Chapter Eight

2227 Words
Chapter Eight   For the past weeks, palagi kong nakikita si Keanu sa university and everytime I see him, umiiwas ako. Hindi ko pa kayang humarap sa kaniya. Hindi ko pa makalimutang ang nangyari two weeks ago. Ni hindi na nga muna ako sumasama kapag ka lumalabas sina Jea at Camille.   “Lia!” napatingin ako kay Jea nang sinigaw niya ang pangalan ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.. Nasa loob kami ng cafeteria. Kanina pa kasi ako nakayuko dito dahil nasa kabilang table lang sina Keanu kasama ang mga kaibigan niya.   Natawa si Camille. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin habang tinatakpan ang mukha ko. Parang tanga na ako dito. Ni hindi ko nga alam kung kilala ni Keanu ang pangalan ko. Bakit pa ba ako nagtatago?   Umayos ako ng upo habang masama pa din ang tingin kay Jea. Tinawanan niya lang ako. “Ano?” tanong ko sa kaniya.   Umiling lang siya. “Wala lang. Kain ka na,” aniya at itinuro ang pagkain na nasa harap ko. Hindi ko pa nagagalaw kasi nga kanina pa nakababa ang ulo ko dahil sa pagtatago.   I rolled my eyes at her. Hindi ako tumitingin sa paligid. Ang assuming ko lang sa part na kilala ni Keanu ang pangalan ko. At mas assuming ako na nagtatago ako, akala mo naman ay hinahanap niya ako.   Kumain na lang din ako habang nag-uusap na sina Camille at Jea tungkol sa mga kaibigan nila na nakasama nila noong nakaraang weekend.   “Si Lia kasi, hindi sumama!” ani Jea. Hindi ako sumagot. Alam naman nila kung bakit hindi ako sumama kahit na gusto ko sana. Noong nakaraang sabado kasi, mag-isa na naman ako sa bahay. Gustong-gusto ko sanang sumama kaso nga lang ay naaalala ko ang ginawa ko noong nakaraan. Natatakot akong makita si Keanu. Nahihiya din ako.   “Oo nga! Kasama pa naman natin sa couch sina Brad,” ani Camille.   My eyes widened. Parang walang hiya itong mga kaibigan ko. Sinabi talaga ang pangalan ni Brad, na nasa katabilang table lang, by the way. Si Brad ay isa sa mga kaibigan ni Keanu. Tinakpan ko agad ang bunganga ni Camille dahil magkatabi lang kami.   “Ang iingay niyo!” mariing pasigaw na bulong ko sa kanila. Napatingin tuloy ako sa kabilang table kung nasaan sina Keanu nang kinuha ni Camille ang kamay ko galing sa bunganga niya. Maingay ang table nila Keanu sa tawanan at kulitan. Nang mapatingin ako doon ay nahanap ko agad ang mga mata niya. He smiled at me.   Fudge.   Hindi ko alam ang gagawin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. I moved a bit para makapagtago ako sa gilid ni Camille.   “Asus! Pasulyap-sulyap lang…” pagkanta ni Jea. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. “Aray ko po!” reklamo niya agad at hinawakan ang pang sinipa ko. Sinamaan niya ako ng tingin.   Mahal ko ang mga kaibigan ko. Pero ngayon, parang gusto ko nang hilingin na sana ay hindi ko na lang sila nakilala. Nilalaglag kasi ako. Parang mga tanga.   “Tumigil kayo,” sabi ko sa kanila.   “Gusto mo bang malaman ang nangyari last Saturday, Lia?” tanong ni Jea at ginalaw-galaw pataas ang dalawang kilay niya. Parang hindi ko siya nasipa kanina ah.   “Hindi,” diretsong sagot ko sa kaniya bago bumaling sa lasagna na nasa harap ko na kanina ko pa hindi pinapansin. Kumain na lang ako kesa naman pansinin ang dalawang kaibigan ko na kung makapang-asar ay parang hindi ko mga kaibigan.   “Okay,” sabi naman ni Jea. “Kahit hindi ang sagot mo, magkukwento pa din kami,” aniya at tumawa nang malakas. Sinabayan pa siya ni Camille. Napa-facepalm na lang ako dahil nagtinginan iyong mga nasa kalapit na table sa table namin, kasama na doon ‘yong mga nasa table nina Keanu.   Ang lakas ng tawa nilang dalawa. Ilang Segundo pa bago humupa ang tawanan nila. Hindi ko na talaga alam kung kaibigan ko pa sila. Parang hindi na. Parang ayaw ko na silang maging kaibigan.   “Ano ba! Tumigil na nga kayo,” saway ko sa kanila.   Naawa naman sila siguro sa akin dahil hiyang-hiya na ako. Camille even pointed out na sobrang pula na nang mukha ko dahil sa hiya.   “Okay, ganito kasi ‘yan,” ani Jea at sumubo muna ng carbonara niya I waited for her to swallow the food in her mouth. Uminom pa siya ng iced tea na nasa harap niya.   “Kita mo ‘tong si Lia,” si Camille naman ang nagsalita dahilan para bumaling ako sa kaniya.   “Ano na naman ang nakikita mo sa akin?” mataray na tanong ko sa kaibigan ko.   Camille chuckled. “Sabi mo ayaw mong malaman kung anong nangyari, pero ang mukha mo habang ngumunguya si Jea, atat na atat kang tingnan,” aniya at tumawa na naman. Hinampas ko na talaga sa braso.   Sinaway naman kami ni Jea. “Ano ba! Tumigil na kayo. Ito na, magkukwento na ako,” aniya sa aming dalawa.   Hindi na ako nagsalita dahil baka asarin na naman nila akong dalawa. Sumenyas na si Camille kay Jea na magsimula nang magkwento. “Hinaan mo lang ang boses mo,” ani Camille. “Nasa kabilang table lang sina Brad,”   “Ay, ngayon niyo lang naisipan na hinaan ang boses niyo?” I asked sarcastically. “Kanina pa nga kayo nag-eeskandalo dito, eh,”   Tumawa na naman silang dalawa. Kumain na lang ako  ng lasagna habang hinihintay na matapos ang pagtawa nila. “Oo na, eto na,” ani Jea. “Wala na munang may magsasalita,” saway niya.   Hindi na nga ako nagsalita. Si Camille naman ay tumango lang.   “So, ganito nga ang nangyari,” ani Jea. Kinuwento niya ang nangyari noong sabado. Sabi niya ay sinabihan na daw siya ni Xiara na they invited Keanu’s friends at that night. Kaya pala sobrang pamimilit nila sa akin na sumama noong gabing iyon.   “Hindi kami sumabay ng dinner sa kanila ni Camille. We just met them at the bar. Sobrang dami namin doon. Xiara booked the biggest couch dahil nga sobrang dami ng mg aka-grupo nina Brad,” ani Jea. “Noong nandoon na, we blended with them. Siyempre, iisang school lang naman kaya hindi na mahirap makipagkilala,”   Nagpatuloy sa pagkukwento si Jea. She said that earlier that night, they were just drinking on the couch. Noong lumalim ang gabi ay isa-isa nang pumunta sa dancefloor iyong iba. Konti na lang daw ang naiwan sa couch.   “And guess who’s one of those who are left on the couch,” ani Camille.   Kunot ang noo kong bumaling sa kaniya. “Who?” parang uto-u***g tanong ko naman.   “Of course! Sino pa ba kung hindi iyong crush mo!” malakas na sabi ni Jea. Parang automatic na sumipa iyong paa ko sa kaniya. “Aray! Nakakadalawa ka na ah!” sita niya sa akin.   “Hinaan mo kasi boses mo!” mariing sabi ko sa kaniya.   Napatakip naman siya agad sa bibig niya. “Ay, sorry!” aniya at ngumingiwing tumingin sa paligid bago ibinalik ang tingin sa akin. Nag-peace sign pa siya.   “So, ayon  na nga,” si Camille naman ang nagsalita. “Nang konti na lang ang nasa couch, nagulat kami ni Jea nang lumapit siya sa amin,”   Hindi muna ako nagsalita. Parang ang sarap lang hambalusin nitong dalawang kaibigan ko. Hindi marunong magkuwento  ng tuloy-tuloy. Ayaw ko namang magtanong baka asarin na naman ako nitong dalawa.   “He asked us…” pambibitin ni Jea. I glared at her . “Gusto mo bang malaman kung ano ang tinanong niya?” tanong niya pa.   “Gusto mo sipain kita?” balik tanong ko sa kaniya. Natawa siya nang malakas. Si Camille ay nakitawa din. “Hobby niyo bang pagtawanan ako?” tanong ko sa kanilang dalawa habang papalit-palit ang tingin ko sa kanila.   Mas lalo silang natawa habang ako ay nafu-frustrate na sa kanila. Hindi na lang ako nagsalita. Kumain na lang ako. Kahit na interesado ako sa sasabihin nila, hindi na ako nagtanong. Bahala sila. Kanina pa nila ako pinagtatawanan.   “Lia!” malakas na tawag ulit ni Jea. Hindi ko siya pinansin. Binilisan ko na ang pagkain. “Hoy!” tawag ulit ni Jea na hindi ko pa din pinansin.   “Nakikinig ‘yan,” si Camille. “Ipagpatuloy mo na ang kwento mo,” utos niya kay Jea.   Tumango naman si Jea. “O, sige sige,” aniya. “So, ayon na nga. Lumapit si Keanu sa amin,” sabi niya sa mahinang boses. “He asked us if where you were,” malapad na ngiting dugtong niya.   Napaayos agad ako ng upo. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanilang dalawa. “Hindi nga?” tanong ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila. They were wiggling their eyebrows at me. Nanliit ang mga mata ko. “Pinaglololoko niyo ‘ko,” paratang ko.   Magsasalita na sana si Jea nang dumaan sa gilid namin iyong mga kaibigan nina Keanu. Isa si Keanu sa mga nasa huli dahil may kausap siya. Nagulat ako nang tumingin siya sa akin nang saktong nasa gilid na siya ng mesa namin. Ngumiti siya sa akin bago bumaling kina Camille at Jea. Tumango siya sa mga ito. Ang mga kaibigan ko naman ay kumaway at binati siya.   Ibinalik naman ni Keanu ang tingin sa akin. He smiled again at me bago siya sumunod sa mga kaibigan niya. Nakasunod lang ang tingin naming tatlo sa kanila hanggang sa makalabas na sila ng cafeteria.   Nang siguradong wala na sila ay impit na napasigaw na ang dalawang kasama ko. “Oh, my gosh! Kinikilig ako!” sigaw ni Jea.   “Ahh! Ako din!” sabi ni Camille sabay yugyog sa akin.   I slapped her hand. “Ano ba!” reklamo ko kahit na ako ay kinikilig na din. Nahihiya pa din ako sa ginawa ko noong nakaraan pero kinikilig ako na ngumiti siya sa akin ngayon.   “Asus! Kunwari pa, kinikilig naman!” ani Camille sabay tulak sa akin.   Umiling lang ako at pinigilan ang sarili na ngumiti. Noong huli ay hindi ko na napigilan. Napangiti na lang talaga ako. Tinawanan agad ako nang dalawang kaibigan ko nang makita nila ang ngiti ko.   “Ayan! Aminadong kinikilig na!” pang-aasar pa ni Jea.   “Sana all hinahanap sa club!” si Camille na naman. “Sana all nginingitian ng crush!”   Hindi na lang ako nagsalita. Hanggang matapos ang klase ay puro asar ang nakuha ko sa mga kaibigan ko. Nang makauwi ako sa bahay ay iyon pa din ang nasa isip ko. Sabi kasi nina Jea at Camille ay hinanap niya talaga ako doon sa club. Nagtanong pa daw siya kung bakit hindi ako nakasama.   Kahit na hindi ko naman alam kung bakit ako hinahanap ni Keanu noong sabado, hindi ko alam kung bakit masaya ako sa fact na ‘yon. Siguro dahil sobrang crush ko siya. Ganoon siguro iyon.   Nakahiga na ako sa kama ay naiisip ko pa din ang ngiti niya sa akin noong nasa cafeteria kami. Parang hindi pa ako patutulugin nito! Nakakainis!   Noong sumunod na araw ay nakita ko na naman si Keanu sa university. Natural lang naman kasi iyon dahil iisang department lang kami. And everytime we see Keanu, inaasar ako ng mga kaibigan ko.   “Dadaan siya dito!” kinikilig na sabi ni Jea habang nakatingin kay Keanu. “He is looking at you, Lia!” dugtong pa niya. Nasa tabi kasi kami ng building ng department namin, nakaupo sa mga upuan sa ilalim ng puno. May mesa sa gitna namin at may bubong sa itaas kahit na nasa ilalim na kami ng mga puno.   Hindi ako bumaling sa kung nasaan si Keanu. Nakayuko na lang ako. Nalaman ko na lang na dumaan na si Keanu kahit na hindi ako nakatingin ay dahil huminto sa pag-iingay ang mga kaibigan ko.   “Hi, Keanu!” sabay na bati noong dalawa. Gusto kong pumikit ng mariin pero hindi ko na nagawa dahil nakikita ko na ang sapatos ni Keanu sa harap ko.   “Hi, Jea, Camille,” bati niya sa dalawang kaibigan ko. Ah! Nakakainis. Nakakahiya talaga. “Hello, Lia,”   Nanlaki ang mga mata ko na inangat ang tingin sa kaniya. Nakita ko ang nakakalokong ngiti niya habang nakatingin sa akin.   “Hoy, hi daw!” sabi ni Camille sa tabi ko. Oh, how I want to glare at her.   Hindi ko alam kung anong itsura ko habang nakangiti nang alanganin kay Benjamin. “Hi,” sabi ko sa isang piit na boses.   Narinig ko ang pagpipigil ng tawa nina Jea  at Camille. Pero si Keanu, hindi napigilan ang tawa niya. He chuckled before nodding. “Mauna na ‘ko,” paalam niya.   Hindi ako makapagsalita kay ang dalawang kaibigan ko na lang ang nagpaalam at kumaway sa kaniya. Nang makaalis si Keanu ay sumigaw silang dalawa. Iyong mga nakaupo sa mga katabing mesa ay napatingin sa amin.   “Tumigil nga kayo!” saway ko sa kanila pero para silang mga uod na binudburan ng asin.   “HOY! MAY NAGKA-KLASE DITO! ANG IINGAY NIYO!” napatingin kami sa classroom na kaharap lang noong inuupuan namin, sa building ng department namin. Lumabas doon si Prof Mendez, galit nag alit na nakatingin sa amin.   Ah, lupa! Kainin mo na lang ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD