Chapter Four
Nakabalik na kami sa couch. Marami ang mga nandito. Marami din kasi talagang mga kaibigan si Jea. They were doing shots again at inaaya nila akong uminom.
“Hey, nakailan na ‘yan!” saway ni Jea sa mga kaibigan niya. “Beer na lang para kay Lian!” aniya habang pilit na iniiwas iyong shot glass na ibinigay ng kaibigan niyang si Mara sa akin.
Tumawa ako at umayos ng upo. “Gusto ko pa!” sabi ko sabay taas ng kamay.
Sabay naman na napalingon ang dalawang kaibigan ko na nasa magkabilang gilid ko. Kumunot ang noo nilang dalawa.
“Uy, Lia, anong ‘gusto ko pa’ ka diyan?” si Camille. “You really want to get drunk, huh?” aniya.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. “This is my first time going here. I want to try everything,” I told her. “At hindi ba sabi niyo kanina kayo ang bahala sa akin?” tanong ko pa.
Tinignan ni Camille si Jea. Bumaling na din ako kay Jea. “Pretty please?” I said as I intertwined my hands na parang nagdadasal ako sa harap niya.
Tinitigan muna ako ni Jea nang ilang sandali bago siya bumuntong hininga. Kinuha niya sa kamay ni Mara ang shot glass na may laman nang inumin.
“This is tequila. You wouldn’t want to know what this could do to you,” Jea said. “Are you sure about this?” she asked.
Tumango na lang ako. Hindi ko din alam kung kaya ko ba ‘to, pero nandito naman na ako, hindi ba? Might as well do everything I have never done before I tie the knot.
Napangiti ako ng mapait. Naalala ko na naman ang narinig kong usapan ng mga magulang ko. I hate it. I hate them.
Kinuha ko ang shot glass sa kamay ni Jea at mabilis na ininom iyon. Nalukot ang mukha ko nang gumuhit sa dila hanggang sa tyan ko ang init na dala noong inumin na iyon.
“Lia!” gulat na sigaw ni Camille nang makabawi sa ginawa ko. Inabot niya sa akin ang isang lemon. Mabilis ko naman iyong inilagay sa bibig ko.
“I don’t know what to do with you,” bubulong-bulong si Jea sa tabi ko.
Tinawanan ko lang siya at niyakap. “I’m sorry,” malambing na sabi ko sa kaniya. Idinantay ko ang ulo ko sa balikat niya.
“Hey! Huwag kang yumuko!” saway niya at mabilis na itinaas ang ulo ko. I heard her groan. “Camille!” she called our other friend. “A little help here!”
Mabilis naman akong hinawakan ni Camille at pinaayos ng upo. Hinawakan nila ang ulo ko para hindi ako makayuko. Ako naman ay pinipilit na lang na ayusin ang upo ko para naman hindi na mahirapan ang mga kaibigan ko.
Pilit kong iminumulat ang mga mata ko kahit na nahihirapan na ako. Sumasakit na din ang ulo ko. Parang gusto ko nang matulog.
“Ilang shots na ba ang nainom nito?” narinig ko pang tanong ni Camille kay Jea.
Umiling si Jea. “I have no idea,” she answered. “Isa pa, mahina din talaga siguro ang alcohol tolerance nito. Ngayon lang din naman kasi uminom itong si Lia,”
Natahimik silang dalawa pagkatapos noon. Nang maimulat ko na nang maayos ang mga mata ko ay napatingin ako sa kay Jea na umiinom. Gusto ko pa sanang humingi kaso baka magalit na sa akin.
Nang tinignan ko si Camille ay nakatitig lang siya sa akin. She smiled at me. “Hay nako, Lia,” aniya at umiling. “You want to drink more?” tanong niya.
Napatulala ako saglit bago tumango. “Yes, please,” sabi ko sa kaniya. Tingin ko pa naman kasi ay kayak o pa. I’ll stop if hindi na talaga.
Wala nang nagawa si Camille kung hindi bigyan ako ng shot glass na may lamang tequila. Ibinigay niya iyon sa akin kasama ang isang slice ng lemon. Kumuha din siya ng para sa kaniya.
“Cheers!” sabi niya. Ipinagdikit naman namin ang hawak naming shot glass. I was about to drink mine when Jea shouted.
“Hoy! Kayo-kayo lang diyan. Ako din!” aniya sabay kuha ng isang shot glass na may laman. Itinaas niya iyon. “Cheers!” sigaw niya. Mabilis naman naming idinikit ni Camille ang mga shot glass na hawak namin sa shot glass ni Jea.
Pagkatapos noon ay sabay-sabay naming ininom ang mga iyon. Ibinaba ko agad ang baso at mabilis na inilagay sa bibig ko ang lemon.
Ugh. This is my last shot. Ayoko na.
Natawa si Camille sa mukha ko dahil sa kaniya ako nakaharap. May sasabihin pa sana siya pero hindi na iyon natuloy dahil napatingin siya sa mga dumating.
Napabaling din tuloy ako doon. I saw a group of guys approached our couch. Kinausap nina Xiara ang mga iyon. Napakunot ang noo ko when I realized they are familiar.
They are from the higher year. If I am not mistaken, graduating students na sila. Inisa-isa ko silang tingnan kahit na hindi na masyadong maka-focus ang mga mata ko. But my eyes widened when I saw someone. Napahawak pa ako sa braso ni Camille.
I was about to tell Camille something nang bumaling sa akin ang lalaking iyon. With his deep set of eyes, thick eyebrows, proud nose, thin lips, and chiseled jaw, parang gusto ko na lang matunaw sa kina-uupuan ko nang magkatinginan kami.
He is Keanu Apollo Monteclaro. My one and only crush.
I felt my cheeks heated as I think about my feelings for him. Matagal ko na din kasi siyang gusto. But as I am such an introvert person, I never get to socialize with him. Nakikita ko lang siya sa palagi sa department pero I never had a conversation with him.
Bumati at kumaway lang sila sa mga kasamahan ko na mga kakilala din nila. Even Jea greeted them. All the while, nakatitig lang ako kay Keanu Apollo na nakangiti habang nakikipag-usap sa mga kasama niya.
Maya-maya pa ay umalis na din sila. Sinundan ko sila nang tingin. Doon ko lang nakita na nasa kabilang table lang pala sila.
“Lia,”
Napatingin ako kay Camille nang tawagin niya ako. She looked at her arm na hindi ko namalayang nadidiinan ko na pala ang paghawak. Mabilis ko siyang binitawan.
Natawa naman si Camille. “Hindi naman halatang gustong-gusto mo siya,” aniya. “Sobrang gigil lang talaga ang paghawak mo sa braso ko habang nakatitig sa kaniya,”
Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko. “Shut up,” I said as I took another shot glass from the table. Parang nawala ang tama ko nang makita ko si Keanu.
I shook my head. Para ka talagang tanga, Lia.
Nang mas lumalim ang gabi ay naka-tatlong shots pa ako. Sa huli ay pinigilan na ako nina Jea at Camille dahil panay na ang reklamo ko na hindi ko na maramdaman ang mukha ko.
Isinandal ko na lang ulo ko sa sandalan ng couch habang masayang nag-uusap ang lahat.
I already want to sleep.
Gusto ko na sanang mag-aya na umuwi kaso ay nakakahiya naman kina Jea. I’ll just wait for them to go home. Magpapahatid na lang din siguro ako pauwi. Hindi ko din naman dala ang sasakyan ko. Nagpahatid lang naman ako kanina.
“You okay there?”
I turned to Camille when I heard her ask me. Tumango lang ako sa kaniya. Napaayos ako ng upo. “I’ll just go to the bathroom,” I told Camille.
“Samahan na kita,” aniya na inilingan ko.
“Hindi na. Ako na. Kaya ko naman,” sabi ko sa kaniya at sinubukan kong tumayo kahiy na sumasakit na ang ulo ko.
The moment I stood up, I felt my world spin. Napahawak pa ako sa balikat ni Camille. “Hey, careful,” ani Camille sabay inalalayan ako. Tumayo na din siya. “I told you, samahan na kita,” aniya.
Wala na akong nagawa nang inakay na ako ni Camille papaalis.
“Where are you two going?” rinig kong sigaw ni Jea nang nakakadalawang hakbang pa lang kami ni Camille. Hindi na ako lumingon dahil baka mas lalong umikot ang paningin ko. I was just holding Camille’s arm.
“Bathroom lang,” I heard her tell Jea.
Pagkatapos noon ay nagpatuloy na kami ni Camille sa paglalakad. When we reached the bathroom, mabilis akong pumasok sa isang cubicle to pee. When I was done, I washed my hand at the sink habang hinanap ko si Camille pero wala na siya doon.
“Camille?” I called after I was done washing my hands, pero walang sumasagot. One cubicle opened at lumabas doon ang isang babaeng hindi ko kilala. She just looked at me for a second bago dumiretso sa faucet na nasa tabi ko. I moved to the side.
Nang matapos ang babae ay mabilis naman siyang lumabas. Inisa-isa kong i-check ang mga cubicles pero wala talaga si Camille doon. Where the hell did she go?
Napahawak ako sa ulo ko nang mas lalo itong sumakit. Wala na akong choice kung hindi bumalik na lang sa couch. Baka iniwan na ako noon. Nakalimutan sigurong kasama niya ako. She must have been drunk, too.
Nang lumabas ako ng banyo ay nakapikit ako dahil sumakit na naman ang ulo ko. I held my hand at muntikan na akong matumba nang mabunggo ako sa kung ano. Mabuti na lang at may humawak sa bewang at braso ko kaya hindi ako natumba.
I opened my eyes. The first thing I saw was a broad chest. Nakakunot pa ang noo ko nang tiningala ko ang taong nasa harap.
My eyes widened when I saw Keanu’s face. He was just seriously looking down at me. “Are you okay?” he asked in a low voice.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. I blinked a couple of times bago ako nakabalik sa reyalidad. Mabilis akong tumango at umatras. Binitawan naman niya ako agad.
“I’m sorry,” sabi ko sa kaniya at napayuko.
“No, I’m sorry,” aniya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. “It was my fault,”
Natahimik ako, hindi na alam ang sasabihin. “Uh…”
Napatingala ulit ako kay Keanu nang tumawa siya ng mahina. Eh? What’s so funny?
“This is my first time seeing you here,” he said in amusement.
Hindi ako nagsalita. I was trying my best to focus on him and whatever he is saying but my head really hurts.
Hindi na talaga ulit ako iinom.
“Ngayon ka lang ba talga sumama kina Jea?” Keanu asked.
Tumango ako kahit na hindi na masyadong makapg-focus ang utak ko. “Yeah,” I answered. “I am not really into this kind of things. Ngayon ko lang sinubukan,” I explained.
And why the hell am I explaining?
May mga napadaan na grupo ng mga babae sa gilid namin. Sobra sila kung makatitig kay Keanu. Iyong isa ay nabangga pa sa isa niyang kasama bago makapasok sa loob ng banyo. Iyong isa naman ay ang sama ng titig sa akin.
Do I know them?
I turned to Keanu and I saw him nodded. Hindi na siya nagsalita kaya itinuro ko na ang daan pabalik sa mga couches. “Uh, I have to go,” sabi ko sa kaniya. I really need to go before I pass out in front of him. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko.
Tumango naman siya. He licked his lower lip kaya napatitig ako doon. “Kaya mo bang maglakad pabalik doon? You look like you’ll drop any second,” aniya na hindi ko gaanong narinig. I was too focused on his lips.
“Hey!” he called as he snapped his fingers in front of me. Napakurap ako at napaatras dahil doon. Muntikan na naman akong ma out balance. Keanu was quick enouch to hold my waist. Nadantay ko tuloy ang kamay ko sa dibdib niya.
My eyes widened. I just wanna pass out because of this freakin’ headache and of course, dahil na din sa kahihiyan na nararanasan ko ngayon.
“I am really sorry,” sabi ko sabay kuha ng kamay ko sa dibdib niya. Binitawan naman niya nag bewang ko at humawak na lang sa dalawang braso ko.
Keanu just smiled at me. “It’s fine,” he said. “Come on, I’ll accompany you back to your couch,”
Umiling ako. “There’s no need,” I told him. “It’s fine, I can walk back there alone,”
Umiling din siya pabalik. “No, it’s okay. I’ll walk you back there. Delikado at wala ka pang kasama ngayon.
Wala na akong nagawa nang inakay niya ako pabalik sa couch. He was holding my waist. And all the time we were walking back, I was sure as hell my cheeks are very red.