Chapter 6.

2277 Words
"You and Daddy should go play golf sometimes! Madalas na nga po sya sa Manila to enjoy. Mom and Dad are staying at my old condo whenever nasa Manila sila . Ayaw nila sa bahay namin sa San Lo, they find it too big for just the two of them." Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila Sheila at ni Daddy. Kung anong sigla ni Sheila sa pagkain at pagkukwento, iyon naman ang mukhang pagkalugi ng itsura ni Razael. Gusto ko ngang mainis dahil pinaglalaruan nya lang ang pagkain nya. Doon lang sya nakatingin na para bang may napaka importanteng bagay sa pinaglalaruan nyang pagkain. "Bihira lang ako lumuwas sa Manila. Ahrendale and Ashford are doing well in managing our business there, kaya rin ako nagkalakas ng loob na tumakb because I know my two boys are doing a great job." Nakangiti naman na sagot ni Daddy. We are all Daddy's boys and girl. Si Daddy kasi 'yung talagang sumusuporta sa amin. He trusts us in every decisions we make na pinapaalam namin sa kanya while Mom's a little indifferent. Strict si Mommy kaya medyo ilag kami sa kanya. Daddy's always proud on whatever we achieve. When I decided to shift to Fine Arts, hindi ko na mabilang kung ilang beses akong naiyak sa tuwing magpaparungit si Mommy tungkol sa paglipat ko. But Dad's just there, so malakas ang loob ko. Although hindi iyon nagawa ni Kuya Ashford. He also want to take Fine Arts pero business related course na gusto ni Mommy ang sa huli ay kinuha nya. "How about you, Agnes? What's your long term plan? I mean, I am sure, hindi mo naman gugustuhin na ma stuck sa current work mo diba? You're a Fine Arts graduate. Ano ba ang major mo?" Sa akin naman bumaling si Sheila. I smiled at her, "Art Management. I'm still not sure, I am still young so I guess, marami pa naman akong time." Hindi ko alam kung bakit parang nawala ang sigla sa boses ni Sheila pati na rin ang ngiti nya. I heard Razael finally cleared his throat. Umayos sya ng upo mula sa pagkaka slouch nya kanina sa upuan. Binitawan nya na ang tinidor na kanina nya pa gamit para paglaruan ang kawawang pagkain sa plato nya. "Hindi ka pa ba uuwi? Matatapos na ang lunch time namin." Bigla ay tanong ni Razael sa asawa. Bigla ay parang hindi na makatingin sa amin si Sheila. "Razael, hijo, we still have a few minutes, maybe Sheila just misses you. We're both flooded with so much work." Daddy said, chuckling. Hindi nagsalita si Razael at kimi lang na ngumiti si Sheila kay Daddy. "Wala pa ba kayong balak magka anak? You're married for, like, eight months, right?" Napatigil kaming lahat sa sunod na tanong ni Daddy. Tumingin si Sheila kay Razael na pansin kong tumigas ang mukha. Right. Mag asawa sila. May asawa si Razael. As I am starting to build a little hope in making out with him in secret, may asawa syang naghihintay sa kanya umuwi. May asawa sya na maaaring buntis na, habang ako ay lumalandi naman sa asawa nya. God. Everything dawned to me in a second. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlamig ang katawan ko and my lips started to shiver. "Wala pa po." Matipid na sabi ni Razael, his face is grim like he's angry or something. "Hindi na kayo bumabata. A wise advise from an old man, habang healthy pa kayong mag asawa, you should do it. Hindi natin malalaman ang panahon in the future." Kibit balikat na sabi ni Daddy. "A-ayaw pa po kasi ni Razael. Saka we're only twenty nine, I guess m-may oras pa rin naman kami." Bahagyang nabuhol buhol ang boses ni Sheila habang sinasabi iyon. I looked at Razael, hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha nya, parang mas dumilim pa nga. I don't know what's going on pero isa lang ang gusto ko, ang umalis na roon. I need to breathe, para akong nalulunod sa bawat pagpatak pa ng minuto na nandoon ako. Mabilis akong tumayo nang nagpaalam na si Sheila. Ganoon rin si Daddy, pero nag uusap pa rin sila. "Uhm mauna na ako sa labas, I'll tell the driver." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil mabilis na akong tumalikod. I just hope they don't see it as a disrespect. I just really feel bad. I feel the hollow in my stomach getting bigger because of guilt. Anong gagawin ko? Paano ko na mapipigil ang nararamdaman ko? I know this wasn't an excuse, and it should never be. Ang magkaroon pa lang ng nararamdaman para kay Razael ay mali na, what more ang paghalik sa kanya? Nang makabalik na kami sa Capitol ay nauna ulit ako na maglakad sa kanila. Kunwari ay magbabanyo ako. Dumiretso tuloy ako papunta sa comfort room dahil makikita nila. Naghilamos ako at tiningnan ang sarili ko. I am young. I am beautiful. A lot of people have asked me to join beauty contests dahil sa itsura ko pero dalawa lang ang pinaunlakan ko, at dahil pa sa acads. Nanalo naman ako pero hindi ko forte ang mga beauty contests . My eyes are almond shaped, I have a small nose and a heart shaped lips. Hindi man ako ganoon ka conscious sa katawan ko ay sinsigurado ko na alaga ko ang sarili ko. Hindi ako nagdadiet, natural na mabilis matunaw ang pagkain sa katawan ko. At bumagay sa akin ang morenang kutis ko. Kuya Ash and Ahren has fair skin, like Daddy. Ako naman ay kay Mommy nagmana. Masyado pang maraming opportunity ang darating para sa akin. I shouldn't take a risk in Razael. Isipin ko pa lang na malalaman ni Sheila ay hindi ko na maimagine ang sakit na mararamdaman nya. Babae rin ako. Ngayon pa lang nga na hindi naman talaga akin si Razael ay masakita na, paano dun sa taong kasal pa sa kanya? I made up my mind. I need to distract myself, I need to be focused on a different thing. Lumabas ako na determinado, pero tila natunaw ang lahat ng iyon nang makita ko na parang naghihintay sa labas si Razael sa akin. Huminga ako ng malalim at naglakad lang, balak ko na lagpasan sya pero hinawakan nya ang kamay ko. "I'm sorry.." Mahinang sabi nya. "I should be sorry. I shouldn't be making out with a married man." Matigas na sabi ko at binawi ang kamay ko mula sa kanya. Akmang hahawakan nya ulit ako nang may grupo ng tatlong babae ang narinig namin na paparating. I took it as a chance to get away. Mabilis at malalaki ang mga hakbang ko na bumalik sa opisina ko. Kinailangan ko pang pakalmahin ang sarili ko nang makarating ako sa office ko. Holy s**t. Ano ba itong nangyayari? I walked back and forth inside my small office. Sigurado akong aabangan nya ako paglabas, ayoko naman mag undertime para lang maka iwas sa kanya. So I called Matt and asked him to have a snack with me. Kinapalan ko na rin ang mukha ko na itanong kung pwede nya akong sunduin sa Capitol and he gladly obliged. Hindi ako mapakali until the clock strike five. Ten minutes before five ay nagtext na sa akin si Matt na nasa baba na raw sya. Parang hangin ang bilis ng paglalakad ko pababa, nang makita ko na nasa baba na si Razael ay grabe ang kabog ng dibdib ko. He was talking with a few people, his hands are on his pockets and he's charming them with the way he smiles at them. Liningon nya ako, at alam ko na lalapit na sana sya kung hindi lang sya naunahan ni Matt. "Ready?" Nakangiti na tanong ni Matt. I smiled at him. Thank God. I saw at the corner of my eyes kung paano natigilan si Razael. This should serve him right. "Yep. Let's go." Masiglang sagot ko. Sabay kaming lumabas sa Capitol papunta sa kanya kanyang sasakyan namin. Napag usapan na sa Piazza Zicarelli na lang kami kumain. In two days ay sabay kaming luluwas sa Manila to meet our college friends. They already agreed. Nagpa book na rin kami ng flight ni Matt, although mag isa na lang ako babalik dahil mag i stay muna si Matt doon. Nasabihan ko na rin si Jer. Sa condo nya ako matutulog after the get together, pero sa condo na muna ako ni Kuya Ahren pupunta at magpapalipas ng oras before the get together. Matt's gonna check in in a hotel in Makati area para malapit lang rin. Pasado alas sais na kami natapos mag kwentuhan at kumain ni Matt. Gabi na ako makakararing sa amin pero ayos lang. I feel good. Hindi na rin yata ako makakakain ng hapunan dahil nabusog ako sa supposedly pag snack naming dalawa. Before eight ay papasok na ako sa gate ng bahay namin. I was stunned when I saw a familiar car at the drive way. Seriously? Bakit ba 'to ginagawa ni Razael? Napansin ko na nakikipag usap 'yung bodyguard at driver ni Raz sa mga security details sa bahay. Nagmamadali akong pumasok. Nagpasabi naman ako kay Daddy thru text na gagabihin nga ako at sa labas na ako kakain. Paakyat na sana ako sa kwarto ko nang makaslaubong ko sila Daddy at Razael from the dining hall. I saw the hint of happiness in Razael's eyes nang magtama ang mga mata namin, pero mabilis akong umiwas. Ngumiti ako sa kanila at nakipag beso kay Daddy. "How's Matt? Tuloy pa ba ang pagluwas nyo sa Manila this weekend?" Tanong ni Daddy. "O-opo. Okay naman po, napadami ako ng kain kaya hindi na po ako magdidinner." Iwas na iwas akong mapatingin kay Razael na ngayon ay tinutunaw ako ng titig. "Alright, you go rest. May pag uusapan lang kami ni Razael sa office." "S-sige po, Dad. Good night." Tumalikod na ako at patakbo na umakyat. Parang nalaglag na naman ang puso ko nang makarating ako sa kwarto ko. Pagal na humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Paano ako makakaiwas kay Razael kung limang araw sa isang linggo ay kailangan naming magkakitaan sa Capitol? Hindi pa kasama doon ang ilang projects tuwing weekends. Nag iisip ako ng paraan para makaiwas sa kanya pero ang katawan ko naman ay hinahanap hanap ang haplos, yakap at halik nya. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Ilang minuto ako na napuno ng pag iisip na parang ikababaliw ko na. Kinapa ko ang cellphone ko mula sa bag ko nang maramdaman ko na nag vibrate iyon. Razael: Can we talk? Inilapag ko iyon sa kama na hindi sinasagot. Razael: Please, I need to tell you something. I bit my lower lip. Am I really considering this? Talaga bang sunud-sunuran na ako sa kanya? I sighed. I am fighting the urge to response. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Baka kung makatulog ako agad ay makatulong. Pero nag vibrate ulit ang cellphone ko. And I can't not read it. Razael: I just need five minutes. Inis na bumangon ako. Namataan ko na lang ang sarili ko na tumitipa ng response sa kanya. Me: Fine. Where are you? Razael: Where we kissed the first time. My stomach fluttered at the memory that flooded my head just a second I read his response. I told him to wait for me. Mabilis akong nagbihis into plain shirt and spandex shorts. Init na init na ako sa suot ko buong maghapon. Itinali ko ang buhok ko at bumaba. Mommy and Daddy must have been on their bed already. May nakasalubong akong isang kasambahay pero nagkunwari ako na pupunta lang sa kusina. Kinakabahan ako na may makakita sa amin kahit na mag uusap lang kami. Naabutan ko sya na nakasandal sa pader, halos sa mismong lugar kung saan ako napasandal when he kissed me. Mabilis syang humarap sa akin. I have to act cool. "What do you want?" Matigas na tanong ko. "Nanliligaw ba sayo si Matt?" Imbes ay tanong nya. I sighed. "If we'll just be talking about this nonsense, mabuti pang umuwi ka na." Tatalikuran ko na sana sya pero nahuli nya ang kamay ko at hinarang ang sarili nya sa dadaanan ko. "I'm sorry. I was just jealous.." "Are you hearing yourself? Nagseselos ka kasi may kasama akong lalaki samantalang ikaw nga kasal na?" I needed to make him understand that this is not happening. "I know, I'm sorry-" "Well, I feel sorry too. But this is not gonna happen, Razael. This? Whatever this is? This is over. Stop coming to me, stop trying to hold me, to hug me or to kiss me. Stop smiling at me. Stop looking at me like you're really in love with me because all of it doesn't matter!" Bahagyang lumakas ang boses ko but I really need to let this out. Sobrang nasasaktan ako dahil sa sitwasyon namin but I cannot do this to Sheila, to my parents, to me, to us. "But it does matter," Mahinang sagot nya. "Are you really going to be this impossible?" Galit na tanong ko. "Look, Agnes-" "No." Mabilis na putol ko sa kung ano man ang sasabihin nya. "Agnes, I need to-" "This is enough. I don't want to hear anything anymore. Kahit ano pang sabihin mo ay hindi na importante. I don't want to hurt anyone just because of this-" "I love you, Agnes." Mahinang sabi nya na nakapagpatigil sa kung ano man ang sinasabi ko. Hindi ako nagsalita. Yumuko sya na parang natalo sya. "I love you since you were seventeen." Naramdaman ko na literal na nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Razael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD