Chapter 3.

2686 Words
"So how long are you gonna stay here in Isabela?" Nakangiting tanong ko kay Matt. Ubos na namin ang mga pagkain namin at kasalukuyan na lang kaming umiinom ng juice habang nagku kwentuhan. I had an errand to Santiago a while ago at nakasalubong ko si Matt. Naging magkaklase kami noon sa University of Lasalette before we separated ways nang lumipat ako sa Ateneo tapos sya naman, sumama sa parents nya sa Chicago at nag shift sya into Engineering. From Economics to Fine Arts naman ako. What's weird is instead of pursuing a job na related sa tinapos ko, heto, nasa politics ako because of Daddy. Hindi naman ako nagrereklamo dahil masaya ako sa trabaho. May time pa rin ako minsan na iexplore ang artistic side ko pero kadalasan, wala nang time matapos. Paunti unti. Anyway, friends kami sa f*******: ni Matt but we really don't talk there pero isa sya sa mga naging close ko when we're in Lasalette. So gusto ko rin mag catch up sa kanya. Then he invited me to lunch. I told him na magkita na lang kami somewhere dahil may mga kakausapin ako sa City hall but he insisted na hintayin nya na lang daw ako sa mismong City hall. Mabuti nga at mabilis lang rin natapos dahil isang oras lang ako roon. Nag suggest sya na sa Mrs. Gaddi's na lang kami kahit malayo-layo ang ida drive nya. Iniwan ko na lang muna ang sasakyan ko sa City hall at doon na lang ako magpapahatid sa kanya pabalik. "Next month. Kung maisipan ko na mag stay, kailangan ko pa rin bumalik to finish all of the pending and ongoing projects." Kibit balikat na sabi nya. "Why don't you just make your own firm here? I mean, not necessarily dito sa Santiago, but here in the Philippines? You have a long list of big clients in your belt." Nakikita ko rin ang ilang mga achievements nya sa f*******: na halos pulos mga kaklase namin o kakilala namin before pa ang nagpopost sa wall nya. "Naisip ko na rin 'yan. I'll see. Hindi ko rin naman kasi bigla bigla maiiwan 'yung firm sa Chicago. It's where I started. Eh ikaw? Nag Fine Arts ka, right? But you're currently working for your Dad? Nagulat nga ako nang malaman na tumakbong Governor si Tito. And he won!" Tumawa ako. "Yeah. Okay rin naman na boss si Daddy. He's very passionate about the people. Hindi pa nga umiinit ang pwet nya sa pwesto, heto, ang dami ko nang pina follow up na mga projects." "Mukha ngang enjoy ka sa trabaho mo." Ngumiti sya at lumabas ang malalalim nyang dimples sa magkabilang pisngi nya. Tinutukso nga namin dati palagi si Matt na 'Ngingiti na 'yan!' because of his dimples. "Totoo." Seryosong sabi ko. "May contact ka pa naman sa iba, right? I want a get together bago ako bumalik." Ngumiti ako. "Gusto ko 'yan! I'll contact the old gang. Nasa Manila ang iba sa kanila but I am sure, they can drop by. Saan mo ba gusto?" Na excite ako sa idea. Ever since kasi na lumipat ako ng school, halos once a month or minsan hindi pa ako nakakauwi. Nung naka graduate naman na sila, nasa Manila na ang karamihan sa kanila and for a year ay medyo nakakasama ko sila since na late ako ng pag graduate dahil sa pag shift ko. But after that, sa f*******: comments na lang kami halos nag uusap. Si Jer naman kasi ay sa Ateneo ko na nakilala. Tamang tama dahil pareho kaming kaka shift lang. Sya naman from Business Administration to Fine Arts. Nagwala raw ang Mommy nya pero kalaunan ay wala nang nagawa. "Oh, edi ta'yo na lang pala ang pumunta sa Manila. Next week may aasikasuhin ako sa Ayala. Kung free ka at sila, we can hang out at that time. I can stay in Manila until next Monday." Sasagot na sana ako nang biglang tumayo si Matt at may tiningnan sa malayo. Sinundan ko ng tingin kung saan sya nakatingin nang bigla ay parang nahigit ko ang hininga ko nang makita ko na papalapit sila Sheila at Razael. Damn it. Mabilis silang nakalakad palapit sa table namin. "Hey! Look at you, two!" Masiglang binati ni Matt ang dalawa. Nakipag beso sya kay Sheila at nakipag kamay kay Razael. Agad akong nagbawi ng tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa ni Razael. Wala akong nagawa kung hindi tumayo na lang rin at nakipag beso kay Sheila habang pigil ko naman ang sarili ko na mapatingin ulit kay Razael. "Nandito ka na pala! Kailan ka pa dumating?" Sheila asked Matt. Matt's family are one of the old families here in Isabela, they're part of the who's who kaya magkakilala sila nila Sheila. And probably Raz because of their businesses. Ganoon rin naman kami nagkakilala, connections and stuff. Pasimple akong tumalikod kay Raz at humarap kay Matt. Two weeks na ang nakakaraan mula nang isugod nya ako sa hospital and I did my best para huwag kaming magkatagpo. Pasimple ko na hiningi sa secretary nya ang schedule nya kunwari at idinahilan ko na para malaman ko kung kailan sila magkakasama ni Daddy. But the truth is, I just want to get away from his melting stares and his whole drop dead gorgeous existence. Hindi ko rin kinakaya ang pagtibok ng puso ko kapag nakikita ko sya. This is making me frustrated and crazy, kaya ayoko syang makita. Kaya nalalaman ko kung may pupuntahan sya at kung nagkataon na kailangan ko pumunta doon ay iibahin ko ang oras ng schedule ko. It went on for two weeks. Palaging naka lock ang office ko at kahit pansin ko na medyo annoyed na ang ilang clerk ay wala naman silang magawa. "Few days na ako rito. Kakain pa lang ba kayo?" Nagpalipat lipat ng tingin si Matt between the two. Liningon ni Sheila na malapad ang ngiti si Raz. "Yep. Kakagaling lang namin sa Echague, dito na lang kami magla lunch. Kanina pa kayo?" Si Sheila naman ang nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Matt. "Medyo." "P-paalis na rin kami ni Matt." Biglang sabat ko. Bahagyang nangunot ang noo ni Matt nang magsalita ako. "Kailangan ko na rin bumalik sa Capitol." Nginitian ko si Sheila. I can feel Raz staring from behind me, kaya gusto ko na umalis. I don't want to give him a time or opportunity to talk to me. Or for me to talk to him. Or whatever interaction. "Ganoon ba? Sige, Nice meeting you both here." Humarap si Sheila kay Matt. "And you, marami kang utang na kwento sa akin!" Nagtawanan si Sheila at Matt. Sheila seemed to be friends whit a lot of people my age. Pero madalas ko rin sya makita na nakikisalamuha sa mga matatanda, lalo na at mga politico. She knows what to say andwhen to say things. A perfect political wife. Naramdaman ko na gumalaw si Razael mula sa likod ko. He stood next to Sheila kaya pareho na silang naka tayo sa gilid ko. Nasa pagitan naming dalawa si Sheila, but I felt a pit in my stomach just seeing him even just at the corner of my eyes. Tapos bagay na bagay pa sa kanya ang pink polo na suot nya na naka tuck in sa khaki pants nya. His scent's also tickling my nose. Bumabalik ang mga ala-ala nang paghalik nya sa akin as well ang pagbuhat nya sa akin sa hospital. "Hindi na ba kayo pwede mag stay muna? You can eat again," Biglang nagsalita si Razael. His voice awakened every senses in me. Napatingin kaming lahat sa kanya. Pasimple kong nakagat ang lower lip ko nang automatic na mag landing sa mga labi nya ang mga mata ko. I feel thirsty all of a sudden. "I mean, mukhang nagkukwentuhan pa naman kayong dalawa kanina, why the hurry?" The whole time na nagsasalita si Razael ay nakatingin sya kay Matt. Seryosong seryoso, walang ngiti ngiti. Biglang tumingin sa akin si Matt. Si Sheila ay tumingin rin na mukhang nagtataka na nga rin. Tumingin ako sa wrist watch ko. "I still have to go back to the Capitol." As if hindi rin babalik sa Capitol si Raz. Oh baka hindi nga? Hindi ko rin alam anong ginawa nila sa Echague. Alam ko may lupa sila Sheila doon, ewan ko kung mayroon rin sila Razael. Nang tumingin na rin sa akin si Razael gamit ang mga nakakatunaw nyang mga mata, I feel like I lost it. Ang intense ng titig nya sa akin na pakiramdam ko nanghina ako. Napahawak ako sa sandalan ng upuan sa harap ko at pinilit kong ngumiti. "Yeah, might as well go home. Nakapangako pala ako sa mga pamangkin ko na pupunta kami sa Fuyot Springs." Sa wakas ay sabi ni Matt. Hindi ko alam kung totoo iyon dahil wala naman syang nabanggit kanina or nakaramdam sya at tinulungan na lang ako. "Alright. I'll see you again." Nakipag beso si Sheila sa akin at kay Matt. Mabilis na akong tumalikod dahil para na akong mauubusan ng hininga. Shit. Bakit ba ganito kalakas ang tama ko sa kanya? At sa harap pa ng asawa nya ako nagkakaganito. I really need to reevaluate my life. Wala kaming imikan ni Matt nang makasakay na kami. Hinihintay ko lang syang magtanong dahil may isasagot na ako. Five minutes na kaming bumabyahe nang sa wakas ay magsalita sya. "May problema ka bakay Sheila?" Mahinang tanong nya. Mabilis ko syang nilingon. "What?" "Hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon, but I feel like umiiwas ka sa kanya. May kinalaman ba rito ang pagiging ex Gov ng Daddy nya at pagiging current Gov ng Daddy mo?" Seryoso na tanong nya. Nakatingin lang sya sa daan. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. So he felt something was up pero about sa mga Daddy naming dalawa ni Sheila ang alam nya. "H-Hindi naman sa ganoon.." Mas okay nang iyon ang isipin nya. "Okay naman kami, pero alam mo na, hindi ko maiwasan na medyo maging mailap sa kanya." Tumango tango si Matt. "Yeah. Sorry, ang insensitive ko. Gusto ko pa sana mag stay at maka kwentuhan 'yung mag asawa, eh. They just got married all of a sudden. Akala ko buntis si Sheila pero mukhang hindi naman." Kibit balikat na sabi ni Matt. Napalunok ako. "T-talaga? Aren't they've been together that long?" Hindi ko alam kung bait ko iyon tinanong habang iniisip ko pa kung dapat ko iyon itanong. Tumawa si Matt. "What? Saan mo naman narinig ang balita na 'yan?" Napangiwi ako. "Hindi ba?" Hindi ako dapat mabuking na gawa gawa ko lang iyon. "Ex si Sheila ng pinsan ko, si Kuya Ty. Two years naman na silang hiwalay tapos nangibang bansa si Sheila. I thought doon na sya for good but then, nalaman ko na lang a few months ago na umuwi sya ulit and she married Razael Templonuevo." Tumango tango ako. Hindi na ako nagsalita. Ayoko na. Ayoko nang may malaman pa. Ayoko na magkaroon ako ng kung anu-anong ideas kasi nga, umiiwas na ako diba? So why am I asking things about the couple? "Anyway, totoo bang sasamahan mo mga pamangkin mo sa Fuyot Springs?" Matt chuckled heartily. "Syempre, hindi! I just said that kasi napansin ko nga 'yung kanina. My nieces and nephews would just rather stay at home with their books and gadgets than go out with me and go to Fuyot Springs." Tumawa rin ako. "Thanks," Bumalik ako sa Capitol dala na ang mga papel na kailangan kong papirmahan kay Daddy. Kasalukuyan syang may kausap nang dumating ako kaya dumiretso muna ako sa maliit kong office. I resumed work. Napapirma ko na kay Daddy ang mga papers at pina file ko na sa mga clerks. Before I knew it ay pinuntahan na ako ni Daddy dahil uuwi na raw sya. Pagtingin ko sa orasan ay pasado alas singko na pala. "Susunod na lang ako, Dad. I still have things to finish." "Baka magkasakit ka na naman, Agnes. Kahit hindi mo trabaho, ginagawa mo." Concern na sabi ni Daddy. Matiim syang nakatingin sa akin. I smiled. "Daddy, I'll be fine. Mauna na po kayo. Kanina pa siguro kayo hinihintay ni Mang Densyo." Tukoy ko sa personal driver nya. Nagkibit balikat na lang sya bago umalis at isinara ang pinto. Naiiling na lang ako na bumalik sa ginagawa ko. Nang marinig ko na bumukas ang pinto ay tumawa ako dahil akala ko si Daddy iyon at pipilitin na naman ako umuwi na, pero agad na nawala ang tawa ko nang makita na si Razael iyon. I blinked a few times. Naramdaman ko na parang may bumara sa lalamunan ko kaya tumikhim ako. "W-what can I do for you?" I did my best para hindi manginig ang boses ko. Seryosong seryoso ang mukha nya na lumapit sa harap ng table ko. "How are you?" Imbes ay tanong nya. He put his two hands in front of my table at ginawang tukod ang mga kamay nya. Tiningala ko sya at ramdam ko na naman ang kakaibang pakiramdam na dumadaloy sa katawan ko dahil sobrang lapit nya. 'Yung kayang kaya ko syang abutin at hawakan? "I am fine.." Mahinang sabi ko. Muli akong yumuko at kunwari ay ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Sobrang will power ang ginagamit ko ngayon para hindi ako mapatingin na naman sa kanya. "So what's with you and Matt?" Nakatitig pa rin na tanong nya. He looked kinda tired. Bahagyang magulo ang buhok nya at bukas na ang unang dalawang butones ng polo nya. Nangilabot ako sa way ng pagtatanong nya. I don't know if it's just me or he feel privileged to asked me that. "We're fine." Walang gana na mabilis kong sagot. I heard him sigh. Umayos sya ng tayo pero hindi ko pa rin sya tinitingnan. He stood there for a few seconds before he asked again. "Are you two dating?" Tinigil ko ang kunwaring pagtatrabaho ko na hindi ko na nga alam ang pagkakasunod sunod ng binabasa ko dahil sa nag rambol na ang utak ko simula nang pumasok sya. I looked at him with cold eyes. Ayoko na mabasa nya na affected ako sa presensya nya. "It's none of your concern, Mr. Templonuevo." Mahinang sagot ko. "Agnes..I need to know.." Parang may pagmamakaawa sa boses nya. His gaze became soft at para na naman akong natutunaw sa way ng pag tingin nya. Bumuntong hininga ako. "Do you need anything else? May kailangan ka bang gawin ko?" "Alam ko naman na iniiwasan mo ako these past two weeks, eh. Alam ko naman na ayaw mo akong makita. I respected that because.." He chuckled bitterly. "Mali nga naman kasi kasal na ako. Kasi may sabit na ako." Tinitingnan ko lang sya. Hindi ko alam kung saan tutungo ang usapan naming ito but I just want this to end. Nalalaglag na naman ang puso ko isang tingin ko lang sa mukha nya. My hands makes me wanna touch him, hug him, feel him. Natutukso ako kapag nandyan sya. Sa ngayon ay kayang kaya ko pa. Pero hanggang kailan? "Pipilitin kong kayanin na umiwas sa'yo if that's what you want. I just want to know..damn, I f*****g need to know kung ay namamagitan sa inyo ni Matt." Umigting ang kanyang mga panga at nakita kong ikinuyom nya ang mga kamay nya sa kabila ng hirap na hirap nyang pagsasalita. "Iyon lang ba? Aalis ka na ba pagkatapos?" I still maintained my serious and cold demeanor. Mahina syang tumango. Naiinis ako kasi nakikita ko na parang desperado sya at nalulungkot sya, isabay pa na mukha syang pagod. Kahit ang gwapo gwapo nya pa rin, hindi ko mapigilan maging concern. Shit, ano ba? Wala dapat akong pake! "Magkaibigan lang kami ni Matt. We're just catching up a while ago.." Oh, eh bakit nag explain pa ako ng tungkol kanina? Ilang segundo nya akong tinitigan bago sya yumuko. "Is that it?" Matigas na tanong ko. Tumango sya. "Yeah.." Halos bulong na ang pagkakasabi nya. Tumingin sya sa akin for the last time bago sya marahan na naglakad palabas ng opisina o at isinara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD