmus at kinapitan ako sa balikat na inaayang sumunod. Mas lalo naman sumama ang mukha ni Alexandra pagkakita sa paghawak sa akin ni, Cadmus. "Wala ka naman sigurong gusto kay, Cadmus? Dahil kung meron ang kapal naman ng mukha mo. Hindi ako papayag na ang isang tulad mo lang ang papalit sa kapatid kong si, Alexa. Malayong-malayo ka sa kanya, look at me para malaman mo kung gaano kayo kalayo. Kaya huwag mo ng ambisyonin na magiging ina talaga ni, Jaxon." Tiningnan ko naman siya at gusto kong matawa sa mga sinasabi niya dahil wagas na lang niya akong laitin. Mabuti at nakalayo na si, Cadmus. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, pero wala ka ng pakialam sa nararamdaman ko, ok? Halika na mukhang masarap ang pagkain na hinanda niyo sa amin. At akina pala si baby Jaxon." nakangiting pang-aasar ko sa kanya at mabilis na kinuha si Jaxon sa kanya. Narinig ko pang may sinabi siya kaso hindi ko na naintidihan dahil nagmamadali na akong sumunod doon sa pinasukan ni, Cadmus. Nanlalaki ang mata ko sa mga pagkain na narito dahil ang dami at ang sasarap. Parang huling kainan na ito dahil sa dami ng pagkain. "Kailangan ba kasabay ang babae na 'yan?" Napalingon naman ako dito kay Alexandra na narito na rin pala at talagang trip niya ako ah. "Alexandra, halika na umupo ka na dito at kumain na." wika lang ama nito. Umikot naman ito at doon umupo sa tabi ni Cadmus, naiinis na simpleng tiningnan ko siya dahil mukhang nang-aasar siya sa akin. Kaya kumuha ako ng hipon at binalatan ito upang ibigay kay, Cadmus. Nakatingin lang ito sa nilagay kong hipon sa kanya kahit hirap akong balatan 'yon dahil karga ko si Jaxon. "Hindi ako kumakain niyan." "Aa.. Ganon ba?" pilit ang ngiting sabi ni Cadmus at napatawa naman si, Alexandra. Napayuko na lang ako habang kumakain nakakahiya at nakakainis malay ko ba na hindi siya kumakain ng hipon. Isip ko habang pasimple na tinitingnan ang hipon sa gilid ng plato na nito. Pero halos manlaki ang mata ko ng tusukin niya ito ng tinidor at diniretso sa bibig nito. Mabilis na nginuya at uminom ng tubig at tumayo na ito agad matapos punasan ng puting tela ang bibig. Hindi ako maka-move on sa tuwa habang nakatingin sa plato dahil wala na doon 'yung hipon. Napatingin naman ako kay Alexandra at ngitian ko ito, inirapan niya lang ako. Kinain niya talaga 'yon? Yiiiee! Anebeyen Cadmus, huwag ka ngang ganyan.. Parang kinikilit ang tiyan ko na hindi maitindihan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD