Chapter 4.

2254 Words
"Anong meron? Bakit nagkakagulo sa labas?" Kunot noong tanong ko sa isang clerk na nakasalubong ko nang sumilip ako sa pinto ng maliit na opisina ko. Nakarinig kasi ako ng ingay na alam kong nagmumula sa kabilang dulo ng hall ilang minuto na ang nakakalipas. "Nandyan po kasi si Ma'am Sheila, may dalang mga pagkain." Kibit balikat na sagot nya. Tumango ako at umalis na rin sya. I sighed then went back to my seat. I continued working. Gusto kong sabayan ang kasipagan ni Daddy. No time for other 'things' to think about. Isa pa, matutuloy ang plano namin ni Matt this weekend kaya ayoko na may maiiwan akong trabaho. "Hi Agnes!" My head shoot up from looking at the papers I was reading when I heard my door opened. Si Sheila! She went in all smiles while holding what seems to be a pack of food in her hands. Kumikinang pa sa daliri nya ang malaking diamond sa wedding ring na suot ny. Nainis ako bigla sa sobrang pagka observant ko. Napatayo ako at agad na pinwersa ngumiti. Napaka hopeless case man ng nararamdaman ko para kay Razael ay wala akong karapatan magalit o mainis kay Sheila dahil lang sa asawa sya ng taong gusto ko..na gusto rin ako. Ramdam ko na pareho kami ng nararamdaman ni Razael, pero hindi nga pwede. Tinotoo nya naman ang promise nya na iiwas rin sya sa akin dahil nagkikita man kami dito sa Capitol ay hindi nya na ako kinakausap, ni sulyapan ako at hindi nya ginawa. Dapat ay matuwa ako dahil ginagawa nya ang gusto ko. Pero bakit imbes ay parang gusto ko mag tumbling para mapansin nya lang ako ulit? "Hi, Sheila! Napadalaw ka?" Simula nung magkitakita kaming apat sa Mrs. Gaddi's ay ngayon pa lang kami ulit nagkita ni Sheila. She looked blooming now, than before. Nakasuot sya ng isang plum colored summer dress na lalong nagpatingkad sa kaputian nya. Mabilis syang lumapit sa akin, her wide smile didn't fade a bit. "I bought some home cooked meal for you guys." Inilapag nya sa mesa ko ang packed lunch na dala nya. "I've been learning fast from the cooking lessons I went to, kaya naisip ko na for our eighth month as husband and wife, magluluto na lang ako para sa mga tao dito sa Capitol." Proud na proud na sabi nya. Gusto ko tuloy bigla manliit. Hindi ako gaano marunong magluto at wala rin akong interes. Why does she have to make me feel inferior in front of her? Pinilit ko ngumiti. "Thank you, Sheila. Mabuti rin para hindi na ako lumabas for lunch. Sobrang dami ko ring ginagawa, eh. Tipid sa time." Mukhang natuwa sya sa sinabi ko. "That's good! Sinarapan ko talaga lalo 'yan. Enjoy eating. Hindi na ako magtatagal kasi alam ko na marami kayong ginagawa." Huminga ako ng malalim nang makalabas na si Sheila. Noon ko lang na realize na parang nakulangan ako ng paghinga habang nandito sya. May kung ano sa presensya ni Sheila ang nagpapahirap sa damdamin ko. Asawa sya ng taong gustong gusto mo. Umiling iling ako at bumalik sa trabaho. Pasado alas dos nang pumasok ako sa office ni Daddy dahil may schedule kami sa Hotel Andrea sa Cauayan para makipag meeting sa possible investor sa Echangue. We're targeting projects na makakapag benefit sa livelihood, employment at tourism sa Isabela. "Dad, are you ready?" Bungad ko sa kanya, napahinto ako dahil may kausap pala sya sa telepono at sobrang seryoso ng mukha nya. I just stood there, waiting for him to finish. Nang maibaba nya na sa awdotibo ang telepono ay humarap sya sa akin, seryoso pa rin ang mukha nya so I thought na dahil iyon sa kung sino man ang kausap nya or kung ano man ang napag usapan nila. "Something wrong, Dad?" Nag aalala na tanong ko. "What's our schedule right now?" Imbes ay tanong nya. "Uhm sa Hotel Andrea tayo, kakausapin natin 'yung mga representatives ng Robina." Napataas ang kilay ko dahil kaninang umaga pa lang ay pinaalala ko na sa kanya 'yon. Sandali na parang nag isip si Daddy, and I waited kung ano man ang sasabihin nya. Pero imbes na magsalita ay inangat nya ulit ang phone at may pinindot na direct line. "Hi, Tina. Can I talk to Razael, please?" Nanlamig ako nang marinig ang pangalan ni Razael at si Tina na secretary ni Razael. Why did he called Razael? I stood there idling, waiting for what's to come. "Hi, Raz! Yes, I'm sorry, I need a small favor." Napalunok ako. Oh, no. Daddy, don't do this.. Parang bigla ay gusto kong magkunwari na masama ang pakiramdam lalo na nang marinig ko ang magic words na 'you can go with Agnes' na halos iyon na nga lang yata ang narinig ko sa sobrang pagkatuliro ko. "Really? Good, then. Thank you. I'll send Agnes there." Naibaba na ni Daddy ang telepono sa awdotibo ay wala pa rin ako sa sarili ko. "I have to go to Cauayan City Hall. I had a briefing to attend to, biglaan kaya sa akin na idinirekta ang tawag. Razael can go with you in Hotel Andrea, you can just brief him about the proposal and how the negotiation should go habang nasa byahe kayo. Sa bahay na tayo mag usap." May finality ang pagkakasabi ni Daddy. Namataan ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa office ni Razael matapos kong makuha ang mga files na kailangan sa office ko. Bumungad si Tina sa akin na todo ang ngiti. I only talked to her for work related stuff but she's a nice lady. Sa kanya ko kinuha ang schedule ni Razael para makaiwas ako sa kanya. Pero balewala rin kung magkakasama kami ngayon, at matagal pa. "Miss Agnes! Pasok ka na lang daw sabi ni Sir Razael." Inginuso nya ang pintuan papasok sa opisina mismo ni Razael. She's older than me pero Miss ang tawag nya sa akin kahit sinabi ko na Agnes na lang. Atubili akong ngumiti. "Hihintayin ko na lang sya rito." "Ha? Nako, mainit! Sira ang aircon dito, bukas pa lang mapupuntahan. Kaya nga naka electric fan lang ako. Sige na, papawisan ka rito." Kita ko naman agad ang maliit na electric fan na naka tutok sa kanya. Hindi na ako nakapagdahilan kaya napapasok na lang ako. Kumatok ako, walang sumagot pero sinenyasan ako ni Tina na pumasok na lang. So I did, although with hesitation. Unang silip ko ay wala si Razael sa upuan nya. I went in and close the door. Naglakad lakad ako para hanapin sya nang bumukas ang isang pinto at iniluwa syang half naked. Napatigil ako at napatitig sa katawan nya nang hindi sinasadya. I swear, hindi ko sinasadya! Parang na glue lang ang mga mata ko sa upper torso nya na siksik at liglig sa pagka fit. Sculpted ang dibdib nya at ang parang mga mumunting pandesal na nasa tyan nya ay nakaka anyaya rin. Holy s**t. Why do I have to see him like this? Parang ang sarap sarap hawakan, ang sarap haplusin. Mapapa offer ka na lagyan sya ng sunblock kahit hindi naman sya magsiswimming! Bumalik ako sa katinuan nang tumikhim si Razael. Nagtama ang mga mata namin sa gulat ko at agad akong nag iwas nang tingin nang mapansin ko na ngumisi sya. May hawak syang puting polo at isinuot nya iyon bago sya naglakad palapit sa akin. "I'm sorry, I had to change," Mahinang sabi nya. Umatras ako nang makalapit na sya. "O-okay lang.." Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Ramdam ko na nakatitig lang sya sa akin. Linakasan ko ang loob ko at umalis sa harap nya, naglakad lakad ako para lang makalayo sa kanya. Nagwawala na naman ang puso ko pati na rin ang tyan ko dahil sa presensya nya. Pwede bang matapos na 'to? Nakita ko na napaling sya bago lumapit sa lamesa nya at kinuha ang cellphone nya. Tinitingnan ko lang sya, humigpit ang pagkaka hawak ko sa strap ng bag ko. He moves swiftly and sexily. Mahirap i explain, parang kahit simpleng pag galaw nya lang, lumalabas ang pagka sexy nya. Iyon ang unang napansin ko sa kanya nang ipakilala sya sa akin ni Daddy before they started the campaign. Nagsimula roon, hanggang sa pati boses nya ay nagustuhan ko na rin. Pati ang ngiti nya. Hindi ko na namalayan na buong buo na syang gusto ko. Doon ko lang na realize na kailangan ko maging maingat sa kung anong gagawin ko o sasabihin ko dahil may asawa na sya. But then he started to see me looking at him, and I see him looking at me. I didn't know what it meant at first, hanggang sa bigla nya na lang akong kinakausap. He would offer me drinks, food or anything I might need. I see it as a courtesy dahil sa ako ang campaign manager nila ni Daddy, isama pa na anak ako ng kasama nya sa pangangampanya. He would look at me like he was drunk or something. Nabubuhol na agad ang paghinga ko tuwing nakikita ko sya na ganoon tumingin. Lahat ng balahibo sa katawan ko ay tumatayo lalo na kapag tinatawag nya ang pangalan ko. He's just too much for me. Everything just made sense when they won and when we kissed. "Let's go?" Nakangiti at swabe na sabi nya. Hindi ako sumagot. Mabilis akong naglakad para mauna akong makalabs sa pinto pero naunahan nya ako, nauna syang humawak sa seradura ng pinto at sobrang lapit namin sa isa't isa. Magkaharap kami kaya hindi na rin ako nakagalaw. Napapikit ako nang maamoy ko ang pinaghalong amoy nya at cologne nya. I feel so damn weak. Gusto ko syang hawakan, gusto kong hawakan nya ako. Magulo na ang utak ko na kanina lang ay sobrang linaw sa pag iisip. Walang gumagalaw sa amin. Parang pareho lang kaming nakikiramdam. When his finger found my chin and lifted my face, our eyes met and I knew he can also see the longing as I can see in his eyes. Lumamlam ang mga mata nya. May kung anong nagwawala sa katawan ko. Parang may kung anong magnet ang naglapit sa mga labi naming dalawa. His lips touched mine and I suddenly felt I was alive. Wala na ang arte, wala na kung ano pa mang bagay ang nasa isip ko kung hindi ang mga labi ni Razael. I opened my moutj and welcomed him. I heard him groaned and felt his arm snaked into my waist and pulled me to him. Napahawak ako sa dibdib nya as we explore each other's mouth. Ramdam na ramdam ko ang matigas at matipuno nyang bisig at katawan. We're sharing a kiss full of wanting and need. I never realized that I can be this hungry for him. Only for him and his kisses. Humihingal kaming naghiwalay. Napasandal ako sa kanya, my face on his chest because I suddenly felt weaker. Mahigpit ang pagkaka hawak nya sa braso ko kaya hindi ako natumba. Para na kaming magkayakap at gustong gusto ko ang comfort na nadarama ko sa bisig ni Razael. We're both panting, walang nagsasalita. At nang maging normal na ang paghinga namin tiningala ko sya. "Raz, let's go." Aya ko sa kanya. Naisip ko rin na baka nagtatala na si Tina sa tahal naming dalawa dito da loob. "I need a minute more.." Paos na sabi nya na mukhang wala pa talaga balak na bitawan ako. "R-Raz, baka magtaka si Tina.." He kissed my temple tapos dahan dahan nya akong pinalawalan. Nang tumingin ako ulit sa kanya ay nandoon pa rin ang parang lasing na tingin nya sa akin. Akmang hahalikan nya na naman ako pero umiwas na ako. I wanted to, pero ayoko talaga mag isip si Tina. Pinanlakihan ko sya ng mga mata. "Raz? Enough. Tara na." Matigas pero mahinang sabi ko sa kanya. He extended his arm and put out the strands of hair from my face. He sighed. "Let's go." He opened the door and got out first. Wala kaming imikan sa sasakyan, kanya kanya kami ng tutok sa cellphone namin. I don't feel any regret but I feel guilty for not feeling sorry about it. Kahaya nung unang beses ay ramdam ko pa rin ang way ng paghalik nya. Good luck on having any sleep later. Bukod sa driver at sa katabi nitong bodyguard ay nasa likod lang kami ni Razael. Malayo ang space namin sa isa't isa which makes me relax a bit. "S-Sir, you can read the draft here, as well as the terms." Inabot ko sa kanya ang folder. Kunot noo na tiningnan nya ako. "Kung may tanong kayo about anything, you can ask me, Sir." Sabi ko ulit. Nakakunot pa rin ang noo nya at hindi sua nagsasalita. Pinanlakihan ko sya ng mga mata, prompting him to answer or to say anything at kunin ang folder na inaabot ko. Biglang may sumilay na ngiti sa mga labi nua at hindi ko na naman napigilan ang matunaw. Kinuha nya ang folder mula sa akin pero inilapag nya lang iyon sa mga hita nya bago muling ibinalik ang atensyon sa cellphone nya. Nainis ako bigla, pero di naman ako makapag salita. Inilagay nya na ang cellphonr sa bulsa bya after a few seconds at binuksan na ang folder. Doon naman biglang tumunog ang cellphone ko. It's him! He sent me a message that says 'I like it when you call me Sir' at nang tingnan ko sya ay pangitingiti sya habang binabasa ang mga papers na binigay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD