I have been aware of how Razael's charm works. He knows how to deal with people, he knows when to smile, to laugh, when to get serious. And knows exactly how to make me melt every time he would look at me at the who duration of the meeting.
But it made me wish na sana pala ay hindi na ako sumama.
Paano, mukhang enjoy na enjoy rin si Razael na gamitin ang 'charm' nya sa magandang representative ng Robina sa katauhan ni Antonina Rosario. In between serious talks ay magbabanggit ng biro si Razael na ikinatatawa naman ni Antonina. I know, Razael might only be trying to gain her approval dahil nakataya sa babae ang success ng project na ito pero naiinis ako.
I wanted to be a part of this. Ilang linggo ko nang hawak ang papers, ako rin ang nakikipag usap kay Antonina sa phone na hindi ko naman akalain na ganito pala kaganda. Mahaba ang straight na itim nyang buhok tapos naka braces sya. Naka suot sya ng itim na bodycon na nagpa vavavoom lalo ng sexy nyang katawan.
Kung ako si Raz ay baka maakit rin ako.
Nilingon ako ni Raz at napansin ko napatingin rin sa akin si Antonina.
Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti.
"I was asking Mr. Templonuevo if you guys would like to join me for an early dinner?" Masiglang tanong ni Antonina sa akin.
Mabilis at maang na napatingin naman ako kay Razael. Early dinner? No, thanks. Uuwi na lang ako. Wala ako sa mood at hindi ako gutom pa.
Ngumisi si Razael sa akin bago sya tumingin kay Antonina. "I don't think we can join you, Ms. Rosario." Tumingin sa wrist watch nya si Razael bago muling tumingin sa babae. "We have to go back to the Capitol."
Ngumiti pa rin ang babae although halata ang disappointment. "Oh, sayang naman. I would like to talk to the two of you more, but if that's the case, mauna na ako." She stood up at napatingin na lang ako sa way ng pag galaw ng maliit nyang bewang. "I'll call you guys soon."
Tumayo na ang dalawang kasama nyang mga lalaki na kanina pang nakaupo lang sa mga upuan di kalayuan sa amin. Nang marinig ko na ang pagsara ng pinto sa maliit na function hall kung saan ginanap ang meeting ay mabilis na rin akong tumayo at inayos ang mga papers and folders sa mesa.
Gusto kong mauna lumabas pero nahawakan agad ni Razael ang braso ko bago ko pa man makuha ang mga folder at bag ko.
"Where are you going?" Salubong ang kilay na tanong nya.
"Sa labas, saan pa?" Mataray na sagot ko sa kanya, umaasa na mapagtakpan ang kaba na nararamdaman ko now that we're alone in the room again.
"Aalis ka na agad? I need to be alone with you.." Malambing ang boses na pagkakasabi nya. Ayan na naman sya sa parang lasing na tingin nya sa akin. At syempre natutunaw na naman ako.
Napalunok ako. "B-bakit?"
Marahan syang lumapit sa akin at yinakap ako. Para akong naubusan ng hininga nang maglapat ang mga katawan namin. His arms automatically hugged me tight. Hindi ako nakagalaw o naka react. Goddamn it! Bakit ang sarap sarap sa mga bisig ni Razael?
"What are you doing?" Mahinang tanong ko. Hindi ko na halos makilala ang boses ko sa sobrang hina noon.
"I missed you.. Not talking to you or even look at you is pure torture.."
Hindi ako sumagot. Kumakalabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k. His scent isn't making it easier for me to be in my right mind. Basta gustong gusto ko na yakap ako ni Razael. Gusto ko na palagi na lang ganito. I want his arms all over me, as if telling me that we really belong to each other.
Kahit alam ko naman na hindi.
"Did you miss me?" Mahinang tanong nya.
Sobrang tahimik ng function hall. Malamig pero walang wala ang lamig sa init na hatid ng katawan ni Razael sa pagyakap nya sa akin. Tanging tunog ng t***k ng puso ko lang ang tunog na naririnig ko bukod sa boses ni Razael.
Napalunok ako. Ayokong sumagot.
"Did you? Hmm?" Ulit nya. I felt his lips in my hair. He's kissing me there at tunaw na tunaw na ako dahil sa gesture nyang iyon. Bakit kailangan nya pang iyon na gawin?
I cleared my throat. "Bakit naman kita mamimiss?" Pinilit ko pa rin na maging buo ang boses ko pero hindi ako successful. Even I felt the trembling of my lips.
He chuckled softly. "Of course you do."
Hindi na ako kumontra. I just let him hug me, I just let him consume me. Hanggang sa unti unti ko na rin angatin ang mga braso at kamay ko at unti unti ko na rin syang yinakap. I heard him sighed and I felt him hugged me tighter.
"Raz.."
"Hmmm?"
"Kanina pa nakaalis sila Antonina. The crew might come in.." Paalala ko sa kanya.
So now I'm concern na baka may makakita sa amin?
Shit.
Unti unting lumuwag ang pagkaka hawak nya sa akin pero hindi nya ako tuluyang binitiwan.
"Were you jealous awhile ago?" Seryosong tanong nya.
Sinamaan ko sya ng tingin at tinabi ang kamay nya. "Huh. Selos? Bakit naman ako magseselos?"
Ngumisi sya. "I was just trying to win her para matuloy ang project."
"Bakit ka nageexplain? I don't care what you say or do to her. Kahit maghalikan pa kayo sa harap-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinakop na ng mga labi nya ang mga labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko. I pushed him immediately at mabilis na napatingin sa paligid, but he just pulled me again, his arm into my back and kissed me again.
"Raz, ano ba? Baka may tao." Holy s**t. Kinakabahan talaga ako. Ano ba to'ng ginagawa namin?
"No one's coming. Stop being paranoid." He kissed me again at wala na akong nagawa kung hindi tumugon. His hand squeezed my waist, ramdam ko ang gigil nya. He's even softly biting my lips.
Ako na ang unang pumutol ng mahabahaba nang paghahalikan namin pero mahigpit pa rin ang bisig nya sa katawan ko.
"Damn, I can't get enough of you.." Paos na sabi nya. Nakaawang ang mga labi nya habang nakatingin sa mga labi ko. Natutukso na naman ako but.. Ugh!
Sobrang na conscious tuloy ako. Huminga ako ng malalim at nang itulak ko sya at tuluyan nya na akong binitawan. Ramdam ko ang init sa mga pisngi ko. Mabilis kong inayos ang sarili ko, ang buhok ko at ang damit ko.
Amused na nakatingin lang sa akin si Razael the whole time.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Tara na nga! Ang kulit kulit mo." Inis na pakli ko.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya dahil mabilis na akong nag martsa palabas nang makuha ko na ang mga folders at bag ko. Nang makalabas na ako ay nakita ko na may papunta na palang staff sa loob, probably to check on us.
Muntik na 'yon! Paano kung nabungaran nila kami? Nakakainis 'to si Razael eh!
"Good evening, Vice Governor." Magiliw na bati ng dalawang babaeng staff nang lumabas na si Razael kasunod ko.
"Good evening," Nasa likod ko sya pero nakikinita ko na, na todo ang ngiti nya.
Mabuti na lang at hindi na ako nag lipstick matapos kong kumain ng pagkain na dinala ni Sheila. Yep, I ate it. Walang ginawang masama ang pagkain sa akin, let alone Sheila herself para hindi ko iyon kainin. Kung si Sheila nga ang nagluto noon, I commend her dahil masarap talaga.
He dialled on his phone. Narinig ko na tinawagan nya ang driver nya para pumunta na sa harap ng hotel.
Binilisan ko ang pag lalakad ko para mauna ako sa kanya, pero pilit syang sumasabay kahit na maraming bumabati sa kanya.
"Will you slow down?" Mahinang sabi nya sa akin in between smiling at the people.
"Bakit ka ba sumasabay sa akin? Mauuna na ako."
"Gusto ko kasabay ka. Slow down." Hinawakan nya ang kamay ko pero para akong nakuryente na agad binawi iyon sa kanya. Pasimple ko syang pinanlakihan ng mga mata.
He bit his lipt to suppress a smile.
At nagagawa nya pang ngumiti, ha!
"Kukunin mo pa ba sasakyan mo sa Capitol?" Tanong nya nang makalabas na kami.
We stood in front of the hotel and waited for his car to arrive.
"Hindi na, sasabay na lang ako kay Daddy bukas."
"Ihahatid na kita."
"Ihahatid? Taga Ilagan ka."
"And you're just a few kilometers away." Nauna syang naglakad nang dumating na ang sasakyan nya malapit sa amin. "Let's go."
Naisip ko na wala namang masama, kaysa mag commute ako pauwi, might as well sumabay na lang ako sa kanya.
Oh baka gusto ko lang sya na mas matagal makasama?
Pangiti-ngiti sa byahe si Razael habang ako parang sinisilihan ang pwet dahil hindi mapakali. I feel different. I feel better, pero dahil nga okay lang ako, parang may mali sa akin. Hindi ako nagiguilty. Walang kung anong pangungunsensya sa isip ko ngayon.
All I know is that Razael's also smitten by me as I am to him.
"We're here,"
Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng gate ng bahay. I got my bag and gave him a smile tapos bumaba na ako nang buksan ng bodyguard nya ang pintuan sa banda ko.
"See you tomorrow.." May kung anong kilabot ang dumaloy sa katawan ko nang sabihin nya iyon. Hindi ako nagsalita at hindi na rin ako lumingon nang pagbuksan na ako ng gate at agad akong pumasok.
"Dad, are you okay? You look pale." Hindi ko mapigilan ang mag-alala nang makita ko na para syang namumutla habang nasa sasakyan kami papunta sa Capitol the next day.
"I'm fine, hindi lang ako nakatulog ng maayos," Mabilis na sagot nya.
"Are you sure? Dumaan na kaya muna tayo sa CMHS?" Hindi naman sa napapraning ako but my Dad's getting older. Mas okay kung maaagapan man kung magkaksakit sya.
"Agnes, I am fine. Marami akong gagawin today, I can't be late." May finality na sabi nya.
Hindi na ako umimik. Hinayaan ko na lang sya, pero nag mental note ako na I check sya mayamaya lang. Baka masama na talaga pakiramdam nya pero ayaw nya lang umabsent. Dad's really dedicated that it scares me.
Naunang umakyat si Daddy sa opisina nya dahil dumaan pa ako sa budget office. Paakyat na ako nang may maamoy akong pamliyar na pabango. Lumingon ako at nakita ko na paakyat pa lang rin pala si Razael. He was wearing a white polo again and he's all smiles.
Sinimangutan ko sya at binilisan ang pag akyat.
"What?" Natatawa na tanong nya. Binilisan nya rin ang galaw para makasabay sa akin.
"Bakit todo ngiti ka dyan?" Tanong ko na hindi sya tinitingnan. Hindi mo ba alam na sobra sobra na akong nahuhulog lalo dahil sa ngiting 'yan?
"Masama ba ngumiti? Masaya lang naman ako.."
Umismid ako. Natatanaw ko na ang opisina ko nang bigla ko na lang maramdaman na hinila ako ni Razael sa kung saan. Before I knew it ay naisandal nya na ako sa pader malapit sa opisina ni Tina. We're hidden, pero anytime ay pwedeng may dumaan.
Why does he always do this?
Nakahawak sya sa dalawang balikat ko. Sobrang lapit nya tapos ang lapad pa rin ng ngiti nya.
"Razael! You're crazy?" Luminga linga ako sa paligid. "Let me go."
"I need my good morning kiss.." Nakaawang ang mga labi na sabi nya.
Napalunok ako nang marinig ang sinabi nya tapos napatitig pa ako sa mga labi nya. "W-what?" Wala na naman ako sa katinuan. f*****g s**t.
He answered me with putting his lips on mine. Sparks fly when our lips met. Walang kupas, parang palaging unang beses. I am getting addicted and I am getting consumed. He groaned when I bit his lower lip. Ako naman ang nanggigigil ngayon. His hand caressed my back and I felt the heat ignited within me.
We still have our clothes on, and we're just kissing but my body's reaction is far more than just the effect of it. It's craving for more. And I know I have to stop. I slowly pushed him off of me tapos lumingon lingon ako sa paligid. Hindi nya pa rin ako binibitawan. I don't want to like the thrill but damn it. This man's just too much for me!
"One more, please.." Parang bata na sambit nya. Inaakit na naman ako ng nakaawang na labi nya but no. I have to be at least in control whenever it is over.
"Enough. Ano ka ba? Bigla bigla ka na lang nanghihila. Paano kung may makakita sa atin?" Sermon ko a kanya.
"No one's gonna be around. Do you think I'll let them see us? Hmm?" Akmang lalapit na naman sya pero kinurot ko sya sa tyan nya na hindi naman masyadong successful dahil wala akong nakuhang laman! Puro muscles kasi!
Mabilis akong lumayo at iniwan sya doon na hindi sya nililingon.
Abot-abot ang kabog ng dibdib ko nang makapasok na ako sa opisina ko. Pakiramdam ko ay umiikot pa rin ang mundo ko. Am I really doing this? Oh God. I'm going to rot in hell. I'm a freaking sinner!
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. I swear, pinigilan ko ang ngumiti at matuwa nang makita na si Raz iyon.
Razael:
Can't get enough..
Hindi ako nagreply. Pero hindi ko rin binura ang message, which I hope na burahin nya dahil kung makikita iyon ni Sheila ay tiyak na magdududa sya.
Nagtimpla ako ng kape. Naka dalawang tasa na ako pero hindi pa rin mawala sa sistema ko si Razael at ang mga ginawa namin mula kahapon pa.
Before lunch ay naisip ko na silipin si Daddy. May dalawang calls lang naman ako na naipasa sa kanya at hindi ko naman sya magawang tanungin habang nasa phone kami.
He's busy reading with something at bumalik naman na ang kulay nya. Tinanong ko na lang sya kung ano ang gusto nya for lunch. Sumama na lang daw akong mag lunch sa kanya, which I happily obliged.
Pero hindi ko naman kasi alam na kasama pala namin sa table sila Razael at Sheila.