CHAPTER 21: Beg

2539 Words

Liezel NAUNA NANG lumabas ng kotse si tatay at nilapitan si Damien. Kaagad na rin akong bumaba. "Ikaw pala 'yan, Yen-Yen. Kanina ka pa ba dito?" tanong ni tatay sa kanya. "Kararating lang naman po, tatay." "Eh..." Nilingon ni tatay ang kotse, at lumarawan na naman sa kanya ang hiya. "Sinubukan lang namin ng anak ko. Nag-ikot-ikot lang kami sandali." Lumapit na rin ako sa kanila. Ramdam ko ang kakaibang pagtitig sa akin ni Damien, pero kaagad din siyang bumaling kay tatay. "Okay po ba? Kumusta po ang takbo?" "Okay na okay. Mabilis at magaang dalhin. Eh... hindi ko naman na siguro kailangan pa ng ganyan." Kumamot sa ulo si tatay. "Kailangan niyo po 'yan. Malayo kayo sa highway. Mahihirapan kayong sumakay dito sa looban. Magagamit niyo po 'yan kung may gusto kayong puntahan at kapag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD