(Chapter 1 - November 21, 2017)
Maingay, ibat-ibang kulay na bandiritas sa itaas, nagkakagulong mga tao at sari-saring tinda sa palengke ang bumungad saakin ng bumaba ako sa jeep na sinakyan ko. Ang sarap sa pakiramdam na nakatungtong ka na ulit sa bayan na kinalakihan mo. Namiss ko ang lahat ng nandito.
Habang naglalakad ako pauwi sa bahay namin ay pinagmasdan ko ang lahat. Maraming nagbago. Ibang-iba na ang lahat. Ang dating mga kubo na bahay ay nagtaasan na at ngayon ay mga magagara na at tila mga naging asensado na lahat.
Napadaan ako sa simbahan. Ang ganda. Bagong-bago na din. Ang ganda ng pagkaka-design. Para akong hindi nasa garay. Para akong nasa ibang lugar. Ang galing ng paring namumuno ngayon dito.
Nadako ang tingin ko sa court. Nalungkot ako bigla dahil tila gigibain na nila ang basketball court na dati ko pa namang pinaglalaruan. Wala na ang mga upuan doon. Isa pa naman ito sa dahilan kung bakit umuwi ako dito. Sayang. Sana hindi nila 'yun ginalaw dahil tiyak na marami paring mga kalalakihan na naglalaro nun dahil ang sport na basketball ang kailanmang laro na hindi malalaos at talaga namang nakasanayan ng laruin ng mga kabataan. Tiyak na marami ding nadismaya sa nangyari sa basketball court. Sana hangga't maaga pa ay huwag nila 'yung sirain ng tuluyan.
Napadaan ako sa may stage. Handa nadin 'yun para sa sampong gabing palabas na alay para kay San andres apostol. Naalala ko, sinabi saakin ng Mama ko na nagpapalabas ang mga iba't-ibang street or school na sakop ng garay. Tiyak na araw-araw na silang nag-eensayo para sa sampong gabi na magaganap.
"Teka, ikaw na ba 'yan, Lester?" Tanong saakin ng isang lalaki na tila ka-edad ko. Tinitigan ko muna siya bago ako sumagot. Hindi ko kasi siya makilala.
"Pasensya ka na pare, pero hindi kita matandaan," sagot ko.
"Pare, naalala mo ba'yung sinuntok mong lalaki dahil sa hindi pagbayad ng pusta sa larong dota?" Tanong pa niya. Sandali ko siyang inalala. Tama, siya 'yung dayong lalaki na naka-game ko sa computer shop noon saaming kalye. Hindi ko sure kung ilang taon na kami nun. Siguro ay nasa 19 years old na.
"Teka, ikaw na ba'yan, Bino?" Tanong ko.
"Ako nga," saad niya "Iba ka na tol, mukhang bigatin ka na ngayon at naka jordan ka pa na shoes," saad pa niya.
"Nagka-trababo kasi ako ng ginhawa. Ayos din dahil na-regular pa ako," sagot ko "Ikaw ba, anong pinagkaka-abalahan mo ngayon?" Tanong ko pa. Nakita kong medyo naiba ang timpla ng mukha niya.
"Ito, paalis na," saad niya.
"Saan ang punta mo?"
"Mag-aabroad na tol."
"Ayos pala, ingat ka nalang pre," sagot ko.
Matapos ang pag-uusap namin ay tumuloy na ako pauwi sa bahay namin.
Habang naglalakad ako ay para bang nanlalamig ako. Ang kaninang init na init kong katawan ay tila ba binalutan ng lamig kahit tirik naman ang araw ngayon.
Nasa kanto na ako ng pagitan ng Lopez jaena at matitic bayan ng makakita ako ng bahay na may kubol na tila may nakaburol.
"Oo nga, napaka-bata pa niya para mamatay."
"Kung kailan namang malapit na ang fiesta, saka pa siya namatay."
"Kaya nga. Sayang si Bino. Masayahin pa naman siyang tao,"
Kinilabutan ako sa pinag-usapan ng mga Ale na nagdaan sa harap ko. Ayokong isipin na ang Bino'ng kanina lang na nakausap ko ang tinutukoy nila. Imposible, dahil hindi ako naniniwala sa mga ganung kaluluwa na naglalakbay.
Pero ng makita kong kinakabit na ang tarpaulin ng litrato ng namatay doon ay bigla akong natakot. Ang kaninang kausap ko na si Bino ay pumanaw na pala. Hindi ako makapaniwala.
"Ijo," nagulat ako ng tawagin ako ng isang matandang babae. Tinignan ko siya. Medyo weird ang itsura niya. Mahaba ang buhok niya at sira-sira pa ang suot niyang saya.
"B-bakit po, Lola?" Tanong ko.
"May nakamasid sa'yo. Magigimbal ka sa mga araw na darating. May matutuklasan ka na matagal mo ng hindi alam," saad niya. Hindi naman sa pagiging bastos, pero tinalikuran ko siya. Kinalibutan kasi ako sa sinabi niya. Saka para kasing baliw. Isa siyang pulubing matanda at siguro nag uulyanin na kaya kung ano-anu na ang mga sinasabi.
Hay naku, kakantuntong ko palang dito, puro katatakutan na agad ang bungad saakin. Masyado ata akong namiss ng Garay at ganito ang binungad saakin.
Nangiti ako ng sa wakas ay matanaw ko na ang bahay namin. Finally, after many years, nakauwi din ako sa tunay kong tahanan.
Bago ako pumasok sa bahay namin ay pinagmasdan ko muna sa labas ang kabuuan ng bahay namin. Napatitig ako sa bukas na bintana ng bahay namin. Namamalik-mata lang ba ako o totoo itong nakikita ko?
May babae kasing nakadungaw doon. Seryoso itong nakatingin saakin. Inisip ko na baka si tita Cora 'yun kaya kinawayan ko pa siya. Pero, napahiya pa ako ng hindi manlang siya natinag. Wala siyang kibo at mayamaya ay saka siya mabagal na naglakad paalis doon. Sino kaya 'yun?
"Lester?" Nagulat ako ng tawagin na ako ng Mama Rebecca ko.
"Ma!" Kaagad akong lumapit sa kanya at nagmano.
"Namiss kita, Anak," sambit niya saka ako niyakap "Ang laki-laki mo na talaga," dagdag pa niya. Hinalikan ko siya sa pisngi. Ang sarap lang sa pakiramdam na mayakap mo ang ina mong hindi mo nakasama ng ilang taon. Masyado kasing busy sa work. Mahirap pang mag-leave dahil masungit ang boss ko. Mabuti nalang at pinayagan niya ako sa kabila ng pangungulit ko. Good mood si boss dahil malaki ang pera ng pumasok sa kompanya namin nitong nagdaan na buwan.
"Nasaan nga po pala si tita Cora? Siya po ba 'yung babaeng nakita ko sa itaas na nakadungaw sa bintana?" Tanong ko. Napakunot ng noo si Mama sa tinanong ko.
"H-hindi ah. Nasa palengke ang tita mo, namili ng ulam natin," sagot niya.
"Eh, sino ang babaeng nakita ko kanina?"
"E-wan. Baka naman namalik-mata ka lang. Walang tao doon, mag-isa lang ako ngayon sa bahay natin," sagot ni Mama. Natakot ako. Kitang-kita ko kasi na may babae talaga doon. Pero dahil nagugutom ako ay baka sanhi lang 'yun ng gutom ko. Namamalik-mata nga lang siguro ako.
"Nandito ka na pala, Lester," sambit ng kakadating palang na si tita Cora.
"Opo, tita. Dala ko na nga din po ang mga christmas decoration na pinabili n'yo," sagot ko.
"Salamat naman at maayos ko na ang christmas tree natin," sagot niya "Tamang-tama din pala ang pag-uwi mo dahil mamaya ay mag-uumpisa na ang palabas sa patio," saad pa niya.
"Oo nga po, nadaanan ko nga po kanina na nakaayos na'yung stage," sagot ko pa.
"Kaya magpahinga ka na muna, Anak. Alam kong pagod ka sa biyahe. Mamaya manunuod tayo ng palabas sa patio," saad ni Mama na tinulungan pa akong bumuhat sa mga bag na dala ko.
Ganun nga ang ginawa ko. Maghapon akong nagtulog at kinagabihan ay sabay-sabay kaming nanuod sa patio.
Maraming ilaw sa tapat ng simbahan. Malakas na din ang sound at madami ng tao na nag aabang. Ngayong gabi ay palabas pala ng Saint martin school at nang Church group.
Mayamaya ay agad na ding nag umpisa ang palabas. Saktong-sakto ang dating namin.
Sayawan, kantahan at kung anu-ano pa ang ginawa nila. Nakakalibang dahil ang gagaling nilang lahat. Mapa-bata man o matanda.
Lingon lang ako ng lingon sa lahat. Ganito pala dito. Ang saya makaranas ng ganito.
Napatingin ako sa stage habang nagsasalita ang mga emcee. Ipapakilala na nila ang mga susunod ng pagpapalabas ng bigla kong mapansin ang isang seryosong babae na nakatayo sa likuran nila. Nagtaka ako at kinalibutan. Hindi ako pwedeng magkamali dahil siya din 'yung nakita ko sa bintana ng bahay namin kaninang tanghali.
Tinanong ko sina Mama at Tita kung may nakikita ba silang ibang tao sa likuran ng mga emcee, pero wala ang sagot nila. Pinagalitan pa nga nila ako dahil nananakot lang daw ako.
Kinusot ko ang mga mata ko at baka namamalik-mata lang kako ako, pero nandoon parin. Nakatayo parin siya sa likod ng mga emcee.
Nung una ay nakayuko siya. Pero lalo akong kinalibutan ng mayamaya ay nakatingin na siya saakin.
Sa takot ko ay maaga akong nag ayang umuwi sa bahay. Ganito ba talaga sa probinsya?
Sino ang babaeng 'yun?
Multo ba siya? Nakakilabot!