Chapter 4

1179 Words
( November 24, 2017) Ginala ko ang mga dati kong kaibigan sa kabilang kalye dito sa bayan ng garay. Biglaang ayaan kasi ang nangyari nang mag-post ako sa f*******: kahapon na nandito ako ngayon sa Garay. Nang magkita-kita kami ay marami sa kanila ang ikinagulat ko. 'Yung iba kasing mga uhugin at dating mga negra at n***o ay sila pa ang gwapo at magaganda ngayon. Malaki ang mga pinagbago nila. Nai-set nga nila ka agad ang inuman session namin. Tiyak na pagagalitan ako ni Mama, kapag umuwi ako mamaya sa bahay. Kagagaling ko lang sa sakit, pero uminom na kaagad ako ng alak. Minsan lang naman kasi ito kaya naki-join nadin ako. Sa gitna ng pag-uusapan at pag-iinuman namin ay bigla akong nakakita ng pumasok na matandang babae sa loob ng bahay nila Henjie. Kinalibutan ako dahil titig na titig siya sa akin. "S-sino ang matandang pumasok sainyo? Kaano-ano mo siya?" Tanong ko kay Henjie. Tumawa siya at sinabing wala namang matandang pumasok o kasama silang matanda doon. Matagal na daw patay ang Lola nila. Kinilabutan ako. Kitang-kita ko siyang pumasok sa loob ng bahay nila Henjie. Imposibleng magkamali ako. Isa pa, hindi pa naman ako masyadong lasing. "Seryoso?" Tanong ko pa. "Tol, alam naman nating maraming ligaw na kaluluwa dito sa probinsya, pero huwag mo naman kaming takutin," saad ng isa ko pang dating kaklase na si Oliver. "Kaya nga. Saka baka namamalik-mata ka lang," sagot namin ni Thelma. Dati ko ding kaklase. Ang isa sa pinakamanunura noon at magpahanggang ngayon. "Hindi pa ako lasing at lalong hindi din ako nanakot," saad ko. Dahil usapang katatakutan na ang nangyari. Kinuwento ko na din sa kanila ang pagmumulto ni Bino at ng babaeng duguan na nagpapakita sa akin. "May third eye kaba?" Tanong ni Mazi ng matapos akong magkwento. "Wala. Saka dito lang naman ako sa garay nakakakita ng ganun. Sa manila wala naman," sagot ko. "Grabe. Nakakatakot ka palang kasama. Manoong umuwi ka na nga at baka mamaya e, may nakikita ka na palang kung ano, na hindi namin nakikita," panunura ni Thelma kaya nagtawanan ang lahat. Nang makarami ng kami ng inom at nang pagabi narin ay nagpasya na kaming mag-si-uwian na. Palabas palang ako ng gate ng bahay nila Henjie ay bigla ko na namang nakita ang babaeng duguan. Galit siyang nakatingin saakin. "Ayokong manghimasok. Pero ikaw ang susi para matahimik na ang kaluluwa niya." Nagulat ako ng mula sa likuran ko ay lumitaw na naman ang baliw na matandang babae. "Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Tigilan n'yo na ako. Huwag n'yo na akong guluhin!" Sa kalasingan ko ay nalapastangan ko ang matandang babae. Nagulat pa nga ang pamilya ni Henjie ng madinig akong sumigaw. Nagulat ako ng bigla-biglang nawala ang matandang babae. "Naku, lasing na lasing na si Lester. Ihatid mo na kaya siya, Anak," wika ng Ina ni Henjie. Nagulat ako. Huwag nilang sabihin na hindi nila nakikita ang babaeng duguan? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya umaalis. "W-wala ba kayong nakikitang multo?" Seryoso kong tanong. Natawa sila. Seryoso akong nagtanong kaya medyo nainis ako. "Halika na, ihahatid na kita at lasing ka na," sambit ni Henjie. "Hindi na kailangan. Ayos lang ako. Salamat nalang," sagot ko at saka ako umalis sa bahay nila. Habang naglalakad ako ay nakatingin parin saakin ang babaeng duguan. Nagtataka nadin ako sa baliw na matandang babae kanina. Ano ba siya? Multo din ba siya? Pero bakit nung isang araw, nakita kong tinaboy siya ni tita Cora? Hindi kaya, nakakakita din sila ng mga ligaw na kaluluwa? Konting-konti nalang mababaliw na talaga ako. Nabubwisit na ako. Hindi ako tatagal sa bayan na ito kung ganitong ayaw akong tigilan ng mga kaluluwa. Mamatay ako dito ng maaga. Nasa unang kanto na ako ng lopez jaena ng bigla kong makasalubong ang pamilyar na matandang lalaki. "Teka nga, ikaw na ba 'yan, Lester?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. Kinikilatis ko pa kasi siya. "Ako ito, ang lolo ni Liza. Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong pa niya. Tama. Siya nga 'yun. Si Lolo Karding. Ang lolo ng namatay na kaklase kong si Liza. Second year palang kami nun ng mamatay si Liza. Namatay siya sa isang malubhang sakit. Close ko ang lolo niya dahil dati ay sa kanila ako sumasabay nila Liza, papunta sa school namin. May tricycle kasi silang service. Dahil kapitbahay ko lang sila ay sa kanila na ako nakikisabay. Nalilibre pa tuloy ako ng pamasahe noon. "Kayo po pala 'yan. Kamusta na po kayo, lolo Karding?" Tanong ko. "Ito, medyo mahina na. Lalo na kasi akong tumatanda. Buti nga e, kahit papano ay nakakalakad pa ako. Mabagal nga lang," sagot niya. Sinamahan ko na siyang maglakad. Madilim na kasi at baka madapa pa siya. Marami kaming napagkwentuhan ni lolo Karding. Tulad nang dati ay siya pala ang dapat na mapapangasawa ng namatay kong lola. Nauntol lang daw, dahil tutol ang kani-kanilang magulang. Tapos, dapat pala ay magiging artista siya dati. Nauntol lang din daw dahil hindi siya pinayagan ng nanay niya. Masyado daw itong strikto dahil ang gusto nila ay magdoktor siya. Nakakatawa pa dahil ako daw ang gusto niyang dapat na mapangasawa ni Liza. Sayang nga lang daw at namatay ito. Gustong-gusto daw niya ako dahil mabait at wala daw akong bisyo. Dati 'yun, pero ngayon, natutunan ko ng uminom ng alak. Kaya kapag nalaman niyang umiinom na ako ng alak ay tiyak na pagagalitan ako nito. Pero ang kagandahan ay hindi naman araw-araw. Minsan lang, kapag may okasyon. Huminto kami sa ikatlong kanto dito sa street namin kung saan mayroong poso na ginagawang igiban ng mga taong walang tubig sa bahay. Iwanan ko na daw siya doon dahil maghuhugas daw siya ng paa. Maganda daw kasi na bago siya umuwi sa tunay niyang tahanan ay malinis na malinis na siya. Ang weird ng pagkakasabi niya, pero hinayaan ko nalang dahil baka nag uulyanin na siya. Tulad nga ng sinabi niya ay iniwan ko na siya doon. Mag isa nalang ako ngayong naglalakad pauwi saamin. Mayamaya ay napahinto ako sa harap ng isang bahay ng madinig ko ang iyakan ng maraming tao. Mukhang may namatay kasi doon. Maglalakad na sana ako ulit ng mapatigil ako. Hindi ako pwedeng magkamali. 'Yun ang bahay nila Liza. Sino kaya ang namatay? Naisip ko tuloy bigla si lolo Karding. "Matanda narin kasi, kaya talagang bibigay na siya." "Oo nga. Kawawa naman si Maricris, wala na tuloy siyang kasama sa bahay. Sila na nga lang ang magkasama, iniwan pa siya ni Lolo Karding." Nangilabot kaagad ako ng madinig ko ang usap-usapan ng mga tao sa labas. Napaluha ako. Totoo ba? Patay na si lolo Karding? Napamahal na saakin si lolo Karding dahil isa siya sa mga malalapit na tao saakin na tinuring ko ng tunay na pamilya. Alam kong kaya niya ginawa saakin 'yun ay dahil matagal kaming hindi nagkita. Sa huli ay hindi na ako natakot. Nagpasalamat nalang ako sa kanya na kahit wala na pala siya ay nagkaroon pa kami ng bonding kahit ang kausap ko na pala ay isa nalang kaluluwa. Paalam, lolo Karding. Hindi kita malilimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD