Chapter 8 leveling up

1317 Words
Chapter 8 "Lucas!" Naghihintay parin siya, ngunit wala parin ito, Her heart beat fast sa kaba baka kung ano ng nangyari dito. "My gosh" lumusong na siya sa tubig at ng nasa hita na niya ay nagsimula na siyang sumisid. Sa ilang segundo ay humahapdi na ang mga mata niya kakahanap dito. Malinaw naman ang tubig ngunit sa loob ng isang minuto ay humahapdi na ang mga mata niya. Ngunit nagulat siya ng biglang may yumakap sa bewang niya. Kahit hindi siya makapagsalita her expression was saying it's him. Ngunit ang nakakapagtaka dito ay hanggang sa mga oras na ito ay nasa ilalim pa ito ng tubig at wala paring hinga-hinga she hold him in his arms, and sign to swim up. Tumango naman ito at sabay silang lumangoy. Habol niya ang hininga ng lumitaw sila sa tubig ngunit hindi si Lucas. "Ho-how did you do that?" Tukoy niya sa tagal nitong nasa ilalim ng tubig. Lumapit ito at niyakap ang bewang niya. "I was trained for that.." and he smile. Iniisip tuloy niya kung tao ba talaga si Lucas. "Tao kaba talaga?" Pang aasar niya dito. Ngumiti lang ito. "As I told you before babe.. I'm a retired Navy Seal," hindi niya alam kung anong posisyon ng Navy seal sa army, dahil hindi naman siya naging interesado sa mga ganung bagay. "Oh.. so sanay ka sa sakit?" Niyakap niya ang dalawang braso sa balikat nito. Na tila naman ikinagulat nito. "Yes, I'm well trained" Hinaplos niya ang pisngi nito, pati basang buhok nito her hands travel to his ears, and she pinched it. "Ouch!" Nagulat ito sa ginawa niya . "So trained ka pala sa sakit, hmm?" Hindi niya binibitawan ang tenga nito. "Ganti ko yan sa mga pambu-bully mo sakin" binitawan niya ng namumula na and she swim fast para makalayo agad dito. Pero inabutan parin siya nito. His hands reach for her hands at halos naging magkasabay silang lumangoy. He was smiling at her. Tila tuwang tuwa pa ito sa mga nangyari at mga ginawa nitong kalokuhan. Umahon na sila sa dagat, at nauna siyang pumasok sa kwarto kaya naman nakapagbihis narin siya. Nakasimangot naman ito paglabas niya . "Why?" Nagtataka niyang tanong "Shower room lang ang kailangan mo, why did you have to lock the room?" Hindi niya ma gets ang sinasabi nito. Kaya nilampasan lang niya ito. "Magbanlaw kana'' at dumiretso siya sa kusina para magluto ng hapunan nila. Habang kumakain sila ay wala itong imik kaya naman naninibago siya. " Lucas hey! "Agaw niya sa pansin dito. Ngunit tiningnan lang siya nito at nagpatuloy parin sa pagkain. Hanggang matapos kumain ay nagligpit na ito ng pinagkainan ng walang imik. " Ano bang problema ng taong to? "Nakaurap niyang bulong. Dumiretso siya sa sala para manood ng tv. Ngunit habang iyak na iyak na siya sa pinapanood ay naupo ito sa kabilang sofa na dati naman ay sa tabi niya ito nauupo. Napasimangot nanaman siya. ''abnoy!" bulong niya at inirapan ito. Ngunit ng magki-kiss na ang mga bida ay bigla nalang nawala ang pinapanood niya at nalipat sa wrestling. "Lucas! Ano ba? Bakit mo nilipat ang tv?" Ngunit hindi ito kumikibo. Tumayo siya at pilit na inaagaw ang remote pero mas mabilis ang mga kamay nito. Naiinis nanaman siya dito. Pero pakiramdam niya ay pinagti-tripan nanaman siya nito. She sighed. Aabutin sana niya ang remote ngunit nilipat nito sa likod nito. Gusto nanaman yata ng laro ni Lucas Raccini. Walang anu-ano'y hinawakan niya ang baba nito at hinalikan niya sa labi . Tila naman nagulat ito sa ginawa niya. Pero sinubukan niya kung paano ito humalik, she try to move her lips. The truth is, his lips is so addictive his breathing while he kissed her. Ngunit ng mahawakan niya ang remote, ay bigla niyang binawi ag labi niya, and she smirks. "Well marupok, nakaganti nako" Bumalik siya sa upuan niya dala ang remote at nilipat ang tv. Wala siyang narinig na kahit na ano dito. Maya maya'y tumayo ito at tumabi sakanya. At walang salitang nahiga ito sa hita niya. "Lucas ano ba?! Napipi kanaba?" Humarap ito sakanya. "It's all your fault" "What? Anu bang ginawa ko sayo..?" Tinitigan niya ito. "Why did you close the door?" "Door? What-" doon niya naalala kanina. "And why? What is your problem about it?" Nakataas ang kilay niyang tanong. "Because.. I want to take a bath with you.." napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. He was trying to level up their relationship. Pero hindi sila pwedeng umabot sa ganun, dahil hindi naman siya ang tunay na asawa nito. Yes she enjoy the kissing, hugging, cuddling pero hanggang doon nalang yun. Ayaw din niyang lumampas sa limit. Sinandal niya ang uli sa sofa. Her head hurts and her heart is aching. How can she tell him na hindi pwede ang gusto nito.? She wanted to do it and try it, at gusto niya ay si Lucas but how? How about her ate? The marriage? And the lie's? Ipinikit niya ang mga mata. She wanted to cry ngayon niya nararamdaman ang bigat ng desisyon na ginawa niyang hindi man lang pinag isipan. Bumangon ito na halata yata ang pananahimik niya "Hey.. are you ok?" Bakas sa boses nito ang pag aalala. "Ahm.. medyo nahilo ako.." pagdadahilan nalang niya. Ini-off nito ang tv. "Kakapanood mo ng drama yan, let's go to bed" Pinangko siya nito at hindi na siya nanlaban, sinandal niya ang ulo sa balikat nito. Pagpasok sa kwarto ay iniwan siya nito saglit. At pagbalik ay may dala na itong tubig at gamot. "Here take this.." at inabot sakanya ang baso at gamot. Kinuha naman niya ang inabot nito at ininom, at nahiga na siya pa talikod dito. Hindi narin siya nagsalita. Napahawak siya sa dibdib, bakit kailangan pa niyang maranasan ito? Now she realize na parang nahuhulog na siya kay Lucas, sa maiksing panahon na magkasama sila, from the first day hanggang sa mga oras na ito. Ramdam niya ang pagyakap nito mula sa likod niya, habang masuyo nitong hinahaplos ang ulo niya. Pinikit niya ang mata. She needed to make a decision. Kailangan malaman na niya ang totoong nararamdaman niya dito. Para kay Lucas ay walang mali dahil hindi nito alam ang totoo. Hinawakan niya ang kamay nitong nakayakap sakanya. Gusto niyang sumaya. After this kakalimutan nalang niya si Lucas. ~~~~~~~ She was wearing a red sleeveless at maong na short, na ripped jeans kalahati lang ng hita niya ang haba nito,at naka alligator slippers na hanggang binti ang tali. Kitang kita ang ganda ng katawan niya. She was using a backpack. Lucas is on the beach at nakatalikod, may kausap ito sa cellphone nauna talaga itong magbihis dahil may susundo daw sa kanila at ito daw ang mahihintay. Naglakad siya papalapit dito. "Oh wait, kayo na ba yan?" tukoy nito sa kausap. Iniharang pa nito ang kamay sa mata dahil sa liwanag ng araw at ngayon lang niya nalaman na helipad pala ang susundo sa kanila. "Ok, ok" at pinatay na nito ang tawag. "Oh.. we will ride there?" Tanung niya na nakaharang din ang kamay sa liwanag ng araw. Humarap ito sakanya at nagulat ito sa itsura niya. "Damn!bakit ganyan ang suot mo?" Nakasalubong ang kilay nito and he sounds annoyed. "Why? What's wrong with my outfit?" Nagtataka niyang tanong dito. "Cover yourself now Ali" seryoso nitong sabi, ngaun lang ulit siya nito tinawag ng ganun. "O-ok" kinuha niya ang backpack at naghanap ng cardigan na ipapatong niya sa damit. Sinuot niya agad iyon, hindi kasi maalis ang galit sa mukha nito na para bang nasira niya ang mood nito. But when it land ay ginagap nito ang kamay niya. He was talking to the pilot na habang hawak hawak ang kamay niya. After ay inalalayan siya nito papunta sa helipad. Nilagyan mo na siya nito ng headphones sa tenga niya at inayos ang cardigan niya **End if chapter**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD