Chapter Nine

2038 Words
Chapter Nine   Ilang araw pa bago humupa ang pagkapahiya namin doon sa nangyari na pagsigaw sa amin ni Prof Mendez. O ako lang? Sina Jea at Camille kasi ay pinagtatawanan na lang iyong nangyari habang ako ay parang ayaw ko nang maalala pa iyon.   “Ang suplada talaga ni Prof Mendez,” ani Jea at tumawa na naman.  Sinamaan ko sila ng tingin ni Camille.   “Tumigil na nga kayo!” saway ko sa kanila.   “Ay? Bakit ba?” tanong ni Camille. “Iyong sa klase naman kasi ang pinag-uusapan namin. Ano ba ang naalala mo?”   Mas lalong natawa si Jea. “Ano ka ba, Camille. Huwag mo ngang pinapaalala kay Lia na nag-hi ang crush niya sa kaniya, at nahihiyang nag-hi din siya pabalik,” pang-aasar ni Jea.   Bumunot ako ng d**o at itinapon kay Jea. Nakaupo kasi kami sa gitna ng field. Wala na kaming klase. Naghihintay na lang ng sundo si Jea kaya sinasamahan namin ni Camille bago kami umuwi dahil may sasakyan naman kaming dalawa.   “Ito talagang si Lia, sobrang pikon,” sabi ni Jea habang inaalis sa katawan niya iyong mga d**o. “Masama bang kiligin sa inyong dalawa?” tanong pa niya.   “Oo, masama,” sabi ko habang binubunot iyong mga d**o. Tinampal naman ni Camille ang kamay ko.   “Hoy, ‘wag mong kalbuhin ang field. Baka masita na naman tayo dito,” ani Camille.   I just rolled my eyes at her. “Bakit masama?” tanong naman ni Jea. Akala ko ay bibitawan na niya ang usapin tungkol doon pero mali pala ako.   Hindi ako sumagot. Bahala siya diyan. “Hoy, Lia!” tawag ni Jea.   “Bakit ba ang hilig mong isigaw ang pangalan ko?” gigil na tanong ko sa kaniya.   “Para malaman ni Keanu na nandito ka,” bulong niya at mabilis na  tumayo para maghanda sa pagtakbo. Akala naman niya hahabulin ko siya. “Hi, Keanu!” bati niya.   Napatingin ako kay Keanu dumadaan sa walkway sa gilid ng field. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Binati nina Jea at Camille sina Brad at iba mga kasama nina Keanu habang ako ay naiwang nakaupo sa gilid ng field.   “Hi, Lia!” bati noong katabi ni Keanu. If I am not mistaken, he is Daniel, Keanu’s bestfriend.   Awkward na kumaway ako sa kaniya. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag ka may bumabati sa akin na hindi ko naman kilala. Isa pa, hindi naman talaga kami nagpapansinan niyang ni Daniel kaya nagulat ako nang pinansin niya ako. Sina Jea at Camille lang naman ang medyo close sa kanila. Ako kasi, bahay at school lang talaga. Ngayon lang ako sumasama kina Jea na lumabas.   “Ay, si Lia nga pala,” pagpapakilala ni Jea at sinenyasan akong tumayo. Wala na akong nagawa kung hindi tumayo. Iniwan ko ang bag ko sa baba at pinagpagan ang uniform ko bago naglakad papalapit sa kanila.   “Lia, sina, Brad, Daniel, Monty…” marami pang sinabing pangalan si Jea na hindi ko na matandaan. Tumango at ngumiti lang ako sa mga iyon. “And of course, Keanu,” ani Jea at ngumiti sa akin. She even wiggled her eyebrows at me bago bumaling kay Keanu ulit.   Ngumiti lang ako kay Keanu. Mabuti na lang at nagpaalam naman agad sila. Kinurot ko agad si Jea sa bewang habang naglalakad kami pabalik sa kung nasaan ang bag namin.   “Aray ko naman, Lia!” reklamo niya sabay tampal ng kamay ko. “Ikaw ah! Nakakarami ka na!” aniya. “Gaganti na talaga ako sa ‘yo!”   “Eh para ka kasing tanga!” sigaw ko sa kaniya sabay upo. “Alam mo namang kilala na ako ni Keanu, ipinakilala mo pa ulit ako talaga!”   Nag-peace sign si Jea sa akin na naupo na din. Tinatawanan lang ni Camille ang bangayan namin. “Kasi naman, baka magtaka iyong iba kapag ka si Keanu lang ang hindi ko ipakialla,” pagrarason pa ni Jea. “Gusto mo bang magka-issue sa kaniya?”   Umiling ako agad. Hindi na ako nakapagsalita dahil tama nga naman siya. Baka nga mahalata pa noong iba at magtanong.   Nag-usap lang kaming tatlo tungkol sa kung ano-ano pagkatapos noon. It was 6 pm already nang dumating ang driver ni Jea. Nagpasya na kaming umuwi pagkatapos noon.   Nang makarating ako sa bahay, hindi pa man ako nakakapasok ay naririnig ko na ang sigawan nina Mommy at Daddy. Nakita kong papaakyat si Daddy at sinusundan siya ni Mommy.   “Pumunta ka na naman sa babae mo! Walang hiya ka talaga!” sigaw ni Mommy habang hinahabol si Daddy paakyat.   Napakagat ako sa ibabang labi ko. I can feel the tears forming in my eyes. Nawala na sina Mommy at Daddy habang ako ay nakatayo pa din doon sa hamba ng pintuan. I looked up and blinked to stop my tears from falling.   “Lia, anak,” tawag ni Yaya Linda. Pumikit ako ng mariin bago tumingin sa kaniya.   Pilit akong ngumiti kay Yaya Linda. “Po?” tanong ko sa kaniya nang nakataas ang dalawang kilay. Nararamadaman kong namumuo na naman ang luha sa mga mata ko pero pinigilan ko talagang tumulo iyon.   “Magbihis ka na. Ipaghahanda kita ng pagkain,” sabi ni Yaya   Tumango ako. “Bababa lang po ako,” sabi ko at nagpaalam na sa kaniya. Habang papaakyat ay naisip ko na naman ang naabutan kong pag-aaway ng mga magulang ko. Nangilid na naman ang luha. Dire-diretso lang ang lakad ko papasok ng kwarto.   Kinuha ko lang ang towel ko at dumiretso na sa banyo para maligo. Nang makapasok ako ay napahagulgol na lang ako. Sobrang lakas ng iyak ko na napatakip na lang ako sa bibig ko. I sat on the floor, still crying.   Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ever since I can remember, ito na ang nakasanayan kong makita sa mga magulang ko pero parang hindi pa din nagbabago ang reaksiyon ko. I am always in pain every time they are like this. Sobrang sakit para sa akin bilang anak nila na makita silang ganoon.   I understand that they don’t love each other. Ipinagkasundo lang silang dalawa. They had me only because they were forced into this marriage. Kung hindi magkakaanak si Daddy, hindi niya makukuha ang buong mana niya.   Ang rason kung bakit wala akong kapatid ay dahil hindi naman mahal ni Mommy at Daddy ang isa’t-isa. Kahit ako, hindi nila mahal. Growing up, that is my biggest insecurity. I am all alone. I don’t have anyone. Not even my family.   Hindi ko alam kung gaano katagal na akong umiiyak doon sa loob ng banyo. Pinilit ko na lang ang sarili ko na maligo na. Baka kasi hanapin pa ako ni Yaya Linda mamaya.   Mabilis ko lang tinapos ang pagligo. Nagbihis agad ako nang pantulog at bumaba na. Magang-maga ang mga mata ko nang tumingin ako sa salamin kanina pero wala na akong pakialam kung makita ako nang mga kasambahay. Sanay naman na sila sa akin kapag ka may ganoong nangyayari kina Mommy at Daddy.   “Lia…” tawag ni Yaya Linda. Nakaupo na ako mag-isa sa dining table. Napatingin ako kay Yaya na kakagaling lang sa dirty kitchen.   “Po?” tanong sa kaniya nang nakangiti.   Lumapit si Yaya sa akin at hinawakan ang buhok ko. “Okay ka lang ba, anak?” tanong niya.   Nangilid agad ang luha sa mga mata ko pero tumango pa din ako kay Yaya at tiningala siya. “Okay lang po ako, Ya,” sagot ko sa kaniya bago bumaling sa mga pagkain na nasa harap. “Kain po tayo,” aya ko sa kaniya at tiningala siya ulit.   Tumango naman si Yaya at naupo sa tabi ko. Sinabayan niya ako sa pagkain. Habang kumakain, tinanong niya ako nang tungkol sa school. She asked me about my day, how am I doing in my classes, and how are my friends. Lahat iyon ay sinagot ko.   Nang matapos kami sa pagkain ni Yaya ay tinulungan ko siyang magligpit. Ayaw pa sana niyang magpatulong but I insisted. Tinitigan muna niya ako at pagkuwa’y tumango.   Gusto ko pa nga sanang ako na ang maghugas ng mga pinagkainan namin pero hindi na pumayag si Yaya. Sinabihan niya lang ako na umakyat na at magpahinga. Wala na din akong nagawa kung hindi bumalik sa kwarto.   Ginawa ko ang mga assignments ko bago ako nahiga sa kama. Mabuti na nga lang din at gumagana pa ang utak ko sa paggawa ng school works. Antok na antok na ako pagkatapos. Pero noong nakahiga na ako sa kama, hindi naman ako makatulog.   Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang mga salita ni Mommy kay Daddy kanina. Parang sirang plaka na umuulit iyon sa utak ko.   I tossed and turned on my bed. Hindi ko alam kung ilang beses kong ginawa iyon para lang makatulog pero hindi na talaga ako dinalaw ng antok. Gusto ko pa nga sanang umiyak pero parang wala naman nang luha ang gustong lumabas sa mga mata ko.   Inisip ko na lang iyong mga masasayang alaala na naranasan ko. Almost all of it were with my friends, Yaya Linda, and everyone except my parents. Parang wala ni isa masayang memorya kasama ang mga magulang ko.   Halos lahat nang naalala ko tungkol kay Mommy at Daddy ay away at sigawan lang. Never did I hear them tell me they love me.   Pinilit ko na lang ang sarili kong makatulog kesa naman isipin pa ang hindi magagandang alaala nang kabataan ko. Ngayon na malaki na ako, hindi ko na dapat dinidibdib ito. Pero wala eh. Sobrang nasasaktan pa din ako sa nakikita ko sa mga magulang ko. Hindi ko mapigilan kahit pa na gustuhin kong hindi na lang maramdaman ang lahat.   Kinaumagahan ay na-late ako ng gising. 8 am ang start noong unang klase ko. I woke up at 7:20 am. Dali-dali agad akong naligo at nagbihis nang uniform ko. Dala ko na ang bag ko at susi ng sasakyan nang pababa ako.   Nakasalubong ko si Yaya Linda. “Good morning, Ya,” bati ko sa kaniya.   “Oh, nak,” si Yaya. “Kumain ka muna ng almusal,” sabi niya na mabilis kong inilingan.   “Late na po ako, Ya,” sabi ko sa kaniya. “Sa school na lang po ako kakain. Mauna na po ako,” sabi ko at kumaway na sa kaniya bago dali-daling lumabas ng bahay.   “Mag-iingat ka!” sigaw ni Yaya. Nilingon ko siya at nginitian. I smiled at her before I continued walking out of the house. Dumiretso na ako sa sasakyan at nagdrive na paalis.   When I arrived at the university, naghanap pa ako ng parking space. Nasa harap na ako ng cafeteria kung saan malapit lang iyon sa building ng department namin. Mabuti na lang at may nakita pa akong space. I parked my car, turned the engine off, then went out. I locked the cardoor before I started walking. Hawak ko na ang bag ko at inilagay sa loob noon ang susi ng sasakyan.   I was about to close my bag nang mabangga ako. “I’m sorry!” sigaw ko sabay tingin sa nabangga ko.   Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakangiting mukha ni Keanu. “Hi!” masiglang bati niya.   Napalunok ako at napaatras dahil sobrang lapit namin sa isa’t-isa. “Uh, hi,” pilit na bati ko sa kaniya.   Ngumiti lang siya sa akin habang ako naman ay nakatulala lang sa mukha niya. Parang tanga na ako dito pero hindi ko maiwas ang tingin ko sa kaniya.   “I’m sorry for bumping on you,” hinging paumanhin niya. Tumango lang ako sa kaniya. “I bet you’re late for you class?” tanong niya. “It’s already 8:30 am,”   My eyes widened. Doon ko lang naalala na may klase pa pala ako. Inuna ko pa iyong pagtitig dito kay Keanu.   “Uh, oo, I have a class. Uhm… I’ll see you around. And I’m sorry for bumping on you, too,” nagmamadaling sabi ko bago umalis sa hara niya.   Hindi ko na siya nilingon pero ramdam ko ang titig niya na tumatagos mula sa likod ko. Dire-diretso lang nag lakad ko hanggang sa marating ko ang building namin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD