Chapter Ten

2098 Words
Chapter Ten   Sa huli ay hindi naman ako nakapasok ng klase dahil sobrang late na nga. Nakakahiya nang pumasok kaya bumalik na lang ako ng cafeteria para magbreakfast.   I was lining up on stall as I look around the cafeteria. Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako doon sa kamay ko. I slid to open my phone. I saw a text message from Jea.   From: Jea Where are you? Bakit hindi ka pumasok?   Mabilis akong nagtype ng reply dahil ako na ang susunod na oorder. Sinabihan ko si Jea na na-late ako ng gising at nandito lang ako sa cafeteria dahil hindi pa ako nakakapagbreakfast. Saktong pagka-send ko ng text message ay ako na ang oorder.   “One chicken burger, and medium fries. Pa add po ng pineapple juice,” I told the girl at the counter. Nagbayad na din ako pagkatapos. I waited for my food bago ako naghanap ng bakanteng table.   I decided to sit on the farthest side of the cafeteria para wala masyadong tao. I was silently eating my food while scrolling through my phone. I took a bite on my chicken burger. Nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko.   “Dahan-dahan lang,” sabi noong kung sino man ang nasa tabi ko.   Napatingin ako doon at nagulat ako nang makita ko si Keanu. Nabulunan pa ako sa gulat. Napaubo tuloy ako. Nakakahiya!   Dali-dal kong inabot ang pineapple juice na nasa harap ko at uminom. Nang matapos ay pinunasan ko ang labi ko gamit ang tissue bago tiningala ulit si Keanu.   “Uh, do you need something?” tanong ko sa kaniya. Nakita kong may dala din siyang tray na may laman na pagkain.   “Can I join you here?” he asked. Hindi ako agad nakapagsalita. Napatingin ako sa mga bakanteng table. “I know you are thinking na marami namang available tables, but ang lungkot kumain mag-isa. And I don’t want to eat alone. So, if you don’t mind?” sabi niya habang nagpapa-cute.   Wala na akong nagawa kung hindi tumango. Nagpapakonsensya pa. But I understand him. Malungkot din naman kasi talagang kumain mag-isa. Nahihiya lang ako sa kaniya kaya nagdadalawang-isip ako noong una.   “Thank you,” Keanu said as he sat down. Tumango lang ulit ako sa kaniya. I don’t really know what to tell him kaya hindi na ako nagsalita. Gusto ko sanang mag-cellphone kaso ang bastos naman noon kasi may tao sa harap ko.   “I thought you have a class,” biglang sabi na naman ni Keanu. Napatingin tuloy ako sa kaniya.   I nodded at him as I eat my fries. “I have. Absent nga lang ako dahil sobrang late na so I just decided to have breakfast here,” I told him.   Tumango naman siya. “So, you’re friends are in class kaya mag-isa ka ngayon?” he asked.   “Yeah,” sagot ko naman. “Ikaw? You don’t have class?” I asked back.   Umiling siya. “None. Maaga lang ako ngayon dail may ipinasa ako sa isang subject pero mamayang 10 am pa ‘yong first class ko,” sagot naman niya.   Ngumiti lang ako sa kaniya. I did not talk after that. Nahihiya talaga ako kay Keanu. Aside sa crush ko siya, naalala ko pa din ang paghalik ko sa kaniya noon sa club, and also all my drunk moments with him. Nakakahiya talaga.   Nagsimula na ding kumain si Keanu. Tahimik lang kaming dalawa kaya nagulat ako nang matawa siya. Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kaniya. What is so funny? Ako ba ang pinagtatawanan niya?   “You really are a quiet person,” he commented. Napakagat ako sa ibabang labi ko. “Akala ko kasi katulad ka nina Jea at Camille, but I was wrong,” he said. “You’re different,”   Alanganing ngumiti ako at umiling sa kaniya. “Hindi kasi talaga ako sanay makipag-usap sa iba,” sabi ko sa kaniya. “That is why I only have Jea and Camilel as my friends. Hindi kasi ako sanay makipagkaibigan,”   “I understand that,” sabi naman niya. “May mga tao din naman kasi talagang ganiyan. And it’s completely okay. I mean, there’s nothing wrong if you are not friendly. I can be the friendly between us,”   My eyes widened. Does that mean he wants to be friends with me?   “And I really want to be your friend,” aniya.   Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero parang nasaktan ako. Friends? I am friendzoned.   “But no pressure, Lia,” Keanu said after a minute of silence between us. “I just really want to be your friend but I am not forcing you or anything,”   “Thank you,” sabi ko na lang sa kaniya. Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain. Nauna akong matapos kay Keanu. Gusto ko na sanang umalis dahil may klase pa ako nang 10 am pero hindi ko naman pwedeng iwan si Keanu dito. Ang bastos ko naman no’n.   Nakita siguro ni Keanu na maya’t-maya kong chine-check ang cellphone ko kaya binilisan niya ang pagkain. Nang matapos siya ay uminom siya sa tubig na nasa harap niya.   “I’m sorry to keep you waiting,” ani Keanu.   Umiling agad ako. “No, no, it’s okay,” sabi ko sabay kagat ng ibabang labi ko. Sige, Lia. It’s okay ka lang diyan baka ma late ka naman.   Keanu chuckled at me. “You have class at 10 am?” he asked. Nahihiyang tumango ako. Napatingin siya sa relo niya at tumango. “It’s only five minutes before 10,” he said. “Let’s go?” aya niya at tumayo na.   Tumayo na din ako dahil male-late na din talaga ako. Sabay kaming lumabas ni Keanu ng cafeteria. Nang makalabas na ay humarap siya sa akin.   “Think about what I said earlier,” Keanu said. “I’m serious about it. I really want to be your friend, Lia,” he added. “Thank you for letting me join you at your table. I’ll see you around,”   Tumango ako sa kaniya. “See you around,” I said before I waved at him. Tumalikod na agad ako sa kaniya.   Dumiretso na agad ako sa susunod na klase ko. Saktong kakarating lang din nina Jea at Camille. Wala pa ang prof kaya nagkaroon sila ng pagkakataon para tanungin ako kung bakit na-late ako nang pasok.   “I woke up late,” maikling sagot ko na lang sabay upo sa upuan ko. Sumunod naman silang nagsipag-upuan sa kani-kanilang upuan.   “Bakit nga?” makulit na tanong ni Camille. “Bakit ka late natulog?”   I rolled my eyes at her. “Hindi kasi ako makatulog ng maaga,” sagot ko naman sa kaniya.   Sinamaan naman niya ako ng tingin pero hindi na siya nagsalita dahil alam na niyang wala siyang makukuha sa akin. Ayaw ko na kasing sabihin sa kanila ang tungkol sa mga magulang ko. Mula noon, iyan na ang problema ko. I don’t want to burden them anymore. Isa pa, I am trying to forget about it so what’s the point if I would tell it to them?   “So, saan ka tumambay dahil hindi ka nakapasok?” tanong naman ni Jea.   “Caf,” simpleng sagot ko naman at iniwas ang tingin ko sa kaniya.   “You had breakfast?” tanong na naman ni Camille.   Tumango ako at hindi na nagsalita. Nang mapatingin ako kay Jea ay naabutan ko siyang nakatitig sa akin nang naniningkit ang mga mata. I looked away.   “Hmm… something’s fishy with you,” sabi ni Jea sa akin.   Binalingan ko siya at pilit na kinunot ang noo ko. “What are you talking about?”   “I know something happened,” she concluded. “I can see through you,”   Natawa si Camille. “Ako din, nahahalata ko din na umiiwas ‘yang si Lia,” sabi niya kay Jea.   Umiling ako sa kanila. “I am not hiding anything from you,”   Mas lalong naningkit ang mga mata ni Jea. Laking pasalamat ko na lang dahil dumating na ang prof namin. Napaayos na tuloy silang dalawa ng upo.   “Mamaya ka sa ‘kin,” banta pa ni Jea.   Hindi ko alam kung matatakot ako o ano. Nahihiya na kasi akong magkwento sa kanila. Baka mas lalo nila akong asarin kay Keanu. Ayaw ko naman na ganoon. Nahihiya din kasi ako.   Noong matapos ang klase naming iyon ay vacant na namin. We have a 3-hour vacant. 1 pm pa kasi ang sunod naming klase. We three decided to go to the library to study. Maaga pa naman kasi para mag-lunch. Kakakain ko lang ng breakfast. Sina Jea at Camille busog pa man din.   Habang nasa library ay panay ang tingin nilang dalawa sa akin. Noong papunta kasi kami dito, tinatanong na nila ako kung ano iyong hindi ko sinasabi sa kanila dahil ramdam daw nilang may tinatago ako. Hindi ko sila sinagot hanggang sa makarating kami sa library.   At ngayon nga ay panay ang tingin niya sa akin. Ni hindi ako bumabaling sa kanila because I know that if I do that, they would bombard me with questions I don’t want to answer. Isa pa, hindi naman big deal iyong nangyari kanina. So, I don’t think they would want to know about it.   Nagulat ako nang malakas na isinara ni Jea ang libro na hawak niya. Napatingin tuloy ako sa kaniya dahil kaharap ko lang siya. Tinaasan niya ako ng kilay habang ako naman ay gulat na napatingin sa kaniya. Narinig ko ang tawa ni Camille sa tabi niya pero hindi ko na nilingon.   “Spill,” diretsong sabi ni Jea.   “Ano naman ang sasabihin ko?” tanong ko sa kaniya. “I don’t have anything to spill,”   She rolled her eyes at me. “I have known you since we were in gradeschool. Alam ko kung may tinatago ka o wala. I also know if it is about family, or not. And now, I can really tell na hindi ito tungkol sa pamilya mo,”   Tumango naman si Camille nang tumingin ako sa kaniya. “I’m with Jea,” agad na sabi niya.   Do I have choice? Hindi talaga nila ako titigilan kapag ka wala akong sasabihin sa kanila. Well, my friends are harmless. Well, I hope so. Alam ko kasi talagang aasarin lang nila ako. But I’ll try to talk to them na huwag akong asarin kapag ka nandiyan si Keanu.   “I had breakfast at the cafeteria earlier,” pagsisimula ko ng kwento. “I was alone… at first,”   Sabay na naningkit ang mga mata nilang dalawa. Natawa tuloy ako. “Don’t laugh. Continue,” supladang sabi ni Jea. Ang sarap sipain. Sobrang suplada talaga.   “So, ayon na nga. I was busy eating when someone approached me,” pagpapatuloy ko. Mas lalong naging interesado iyong dalawa.   “Who?” sabay na tanong pa nila.   “You know who,” sagot ko naman sa  kanila.   Sabay silang umiling na dalawa. “We don’t,” sabay ulit na sabi nila. Sinamaan ko sila ng tingin dahil nakikita ko na ang panunuya sa mga mata nila. “Come on, just say it,” Camille said. “Just say his name,” she added.   “So, alam niyo na nga. Alam niyong lalaki eh,” I said as I rolled my eyes at them. “Alam niyo na ‘yan,”   Umiling ulit sila. Ang sarap nilang sipaing dalawa. Parang hindi mga kaibigan eh. Wala na akong nagawa kung hindi sabihin ang pangalan niya. “Keanu approached me. He said he wanted to join me at the table,”   Sabay na naman na ngumiti ang dalawa. Una ay tipid na ngiti lang hanggang sa lumapad na. Sisigaw pa sana si Jea pero buti na lang at na-realize niyang nasa library pa din kami. Pumikit lang siya ng mariin at kinagat ang palad niya na parang tanga.   “Oh, my gosh!!!” si Camille sa piit na pagsigaw. Sinamaan ko nga ng tingin. Baka kasi masita na naman kami katulad noong sa gilid ng building ng department namin. Baka mapalabas kami ng library nang wala sa oras. Nag-peace sign si Camille. “Sorry na. Kinikilig lang!”   “Anong nakakilig doon?” tanong ko naman. “Do you two know what he told me?” tanong ko sa kanila.   “Ano?” sabay na naman sila sa pagtanong. They even leaned towards me.   “He wanted to be friends with me,” I answered before I continued reading the book I was reading  earlier bago nila ako pinilit na magkwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD