Chapter 2.

2568 Words
The next weeks came in a blur. Ang daming nagsasabi na pumayat daw ako. Sa puyat at sa sobrang trabaho ay nagkasakit ako sa araw na manunumpa si Daddy. But I still went with him. I need to be there. Todo ang pag iwas ko kay Raz. I need to have a clear mind. Hindi na dapat ako lumapit pa. Mabuti na rin na kasama nya si Sheila and Sheila didn't leave his side. Lumala ang pagkahilo ko sa dami ng tao. "Baby girl, mauna na tayo. C'mon." Hinapit ako ni Jericho sa bewang para makasandal ako sa kanya nang makita nya na sapo ko na ang ulo ko. "I can't leave yet," I told him. "Of course you can. Tapos naman na and oath taking." Mahinang sabi nya sa akin. "Agnes, are you alright?" Lumapit agad sa amin si Kuya Ash nang makita kami ni Jericho. Hindi na namin pinauwi si Kuya Ahren dahil kaya naman na namin ni Kuya Ash. "She's not fine. Ayaw nya pa umuwi." Sumbong ni Jericho. Hinawakan ni Kuya Ash ang noo ko. "Agnes, you're burning hot. Jer, iuwi mo na si Agnes. I can take care of everything here." Tiningala ko sya. "Are you sure?" Tsaka ako napanatag nang marinig ko ang sinabi ni Kuya. "We told you not to go, pero ang kulit mo. Sige na. Let Jer take you home." Tumango ako. Inalalayan ako ni Jericho makalabas. Ramdam ko na nanghina ng sobra ang mga hita ko kaya napakapit ako kay Jericho. Good thing na matikas ang kanyangt tindig at alaga rin sya sa gym kaya kayang kaya nya ako. He's openly gay, but in one look, you'd think that Jericho is the answer to your prince charming dreams. Until you hear him talk. And he's my bestfriend since college. Kilalang kilala na sya ng family ko at ako rin sa family nya. We're inseperable. "God, Agnes!" Gulat na sinalo nya ako nang maramdaman nya na matutumba na ako. "s**t, sorry." Para na akong nagdedeliryo. I felt really damn cold all of a sudden. Uminom naman na ako ng dalawang tablet ng gamut pero hindi yata umepekto. Nakalabas na kami sa hall at marami kaming mga nakakasalubong. Wala na akong lakas na batiin sila, ni ang mangitian sila so I hide my face in Jer's chest. "Agnes? Is she alright?" Nanigas ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Raz. It sent shiver down my spine. Tumigil kaming maglakad ni Jericho. Hindi ako gumalaw. Nakasubsob lang ang mukha ko kay Jericho. I don't want to look at him. "Vice Gov." I felt Jericho's voice faltered. "She's sick. Iuuwi ko na po sya." Naramdaman ko na hinawakan ako ni Raz sa braso. "She's burning hot." Pinilit ko iangat ang ulo ko para tumingin sa kanya. Nagtama ang mga mata naming at pinilit kong magsalita kahit na nahihirapan na ako. "I am fine," Umiling iling sya. "You're not." Tumingin sya kay Jericho. Hindi ko alam kung ano na ang sumunod na nangyari dahil bigla ko na lang naramdaman ang sarili ko na umangat mula sa pagkakatayo. "Let's bring her to the hospital. Let's use my car." Rinig kong sabi ni Raz at parang papel lang akong binuhat papunta sa parking lot. "R-Raz, no.." He can't do this! He has to stay. Ano na lang ang sasabihin pati ng mga tao kung makikita na magkasama kami? I can't take that risk. Pilit ko nang kinakalimutan ang nangyari and this is what's happening? Gusto kong kumawala mula sa pagkakabuhat nya sa akin but his arms on my legs and on my back are firm. "Stop being stubborn." Matigas lang na sabi nya. "Raz, please.." I saw Jericho walked past us. Sya ang nauna sa sasakyan. Inabot sa kanya ni Razael ang susi ng sasakyan nya and he let Jericho drove us while we were at the backseat. His arms are enveloped on my shoulders. Kita ko ang ilang beses na pagtingin ni Jericho sa rear view mirror sa aming dalawa. And I knew na kailangan kong ipaliwanag sa kanya kung bakit ganito ang nangyari. I was too damn weak to push Raz away from me. Muli akong binuhat ni Raz, bridal style, when we reached the hospital. Kaagad syang sinalubong ng mga nurse, agad rin akong naasikaso. "What the hell was that about?!" Agad na tanong ni Jericho when I got settled after a few minutes. They put dextrose in me and gave me medicine. I am feeling better pero lamig na lamig pa rin ako at ramdam ko ang panghihina ko. Raz got me a room and he's currently outside making calls. "What?" Maang na tanong ko. "Oh, so are we playing this game? Agnes, that man is married. He's your Dad's Vice Governor. I don't need to be a genius to know that there's something going on between you two by the way how cozy you were at the car." Nakapamewang na sabi nya. Ilang beses syang lumingon sa pintuan dahil baka biglang pumasok si Razael. "We're not cozy. And there's nothing going on." Tanggi ko. Hindi sumagot si Jer but he eyed me sharply. I sighed. "Fine. Whatever. We kissed. But that was it. Nothing. Iwas na ako. At sa tingin mo ba hindi ko alam na kasal sya? I even went to their wedding!" Napanganga si Jericho sa sinabi ko. Tiningnan nya ako na parang hindi sya makapaniwala na nagawa ko iyon. But it happened, period. "Malandi ka!" O.a na sabi nya. "Oo na! Hindi ko naman sinasadya-" "Hindi mo sinasadya? Ano, naglapat mga labi nyo tapos 'ay, sorry nakalimutan ko na kasal ka na pala' tapos kanya kanya na kayo na parang walang nangyari?" I groaned in annoyance. "I'm sick, Jer." "Yeah, right." Tuya nya. "I swear wala nang nangyari after that. Ngayon na lang kami ulit nagkita-" Napatigil ako sa pagsasalita nang bumukas ang pinto at iniluwa si Razael. The crease in his forehead is very evident, pero lumiwanag ang mukha nya ng tumingin sya sa akin. Or was I just imagining things? Tumikhim si Jer at umiwas naman ako ng tingin. "Do you feel better now?" Lumapit sya sa akin at hinawakan ang braso ko. Marahan lang akong tumango. "That's good. Hindi ka na sana sumama kung ganyan na pala ang nararamdaman mo." I can feel the concern in his voice. Para akong natutunaw seeing how genuinely he cares for me. "Raz, thank you. But I think you should get back." I looked at him and offered a smile. Nagsalubong ang mga kilay nya. "I already called." "And told them what? You don't need to stay here." Bahagyang lumakas ang boses ko. Bakit ba ang kulit nya? "I want to stay." Matigas na sabi nya naman habang nakatitig sa akin. Nagtitigan kami pero ako rin ang natalo sa huli. Sabay kaming napalingon ni Razael nang tumikhin si Jericho sa tabi naming dalawa. Damn, I almost forgot he's here. "Do you two need a moment? Lalabas ba ako?" May pagkasarastiko na tanong nya habang palipatlipat ng tingin sa aming dalawa ni Razael. "I'm sorry." Si Razael ang unang nagsalita. "I want to stay." Sabi nya kay Jericho. Jericho chewed his lower lip while looking at Razael. "Fine. I'll buy a coffee." Tinapunan nya ako ng makahulugan na tingin bago nag martsa palabas sa kwarto. Gusto ko sana pigilan si Jer pero mabilis na syang nakalabas. I closed my eyes. Pakiramdam ko ay lalo akong nahilo sa sitwasyon ko. "Do you need something? Water? Nagugutom ka ba?" Maya maya ay narinig ko na naman si Razael. I opened my eyes and he's hovering above me. My eyes landed on his naturally red lips. I want to kiss him. I want to kiss him so freaking bad. "Agnes?" Untag nya sa akin Damn it. I am going crazy. "I'm fine." Medyo masakit pa rin ang lalamunan ko. I wanted to sleep, pero mas malaki ang kagustuhan ko na umalis na sana si Razael at bumalik. "Alright, just tell me if you need anything." Bahagya na syang nag relax at ngumiti. I groaned. Bakit ba ang gwapo gwapo nya? Bakit ba mas lalo akong naaakit kapag ngumingiti sya? Bakit ba sya nandito sa tabi ko kung nandoon sa kabila ang asawa nya? He sat at the sofa at the corner of the room. Tangiing tunog ng pag galaw ng kamay ng wall clock ang naririnig sa paligid. Nakatingin lang ako sa kisame. "Why are you doing this?" Mahinang tanong ko. I am not sure kung maririnig nya iyon but to me, it sounded like a whisper. "I care about you." Mahinang sagot nya rin. Lumingon ako sa kanya. Seryosong seryoso ang mukha nya at para akong matutunaw sa intensidad ng titig nya sa akin. With his pointed nose, strong jaw and hawk like eyes, Raz can be charming if he wants as what he usually is with people. But he can also be very serious and intense, just like what he looks like now. "I can't play this game with you, Raz." Muli kong ibinaling ang tingin ko sa kisame. I can't do this with him right now. And I don't think I can do this with him ever. But I have to start somewhere. Sa bawat araw na nagdaan matapos ang nangyari, paulit ulit kong sinabi sa sarili ko na marami namang iba dyan, 'yung walang sabit. Na hindi ko kailangan mag settle sa may nagmamay-ari nang iba. Pero bakit ba kasi kay Razael pa? I've had a few crushes before. High School and College years were all about it. But what I feel for Raz is different. I don't know what it is. I don't understand what it is. And I am afraid of anything that I don't understand. "I am not playing games." Parang paos na sabi ni Raz. "Just let me do this for you." Doon na ako sumuko. Wala akong lakas para sabihin sa kanya na umiiwas na ako kaya umiwas na rin dapat sya. Kung ano man ang meron kami, hindi na dapat i pursue. I am sure he already knew these things pero bakit binabalewala nya? I closed my eyes and drifted to sleep. I'll just use my remaining strength to gather some more energy. Nagising ako na boses ni Mommy at Jericho ang naririnig ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at bumuti na ang pakiramdam ko. I don't feel my head that heavy anymore at hindi na rin ako masyadong nilalamig. Pero nanghihina pa rin ako. Maybe I really need a long rest. Bumigay na ang katawan ko. Nakita ko na nag-uusap sila Mommy at Jericho habang nasa sofa sila. Mommy's a little conservative, but she's fine with me being friends with Jer even though he's gay. Actually, si Jer lang 'yata ang kaibigan ko na kinakausap nya. I don't know if it's because they share the same style or marunong lang talaga maglambing si Jer kay Mommy. Lumapit sila sa akin nang makita nilang gising na ako. Jer helped me sit so I can drink water. Sobrang uhaw na ako at lalong sumakit ang lalamunan ko. "How do you feel? We all got worried. Razael called me and told me na isinugod ka nga rito." I sighed at the mention of the name. Kakagising ko lang at si Razael na naman ang maririnig ko. Kita ko na napaismid si Jericho pero hindi ko na lang muna pinansin. "He just overreacted. Pauwi naman na ako that time, and Jer's with me." "He saw you almost falling. Either way, mabuti na rin na naidala ka rito. You look so pale!" Mom gave me the look like I was the ugliest person she has ever seen. Well, I can't see myself right now but I can safely guess that I looked like s**t. Siguradong kalat na ang make up ko at sabog na ang buhok ko. I felt a slight punch in my gut when I realized that Razael saw me like this a while ago. Bigla ako nakaramdam ng hiya. But the other side of my mind responded with a why do you need to always look beautiful for him? HE'S MARRIED! Ahhh! Damn it! "Magpapabili ako ng pagkain. You have to eat. Breakfast ang huling kain mo and the Doctor said na kailangan magkalaman ang tyan mo for the meds later." Tumango lang ako bago lumabas si Mommy at iniwan na kami ni Jer. I felt relieved when she left. Nakatitig lang naman sa akin si Jer na parang may hinahanap na kung ano. "What?" "Hindi mo ba itatanong kung nasaan na ang Knight in Shining Armour mo?" Nakataas ang kilay na tanong nya bago sumimsim sa hawak nyang baso ng kape. "Why would I ask that?" Tinaasan ko rin sya ng kilay. "Baka lang naman," "Jer, please." "Please what? What happened when I left anyway?" "Wala." "C'mon!" Parang hindi naniniwala na sabi nya pa. "Jer, there's nothing going on about us, okay? And I swear, iiwas ako ulit sa kanya. I wasn't lying when I told you na kanina lang kami ulit nagkasama or nagkita after that..that thing." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Umupo sya sa gilid ng hospital bed at humarap sa akin. "You know I will always support you on whoever you want or whoever you love. Pero Agnes, huwag naman sa may sabit na. Alam ko na Papi as f**k si Razael. Pero he's not in the market anymore." Nakapamewang na sabi nya sa akin, Bahagya akong natawa. "I know that. Kaya nga iiwas na." Bakit ba kailangan kong ulit-ulitin kay Jeri ito? "Good. Pero infairness sa kanya, ha? Hindi sya umalis hangga't hindi nasisigurado na okay ka na or you have everything you need. Ayaw pa nga sana umalis pero hinintay na lang si Tita bago sya nagpaalam at nagmamadaling umalis. Baka tinawag na ng asawa." Hindi ako nagsalita. "Anyway, siguro naman magpapahinga ka na ng bongga nyan? Aba, hindi ka robot. Tao ka. Maawa ka naman sa katawan mo." "Jer naman, tsaka mo na ako sermonan. I'm sick." I pursed my lips at him and he just rolled his eyeballs at me. Kinabukasan na ako pinalabas ng hospital. Si Kuya Ash ang sumundo sa akin. Lahat sila ay iisa ang sinasabi, na magpahinga raw ako. Well, I've never worked this hard all my life. I mean, I do freelancing stuff since I graduated two years ago but when Daddy decided to ranfor the Governor position, automatic na ako ang namuno ng campaign. Ramdam ko ang pagkabugbog ng katawan ko mula sa di ko mabilang na pagpupuyat, ang malipasan ng gutom at pagbyahe-byahe kung saan saan.I stayed in bed all day, pinadalhan lang ako ng pagkain sa kasambahay. Si Jer naman ay kakaalis lang. May pupuntahan daw sya sa Ilagan at hindi ko na sya natanong kung sino ang kakilala na iyon. Kinapa ko sa bedside table ang cellphone ko nang mag ring iyon. Labag man sa loob ko ay naisip ko na baka importante iyon. Bahagya akong napatigil nang makita ko na si Razael iyon. Bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit sya tumatawag? Tinitigan ko lang ang cellphone ko until it stopped ringing. Nakahinga ako ng maluwag until it rang again at pangalan na naman ni Razael ang lumabas. Muli ko iyon na nilapag sa bedside table at humiga patalikod doon. Gagawin ko ang promise ko kay Jer at sa sarili ko na iiwasan ko si Raz..because that's the right thing to do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD