Chapter 7 teasing

1645 Words
Chapter 7 She was tired nakakapagod pala ang maglunoy maghapon sa ilog. Her shirt is already wet ngunit wala narin siyang pakialam pareho naman sila ni Lucas. Hawak ni Lucas ang kamay niya habang pabalik sila ng bahay. It's so normal for him but not for her. Napabuntong hininga nalang siya. Habang nakatingin sa likod nito. At nauna na siyang nagbihis. At dating gawi ay nakaupo siya sa sala habang nanonood ng TV. Lucas sat beside her at bahagya lang niyang nilingon ito. May hawak itong isang malaking sitsirya habang kumakain na para bang walang kasama. "Lucas hindi mo yan mauubos" puna niya sa pagkaing hawak nito favorite panaman niya ang cheese flavor. "Yes I can" hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Bigla siyang dumukot mula sa pagkain nito at deretso sa bibig niya. She missed this. "What are you doing Mrs. Raccini?" Rinig niyang sabi nito ngunit bahagya lang niyang nilingon ito and she smile. "Well I want that too Mr. Raccini" Tukoy niya sa pagkain nito. But Lucas didn't respond he was just looking at her lips while she was licking it dahil sa mga nagkalat na cheese powder doon. Ngunit bigla nitong iniwas ang pagkain ng akma siyang dudukot ulit Tinitigan niya ito ng masama. "Well you're too selfish" nakasimangot niya sabi. " You want? " Amusement dances in his handsome face at bahagya pang itinaas palapit sakanya ang sitsirya. She nodded and smiled. "Ok,I will just feed you" kumuha ito ng isang piraso at akmang isusubo sakanya. "No," marahas niyang tanggi at umiwas sa kamay nito. "Then ,hindi ka makakakain" tinabi nito sa gilid ang pagkain sa kaliwang kamay nito at alam niyang hindi niya kayang abutin ito. Lucas was huge at halos yayakapin niya ito kung aabutin niya mula sa kinauupuan niya. But the idea has crossed her mind. Mula sa pagkakaupo sa kanan nito ay bigla siyang tumayo at naupo sa kandungan nito. Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito his red lips parted open while looking at her with disbelief. Tumaas baba ang Adam's apple nito. She smirk nakakatuwa pala si Lucas tingnan pag ganito. At biglang inabot ang pagkain na nakatago sa gilid nito. At umalis sa pagkakaupo sa kandungan nito. "Well Mr. Raccini what can you say?" Pang aasar pa niya. Hindi niya mapigilang mapahagalpak ng tawa sa itsura nito. At wala naman itong nagawa ni hindi na binawi ang pagkain na hawak niya. ''wh-what did you just do? " Bahagya niya itong nilingon at nginitian ng matamis habang kinakain ang sitsirya. It is so satisfying to tease him. Ngunit bigla naman itong tumayo at walang salit-salitang naglakad pabalik sa kwarto nila. Nakakagulat ang reaksyon nito. Napikon ba sakanya si Lucas.? Dahil sa pagkain ay nagalit ito? '..Napakadamot naman..' Naiinis niyang bulong pagkain lang ay nagagalit na ito. Ngunit hindi na ito lumabas ulit kaya naman nag aalala na siya na seneryoso nito ang biro niya. But when she entered the room ay wala ito sa kama nasa banyo ito. '..Kaliligo niya lang kanina bakit naliligo nanaman ang lalaking ito? ..' "Lucas!" Tawag niya sa atensyon nito nasa labas siyang banyo at rinig ang lagaslas ng tubig The water stopped. "Why?" Rinig niyang sagot nito mula sa banyo. "Are you mad at me?" Hindi siya makampante hanggang hindi nalalaman ang saloobin nito. Ngunit nagulat siya ng bigla itong lumabas mula sa banyo na nakatapi lang ito ng twulya. Basang basa pa ang buhok. "W-well, I'm., I'm sorry for teasing you so much., Babalik nako sa sala-" But he grabbed her in her arms. And he leaned towards her. "Teasing me? You mean you just teasing me..". his voice is hoarse. "Y-yeah, I'm sorry" "You think you can get out of this Ali?" His voice sounds dangerous. He encircled his arms around her waist at nahigit niya ang paghinga. He was dripping wet at sa sobrang lapit nila ay tumutulo na sa mukha niya ang tubig. "I already take a shower Lucas, at wala akong planong maligo ulit kaya wag mo na akong basain" Nakasimangot niyang sabi sabay pinunasan ang mukha niyang nababasa nito. Unti unting lumuwag ang pagkakayakap nito sakanya. At napangiti ito. Kunway tinarayan niya ito, At sinamantala naman niya iyon para makawala sa yakap nito. Inismiran niya ito. "Pikon ka lang eh!" At tinalikuran niya ito. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa nangyari habang nakaupo siya sa sofa. Kaya naman pinagbuntunan nalang niya ang pagkain. ..... Halos mag iisang linggo na sila sa Isla ngunit wala parin siyang balita sa ate niya. Kahit ang mga kapatid niya, kaya naman nag aalala narin ang mga kapatid niya sakanya. Nagsimula narin ang mga itong magtanong kung anong pinaggagagawa nila sa Isla. Hindi niya masagot ang mga ito lalo na minsan ay bigla biglang sumusulpot si Lucas ng di niya man lang namamalayan. But she's giving them a assurance na walang ginagawang masama sakanya si Lucas. Dahil lahat naman ng ginagawa nito ay gusto niya. Napailing siya. Umiral nanaman ang demonyong tukso sa isip niya. Nakahiga siya sa duyan habang naka sunglass. At pinagmamasdan si Lucas. He always on his phone at madalas ay naririnig niyang business ang pinag uusapan nito. Pero ngayon ay tawa lang ng tawa ito kaya naman napasimangot siya. Nagtataka siya kung sino nanaman ang kausap nito. '..baka naman babae?.. ' Nakita niyang ibinaba na nito ang cellphone nito. At naglakad papalapit sakanya. He was smiling. Habang tila modelong rumarampa. Sinusundan niya ito ng tingin hanggang tumigil ito sa harap niya. "Get out of the way Lucas you're ruining the view" pagtataboy niya dito. "What? Me? I'm ruining the view.. ?baby, I'm a better view.. ". he smile and winked at her. " Hay, naku ang lakas ng hangin ngayon, parang bagyo". nakairap niyang sabi, rinig niya ang hagalpak ng tawa nito, at nagulat siya ng bigla itong maupo at dumiretso higa sa tabi niya, at dahil mas mabigat ito ay lumubog ang duyan at siya naman dahil sa hindi niya matatalo ang timbang nito at gumulong siya papunta dito. "Lucas!" Tili niya. Ramdam niya ang pagkakadikit ng dibdib niya sa dibdib nito at noo niya sa baba nito. Pareho silang napa 'ouch! ' Habang hawak niya at noo at hawak nito ang baba nito. At nagkatinginan sila. Ramdam niya ang t***k ng puso nito sa posisyon nila dahil nakapatung lang naman siya dito. Hinawakan nito ang noo niya. "I'm sorry I didn't mean, too" halata din dito na hindi nito ini-expect ang mangyayari. At ininspeksyon ang noo niya. "Masakit paba?" Masuyo nitong tanong. "You're asking me that, pagkatapos mokong agawan ng pwesto." Akma siya tatayo ng pigilan nito ang bewang niya. Pinalibot nito ang mga kamay. " Lucas what are you doing?" " Please.. let us stay like this for a while.. "bulong nito sa tenga niya. Nang tiningnan niya ito ay nakapikit ito ng mata. She sighed. At isinandal din ang ulo sa leeg nito. Her hearts beating loud at natatakot siyang maramdaman din ni Lucas iyon. But she was confused sakanya ba o kay Lucas ang malakas na t***k na iyon Wala naman sigurong masama. To be happy even if it's only temporary. She leaned on his broad chest at pinikit ang mata. This will not last, pero siguro she will treasure this in lifetime. Hindi niya napansin na nakatulog na pala siya at naalimpungatan siya nasa loob na siya ng kwarto nila. At wala si Lucas. Bumangon siya, at lumabas ng kwarto ngunit wala din ito sa sala. Lalabas sana siya ng muntik na silang magkabunggo. Buti nalang at nahawakan siya nito sa balikat kung hindi ay sure na bubukol na ang noo niya. "Woah!" Pati ito nagulat buti na lang at mabilis ang reflexes nito. "Where are you going?" yumuko ito. "I'm looking for you". saka siya napaisip sa sinabi. "Why?" nakataas ang kilay nitong tanong," is something happen? ". He sounds worried while looking at her. Umiling naman siya. "Ahm.. saan ka galing?". embes na balik tanong niya dito. "Oh.. may kausap lang ako kaya lumabas ako," "Ohkay" hindi na niya inabalang itanong kung sino ang kausap nito wala naman siyang karapatan. "Tomorrow may pupuntahan tayo, they will be here to pick us up." "Ok" umalis siya sa harapan nito at naglakad papasok sa kusina habang nakasunod ito sakanya. "Did you sleep well?" naupo ito sa high chair paharap sakanya habang nagbukas naman siya ng ref. "Ahm.. yeah nilipat mo pala ako" sinara niya ang ref, dala ang pitsel ng tubig at isang baso. "Yeah, basa na kasi ang damit ko" Nagkunwari itong inaamoy ang t-shirt na suot. "W-what?!" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "You mean I'm drooling while sleeping?" Nanlalaki ang mata niya. Nagpipigil na talaga siya ng inis talagang masasaktan na niya ito. "Ahm.. actually yes, kaya kita nilipat, kasi mas madaling maglaba ng punda kaysa mga t-shirt." Kita niya ang pagkislap ng mata nito at halatang inaasar nanaman siya, he was waiting for her reaction. Ibinaba niya ang pitsel at baso sa mesa. At umikot puwesto siya sa harap nito. "Don't lie to me.. Lucas I swear ipapaligo ko talaga itong tubig sayo!" Napupundi na talaga siya dito. Tumawa ito ngunit tumayo ito mula sa upuan. "My gosh, my wife is drooling, maybe you should wear a diaper in your mouth" Pigil na pigil ang tawa nito. "Ikaw talaga!" Itinaas niya ang manggas ng t-shirt na akala mo talaga manununtok, hinabol niya ito hanggang palabas ng bahay, they run habang tawang tawa ito asar na asar naman siya. Tumakbo ito hanggang sa dagat at sinundan niya rin ito. Hanggang hindi siya nakakaganti dito. He dive in water again. "Hmp, akala mo susundan kita diyan, patagalan tayo" ngunit nasa limang minuto na itong nasa ilalim ng tubig ay hindi pa ito umaahon. Nakaramdam na siya ng kaba. Nabura na ang ngiti niya at napalitan na ng takot. **end of chapter**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD