Chapter 1.

2834 Words
I literally cried when they announced that Dad won the election. He's now the new Governor of Isabela and I am so proud of him and for myself. Aside from the reason na isinantabi ko muna ang pagkamuhi ko sa politics ay hindi biro ang pagod sa pangangampanya. Yinakap ako ni Kuya Ash habang nauna na si Kuya Ahren sa pagkamay at pagpapasalamat sa mga kasama namin sa campaign. Everyone's rejoicing. I stood at a corner and sip on the wine glass I was holding. Si Mommy rin ay hindi magkamayaw sa mga bisita. I have never seen her so accommodating. My mother's a little difficult to be with, pero kitang kita ko kung gaano ka genuine ang saya nya sa pagkapanalo ni Daddy. "Congratulations." Mabilis akong napalingon at napatuwid ng tayo nang marinig ko ang pamilyar na boses sa gilid ko. I swallowed. "C-congratulations." s**t. I shouldn't be nervous like this. Ilang buwan na kaming palaging magkasama and now, he's my father's second in command in this city. Malamlam ang mga mata na tumingin sya sa akin. I wanted to look away pero para akong nahihipnotismo na lalo pa syang tingnan. I swallowed. "Raz.." I saw him looked around before he got my hand and pulled me out of our ancestral house's living room. Nagpatangay ako sa kanya sa kabila ng bilis ng t***k ng puso ko. We ended up at the garden at the back of our house. Madilim ngunit dahil sa buwan ay may liwanag na sapat upang makita namin an gaming dinaraanan. "R-raz where are are we going?" Naghahalo ang kaba at excitement sa akin. Ilang gabi ko na nga bang pinangarap na hinahalikan at hinahawakan ako ni Razael Templonuevo? Ilang gabi na ba akong nagigising dahil mula sa maiinit kong panaghinip na kasama sya? Tumigil kami at marahan nya akong isinandal sa pader. The wall is cold, pero ramdam ko sa mga kamay nya na ngayon ay nakahawak sa mga braso ko ang init. "I can't stop thinking about kissing you from the first time I ever saw your face, Agnes. You drive me crazy with just your smile. And I know this is wrong, but I will gladly let you slap me after this." His voice is raspy, parang punong puno ng pagpipigil o kung ano man iyon. Hindi kaagad rumehistro sa isip ko ang mga sinabi nya at huli na ng maramdaman ko ang mga labi nya na dumampi na sa mga labi ko. The feeling was surreal. Pakiramdam ko ay may sumabog na kung ano sa loob ng katawan ko. It ignited something in me. I opened my mouth and kissed him back hungrily before I even knew what was really happening. He moaned when he felt me responding. Mas lalo nyang idiniin ang sarili nya sa akin. Kusang kumawit ang mga braso ko sa batok nya upang lalo syang lumapit sa akin. His hand caressed my waist. His kiss is explosive. I've never been kissed like the way he was kissing me. Blangko ang utak ko sa kung ano man ang dapat na isipin ko. All I think was Razael's kisses. His kisses went down to my neck. I looked up to give him more access. My eyes landed on the full moon above us while he's ravishing me. "f**k, Agnes." I heard him grunted. I closed my eyes, cherishing this moment. Unti unti nang bumabalik ang katinuan ko when my eyes landed on the dark side of our garden. We're in this dark place, and it only meant one thing. It's because we cannot be seen in the light. This is wrong. "R-Raz.." I called him softly. I put my hands in his face. He stopped kissing me and looked at me. I saw him swallowed; his eyes are still full of desire. I bit my lower lip. Ramdam ko kung ano ang nararamdaman nya, ramdam na ramdam ko pero nag focus ako sa kung ano ang tama, hindi sa kung ano ang gusto ko. "I'm sorry.." I don't know what I am apologizing for, but whatever it is, he seemed to get it when he nods. He sighed and stepped away from me like I'm a fire that will burn him. Agad kong naramdaman ang lamig nang lumayo na sya sa akin. "I'm sorry, Agnes. This is.." Bigla ay parang naguguluhan rin sya. I smiled at him. "Let's just..go back inside." Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya iyon na lang ang nasabi ko. Naisip ko rin nab aka hinahanap na kami. Kaka announce lang ng pagka panalo ni Daddy at ni Raz bilang Governor at Vice Governor. Siguradong hinahanap si Raz para i congratulate sya. I liked what happened, but it was wrong. I've been imaging how Razael kiss and I got my answer. Hindi ko na lang iniimagine dahil totoong nalasahan ko na ang halik nya. He sighed again. "Right. You go in first." I smiled at him again. Ngayon ako nagpapasalamat na hindi ako naglagay ng lipstick dahil kung hindi, pareho na kami ngayon na may nagkalat na lipstick sa mga labi namin. It will be more awkward. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa back door ng kusina namin. Rinig ko na ang ingay ng mga tao mula sa living room. I tried to mute their sound. I'm still feeling his hot lips on mine. Kinapa ko ang mga labi ko. Pakiramdam ko ay hinahalikan nya pa rin ako. Razael knew where to go kaya hindi na ako nag-alala kung saan sya papasok. Ilang buwan na syang halos dito na nakatira when the campaign started. Our ancestral house became the headquarters of our campaign crew. Dumiretso ako sa fridge at uminom ng tubig. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako. Kung hindi ako tinawag ni Marion ay hindi ko mapapansin. She's one of our cousins from my mother's side. "Nandito ka lang pala. Bigla ka na lang kasi nawala." Nagtataka na sabi nya. Binuksan nya rin ang fidge at kumuha ng tubig. "I need some peace." Sabi ko. Tumaas ang kilay nya. "Peace? Agnes, you're one of the reasons why Tito won! You have to celebrate! Bakit ka nagmumukmok dito?" I sighed. "Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Sa wakas, tapos na." Natatawa na sabi ko. Tumawa rin si Marion matapos uminom. "That's true. Pwede ka na makatulog ng kahit twenty four hours pa. Or not. Marami kang aayusin sa turn over." I sighed. "Oh, please. Lalo mong pinapasakit ang ulo ko." Naiiling na sabi ko. Ilang araw pa naman before the turn over lalo na ang panunumpa. Tumawa ulit si Marion. "Tara na, balik na ta'yo. Hinahanap rin nila si Razael. Baka raw lumabas para tawagan ang asawa nya." Kibit balikat na sabi ni Marion. Pinilit ko pa rin ngumiti sa kabila nang kaunting kirot na naramdaman ko nang banggitin ni Marion ang asawa ni Raz. Yes, Razael Templonuevo is married, which meant that what we did is a sin. I've sinned a lot of times before, but this sin just became the heaviest. Dahil hindi lang ang pakikipaghalikan sa lalaking may asawa na ang ginawa ko, kung hindi pati na rin ang gustuhin sya mismo. Hinila na ako ni Marion pabalik sa sala. Nandoon na si Razael at nakikipag usap sya kay Daddy. Pareho silang may hawak na baso na may laman na scotch. Pasimple akong tumitingin sa kanya. I stayed with Marion and my brothers at nang liningon ako ni Razael ay mabilis akong umiwas ng tingin. Shit. What the hell, Agnes? Stop it. Inis na sabi ko sa sarili ko. The celebration ended almost five in the morning already. Maraming nagtatanong bakit wala si Sheila, ang asawa ni Razael, lalo na at sa espesyal na gabing ito kung saan nanalo ang asawa nya but no one has the guts to ask Razael himself. Umiwas ako sa kanya the whole time. Isa isa naming hinatid ang mga kasama namin sa campaign, yung iba ay pinahatid namin sa mga available drivers gamit ang mga sasakyan namin. "Ipinahanda ko na yung isang guestroom." Narinig ko na sabi ni mommy kay Kuya Ahren. Kakapasok pa lang naming dalawa ni Marion mula sa paghahatid sa iba, naiwan si Kuya Ashford sa labas dahil may kinakausap pa. Ilang minuto na lang at liliwanag na at hindi ko na alam kung nasaan si Razael o baka nauna na. "Sige mommy I'll get Razael." Tumango si Kuya Ahren at naglakad papunta sa dining hall. Nanlaki ang mga mata ko. Guestroom? Razael? What? "Mom, what happened? Nandito pa si Razael?" Kunwari ay pasimpleng tanong ko. Tumango si Mommy. "Razael got a little too much to drink. Nang makaramdam na ng tama ang daddy nyo ay si Ahren ang pumalit sa pakikipag inuman sa kanya. I don't think makakauwi pa sya at wala naman nang available drivers. Pinadiretso ko na sila pauwi." Hindi ako agad nakapagsalita. "You mean, nalasing si Razael, tita?" Singit ni Marion sa likod ko. Tumango lang si Mommy at umalis na paakyat. "Hala. Feeling ko magkaaway 'yon at si Sheila." Marion's older than me by two years at kakilala nya si Sheila Calderon Templonuevo. Anak ng dating Governor si Sheila at six months ago pa lang sila kinakasal ni Razael. Bihira lang sumama sa campaign si Sheila, kapag may appearances talaga na kailangan. Ang daming nagsasabi na power couple silang dalawa. Mula sa angkan ng mga politiko si Sheila at sila Razael naman ay kilala dahil sa mga businesses nila ng pamilya nya. Hindi ako sumagot sa sinabi ni Marion. Ayoko magbigay ng opinion o magsalita ng kung ano. All I think about is the fact na nandito pa rin si Razael at lasing sya. Mula sa dining hall ay nakita namin na nahihirapan si Kuya Ahren habang inaakay si Razael. Gulat na lumapit kami ni Marion para tumulong. He looked so damn wasted. Tatlo kaming nagtulong tulong para maiakyat sya sa guestroom na pinakamalapit. Pinagtulungan na rin naming tatlo ang pag ayos ng paghiga nya. Hindi ko napigilan ang mapatitig sa mukha nya. Kita sa gwapo nyang mukha na parang naiirita o naiinitan sya. I want to attend to him pero natatakot ako na makahalata sila Marion at Kuya Ahren. "He'll be fine now, I guess." Sabi ni Kuya Ahren after nya buksan ang aircon. Hindi na ako tumutol. One last look at inaya ko na si Marion na lumabas. Si Kuya Ahren na lang ang naiwan. Dumiretso kaming dalawa sa kwarto ko. I have a queen size bed at maluwag pa rin iyon para sa dalawang tao. Tuwing nandito si Marion sa amin ay dito sya natutulog sa kwarto ko. Third cousin ko na si Marion but we're close. Nasa ibang bansa kasi lahat ng mga kapatid ni mommy so Marion's the closest cousin I have. Taga Santiago sila Marion at dadaanan sya dito bukas ni Tito at Tita. Si Marion ang humahawak sa handicrafts and furniture business nila kaya hawak nya ang oras nya. Magkausunod kaming nag half shower ni Marion at maliwanag na ng ipikit ko na ang mga mata ko. Naalimpungatan ako nang marinig ko na nagriring ang cellphone ko. Halos pikit pa ang mga mata ko nang kapain ko sa bedside table ko ang cellphone ko. Without looking at it ay sinagot ko ang tawag. Isang tili ang narinig ko sa kabilang linya. I had to pull away the phone from my ear because of it. Nakapikit pa rin ako pero alam ko na kung sino ang nasa kabilang linya. "Holy hell! Congratulations, baby girl! You did it! Nanalo si Tito!" Bulalas ni Jericho sa kabilang linya. I just groaned in response. "Oh. Are you still in bed?" Gulat na tanong nya. Medyo maingay sa paligid ni Jericho. "Yep." Sabi ko, or at least that's what I hope it sounded. Sobrang antok ko pa at tinatamad ako magsalita. "I hope I was there when the announcement was made." "Jer, just come here. Book a flight for tomorrow and I'll see you, okay? Huwag mo kalimutan ang mga pasalubong ko. Now, I have to go back to sleep dahil inumaga na kami sa pagcecelebrate kagabi." Sa wakas ay nasabi ko lahat iyon. Humalakhak sa kabilang linya si Jericho. "Fine. Is it okay if I bring you boys instead?" Puno ng pang aasar na tanong nya. "Shut up. Keep your boys to yourself." Sabi ko na lang at mabilis na pinutol ang tawag. I sighed in relief when I can finally go back to sleep. Hindi man lang gumalaw si Marion sa tabi ko. Tulog mantika talaga 'to, eh. Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko at ninanamnam ko na ang lamig sa loob ng kwarto ko nang makarinig naman ako ng katok. I tried ignoring it. "Agnes, wake up. We have visitors coming." Gusto kong magwala nang marinig ang sinabi ni Kuya Ashford. Hindi pa rin ako kumibo. "Agnes, I heard you talking. Bumaba ka na agad." May finality na sabi nya at rinig ko na ang yabag nya palayo. Bumangon ako at sinabunutan ang sarili ko. I looked at the wall clock. Pasado alas diyes pa lang. Naghilamos at nagmumg ako bago ko itinali ang buhok ko at nagbihis. Naabutan ko na busy ang mga kasambahay sa kung ano. Si Mommy ay nasa kusina, kausap ang ilang naglulutong kasambahay. "Mom, ano'ng meron?" "Sheila just arrived. Sinusundo si Razael. Pupunta rin daw ang parents nya para formal na icongratulate ang Daddy mo." Halata ang saya sa boses ni Mommy. Hindi ako nagsalita. Nandito si Sheila. Parang gusto kong bumalik na lang bigla sa kwarto ko at matulog ulit pero alam ko na gigisingin at gigisingin lang rin ako ni Kuya Ashford. Si Kuya Ahren naman ay malamang na naka alis na pabalik ng Manila. Sya ang may hawak ng mga business namin doon. Well, silang dalawa ni Kuya Ashford but si Kuya Ahren ang mas active kung baga. Aakyat na sana ako pabalik nang makasalubong ko na papasok mula sa garden si Razael at si Sheila. Naka akbay si Sheila kay Razael at parang may seryoso silang pinag uusapan. Mabilis akong naglakad since hindi naman nila ako napansin pero napatigil ako nang tinawag ako ni Sheila. Pilit akong ngumiti at humarap pabalik. Iniwan nya si Razael at mabilis na lumapit sa akin na malapad ang kanyang ngiti. "Thank you, Agnes." Natawa ako. "W-what?" Nilingon ni Sheila si Razael na seryoso lang na nakatingin sa amin. Bago na ang damit na suot nya at malamang na dala iyon ni Sheila. They look fine, mali siguro ang hula ni Marion na magka away sila. Baka busy lang si Sheila kagabi kaya hindi sila magkasama. At ako naman si gaga na namantala. "You're the head of this campaign. You're one of the biggest reasons that your dad and my husband won." Kinuha nya pa ang dalawang kamay ko at hinawakan iyon. Shit. Hindi ako makaharap kay Sheila. Gusto kong hilahin ang mga kamay ko mula sa pagkkahawak nya at parang alam ni Razael ang nararamdaman ko. Lumapit sya sa amin. "Honey, mukhang babalik pa sa pagtulog si Agnes. Umaga na rin sya natulog, eh." Hinagod ni Razael ang mga balikat ni Sheila at hindi ko alam kung bakit ako nangilabot na parang ako ang hinahawakn nya. Unti unti kong hinila ang mga kamay ko at binitawan naman iyon ni Sheila bago humarap kay Razael. "I just want to thank her." "I think she already got it." Masungit na sagot ni Razael sa asawa nya. Parang gusto ko na tumakbo palayo sa kanila. Naiinis ako sa sarili ko kasi iniisip ko na sana wala na lang dito si Sheila. Baka mas makapag usap kami ni Razael. Pero ano naman ang pag uusapan naming dalawa? Yung kagabi? Last night was just a moment of madness. A wrong thing to do. It shouldn't have had happened in the first place. No matter how I liked it, no matter how I am still thinking about it. Humarap ulit sa akin si Sheila na nakangiti pa rin, hindi na inintindi ang pagsusungit ni Razael. "He's still grumpy since ginising ko sya kanina." Tumawa sya. "Anyway, thank you ulit. I know how much effort you gave for this." Pinilit ko ngumiti at tumango. Magsasabi n asana ako na babalik na ako sa kwarto ko nang marinig naming lahat ang pagbukas ng gate. Sheila's eyes winkled. "Nandyan na sila Daddy. Sasalubungin ko lang sila." Hinarap nya si Razael. "Let's go." Hindi nya na hinintay si Razael at nauna na syang naglakad palabas. Naiwan kami ni Raz. Tatalikod na sana ako nang hilahin nya ang kamay ko. Para akong nakuryetnte kaya agad ko iyon na binawi mula sa kanya at halata sa mukha naming dalawa ang pareho naming pagkagulat. Lumayo ako mula sa kanya. "B-babalik na ako sa taas." Ang sabi ko kahit na dapat ay sumama rin ako sa pagsalubong sa parents ni Sheila. "I was sorry that we're in this situation but I will never be sorry for kissing you last night." Mahinang sabi nya na nagpa hina ng mga tuhod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD