Chapter 2

1246 Words
(Chapter 2 - November 22, 2017) Pawis na pawis na ako sa pagbubuhat ng mga gamit na pinalipat ni Mama. General cleaning kasi namin ngayong araw dahil nalalapit na talaga ang kapiyestahan dito sa bayan namin. Sa tinagal na wala ako sa bahay na'to ay marami ng naipundar sila Mama at tita. Tuwing magpapadala daw kasi ako ng pera sa kanila ay nagtatabi sila ng pera para mag ipon sa pambili ng bagong gamit na ipapalit sa tingin nila ay luma na at malapit ng masira. "Hindi kaya, siya naman ngayon ang pinakikitaan niya?" "Hindi ko nga din alam. Pero alam mo Ate, ganyang-ganyan din si Carlota nung nakaraang taon." "Sana naman matahimik na siya." Nalilito ako sa nadinig kong pinag-uusapan nila Mama at Tita Cora. Sinubukan ko ngang makisali sa kanila ngunit bigla nalang nilang iniba ang usapan ng makita nila ako. Ewan ko, hinayaan ko nalang, baka kasi masyadong private ang pinag-uusapan nila. Bumalik ako sa itaas para tapusin na ang paglalampaso ko. Nasa gawing bintana ako ng mapansin ko ang matandang babae na nakita ko kahapon. Kinalibutan ako ng mapa-sign of the cross siya habang nakatingin sa likuran ko. Gusto ko siyang pagalitan kasi natatakot na talaga ako sa ginagawa niya saakin. Baliw siyang matanda siya dahil trip niya talaga ako. Ano bang ginawa ko sa kanya at tinatakot niya ako? "Umalis na ho, kayo dito." Nakita kong tinaboy siya ni tita Cora. Habang papaalis ang matanda ay nakatingin parin siya saakin. Patuloy parin ito sa pagsa-sign of the cross niya. Nginitian nalang ako ni tita ng makita niyang umalis na ang matanda. Kapag nagpatuloy pa ang mga ganitong weird na nangyayari ay baka sa susunod ay hindi na ako umuwi dito. Grabe! Bakit ganito dito? Garay, please be good to me. Wala namang takutan. ***** Madilim at mausok ngayon dito. Nalilito ako kung bakit napunta ako sa harap ng dating simabahan. Saka bakit nagbalik sa dati ang simbahan? Ang alam ko ay bago na'to? Gubat na gubat ang likod at gilid ng simbahan. Puro mga puno at ang ilan pa ay patay na ang sanga. Tila ba nagbalik ang lahat sa sinaunang panahon. Kung titignan mo ay tila ako bumalik sa nakaraan. Ang creepy ng paligid. "Kinagagalak ko na bumalik ka na." Nakadinig ako bigla ng salita ng isang babae na tila ba ang boses ay nanggagaling sa ilalim ng lupa at umeecho pa sa loob ng simabahan. "Ang tagal kitang hinintay." Kinikilabutan ako. Sino ang nagsasalitang 'yun? Dahan-dahan akong naglakad sa loob ng simabahan. Sobrang usok doon. Para ba akong nasa tagaytay dahil sa sobrang kapal ng usok. Nanlamig agad ako dahil sa malakas na hangin na sumalubong saakin sa loob ng simbahan. "Sumama ka na saakin..." Nabigla ako ng makita ko ang isang babaeng nakabistidang puti. Maayos ang itsura niya pero kitang kita na kaluluwa na lang siya. "S-sino ka? Teka, pamilyar ang mukha mo." Tama. Natatandaan ko. Siya 'yung babae na nagpapakita saakin. "Sumama ka na saakin, para magkamasama na tayo ng matagal." Nagtataasan ang mga balihibo ko. Sobrang nakakakilabot ang boses niya. Pero kapag tinititigan ko siya ay tila ba gusto ko siyang yakapin. Ang puso ko ang nagtutulak na lumapit sa kanya. "Lumapit ka..." Unti-unti akong naglakad at kusang sinunod ang sinabi niya. Malapit na ako sa kanya ng ilahad niya ang kamay niya para mahawakan ko. Hahawakan ko na sana 'yun ng bigla akong makaramdam ng tapik sa braso ko. ***** "Gumising ka na at kakain na tayo ng hapunan." Mukha ni Mama ang bumungad saakin ng magising ako "Bakit dito ka natulog? Mainit dito. Ayan, pawis na pawis ka tuloy," saad pa niya. Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Sa harap ng hapagkainan ay kinuwento ko ang napanaginipan ko. May gusto sanang sabihin si tita Cora kaya lang pinigilan siya ni Mama. Para bang may alam sila na hindi ko pwedeng malaman. "May tinatago ba kayo saakin?" Tanong ko bigla. Sabay na napatingin saakin sina Mama at Tita Cora. "W-wala. A-ano naman ang itatago namin, diba Cora?" Sagot ni Mama na tinanguan naman ni tita. Halata kay Mama na nagsisinungaling siya. Kinakabahan ako. Ano ang tinatago nila saakin? Sisiguraduhin ko na bago ako bumalik sa manila ay malalaman ko na din ang tinatago nila. Ako ang nag-ugas ng pinagkainan namin. Bumabawi ako sa kanila para habang nandito ako e, matulungan ko manlang sila at mabawas-bawasan ang gawain nila. Mula sa kusina ay dinig ko ang pagbubulungan nila sa sala. Pinapagalitan ni Mama si Tita. Sigurado talaga akong may tinatago sila saakin. Pagkatapos kong mag-urong ng pinggan ay nag-aya na silang manuod ng palabas sa patio. DepEd night naman daw ngayon. Gabi ng mga elementary school. Pagdating palang namin sa patio ay handa na ang kani-kanilang costume. May mga kawayan, may mga igorot at talaga namang pagaraan ng costume. Pinaghandaan talaga ng mga teacher at student ang kanilang palabas ngayong gabi. Sa gitna kami pumuwesto nila Mama at tita Cora. Mas madaming tao ngayon, kaysa kagabi. Habang hindi pa nag uumpisa ang palabas ay dinako ko ang tingin ko sa paligid. Napatingin ako sa bagong tayo na simbahan. Bigla ko tuloy naalala ang panaginip ko kanina. Pinagmamasdan ko ang simbahan na mapansin kong may nakatayong babae sa harap ng rebulto ni San andres apostol. At hindi ako pwedeng magkamali. Siya ulit 'yun. Ang babaeng nakabistidang puti at kahit malayo ako ay kitang-kita ko ang duguan niyang mukha. Inalisan ko siya ng tingin dahil natakot na naman ako. Napansin pa nga nila Mama na nanginginig ako. Mabuti nalang at nalibang ako dahil nag umpisa nadin ang palabas. Ang ganda ng unang bungad ng palabas dahil sa mga batang nagta-tumbling. Kayliliit pa lang nila pero, kay gagaling na nila agad. Nangingilo pa nga ako dahil baka kako maaksidente sila. Pero ang galing dahil natapos sila na walang nangyaring aksidente, kaya naman napa-palakpak ang lahat. Sunod-sunod ang palabas na puro nakakalibang. Ang gagaling ng mga teacher at mga batang estudyante. Halatang matagal silang nag-ensayo dahil wala silang kamali-mali at talaga namang maganda ang kinalabasan. Umalis saglit sina Mama at tita. Bibili daw sila ng popcorn. Kapag malapit na ang fiesta dito saamin ay marami ditong nagtitinda ng popcorn. Ang pangit lang dahil walang ibang flavor kundi cheese lang. Tapos minsan, lasa pang gaas. Pili lang ang mabibilan mo ng masarap at hindi lasang gaas. Tuwing gabi ay maraming nagtitinda sa gilid ng patio. May balot, penoy, burger, fishbulan, palabunutan ng sisiw, mga rosaryo, relo, damit, tsinelas, sapatos at kung ano-anu pa. Habang wala sina Mama at tita ay nakikinig lang ako sa batang kumakanta. Ang ganda ng boses niya. Napakalamig at maaliwalas pakinggan. Anlig na anlig ako sa pakikinig sa kanya ng biglang madako ang tingin ko sa malaking puno sa tabi ng stage. Nanlaki ang mata ko ng makita ko na naman siya. Sa takot na naramdaman ko ay agad akong nagtatakbo pauwi. Wala na akong pakelam kung marami akong nasagi na mga tao. Basta ang gusto ko ay makalayo sa lugar na'yun. Tiyak na magagalit sila Mama dahil hanapin nila ako. Hindi ko na talaga kaya. Hindi ako takot sa patalim. Pero kapag multo na ang usapan ay hindi ako makakatagal. Mamamatay ako sa takot at kung may sakit ako sa puso ay tiyak kahapon pa ako patay. Sino ba talaga ang babaeng 'yun at hanggang sa panaginip ko ay ginugulo niya ako? Malapit na akong mabaliw. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Totoo pala talaga ang mga ganun. Tsk! Hindi na naman ako makakatulog nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD