Chapter Six
The week passed by so quickly. Friday na naman. Nag-aya sina Jea na magclub na naman. Tumango ako sa kanila habang nagsusulat sa notebook ko.
“Are you sure you’re in?” paninigurado pa ni Camille.
Itinaas ko ang ulo ko at tinignan silang dalawa. Kunot ang noo kong tumango ulit sa kanila. “Sasama nga ako,” sabi ko.
Sabay naman silang tumango at hindi na nagsalita.
Kinahapunan, umuwi ako pagkatapos ng klase. Sinabihan ko na sina Jea at Camille na doon na lang kami magkita sa restaurant kung saan kami kakain.
“Lia, anak,” si Yaya Linda nang makita ang pagdating ko.
“Ya, hindi po kakain dito ngayon, ah. Lalabas po ako kasama sina Jea at Camille,” agap ko agad. Alam ko kaisng magtatanong siya kung ano ang gusto kong ulam ngayong gabi. Tumango naman si Yaya Linda. “Nandito na po sina Mommy at Daddy?” tanong ko sa kaniya.
Umiling si Yaya Linda. “Wala pa, anak,” aniya. “Tumawag ang Daddy mo kanina. Hindi daw sila makakauwi ngayong hapunan. Gagabihin sila,”
Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. Nagpaalam na lang ako kay Yaya na aakyat na muna para makapagligo na. Habang nasa loob ng banyo ay naisip kong mabuti na lang pala at lalabas ako ngayon. Kung hindi, mag-isa na naman akong kakain.
Sobrang lungkot palagi kapag ka ako lang mag-isa. Inaaya ko nga palagi si Yaya Linda pero minsan lang siya kung sumabay sa akin. May mga ginagawa din kasi siya. Kaya minsan, hindi na lang din ako kumakain.
Being in this big house, alone, feels so lonely. Kahit na nandito sina Mommy at Daddy, parang ganoon pa din. Parang mag-isa pa din ako.
Mahirap. Napakahirap na ako lang mag-isa. I am just thankful that I have my friends. Baka kung wala sila sa buhay ko, nabaliw na ako sa sobrang lungkot. It is not easy to be in a household like this. Iyong tatatlo na nga lang kayo, parang hindi niyo pa maramdaman ang isa’t-isa.
Am I asking for too much? Am I asking for something impossible? Hindi naman ‘di ba? Pero bakit parang ang hirap nilang ibigay sa akin ang pagmamahal na gusto kong maramdaman galing sa kanila?
Itinigil ko na lang ang pag-iisip dahil hindi din naman iyon makakatulong sa akin. Kahit na anong isip ang gawin ko, wala pa din namang magbabago. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na mayaman ang pamilya ko. Hindi naman kasi importante ang yaman at pera para sa akin. Hindi ko kailangan ang mga iyan. All I need was my parents love… their comfort… their concern. Pero ni isa sa mga doon, wala akong natanggap galing sa kanila.
Sure, I am rich in material things… in money. But I am not happy. I was never happy. Am I being ungrateful?
Napailing na lang ako. Tinapos ko na ang pagligo ko. Lumabas na ako ng banyo at nagbihis. I just changed into my white sleeveless top and black leather skirt. I wore my black boots.
I took my phone. Nakita kong may message na sina Jea at Camille. Papunta na daw sila sa restaurant na malapit sa nightclub kung saan kami pupunta mamaya. Dali-dali kong inayos ang mukha ko. I put a light make up. Nang makuntento ako ay kinuha ko na din ang black cross-body bag ko at inilagay ang wallet at cellphone ko doon.
I went out of my room after that. Dala ko na ang susi ng kotse ko. I would be driving tonight. Hindi na lang ako iinom ng madami. I have learned my lessons already. Kung gusto ko pang makauwi, I have to tone down my alcohol intake later.
“Oh, aalis ka na, ‘nak?” tanong ni Yaya Linda nang maabutan niya akong papalabas ng maindoor. Nilingon ko siya at tumango ako.
“Opo, ya,” sagot ko. “Uuwi din naman po ako mamaya,” sabi ko sa kaniya.
Yaya Linda nodded at me. “O, siya. Sige, mag-ingat ka,” aniya at hinatid ako papalabas.
Dumiretso ako sa garahe at pumasok sa sasakyan ko. I drove off towards the restaurant kung saan kami magkikita nina Jea at Camille.
Nang makarating ako ay nandoon na silang dalawa. May pagkain na ding nakahain sa harap nila. “I’m sorry,” agap ko nang makita ang matalim na tingin ni Jea.
“Jusko naman, Lia, gutom na gutom na ako. Saang planeta ka pa ba galing?” tanong niya nang makaupo na ako sa tabi niya. Sa harap niya ay si Camille na nakatingin lang sa amin.
“Sorry naman,” sabi ko na lang. Wala din naman akong ibang explanation kung bakit ako na late. Mas malapit nga bahay ko kesa sa kanila pero nauna pa sila. “Kumain na lang tayo,” aya ko at nauna pa talaga akong kumuha ng pagkain sa mga in-order nila.
Natawa na lang si Camille sa amin ni Jea. Wala na din namang nagawa si Jea kung hindi kumain na din. Habang kumakain ay nag-usap lang kami tungkol sa mga schoolworks na ipinapagawa ngayong malapit na ang midterm exams.
“Sobra naman kasi si Prof Lagdameo. Andaming pinapagawa. Hindi pa nga finals eh,” reklamo ni Camille habang kumakain.
“May nasimulan na ba kayo?” tanong naman ni Jea. Umiling agad ako. Ganoon din si Camille. “O, sige, sama-sama tayong tatlo,” ani Jea na ikinatawa namin.
Tinapos din naman agad namin ang pagkain. Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap habang nagpapababa ng kinain.
“Are your friends there?” tanong ko kay Jea nang humupa ang usapan tungkol sa school.
Jea shrugged. “Probably,” sagot niya. “I am just not sure. Hindi ko din naman kasi natanong sina Mara kanina,”
Tumango ako. “Bakit Celie?” si Camille. “Gusto mo bang tayong tatlo lang sa couch?”
Umiling ako. “Hindi naman sa ganoon!” agap ko. “I was just asking!”
Natawa silang dalawa sa akin. “O, siya, sige na. We’ll have our separate couch,” si Jea.
I glared at her. “Hindi naman kasi ganiyan nag ibig kong sabihin!” pakikipagtalo ko pa pero hindi din naman nila ako pinakikinggan. Maya-maya pa ay nag-aya na silang pumunta na ng club. Iniwan na lang namin ang kani-kaniyang sasakyan sa labas ng restaurant dahil malapit lang din naman iyong nightclub.
Nang makarating kami doon ay dumiretso kami sa couch na kinuha ni Jea. May waiter naman agad na lumapit. Si Jea at Camille na ang namili ng mga iinumin namin.
Naupo lang ako habang inililibot ko ang tingin ko. Nag-uusap sina Camille at Jea tungkol sa inumin na in-order nila sa waiter. Wala naman akong pakialam dahil hindi ko naman alam kung ano ang mga ‘yon kaya nagtingin-tingin na lang ako sa paligid.
“Hey,”
Napatingin ako kay Camille nang tawagin niya ako. “Yeah?” I asked with my eyebrows raised.
“Are you okay?” she asked. Tumango naman ako. I’m fine. Hindi pa lang din siguro ako sanay. After all, this is just my second time being here.
Nang dumating ang waiter ay inilapag niya ang tatlong bote ng inumin doon sa mesa. Agad namang binuksan ni Camille iyon isa. It was a green bottle. Jagermeister. Iyon ang basa ko sa pangalan sa bote.
Parang ayaw ko nang uminom tuwing naalala ko iyong unang punta ko dito. Hindi ko na kasi alam iyong ibang mga nangyari. Ayaw ko naman na maulit iyon. Ayaw ko na may mga hindi ako maalala kaya kailangan na bantayan ko ang pag-inom ko.
Kahit ba na alam kong hindi naman ako pababayaan ng mga kaibigan ko, iba pa din iyong alam ko pa din ang mga ginagawa ko.
“For your first shot!” sigaw ni Camille sabay bigay ng baso sa akin. May hawak din sila ni Jea. “Cheers!” aniya. Ipinagdikit namin ang mga basong hawak namin bago sabay na uminom.
Nalukot ang mukha ko. Hindi ko na talaga alam kung anong mayroon sa mga inumin at bakit andaming gustong-gusto ito. Hindi naman masarap. Sasakit pa ang ulo mo.
At mas lalong hindi ko alam kung bakit kinakausap ko pa ang sarili ko, kinukumbinsi ito, kahit na iniinom ko naman ang lahat ng ibinibigay ng mga kaibigan ko. Para lang pala akong tanga dito.
Nang maubos namin ang isang bote ay binuksan naman ni Jea iyong isa pa. Nagsalin na naman sila sa shotglass na nasa harap namin. Naka tig-tatlong shots pa kami bago nag-aya si Camille na sumayaw sa dancefloor.
“Teka!” sigaw ko. Nahihiya pa akong sumayaw. “Isa pa!” sabi ko kay Jea sabay abot ng baso ko. Sabi ko nga, hindi ako iinom ng marami. Pero kapag ka sasayaw ako, gusto ko iyong hindi ako aware sa ginagawa ko. If I am aware, mahihiya lang ako. I want my inhibitions down and alcohol is the only thing that could help me.
Sinalinan naman ni Jea iyong baso ko. Ininom ko din agad iyon. “Isa pa?” tanong ni Jea. Tumango ako. Natawa naman siya at sinalinan ulit iyon.
“Last na ‘yan!” saway ni Camille. “Baka hindi na makatayo ‘yang si Lia!” sabi pa niya.
Sinamaan ko nga ng tingin. “I’m fine!” sabi ko at tumayo. Hinawakan agad ako ni Jea sa kamay at hinigit papunta sa dancefloor. Sumunod naman si Camille sa amin.
Nang makarating sa dancefloor ay tumalon-talon na si Jea. Nakitalon na din ako. I jumped with the beat of the music.
“Wooohh!” sigaw naming tatlo habang tumatalon. Maya-maya pa ay sumayaw na kaming tatlo. I closed my eyes while moving my body. Nang nilingon ko ang gilid ko ay wala na si Camille. Napakunot ang noo ko at napatigil ako sa pagsayaw. Hinawakan ko si Jea.
“Hey, nasaan si Camille?” tanong k okay Jea. Napamulat naman siya galing sa pagkakapikit. May tinignan siya. Sinubukan kong tumingin doon pero hindi ko makita nang maayos.
“Hayaan mo na. Babalik din naman iyon,” ani Jea. “Let’s just dance!” sigaw niya at hinawakan ang dalawang kamay ko para pasayawin ako.
Nawaglit na din naman sa isip ko na umalis si Camille. Sumayaw lang ako kasama si Jea. Maya-maya pa ay may nakasayaw na si Jea. Hindi ko kilala kung sino iyon. Napaiwas ako ng tingin dahil sobrang lapit na ni Jea doon sa lalaki.
Nang umatras ako para sana bumalik na sa couch nang may humawak sa bewang ko. Nilingon ko ang lalaking humawak sa akin. My eyes widened when I saw Keanu behind me. He smiled at me.
“Hi,” sabi ni Keanu.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
“Come on, dance,” sabi ni Keanu. Doon lang ako natauhan. I closed my eyes. Can I really dance in front of him? Ewan ko. Maybe. Malilimutan ko din naman ito bukas so might as well dance with him.
Naramdaman kong gumalaw na si Keanu. He danced while holding my waist. Sinubukan kong igalaw ang bewang ko. I opened my eyes. Kagat ang labing inilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya.
Nagkatinginan kami ni Keanu. He smiled at me. I smiled back at him while moving my body against his. Mas lalong inilapit ni Keanu ang katawan ko sa kaniya. Tumalikod ako. I felt his hand touch my stomach before he held me on my waist with my back facing him.
I danced while Keanu was holding me. I can feel him moving behind me. My buttocks is touching something in front of him. Napakagat ako ng mariin sa ibabang labi ko.
I felt Keanu’s warm breath on my nape which sent shivers through my spine. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. All I know is that I am enjoying the moment I have with him.