Chapter Eleven

2117 Words
Chapter Eleven   Walang nagsalita sa kanilang dalawa pagkatapos noon. Ni hindi na ako tumingin sa kanila dahil sinubukan ko na talagang mag-focus sa binabasa ko.   Ramdam ko ang titig ng dalawang kaibigan ko sa akin buong oras na nasa library kami. Noong nagdesisyon kaming lumabas na para makapag-lunch, tahimik pa din silang dalawa. Kaya habang naglalakad papuntang cafeteria, nilingon ko sila.   “Hoy, bakit ang tahimik niyo?” tanong ko sa kanilang dalawa. Agad silang umiling ng sabay. I glared at both of them. “Para kayong tanga. Kanina ang ingay niyo. Ngayon hindi na kayo nagsasalita,” puna ko.   Hindi din talaga sila nagsalita hanggang makarating kami ng cafeteria. I was about to enter first nang tawagin ako ni Jea.   Nilingon ko silang dalawa nang nakataas ang kilay. “What?” tanong ko sa kanila.   Hinigit nila ako pagilid dahil may mga dumadaan pa papasok at papalabas ng cafeteria. “We’re sorry,” agad na sabi ni Jea nang makaalis na kami sa harap ng pinto ng cafeteria.   “For what?” naguguluhang tanong ko.   “For asking questions. Hindi naman kasi namin alam na iyon ang sinabi ni Keanu sa ‘yo,” ani Jea.   Natawa ako. “Ano ba kayo! Okay lang naman ‘yon. Okay lang naman ako,” sabi ko sa kanilang dalawa at nginitian sila. “Alam ko naman na hindi ako gusto ni Keanu. At hindi naman niya ako pinipilit sa inalok niyang pagkakaibigan. He asked me, but he didn’t force me,”   “Hindi k aba nasasaktan?” tanong naman ni Camille. “Gusto mo siya, ‘di ba?” tanong pa niya.   Agad naman akong tumango at ngumiti. “Oo naman, gusto ko siya. Pero never naman akong umasa sa kaniya, kaya okay lang ako,”   Natapos lang ang usapan namin tungkol doon nang inaya ko na silang pumasok ng cafeteria. Ayaw pa nga sana nila dahil gusto pa nilang magsorry sa akin pero hindi ko naman na kailangan ‘yon. Wala naman silang kasalanan kaya bakit sila magso-sorry?   Hanggang sa makabili kami ng pagkain at makaupo ay tahimik pa din silang dalawa. Sinamaan ko na nga ng tingin. “Ano ba kayo? Bakit ang tahimik niyo?” tanong ko sa kanila.   Jea pouted. “Eh, baka kasi nasaktan ka noong naalalal mo ‘yong sinabi ni Keanu dahil sa kakapilit namin sa ‘yo na magpakwento,” aniya.   “Oo nga,” si Camille naman. “Ayaw mo na kasi sanang pag-usap. Siguro dahil nasaktan ka sa pag-aya niya sa ‘yo dahil nga may gusto ka doon. Tapos kami iyong tatanga-tanga mong kaibigan na pinipilit kang magkwento,”   Umiling ako sa kanilang dalawa. “Hey, I am not that affected,” I told them. “As I have said, I don’t expect anything from him. May gusto ako sa kaniya, oo, pero hindi ko naman inisip na magkaroon ng relasyon sa kaniya. It hurt a bit, pero noong huli ay nawala din naman. I figured, okay lang naman na maging kaibigan ko siya, kaso nga lang, nahihiya pa din ako sa ibang tao. You know that, right?” mahabang sabi ko pa.   Tumango naman silang dalawa. “So, you two good now?” I asked again and they both nodded for the second time. “Okay, so let’s eat,” aya ko.   Nagsimula na kaming kumain at mabuti na lang ay bumalik na ang dalawa sa pag-iingay. They were talking about random things. They were asking me about something. I guess that is their way to make me forget about what happened earlier, and I appreciate their efforts kahit na hindi naman n asana kailangan dahil okay lang naman ako.   We attended our class after that. Dalawang subject na lang din naman. 3 pm ay tapos na ang klase namin kaya nagkaayaan na mag-mall muna. Walang dalang sasakyan si Camille. Si  Jea naman ay nagpapasundo lang dahil tinatamad na daw siyang mag-drive.   Kaya naman noong nagkayayaang mag-mall, sa sasakyan ko kami sumakay at ako ang naging driver noong dalawa. Sobrang ingay nila sa loob ng sasakyan. Kantahan sila nang kantahan.   Nang makarating kami sa mall ay nagpark muna ako bago kami sabay-sabay na bumaba. We walked through the entrance of the door. “Where are we going first?” tanong ni Jea.   “Nagugutom na ba kayo?” Camille asked. Umiling lang ako. Ganoon din naman si Jea. “Ako hindi din,” ani Camille. “So, window shopping muna tayo?”   “Sure!” sabay na sabi namin ni Jea.   We went to different boutiques para sana mag-window shopping lang pero hindi na namin napigilan mamili. Nakaka-tatlong boutiques pa lang kami pero ilang shopping bags na ang hawak namin.   “Gago kasi nitong si Jea!” pangsisisi ni Camille sa isang kaibigan namin. “Sabi window shopping pero naunang namili!”   “Eh hindi ko naman sinabi na mamili din kayo ah!” sabat naman ni Jea sa kaniya.   “Eh, hindi ko din naman mapigilang hindi mamili eh!” sigaw pabalik ni Camille. Gusto ko sanang magtakip ng tenga dahil naririndi na ako sa sigawan nila lalo pa at nasa gitna nila ako, pero hindi ko magawa dahil nga may hawak akong mga shopping bags.   “Tumigil na nga kayo!” sigaw ko din sa kanila. Gusto nila ng sigawa, edi sisigaw din ako. Para fair na lang. Napatigil naman sila at napatingin sa akin. Gulat na gulat silang dalawa dahil hindi naman ako sumisigaw talaga. Ngayon lang, para matigil lang silang dalawa.   “Hala ka, Jea!” si Camille. “Sumigaw tuloy si Lia dahil sa ingay mo!”   “Anong ako?” si Jea na naman. “Ikaw nga sumisigaw din eh!”   Tuloy pa din ang sigawan nila kahit na nasa gitna kami ng daanan. Napatigil tuloy ako at napatingin na naman sila sa akin. “Hindi ba talaga kayo titigil na dalawa?” mariing tanong ko sa mahina nang boses.   “Titigil na nga,” sabay na sabi nila. Nagkatinginan silang dalawa at nag-irapan pero hindi naman na nagsalita. Buti naman. Akala ko kailangan ko pang sumigaw ulit, eh.   Napagpasyahan na namin sa huli na huwag nang pumasok pa sa ibang boutique dahil baka mag-away na naman ang dalawang kasama ko. Inaya ko na lang silang dalawa na mag-early dinner.   “Scam talaga ‘yong window shopping,” hindi pa din talaga mabitawan ni Camille iyong nangyari.   “Tumigil ka na. hindi na naman mamumulubi dahil doon,” sabat naman ni Jea. “Si Lia nga hindi nagrereklamo eh!”   “Eh marami naman ‘yang pera si Lia!” sagot naman ni Camille.   “Hoy! Anong ako? Mas marami kang pera,” sabi ko naman sa kaniya. “At hindi ba talaga kayo titigil?” tanong ko at napatingin na sa waiter na paparating na dala na iyong order namin. “Andito na ang pagkain pero hindi pa din kayo natitigil sa pag-aaway,”   Nag-peace sign naman si Camille. Mabuti at tumahimik sila noong dumating ang waiter. Nakakahiya kung mag-aaway pa sila dahil lang sa pagsho-shopping. Tama nga naman si Jea, hindi naman mamumulubi si Camille.   Habang kumakain ay nag-usap lang kami tungkol sa kung ano-ano. Wala na din namang nag-open nang topic tungkol doon sa friendship na inalok ni Keanu sa akin. Okay lang naman sa akin na pag-usapa iyon. It’s not a big deal. Itong mga kaibigan ko lang ang nag-iisip na naaapektuhan ako.   Mayber just after I heard it. I was friendzoned by my crush, alright. Pero sa huli, naging okay din naman iyon para sa aki dahil hindi naman ako umaasa kay Keanu. Even if I had kissed hom on the dancefloor of the club. Alam ko kasi na may reputasyon din siya sa mga babae. Kaya mas mabuti na din na maging kaibigan ko lang siya.   It was 7 pm nang makauwi ako sa bahay.  Hinatid ko pa sina Camille at Jea sa kani-kanilang mga bahay dahil nga ako lang ang may dalang sasakyan. Nang makapasok ako ay nakasalubong ko si Yaya Linda.   “Oh, ginabi ka ata?” sabi ni Yaya. Sinubukan niyang kunin iyong mga dala ko pero umiling agad ako.   Ngumiti ako sa kaniya. “Ako na po, kaya ko naman ‘to,” sabi ko kay Yaya. “Nag-mall pa kasi kami nina Jea at Camille, Ya,”   Tumango naman si Yaya Linda. “Nakakain ka na ba? Ipaghahanda na ba kita?” tanong pa niya.   I shook my head. “Nakapag-dinner na po ako,” I told her. “Akyat na po muna ako, Ya,” paalam ko sa kaniya na tinanguan naman niya.   “Sige, ‘nak. Magpahinga ka na pagkatapos,” ani Yaya.   I smiled at her before I walked towards the stairs. Dire-diretso lang ang akyat ko hanggang sa makarating ako sa kwarto. Nagpahinga lang ako sandali bago ako naligo. Nang matapos ay nagbihis agad ako nang pantulog.   I was working on my assignments when I heard loud noises outside my room. Napatayo ako when I recognized it was my Mom and Dad’s voice, shouting. Nag-aaway na naman sila.   Dumiretso ako sa pinto at pinakinggan ang pag-aaway nila. They are walking towards their room, still shouting at each other. Sinisigawan ni Mommy si Daddy tungkol sa meeting na naganap sa isang restaurant. Nakipagkita na naman daw si Daddy sa babae niya.   Sinigawan pabalik ni Daddy si Mommy, telling her to shut up dahil nakakahiya ang ipinagsisigawan niya.   “Hindi ka nga nahihiyang makipagkita sa babae mo! Tapos ngayon mahihiya ka sa sariling bahay natin? Hindi ka na dapat mahiya dahil makapal talaga ang mukha mo!” iyon  ang huli kong narinig na sigaw ni Mommy bago nawala ang boses nila. Siguro ay nakapasok na din sila sa kanilang kwarto.   Napasandal ako sa pinto nang nakapikit ng mariin. I am trying to fight my tears. Ayaw na ayaw ko nang umiyak nang dahil sa kanilang dalawa. Pagod na ako. Pinagod ko na ang sarili ko kagabi sa kaiisip nang tungkol sa kanila. Pero sila, ni minsan ba, naisip din nila ako? Naisip din ba nila kung ano ang mararamdaman k osa ginagawa nilang pag-aaway? Sa pagsisigawan nila dito sa bahay? Did they ever think about me?   Siguro hindi. Lalo na si Daddy. Hindi naman kasi magkakaganiyan si Mommy kung hindi dahil sa ginagawang kasalanan ni Daddy. They are married. Kahit pa na hindi naman nila mahal ang isa’t-isa, hindi pa din tama na mambabae si Daddy.   Naalala ko tuloy iyong narinig ko sa kanila. Me, being arranged to marry someone I don’t know. Hindi pa ba sila nadala? Hindi ba nila nakikita ang nangyayari sa kanila? Iyan ba ang gusto nilang mangyari din sa akin sa huli? Gusto ba nilang matulad ang magiging anak ko sa akin?   Ayaw ko. ayokong maranasan ng anak ko sa huli ang nararanasan ko ngayon. Hindi ko kaya. Sobrang sakit. I can’t pass this to my future son or daughter. Hindi ko alam kung anong sakit ang mararamdaman ko kapag ka ganito din ang mararanasan ng anak ko sa huli.   Bumalik na ako sa study table ko at ipinagpatuloy ang paggawa ng assignments. Nang matapos ako ay nahiga na ako sa kama. Sinubukan kong matulog pero hindi ko din magawa. Gusto ko nga sanang maiyak na lang para makatulog ako agad pero wala nang luha ang lumalabas sa mga mata ko.   Sa huli ay napagdesisyunan kong bumangon at magbihis. I’ll go out. I need a drink.  Ayaw ko namang ayain sina Jea at Camille. Magtatanong sila kung anong problema ko at ayaw ko namang pag-usapan pa iyon. Ayaw na ayaw ko na talaga.   Lumabas ako ng kwarto nang dahan-dahan dahil baka magising sina Yaya Linda. Bumaba ako ng hagdan dala ang susi ng sasakyan ko. Nakasabit sa isang balikat ko iyong  bag ko.   Nang makalabas ako ng bahay ay dumiretso ako sa sasakyan. I drove off to the usual club na pinupuntahan namin nina Jea. Thursday pa lang ngayon, so siguro konti lang iyong tao doon. Or I don’t know. I haven’t been in a club na hindi Friday.   Nang makarating ako sa club ay nagpark lang ako at dumiretso na papasok. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi naman pwedeng sa couch ako dahil mag-isa lang naman ako. Ang lungkot ko namang tingnan kapag ganoon.   Napatingin ako sa bar counter kung saan may isang lalaki lang na nakaupo. Dumiretso ako doon at naupo sa silya malayo sa isang lalaki. I am her to drink, not to make friends. Isa pa, hindi ako sanay makipag-usap sa ibang tao kaya mas mabuting malayo talaga ako sa ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD