Chapter Five

2208 Words
Chapter Five   Nang makarating kami sa couch ay wala na doon ang mga kaibigan ni Jea. Silang dalawa na lang ni Camille ang nandoon.  Mukhang kararating lang din naman ni Camille at may sinasabi siya kay Jea.   “There she is!” turo ni Jea sa akin at mabilis na naglakad papalapit. Hinawakan niya ang dalawang braso ko. “Are you okay?” she asked. “Nakalimutan ka daw ni Camille,” aniya at nilingon ang isang kaibigan namin.   I looked at Camille and saw her smiling awkwardly. “I’m so sorry, Lia,” she said.   Tumango lang ako sa kaniya, “It’s fine,” I said as I smiled at her.   Bumaling naman silang dalawa kay Keanu na nasa likod ko. “Hey,” Jea called. “Thank you sa paghatid kay Lia,” ani Jea kay Keanu.   “No problem,” he said. “Just… look after her better next time. Mahirap na, baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kung iba pa ang nakasalubong niya,” aniya.   Tumango naman si Jea. Nagpasalamat na din si Camille. I faced Keanu and let out a small smile. “Thank you,” mahinang sabi ko sa kaniya.   “Anytime,” he said bago siya nagpaalam.   Jea helped me walk. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo na ako sa couch. “What the hell was that?” she asked. “Super crush mo ‘yon, ‘di ba?” gulat na tanong niya.   Tumango naman ako. “He just happen to be in the righy place, at the right time,” I said. “Tinulungan niya lang ako,”   “Uy, kinikilig ‘yan,” ani Camille sa kabilang gilid ko.   “Hoy!” sigaw ni Jea sa kaniya. “Bakit mo naman kasi iniwan ‘tong si Lia?!”   “Sorry na,” ani Camille. “May tumawag kasi kaya lumabas muna ako ng banyo. Hindi ko naman alam na matatagalan ako. Tapos nakalimutan ko na din kasing kasama ko si Lia kaya dumiretso na ako ditto,” mahabang sabi niya.   Mas lalo lang na sumakit ang ulo ko sa away nilang dalawa. Mabuti na lang at maya-maya ay nag-aya na din silang umuwi. Hindi na namin naantay ang ibang mga kaibigan ni Jea kaya hindi na kami nakapagpaalam. She said she would just text Xiara na nauna na kami.   Nang nakasakay  na kami sa sasakyan ni Jea ay hindi ko namalayang nakatulog ako. The next day, I woke up on a familiar room, but it is definitely not my room. Napatingin ako sa suot kong damit. I am already wearing a pair of pjs.   Napahawak ako sa ulo ko habang nakaupo sa kama. Sobrang sakit nito. I feel like it would break in half. Hinding-hindi na talaga ako iinom!   Hindi ko din alam kung bakit andaming naadik sa alak. Ang pangit naman ng lasa. At pagkatapos, kinabukasan, ganitong sakit lang din naman ang makukuha mo.   Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Nakita kong pumasok si Jea at Camille. Camille was holding a breakfast tray. Dumiretso agad sila sa akin.   “Good morning, sunshine!” bati ni Jea at naupo sa tabi ko. Camille placed the breakfast tray on my lap. “You should eat,” ani Jea.   “My head hurts,” sabi ko habang umuupo si Camille sa kabilang gilid ko. “I won’t drink ever again!”   Natawa naman si Jea at may inabot sa bedside table ng kwarto niya. Yeah, this is her room. Familiar na sakin ito dahil palagi naman kaming nags-sleep over ni Camille ditto. Kung minsan, sa condo ni Camille kami natutulog, but never in my house.   Hindi ko alam. Parang hindi naman kasi masaya sa bahay kaya ayaw kong dalhin ang mga kaibigan ko doon. They would just hear my mom and dad bicker. Sawang-sawa na ako kaya nga minsan ay nakikitulog na lang ako sa kanila.   “Here,” si Jea at may ibinigay sa akin. Kinuha ko iyon at tinignan. It was medicine. “Drink that after you eat. Kumain ka na muna,” aniya.   Tumango ako at nagsimula nang kumain. Nakatingin lang silang dalawa sa akin. Habang kumakain ay panay ang reklamo ko na masakit ang ulo ko.   “What the hell happened last night?” I asked after I drank the orange juice na nasa tray. “How did we end up here at your house?” tanong ko sabay tingin kay Jea.   “You passed out inside the car. Malapit na sana tayo sa bahay niyo kaso nakatulog ka,” sagot ni Jea. “Hindi ka naman na namin pwedeng idiretso doon dahil baka makita ka ng Daddy mo na lasing, magalit pa iyon,”   Tumango ako. “Mabuti din naman na hindi niyo ako hinatid sa bahay,” sabi ko habang patuloy sa pagkain. I turned to Camille. “Ikaw? Bakit hindi ka umuwi? Nakatulog ka din?” tanong ko sa kaniya.   Umiling naman siya. “Of course, not. Gusto ko lang din na makasama kayo sa pagtulog. Unfair naman kapag ka kayo lang iyong mags-sleep over, ‘no!” aniya.   “And I also needed help para bihisan ka, Lia,” si Jea naman. “Ang hirap mong bihisan ng lasing, jusko!” reklamo niya.   “Mabuti na lang kamo hindi niya tayo sinukahan. Infairness naman sa ‘yo, hindi ka talaga nasuka,” ani Camille.   Natawa na lang ako. Oo nga, ‘no? It was my first time drinking alcohol, at medyo naparami din naman ako, pero hindi nga talaga ako nasuka. Sumakit lang ang ulo ko ng bongga.   Nang matapos akong kumain ay ininom ko na iyong gamot na ibinigay ni Jea. I took a bath after that. Mabuti na lang at bumuti na din naman ang pakiramdam ko pagkatapos noon.   Noong nagtanghalian ay dito pa din kami kumain ni Camille kina Jea. Nagkaayaan pang magswimming sa pool nina Jea dahil wala naman kaming magawa.   “Last night was epic!” ani Camille sabay tawa. Kumunot naman ang noo namin ni Jea dahil hindi namin alam kung ano ang tinutukoy niya.   “What are you talking about?” Jea asked.   Tinuro naman ako ni Camille. “Lia’s face last night was so red. Noong hinatid siya ni Keanu,” aniya.   Kumunot naman ang noo ko. “What? Hinatid nino?” hindi makahabol na tanong ko.   Mas lalo akong naguluhan noong tumawa na din si Jea. “Gago ka din kasi Camille!” sigaw niya sa kaibigan namin. Nagbasaan pa sila ng tubig habang ako naman ay nakaupo sa gilid ng pool, hindi makahabol sa pinag-uusapan nila.   “Ano bang pinag-uusapan niyo?!” frustrated na sigaw ko sa kanila. Sabay naman silang napatingin sa akin at natawa. Binasa ko nga ng tubig sa mga mukha.   “Hindi mo ba maalala?” tanong ni Jea.   Sinamaan ko siya ng tingin. “Kung alam ko, do you think magtatanong pa ako ngayon sa inyo?” pikon na tanong ko.   Si Camille ay tawa naman ng tawa sa gilid. Sinabuyan ko ulit ng tubig para matigil.   “Kasi kagabi,” si Jea. Ikinuwento niya sa akin ang nangyari.   Nanlaki ang mga mata ko. Iyong natatandaan ko lang na interaction namin ni Keanu ay iyong bumisita sila sa couch kung nasaan kami.   Bumaling ako kay Camille na naka-peace sign sa akin. “I’m sorry, nakalimutan ko talaga,” aniya, “Medyo masakit na din kasi ang ulo ko no’n,” depensa pa niya.   “So, what happened?” tanong ko sa kanila.   “Aba, ewan namin. Hindi po namin alam kung anong nangyari at bakit magkasama kayo pabalik ng restroom. Basta ang sabi ni Keanu at mabuti na lang at siya iyong nakasalubong mo. Baka kung iba ‘yon ay kung ano na ang nangyari sa iyo,” ani Jea. “Si Camille kasi eh!” turo pa niya.   Napailing na lang ako at pilit na inalala iyong mga nangyari kagabi pero hindi ko na talaga matandaan. Napapikit na lang ako out of frustration. I was drunk, alright. Baka may nakakahiya akong ginawa sa harap ni Keanu.   “Okay lang na hindi mo matandaan na,” si Camille na naman. “Basta ako, tandang-tanda ko kung gaano ka pula ang mukha mo,” aniya at tumawa na naman.   Buong gabi ko tuloy inisip kung ano ang mga pinagagagawa ko kagabi. I can remember something pero hindi buo. Putol-putol lang ang mga naalala ko. I remember dancing on the dancefloor. I remember seeing Keanu at our couch.   Marami pa akong mga naalala pero hindi talaga klaro. Hindi ko din maalala iyong nag-cr daw kami ni Camille.   Baka kung ano na ‘yong nagawa ko sa harap ni Keanu. Wala talaga akong maalala!   Noong lunes ay may pasok kami. Maaga kami nina Jea at Camille sa school. Pagkatapos ng first subject ay tumambay kami sa upuan sa gilid lang ng building ng department namin. Nag-aadvance study kaming tatlo. Tahimik lang kaming nagbabasa nang bigla akong siniko ni Camille.   Kunot ang noong bumaling ako sa kaniya. “What?” asik ko. Nakakagulat naman kasi ang pagsiko niya. Si Jea ay napatingin din sa amin.   May nginuso siya doon sa building namin kung saan kita ang hallway. Sabay tuloy kaming bumaling ni Jea doon. My eyes widened when I saw Keanu passing by. Kasama niya iyong mga kaibigan niya. Nagtatawanan lang sila habang nakatingin kaming tatlo.   Nagulat ako nang biglang bumaling si Keanu sa gawi namin. Sabay naman na yumuko ang mga kaibigan  ko. Naiwan tuloy ako na nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam ang gagawin ko.   Nakita kong natawa ng mahina si Keanu at napapailing pa. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko sa hiya. Mabuti na lang din at umalis naman sila agad. Mabilis kong kinurot sa bewang si Camille na katabi ko. Sinamaan ko naman ng tingin si Jea. Tinawanan lang nila akong dalawa.   “Nakakahiya ‘yon!” reklamo ko sa kanilang dalawa. “Nakita niya talagang tinititigan ko siya,” mahinang sabi ko na dahil baka may makarinig.   Hindi na nila ako pinansin at nagpatuloy na lang sa pagbabasa. Nawala tuloy ako focus. Sarap talagang sipain nitong dalawang kaibigan ko. Parang hindi mga kaibigan!   Noong kinahapunan ay maagang natapos ang klase namin. Jea had to go home early kaya kami na lang ni Camille ang naiwan. Wala din namang pupuntahan si Camille. Ako naman, ayaw ko pang umuwi. Puro kasambahay lang naman ang kasama ko doon sa bahay. Wala din naman akong gagawin doon.   “You okay, Lia?” tanong ni Camille habang nakaupo kami sa field ng school. Tahimik lang naman kaming dalawa habang nakatingin sa mga dumadaan kaya nagulat ako nang magsalita siya.   I turned to her with my eyebrows furrowed. Nakatingin lang din naman siya sa harap. Ni hindi siya bumaling sa akin kahit na alam kong alam niya na nakatingin na ako sa kaniya.“I’m fine,” I answered. “Why’d you ask?” I asked back.   Napangiti si Camille. Hindi ko alam kung anong klaseng ngiti iyon, but I know it wasn’t a happy smile. “I don’t know,” Camille whispered. “I just feel like I need to ask you that,” she said as she turned to me. Nagkatinginan kami. Pagkuwa’y umiling siya. “Hay. Don’t mind me,” aniya at ngumiti na.   Napangiti na din ako. “Thank you for asking but I’m fine,” I told her.   “Naisip ko lang kasi noong pumayag ka na sumama sa amin mag-club, kung ano ang maaaring dahilan kung bakit ka um-oo,” ani Camille. “Ilang beses ka din naman naming inaya pero ngayon ka lang talaga sumama. Sabi ko sa sarili ko, baka may problema itong si Lia,”   Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy si Camille. “I am very sorry kung nanghihimasok na ako. I just want to make sure na okay ka lang,” sabi pa niya.   Tumango ako sa kaniya. “I know you’re just concerned,” I said. “But I’m fine, Cam. Kaya ko pa naman. Kapag hindi ko na kayang dalhin mag-isa, alam ko naman na sa inyong dalawa ni Jea lang ako lalapit. But right now, I’m fine. I joined you the other night because I want to also experience those kind of things. And it was worth it,”   Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Bumalik kami sa pagtitingin sa mga dumadaan. I sighed. I feel bad for not telling my friends about my problem. i don’t think they should know this early. Sa susunod na lang kapag ka malapit na. Kahit ako din naman, hindi ko pa matanggap sa sarili ko. Iyan siguro ang rason kung bakit hindi ko din masabi sa iba.   Hindi ko pa nga tanggap sa sarili ko, paano pa kaya matatanggap iyon ng  mga kaibigan ko?   Nangilid ang luha sa mga mata ko pero piniit ko iyon. I looked up and blinked a couple of time to stop my tears from falling. I took a deep breath to calm myself.   You are fine, Lia. You’ll be fine. Everything will be fine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD