Liezel "Tatay, baka po mahuli tayo ng guard dito," bulong ko kay tatay habang patuloy kaming naglalakad patungo sa puntod ni nanay. Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa loob ng cemetery. Kinikilabutan nga ako dahil puro nitso ang nadadaanan namin. Apartment type cemetery ito. Parang gusali na mayroong mga butas para sa mga puntod. Magkakahilera silang lahat at napakarami na. Karamihan ay nasa mataas na bahagi na at nangangailangan na ng mga hagdan para maabot. May kadiliman ang buong paligid pero may mga poste ng ilaw sa ilang parte at ang iba naman ay nakabukas. Naaaninag naman namin ni tatay ang mga daanan. "Huwag ka lang maingay," pabulong din niyang sagot. "Wala po tayong kandila, tatay." "May mga tanim naman ditong mga bulaklak. Kukuha na lang tayo." "Lagot tayo niyan, tata