Chapter 9 first LQ

1410 Words
Chapter 9 She was amazed by the place napakaganda nito. Merong iisa lamang na Hotel na nakatirik sa pinaka gitna ng isla. At sa tingin niya ay nasa sampung palapag. Isang mahabang infinity pool, at may mga slides. Sa bandang sea side naman ay may mga tent. At may mga taong nagsu-swimming. Meron ditong outdoor activities like Zipline, mountain climbing , sky diving, kayaking at marami pang iba. Meron ding stage na tila ba may event tuwing gabi. Pinakilala ni Lucas ang mga piloto ng helipad. Named Noah,at Seth Raccini, pinsan ni Lucas and they are also handsome nasa lahi yata ng mga ito ang mga gwapo. Sila ang mga co- owner nang resort. "Beautiful" nakangiting sabi ni Seth sakanya habang pinagmamasdan ang kabuoan niya. " Thanks" nahihiya niyang sagot. Ngunit inakbayan siya ni Lucas " Yes, beautiful Seth so take your eyes off her baka madukot ko yan" sarkastic na banat ni Lucas dito. Natawa naman si Noah. " Hi, I'm Noah, miss gorgeous " Inilahad nito ang kamay sakanya. Tinanggap naman niya ang kamay nito ngunit inagaw naman ni Lucas ang kamay niya . " Ok, we're the guest here, and it's not good seeing the two of you who's the owner of the hotel flirting with the woman na kasama pa ang asawa" Magkasalubong ang kilay na sabi ni Lucas. Napakamot naman ang dalawa sa ulo. " Maybe you have a sister?" Biro ni Seth. And she nodded. " Are they single? " " Yups, " "Oh that's good to hear" Ngunit naagaw ang atensyon niya ng makita sa kaliwang bahagi ng hotel kung saan may nag aayos ng stage. " What's that? Is there's a event!? '' "Yeah.. my event kami baka gusto mong sumali.. it's a pageant on Thursday and dance competition on friday" Napa wow siya sa mga nalaman marami pang event na binanggit ang magkapatid pero sa dancing competition talaga napunta ang atensyon niya. She was excited hindi niya binabanggit kay Lucas na talent niya ang pagsasayaw silang magkakapatid. Hawak ni Lucas ang kamay niya habang nagche-check in sila sa hotel na yun. "Hi Mr.Raccini..welcome back" napasimangot siya. Habang kausap ni Lucas ang receptionist ng hotel, ngiting ngiti ito kay Lucas at hindi yata siya napansin. At mukhang kilalang kilala nito si Lucas. "Same room Mr. Raccini?" Nakangiti parin nitong tanong, habang nakakaramdam naman siya ng inis. "Ah.. yes please" Lucas slightly smiled. "How long will you be staying here Mr. Raccini" tila ba lalo lang naglalandi ang babae dahil bahagya pa nitong inipit ang buhok sa tenga nito na tila teenager na nagpapa cute sa crush nito. "Ahm.. it depends on my wife, kung mas magugustuhan niya dito then baka magtatagal kami dito" nakataas naman ang noo na lumabas siya mula sa likod ni Lucas. Ngumiti siya dito. "Hm.. let's go hon.." nilambingan niya ang boses niya at kumuyapit sa braso ni Lucas, kita naman niyang natawa si Lucas na tila ba naintindihan nito ang ginagawa niya. "Ok hon.. let's go.." hinarap siya nito. At ngumiti ito ng masuyo sakanya at magkahawak kamay silang pumunta sa hotel room nila. Napa wow siya ng makita ang ganda ng view sa room na kinuha ni Lucas. Nag-iisang kwarto din lang ito doon dahil pag bukas ng elevator ay nag iisa lang ang room. It's a Luxury Suites. "How many times you've been here?" Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin dahil sa kahanga hangang tanawin sa harap niya. Ramdam niya ang mga hakbang nito papalapit sakanya, and he hug her from behind at nagulat siya, nakapatong ang ulo nito sa balikat niya habang dina-dampian ng halik ang leeg niya. Nagdala ito na kakaibang kilabot sa katawan niya. Napapikit siya sa sensasyon nararamdaman. Ngunit kailangan niyang pigilan ito. "Lucas let's go to Zipline" pagbabago niya sa usapan para naman itigil nito ang plano. "Why? Let's just stay here," , bulong pa nito, kissing her nape and the back of her ear, napakagat labi siya. '..This can't be....' Tinanggal niya ang kamay nito at hinarap niya ito. "Please... Please.. I wanted to try it.." kunwari ay nagmamaka awa siya dito. She heard him sighed. "Ok.. ok but change your top mag t-shirt ka" Tila tinatamad nitong sabi. "Really? Yes!" Sumuntok pa siya sa hangin at tumakbo paalis sa harap nito kinuha niya ang bag at dumiretso sa banyo. Nasa loob na siya ng banyo ng mapaupo siya. Hindi niya maintindihan ang sarili, ang mga nararamdaman hindi niya maipaliwanag sa mga ginagawa ni Lucas sakanya. Her head is aching again. Kahit wala talaga siya sa mood na mag Zipline ay susubukan nalang niya wag lang silang maging intimate ni Lucas, she will try her best para hindi sila mauuwi sa isang bagay na bawal. Baka ginagawa lang ni Lucas ang alam nitong responsibilidad bilang asawa pero, ang problema hindi kasi siya ang asawa. Tahimik nanaman ito. Nag Zipline sila at kahit papaano ay na enjoy naman siya. Nung napagod ay nagpaalam muna si Lucas na bibili daw ng juice at iniwan siya sa park kung saan sila nagpapahinga. Medyo malayo ang binilhan ni Lucas pero abot parin ng tanaw niya ito. Nagulat siya ng may lumapit na babae kay Lucas, at hinalikan nito si Lucas sa pisngi. Hindi masyadong naimik si Lucas nung kasama niya ngunit nang kausap nito ang babae ay nakangiti ito like he First approach her at the hotel. Nakaramdam siya na parang may sumaksak sa dibdib niya. Kung ibang babae nasasaktan na siya paano pa kung ate niya na ang kasama ni Lucas. Nag iwas nalang siya ng tingin ayaw niyang tingnan ang mga ginagawa ni Lucas she have no rights . "Hi!" Nagulat siya ng biglang may lalaking lumapit sakanya. Napalingon siya dito. "Ahm.. do I know you?" Nakataas ang kilay na tanong niya dito. Malaking lalaki din ito at parang kasing laki din ito ni Lucas. He smile at her. Mas ma appeal si Lucas kumpara dito. "I'm Rey.. and you are?" Inilahad nito ang kamay. Ngunit hindi niya tinanggap ang kamay nito nakatingin lang siya. "Ali..!" Hindi niya masyadong makita si Lucas dahil sa malaking lalaki din ito. Tumuwid ng tayo ang lalaki at humarap kay Lucas. But Lucas look mad. Lumapit ito sakanya at binunggo ang lalaki. "Hey bro," lalapit sana ito kay Lucas ngunit hinila na siya ni Lucas paalis. Rinig niyang nagsasalita ito ngunit hindi na nagsalita si Lucas. "She's taken" kita niya ang pagdidilim ng awra ni Lucas. "Hm.. mas madali daw hulihin ang manok pag nakatali" tila pa naghahamon nitong sabi. Hinarap ito ni Lucas. Ngunit hinawakan niya ang braso ni Lucas baka masaktan pa ito. "Please let's go.." she begged him. Huminga ito nang malalim. At hinila na siya paalis. "Miss.. See you soon!" Tila nag uuyam nitong sabi. "Talking to another man, ilang minuto lang akong nawala" he sounds mad. " I'm not the first to approach him, he is ,don't change the situation because you are.. ''. hindi niya maituloy ano bang nangyayari sakanya? Seeing him talking to another girl making her mood turns sour. Nagseselos ba siya? Lucas has all the rights. Pero siya wala. '..stop acting like this Alethea!..' sigaw ng utak niya. Kinagat niya ang ibabang labi. "What? What did I do?" his voice raised. Hinarap siya nito.He still looked mad. Nagiwas siya ng tingin. "Napakatagal mong bumalik" pabulong nalang niyang sabi, hindi niya masabi na nakikipag usap kasi ito sa ibang babae. "Kaya nakikipag usap kana sa ibang lalaki?" Nag angat siya ng tingin dito she wanted to cry ganito ba ang tingin nito sakanya easy? she also looked mad at him. Anu bang sinasabi nito? Naiinis tuloy siya. "I told you, I'm not the one who approach him, he is and if you don't believe it then don't!" Inirapan niya ito at nagmartsa paalis. She wanted to cry for the false accusations at gusto niyang itama dito lahat. Walang salita o usap ang nangyari they both walking down the mountain. May mga pailan ilan silang nasasalubong. Nauuna siya habang nasa likod naman niya ito. At dahil pababa na ay medyo hindi narin maganda ang daanan dahil maraming bato, she wanted to be distance with him kaya naman binilisan niya ang paglalakad niya. Ngunit kakamadali at di niya napansin ang naka usling ugat ng puno. Huli na para makapag react, ramdam niya ang palipad ng katawan niya sa ere mataas ang kinalalagyan niya at siguradong lalagpak siya. Napapikit siya dahil alam niyang gugulong siya pababa. **end of chapter**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD