Chapter Seven
The night was a blur. Ang huling naalala ko lang bago ako bumalik sa couch ay hinalikan ako ni Keanu sa leeg. Humarap ako sa kaniya. I was looking up to him because he was tall, habang siya naman ay nakatungo para tingnan ako.
He placed his forehead on mine. Napapikit ako. Hindi ko alam kung gaano katagal na nasa ganoong posisyon lang kami. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong inilalapit na ni Keanu ang labi niya sa akin.
I sighed as our lips touch. I closed my eyes and felt his lips against mine. Doon ko lang na realize na hindi pala ako marunong humalik. Napaatras ako at nanlaki ang mga mata ko. “I’m sorry,” nasabi ko na lang bago ako dali-daling umalis.
Magkandadapa-dapa pa ako sa pagmamadali. Ilang tao pa ang nabunggo ko bago ako tuluyang nakaalis doon sa dancefloor. I didn’t look back. Ayaw ko. Hindi ko alam.
Dumiretso na lang ako sa couch kung saan nakita kong nakaupo doon si Camille nang mag-isa. “Oh, bakit bumalik ka na?” tanong niya.
Umiling lang ako at umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang baso sa kamay niya at ininom agad iyon. Nang maibaba ko ang baso ay nakita ko si Jean a naglalakad na papunta sa amin. She was smiling so wide habang nakatingin sa akin.
Kunot naman ang noo kong nakatingala sa kaniya. Tumili siya nang nasa harap ko na siya. Hinawakan niya ang kamay ko at tumalon-talon.
“Hoy! Anong nangyayari sa ‘yo?” tanong ni Camille habang nakatingin din kay Jea.
“Oh, my gosh! I am so happy for you!” sigaw pa niya habang nakatingin sa akin. My eyes widened. Pumasok sa isip ko ang nangyari sa dancefloor. Nakita kami ni Jea?
My heartbeat doubled nang itinuro ako ni Jea. Naupo pa siya sa kabilang gilid ko at humarap sa amin ni Camille. “Itong kaibigan mo…” ani Jea kay Camille, ako ang tinutukoy na parang wala lang ako sa gitna nila. “Dalaga na talaga!” tili pa niya.
Tang… i… na. She really did see us. Napakagat ako sa labi ko.
Tawa nang tawa si Jea kaya hinampas siya ni Camille. “Ano ba! Tumigil ka nga kakatawa!” saway nang huli sa kaniya. “Magkuwento ka!”
Pinigilan pa ni Jea ang tawa at tili niya. “Teka nga lang kasi! Kinikilig ako!” sabi pa niya.
Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Napatingin tuloy siya sa akin. Pinandilatan ko nga pero umiling lang siya. “Huwag mo ‘kong inaano diyan!” saway niya sa akin bago tumingin kay Camille. “Itong kaibigan mo, nakipagsayaw doon sa crush niya!” sabi ni Jea sabay tili ulit.
I squeezed her arm. “Ano ba! Tumigil ka nga!” sabay yugyog sa kamay niya.
Nakitili din si Camille at tinulak-tulak pa ako. Sinamaan ko nga ng tingin. “Oh, my gosh! Talaga?!” hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi ako sumagot.
Inalis ko ang hawak ko kay Jea. “Just shut up,” mariing sabi ko sa kaniya.
Umiling lang siya at bumaling ulit kay Camille. “And guess what!!!” sigaw niya ulit. Hindi ko sila pinansing dalawa. Nagsalin na lang ako ng alak sa baso at ininom agad iyon habang tinatanong ni Camille si Jea sa kung anong nangyari. Tili kasi nang tili iyon isa. Pinapagalitan na ni Camille dahil atat na ding malaman ang nangyari. “They kissed!!! Ahhhhh!!!”
Napatakip ako sa mukha. Gusto ko nga sanang takpan ang tenga ko sa lakas ng tili noong dalawang katabi ko, pero mas nahihiya ako kaya mukha ko na lang tinakpan ko.
Niyugyog nila akong dalawa pero hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa mukha ko. Fudge. This is so embarrassing. Bakit ba kasi nakita pa ni Jea ‘yon?
“Oh, girl. I am so proud of you!” malakas na sigaw ni Jea.
“Baka Lia ‘yan!” si Camille naman.
Iwinakli ko ang kamay nilang dalawa na nakahawak sa akin. “Tumigil nga kayo!” saway ko sa kanilang dalawa habang tumitingin sa paligid. The whole club is filled with the loud music pero I am that paranoid. Baka kasi dumaan si Keanu. Natatakot akong marinig niya ang tanong ng mga kaibigan ko.
“Anong feeling, Lia?!”
“Masarap ba?”
“Anong nangyari?”
“Did you kiss him back?”
Sunud-sunod ang tanong nilang dalawa. Napapikit na lang ako at isinandal ang ulo ko sa couch. Parang gusto ko na ngang iuntog ang ulo ko pero ayaw ko naman na dagdagan pa ang pagsakit nito.
Pilit pa din nila akong kinukulit pero hindi ako nagsalita kaya sa huli ay silang dalawa na lang ang nag-usap. They were talking about me like I was not here. Uminom na lang ako while they walk about me being so aggressive.
I just rolled my eyes at them. Uminom lang ako. Sinalinan ko na lang din sila ng alak sa glass para makainom naman sila habang pinag-uusapan nila ako. At ang mga walang-hiya, ininom nga talaga iyong mga shot na ibinigay ko habang ako pa din ang topic nila.
Tili sila nang tiling dalawa. Uminon ulit ako ng isa pang shot bago tumayo.
“Oh? Saan ka pupunta?” tanong ni Jea at pinigilan ang kamay ko.
“Restroom,” simpleng sagot ko habang tinitignan lang silang dalawa. Sumasakit na ang ulo ko. My head is spinning a little but I think I can manage. Naiihi na kasi talaga ako.
“Samahan na kita,” sabi ni Camille na inilingan ko agad.
“Hindi na, kaya ko naman,” sabi ko sa kaniya.
“Oo, hindi na talaga, Camille, dahil wala kang kwentang kasama pag sa restroom. Baka iwan mo na naman si Lia!” natatawang sabi ni Jea.
Camille glared at her. “Oh, edi ikaw nag sumama doon!” sigaw ni Camille sa kaniya.
“Hindi na. Ako na. Kaya ko naman na,” sabi ko para hindi na sila magbangayang dalawa. Umalis na ako sa harap nila pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na naman magsalita si Jea.
“Huwag na nating samahan, Camille. Malay mo, magkikita pa sila sa restroom noong crush niya. Madugtungan pa iyong nangyari kanina,” parinig ni Jea sabay tawa ng malakas. Narinig ko din ang tawa ni Camille kaya nilingon ko silang dalawa. I glared at the two of them bago ako mabilis na naglaakad papuntang restroom.
Napailing na lang ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko iyong kanina. If I just controlled myself earlier, hindi n asana ako nakaramdam ng hiya ngayon. Ewan ko na lang talaga.
Nang makapasok ako sa restroom ay dumiretso ako sa isang bakanteng cubicle. Nang makapasok ay natulala pa ako. Napahawak ako sa labi ko nang maalala ang nangyari sa dancefloor.
I remembered Keanu’s face as he looked down at me. I remembered how his lips felt against mine. Napakagat ako sa labi ko. Nang makarinig ako ng tawanan sa labas ng cubicle ay doon lang ako nabalik sa reyalidad. I blinked and did what I am supposed to do.
Nang matapos ako ay lumabas na ako. I washed my hands on the sink. May babaeng lumabas sa isang cubicle at naghugas din sa tabi. She’s familiar. I think she is from the higher year at school. Ngumiti ako sa kaniya pero inirapan niya lang ako.
Parang nahiya naman ako. Kunot ang noong dali-daling lumabas ako ng restroom. She’s such a b***h. I smiled at her but she just rolled her eyes at me. Am I being feeling close? Masama bang ngumiti sa hindi mo kakilala? Hindi naman, ‘di ba?
Eh bakit ko ba iniisip ‘yon? Hindi naman importante ang babaeng ‘yon. At bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Napailing na lang ako para hindi ko na maisip ang nangyari. I was about to turn mula sa hallway ng restroom pabalik sa mga couches nang may mabunggo ako.
“Oh, shoot!” sabi ko nang mapaatras ako. Akala ko ay matutumba talaga ako pero mabuti na lang at nahawakan noong nakabunggo ko ang bewang ko. “I am so sorry!” sabi ko at tumayo ng tuwid. Nang tingnan ko ang mukha noong nakabunggo ko ay parang gusto ko na lang maglaho na parang bula.
“I’m sorry,” Keanu said before he let go of his hold on me.
Hindi ko alam kung paano aalis sa harap niya. Parang naging bato ang mga paa ko. Hindi ako makagalaw. Ni hindi nga ako makapagsalita. Napapatingin sa amin iyong mga dumadaan na papasok din ng restroom.
Yumuko lang ako. Alam ko kasing nakatingin lang si Keanu sa akin. Gustong-gusto ko na talagang umalis sa harap niya pero hindi ko alam kung paano.
“Keanu!”
Napatingin ako kay Keanu noong may tumawag sa pangalan niya. Nakita kong tinignan niya iyong tumawag sa kaniya na nasa likod ko.
“Pabalik ka na ba sa couch?” tanong noong babae. Nilingon koi yon at nakita ang babae kanina sa loob ng restroom, the one who rolled her eyes at me. Napatingin sa aking iyong babae. I saw how she looked at me from head to toe.
“Hindi pa,” sagot naman ni Keanu. “I’ll go to the restroom,” aniya.
Hindi ko na hinintay na magsalita pa iyong babae. Agad na akong umalis sa gitna nila. “Excuse me,” sabi ko at dire-diretso na ang lakad ko pabalik sa couch namin. Hindi ko na nilingon ang naging reaction ni Keanu at noong babaeng kasama niya.
Nang makarating ako sa couch ay naabutan kong nagtatawanan pa din sina Camille at Jea. Nagsumiksik ako sa gitna nila at agad na ininom iyong alak na nasa mesa.
“Oh? Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Jea.
Umiling lang ako at nagsalin ulit nang alak. Pinigilan naman ni Camille ang kamay ko na may hawak na bote. She took the bottle out of my hand. Inilayo niya iyon sa akin.
I sighed as I leaned back on the couch. Parang mas lalong sumakit ang ulo ko sa nangyari sa hallway ng restroom. Nakakahiya. This is the second time na nakabangga ko si Keanu na galing akong restroom. Hindi ko alam kung anong magic meron ang restroom.
Pinilit ko alisin sa isip ko ang lahat ng tungkol kay Keanu. Sumali na lang ako sa usapan nina Camille at Jea. Nang lumalim ang gabi ay mas lalong sumakit ang ulo ko sa dami ng ininom namin. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang mag-drive.
“Hoy! Saan ka uuwi?” tanong ni Camille sa akin nang papalabas na kami ng club. Magkasama pa din kaming tatlo. Napagdesisyonan namin na iiwan na lang namin ni Camille ang sasakyan namin at sasabay na lang kami kay Jea dahil susunduin naman siya ng driver nila.
“Ikaw ba?” tanong ko balik sa kaniya.
Kung ako lang, ayaw kong umuwi. Ewan ko. Parang ayaw ko nang umuwi sa bahay kapag ka nakalabas ako.
“Ikaw nga una kong tinanong ‘di ba?” sabi naman ni Camille.
“Ayaw kong umuwi,” diretsong sagot ko sa kaniya.
Nakakaintinding tumango naman si Camille. Tinawag niya si Jea na kakababa lang ng phone, kausap kasi niya ang driver nila. “Sa bahay na lang kami didiretso,” sabi ni Camille kay Jea. “Isasama ko si Lia. Doon daw siya matutulog,”
“Hala! Bakit kayo lang?” reklamo ni Jea. “Sama ako,”
Natawa na lang kami ni Camille sa kaniya. Sa huli ay napagdesisyonan naming sa bahay na lang ni Camille magsleepover.
“May problema k aba, Lia?” tanong ni Jea nang maiwan kami sa kama ni Camille. Si Camille kasi iyong huling naligo. Ako ang nauna, pagkatapos ay si Jea. Nagsusuklay pa siya habang ako ay nakahiga na sa kama, gusto na sanang matulog pero nang dahil sa tanong niya ay hindi ko na maipikit ang mga mata ko.
Nakatingala lang ako sa kisame. Bumaling ako kay Jea. I smiled at her before I went back to staring at the ceiling. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi pa ako ready na pag-usapan iyon. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa tanggap. Hindi ko alam kung kailan ko matatanggap. Kapag ka ba alam ko na talagang wala nang pag-asa na maalis sa sitwasyon na ‘to? Kapag ka ba dumating na ang araw na ‘yon?
Nagulat ako nang may yumakap sa akin. Napatingin ako kay Jea. She was looking at me with her sad eyes. Ngumiti ako sa kaniya. “I’m fine, Je,” I told her.
“May problema ka eh,” bulong ni Jea sa tabi ko.
Natawa ako. Sa huli ay tumango na lang ako. “Oo, meron,” bulong ko dahilan para maitaas niya ang ulo niya. Magtatanong na sana siya nang maunahan ko. “Pero hindi ko pa kayang pag-usapan. I’ll tell you and Camille about it when I’m ready,”
Nakakaunawang tumango naman si Jea. Nahiga na lang siya sa tabi ko at niyakap ako. “We are always here for you, Lia. Don’t forget that,” aniya. I just nodded and did not say anything.