CHAPTER 6: Breakfast /Warning!

2802 Words
Liezel HINDI AKO halos nakatulog buong magdamag. Bukod sa naninibago ako sa silid at lugar, napakaraming problema at alalahanin ang tumatakbo sa isipan ko. Kaya pagsapit ng alas singko ng umaga ay bangag na bangag ako. Namimigat ang ulo ko at namumungay ang aking mga mata. Pero kailangan ko nang bumangon para ipaghanda si Damien ng almusal. Ang sabi niya kagabi, bago mag alas siete ng umaga ay dapat nakahanda na ang breakfast niya sa mesa. Huminga ako ng malalim at bumaba na ng kama. Nag-inat-inat muna ako at nagbanat ng aking mga buto. Ipinaling-paling ko rin sa kaliwa't kanan ang aking ulo bago ilang beses pinaikot-ikot. Kailangan kong buhayin ang dugo ko ngayon dahil makakaharap ko na naman si Damien at kailangan ko na namang umarte sa harapan niya. Ilang beses akong nag-bend ng katawan at inabot ang dulo ng mga daliri ko sa paa. Ilang ulit ko ring itinaas-taas ang mga hita ko habang bini-bend patungo sa kaliwa at kanan ang katawan ko. Ilang beses din akong nag-inhale at exhale. Nang maging maayos ang pakiramdam ko ay sinimulan ko nang ayusin ang kama ko. Itinago ko na rin muna ang phone ko sa loob ng closet. Hindi pwedeng malaman ni Damien na gumagamit ako ng phone. May robot bang gumagamit ng phone? Hmm... Pwede... Nagtungo na ako sa banyo at nag-mouthwash. Umihi na rin ako at inayos ang sarili ko. Sinuklay ko ang buhok ko at ipinusod paitaas. Pinagmasdan ko ang suot kong pajama set. Isang maluwag na long sleeve at pants. Color burgundy at may buttons sa harap. Silk satin ang tela nito kaya masarap sa pakiramdam. Malambot sa balat. Okay lang kaya kung hindi na ako magpalit? Pero masyado yata akong losyang dito. Naisipan kong hubarin ang pajama pants ko. Lumaglag hanggang sa singit ko ang laylayan ng long sleeve ko. Kitang-kita na ang g-string kong panty. Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin. Nagpaikot-ikot ako at tiningnan din ang likod ko. Napangiti na lamang ako nang makita ko ang kaseksihan ko at ang mapipintog na pisngi ng pang-upo ko. May kalakihan din ang balakang ko at mga hita ko habang maliit naman ang baywang ko. Hindi nga lang pinagpala sa boobs na size 34b. Masyado itong maliit. Na-curious tuloy ako kung nag-request ba si Damien kay Joel ng robot doll na may malaking boobs. Wala namang nabanggit sa akin si Joel tungkol dito. Haayst. Baka kasi ma-disappoint si Damien sa size ko. Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim. Dinampot ko ang pajama ko at itinupi na lamang. Hindi pa naman ito marumi kaya isusuot ko pa ito mamayang gabi. Mas sexy ako kapag ganito lang ang suot. Ang sabi naman ni Damien ay hindi nakakapasok dito sa loob ng bahay niya ang mga boydguard niya, kaya siya lang ang makakakita sa akin ng ganito. Lumabas ako ng banyo at kinuha ang lipstick ko sa bag ko. Nagpahid ako nito ng kaunti sa mga labi ko. Nag-spray na rin ako ng kaunting pabango. Nag-half bath naman ako kagabi kaya okay na ito. Lumabas na ako ng silid ng walang sapin ang mga paa. Medyo may kadiliman pa ang buong paligid dahil 5:30 pa lang ng madaling araw. Pero nakabukas naman ang mga dim light sa kisame. Nilingon ko ang kinaroroonan ng master's bredroom. Saradong-sarado pa ito ngayon. Naisipan ko itong lapitan. Inilapat ko ang tainga ko sa pinto at nakiramdam sa loob. Wala naman akong marinig na kahit anong ingay. Masyadong tahimik. Napatitig ako sa lock door nito. Unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sinubukan ko itong pihitin. Napanganga naman ako dahil hindi naman pala ito nakakandado. Itinulak ko ng kaunti ang pinto at sumilip sa loob. Hinanap ko ang kinaroroonan ng kama. May kadiliman din pero naaaninag ko naman ang loob dahil sa lampshade na nakabukas. Kaagad ko rin naman itong nakita sa kaliwang bahagi at naaninag ko doon si Damien na mahimbing pa ring natutulog. Kalahati lamang ng katawan niya ang natatakpan ng kumot. Habang wala namang saplot ang itaas na bahagi niya. Mukhang hindi na talaga siya nagdamit pa kagabi. Napakaamo ng kanyang mukha. Napangiti na lamang ako at muli nang isinara ang pinto. Minabuti ko nang bumaba sa kusina para makapaghanda ng almusal niya. PAGDATING ko sa kusina ay kaagad akong naghanap nang maaari kong iluto. Naalala ko ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Bread lang ang nakahiligan niyang almusal na may sunny-side-up eggs, lettuce, tomatoes, mayonnaise at ketchup. Tama ba? Pero pwede naman daw siyang tumikim ng ibang almusal na luto ng iba pero 'yong light lang. Ibig sabihin ay 'yong hindi mabigat sa tiyan. Ayaw niya sigurong masira 'yong abs niya. At 'yong kape daw niya ay matapang at kaunting sugar lang. Okay. Napalibot ang paningin ko sa lahat ng stock niya dito sa storage room. Bakit siya nag-i-stock ng ganito karami kung kapiraso lang naman ang kinakain niya? Mai-expire lang ang mga ito. Sayang naman. Tapos ay itatapon lang. Napakaraming tao ang nagugutom, no. Isa-isa kong dinampot ang mga ito. Mamahalin pa ang mga ito. Pwede akong gumawa ng breakfast burrito. Baka magustuhan niya 'yon. Mukhang kumpleto naman siya dito sa mga recipe. Isa-isa ko nang kinuha ang lahat ng mga kailangan ko at dinala sa kusina. Ang iba naman ay mayroon na dito sa mga cabinet. May nakita akong nakasabit na apron sa gilid ng refrigerator. Kinuha ko ito at mabilis na isinuot. Isa-isa ko na ngang inihanda ang mga sangkap. 2 teaspoons canola oil, 1/2 small red onion, 1 red bell pepper, 1 cup drained rinsed canned black beans, 1/4 teaspoon chilli flakes. Salt and freshly ground black pepper, 4 eggs and 4 egg whites, 1/3 cup shredded pepper Jack cheese. Nonstick cooking spray, 4 whole wheat tortillas burrito size, 1/4 cup reduced fat-free sour cream, 1/4 cup salsa, 1 large tomato, 1 small avocado and hot sauce. Okay? Simulan na natin ang pagluluto. Napakaganda ng lutuan niya dito. Sosyalin. Mabuti na lang at marunong na ako ng mga ganito. Si Joel ang nagturo sa akin sa bahay niya dahil alam niyang mangyayari ito. Lahat ng mga mamahaling kagamitan ay itinuro na niya sa akin. Napakayaman na rin ng taong 'yon. Mayroon na rin siyang malaking bahay sa Quezon City at tatlong mamahaling mga sasakyan. Mayroon pa siyang condo. Siguro ay napakarami na niyang naging customer sa pagbebenta ng mga s*x doll. Hindi lang naman kasi s*x dolls ang ginagawa niya. Pati na rin mga s*x toys. Nakakapagtaka lang. Bakit kaya 'yon ang napili niyang propesyon? Gumagamit din kaya siya ng mga 'yon? Sa kanya ko rin naman nalaman na wala siyang girlfriend ngayon. Nagkaroon naman daw dati pero hindi niya sinabi kung bakit sila naghiwalay. Na-curious tuloy ako at parang gusto kong malaman. Sino din kaya ang babaeng 'yon? Pinay kaya siya o ibang lahi? Usisain ko kaya siya pag nagkita kaming muli. Marites na naman po ako ngayon ng taon. Kalahating oras lang ang iginugol ko sa pagluluto ng breakfast burrito. Luminga ako sa buong paligid, ganun din sa hagdan. Siniguro kong walang makakakita sa akin. Kaagad kong tinikman ang luto ko. Amoy pa lang nito ay napakasarap na. Ginawa ko na itong tatlong piraso. Baka kasi mapasarap ang kain niya o kaya ay baka gustuhin niya ring magbaon. Hmm! At napakasarap nga nang pagkakaluto ko! Parang nagutom akong bigla. Pero hindi pa ako pwedeng kumain ngayon. Mamaya ko na lang gagawin 'yon pag-alis niya. Inilagay ko na ang mga ito sa mesa. Inihanda ko na rin ang tasa ng kape niya. Mamaya ko na lang ito lalagyan ng tubig kapag nakababa na siya para hindi kaagad lumamig. Bumalik ako sa lababo at nilinis ang mga pinaglutuan ko. Pinunasan ko na rin ang gas range. Habang papalapit ang oras ay nagsisimula na namang bumilis ang pintig ng puso ko. Anumang oras kasi ay magigising na si Damien at bababa na dito. Inayos ko na ang posture ng katawan ko habang patuloy pa rin sa paglilinis. Pinunasan ko ang buong countertop at isinalansan ng maayos sa gilid ang mga boteng kinuha ko sa storage room. Ngunit napahinto ako nang maramdaman kong tila may mga matang nakatitig sa akin. Kaagad akong lumingon sa kinaroroonan ng pinto. At doon ko nga nakita si Damien. Nakasandal ito sa hamba ng pinto, naka-crossarm at nakatitig sa akin. Kaagad akong humarap sa kanya at tumayo ng tuwid. Nakasuot na siyang muli ngayon ng white robe. Sabog-sabog pa ang kanyang buhok pero tila mas lalo itong nakaragdag sa kagwapuhan niya. "Good morning, Darling," walang emosyon kong bati sa kanya. Kanina pa kaya siya dyan? Sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya. Lumibot ang mga mata niya sa kabuuan ko. Na-tense akong bigla at ramdam ko ang paggapang ng init sa mukha ko, ngunit pinanatili ko pa rin ang blangko kong anyo. "I think this is the best morning I've ever had in this house." Napahinto ako sa sinabi niya. Naglakad siya palapit sa akin, kaya nagsimula na namang maghuramentado ang puso ko sa mga sandaling ito. Ano'ng ibig niyang sabihin? Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Muling lumibot ang paningin niya sa kabuuan ko, mula ulo hanggang paa. "You look so hot and sexy right now ... from your bare feet ... smooth thighs ... and exposed legs ... to your tempting red underwear..." Hinapit ng mga kamay niya ang baywang ko. Napalunok naman ako sa sinabi niya. Nakakalusaw sa init ang mga titig niya, lalo na nang bumaba ang mga ito sa mga labi ko. Umakyat ang kamay niya dito at ito naman ang hinaplos ng thumb finger niya. Halos kapusin na ako ng hangin sa pagkakalapit namin ng husto sa isa't isa. Nalalanghap ko na ang amoy mouthwash niyang hininga. "Binubuhay mo ang p*********i ko ngayong umagang ito." Inalis niya mula sa akin ang suot kong apron at basta na lamang inihulog sa sahig. Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Naalala ko na naman tuloy ang alaga niyang nagmamalaki, at talaga namang may maipagmamalaki. Tinitigisan ba siya ngayon? "Kiss me, Darling." Napahinto akong muli sa sinabi niya. H-Hahalikan ko siya? Hindi kaagad ako nakakilos. Saan ko ba siya hahalikan? Sa lips ba niya? Shet! Sabihin niya kasi kung saan? Baka sa itlog niya siya magpapahalik! "What are you waiting for?" tanong niya. "On your lips?" paniniguro ko na rin. Muli namang gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin. Minu-minuto naman akong kinakabahan dahil baka nakikilala na niya ako na hindi naman talaga ako totoong robot! "Is there another part of my body you want to kiss?" "Just what you say." Muli naman siyang ngumiti. Nagtaka ako nang hawiin niya ang collar ng robe niyang suot hanggang sa humantad sa harapan ko ang kaliwa niyang dibdib. Pumantay ito sa mismong mukha ko dahil masyado siyang matangkad. "There... On the upper part of my nipple..." Napalunok akong muli. Dyan talaga? Mas lumapit naman ako sa kanya at binigyan ito ng magaang halik. "One more. Deep," utos niyang muli. Muli ko rin naman itong hinalikan sa mas matagal na oras. "Deeper..." Aba't, ano ba talagang gusto niya? Mas malalim pa? Inilabas ko na ang dila ko at sinipsip ang balat niya. "Holy shit." Narinig ko naman ang mahina niyang pagmumura, kasabay nito ay paglalim nang kanyang paghinga. Bigla na lamang niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at nilamukos ng mainit na halik ang mga labi ko. Hindi ako nakagalaw at hindi rin kaagad nakasagot. Hindi ko rin alam kung dapat pa akong tumugon sa kanya. Pumapasok na ang dila niya sa loob ng bibig ko at iginagalugad sa bawat sulok ko doon. Napakalambot ng kanyang mga labi at napakabango ng kanyang hininga. Nalalasahan ko rin ang tamis ng kanyang saliva. Tila lumilipat sa akin ang init na hatid nito sa akin. Bigla na lamang niya akong binuhat at iniupo sa ibabaw ng countertop. Pinakawalan niya ang mga labi ko at yumuko sa harapan ko. Nagulat ako nang halikan niya ang mga hita ko paakyat patungo sa p********e ko! Kakaibang kiliti at init ang inihatid nito sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong baywang at bahagya akong inihiga. Nanigas na lamang ako sa kinauupuan ko nang marating na niya ang p********e ko. Hinalik-halikan niya ito mula sa labas ng kapirasong tela na tumatabing dito. Naghatid naman ito sa akin ng kakaibang init at sensasyon na hindi ko maipaliwanag. Parang may mga kuryenteng gumagapang ngayon sa mga ugat ko. Nagsimulang manginig ang mga kalamnan ko habang pinagmamasdan siya. Awtomatikong nakabuka ang mga hita ko sa harapan niya. Nagpatuloy siya sa paghalik niya doon. Ramdam ko naman ang unti-unti ko na namang pagkabasa. Ngunit huminto din siya at tumunghay muli sa akin. Nakapaskil nang muli ang matamis na ngiti sa mga labi niya. "You smell so good. I'm getting hungry, and this appetiser is perfect." Huh? May niluto akong pagkain para sa kanya--oh, s**t! Kamuntik na akong mapasigaw nang bigla na lamang niyang hinaklit ang kakapiraso ko na nga lang na g-string! Napigtas ito sa lakas niya! Oh, Diyos ko. Inihiga na niya ako ng tuluyan dito sa ibabaw ng countertop. Mukha itong mesa na naririto sa gitna ng kusina na malapit sa lababo. Malapad ito at pwede niyang gawin sa akin dito ang lahat. Mas ibinuka niya ng husto ang aking mga hita ngunit nakalaylay ang aking mga paa sa baba. Bigla na lamang siyang yumuko doon at sinimulan nang dilaan ang p********e ko. Nanigas ako sa kinahihigaan ko at napatulala sa kisame. Humawak ako sa magkabilang gilid nitong countertop at pinakiramdaman ang ginagawa niya sa akin doon. Humahagod nang paulit-ulit ang dila niya sa bawat sulok ng p********e ko. Sumisiksik at tila naglalaro doon. Hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman ko. Magkahalong kiliti at kakaibang sensasyon ang inihahatid nito sa akin. Ito pa lamang ang kauna-unahang beses na maranasan ito. Nagpaikot-ikot ang dila niya sa mismong lagusan ko. Nakaramdam ako ng munting kirot doon nang tinangka niya itong ipasok sa loob ko. Ngunit mahigpit kong tiniis ang nararamdaman ko. Oh, God. 'Yon palang ay ramdam ko na kaagad ang kirot. Paano pa kaya kung alaga na niya ang papasok sa akin? Makakaya ko pa kayang magpanggap? Ang laki-laki no'ng kanya. Mahaba at mataba! Iniliko ko sa ibang bagay ang aking isipan. Pilit kong hindi inintindi ang ginagawa niya sa akin ngayon. Natatakot ako na baka kapag nagpadala ako ay bigla na lamang may lumabas sa akin na kung anuman. Hindi pwedeng mangyari 'yon dahil robot ako! Kailangan kong umakto na wala akong nararamdaman na kahit ano sa mga oras na ito. "Darling? Hmmm..." tawag niya habang patuloy niyang sinisibasib ang p********e ko. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot ng diretso, "yes, Darling?" "Why do you taste so fuckin' good? Damn... hmmm..." Gusto kong ipikit ng mariin ang aking mga mata ngunit baka bigla siyang tumingala sa akin at makita ang reaksyon ko. Sinilip ko siya sa ibaba nang hindi gumagalaw ang ulo ko. Shet. Para siyang asong ulol na nilalapa ang mga laman ko doon! Patuloy ang mahigpit na paggalugad ng dila niya sa bawat sulok ng p********e ko. Animo'y nakikipaghalikan siya sa mga labi ko. Para siyang gutom na gutom. Ganito ba talaga siya? Patindi naman nang patindi ang sarap na ipinalalasap niya sa akin. Parang kinukuryente na ngayon ang mismong tinggil ko dahil sa paulit-ulit na paglapirot ng dila niya doon. Ilang ulit na rin akong nagmura sa isipan ko. Shet. Tama na... Nararamdaman ko na ang panginginig ng mga tuhod ko. Mabuti na lang at prente itong nakalapat sa gilid ng countertop. Unti-unti na ring humihigpit ang pagkakahawak ko sa magkabila nitong tabi. Nagpatuloy pa rin siya sa pagkain sa akin doon. Hanggang sa maramdaman ko na ang pamumuo ng tensyon sa puson. Oh, s**t! Hindi pwede ito! Pakiramdam ko ay may lalabas na sa akin! Hindi maaari! "Hmmm," ungol pa niya mula sa baba ko. Kagat-kagat ko naman ng mahigpit ang dila ko upang hindi ako mapaungol sa sarap na nararamdaman ko. Ngunit bigla na lamang siyang huminto. Nabitin ako pero laking pasasalamat ko 'yon. Nakita ko siyang pinagmamasdan na ngayon ang p********e ko. Puno nang pagnanasa ang kanyang mga mata. Mabilis din ang kanyang paghinga. Dinali-daliri pa niya ang bawat sulok ng p********e ko. Huwag naman niya sanang ipasok 'yan sa loob! Tumunghay na siya sa akin at inalalayan na akong makabangon. Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil napakabilis din ng aking paghinga. Nanginginig pa rin hanggang ngayon ang aking mga kalamnan. Muli namang sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin. "This morning's breakfast was excellent... I'm full." Kinindatan niya ako at mabilis na hinalikan sa mga labi. Naamoy ko pa doon ang p********e ko. s**t. "Babaunin ko na lang ang niluto mo. I'll just take a quick shower." Tumalikod na siya at lumabas ng kusina. Naiwan naman akong tulala dito sa ibabaw ng countertop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD