CHAPTER 7: Released from Prison

2098 Words
Liezel Inilagay ko sa isang plastic ware na nakita ko sa cabinet ang tatlong piraso ng breakfast burrito. Hindi na ako umakyat pa sa itaas. Pinili ko na lamang hintayin si Damien dito sa living room. 7:30 nang siya ay bumaba. Bitbit na niya ang briefcase niya. Nakasampay naman sa braso niya ang black coat niya. Nanatili naman akong nakatayo dito sa gilid ng sofa na malapit sa front door. Bitbit ko naman ang plastic ware. "Yan na ba 'yong baon ko?" tanong niya habang naglalakad patungo sa pinto. "Yes, Darling." Binuksan niya ng kaunti ang pinto at sumilip sa labas. "Mael," tawag niya sa labas. "Yes, Boss." "Please take them to the car." "Yes, Boss." Iniabot niya sa tao niya sa labas ang briefcase niya at coat. Bumalik din siya sa akin at kinuha ang plasticware. Ibinigay din niya ito sa labas bago muling isinara ang pinto. Hindi naman ako nakita dito sa loob ng mga tao niya dahil sa liit nang pagkakabukas niya sa pinto. Muli siyang bumalik sa akin habang inaayos ang necktie niya sa leeg. "Do you still remember what I told you last night? About my rules?" "Yes, Darling." "Ano-ano ang mga 'yon? Sige nga." "I'm not allowed to leave the house or even hang out in front of the house." "Aha. What else?" "I'm not allowed to approach and talk to your staff." "Okay?" "What else?" "Keep the house locked. Hide in the basement whenever a visitor comes." "Okay. Wala namang nakakapasok dito na kahit sino kapag wala ako... Tandaan mo ang lahat ng 'yan. Just wait for me until I get back." "May I know what time you get home in the afternoon?" tanong ko naman sa kanya. "Depende kung anong oras natatapos ang trabaho ko. Why?" Bahagyang nangunot ang noo niya. "For dinner, what kind of food do you prefer?" tanong kong muli. "Hmmm..." Napahawak naman siya sa baba niya at tila nag-isip. "Light meals are fine with me. I don't eat rice every night." "Got it." Ngumiti naman siya. "May tanong ka pa ba?" "No more." Muli siyang ngumiti. "Aalis na ako." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa mga labi. Kaagad din siyang bumitaw. "Don't dress like that every time I'm not here. You can do that whenever you're with me." "Noted, Darling." Pinisil na lamang niya ang baba ko bago ako tinalikuran at nagtungo nang muli sa pinto. Binuksan niya itong muli at bago lumabas ay napansin ko ang pagkandado niya sa lock door nito. Tuluyan nang sumara ang pinto at naiwan akong mag-isa dito sa loob. Nagmadali akong magtungo sa bintana at sinilip sila sa napakaliit lamang na siwang ng kurtina. Natanaw ko siyang sumakay na ng kotse niya. Dalawang bodyguard ang sumama sa kanya. Ang dalawa namang maiiwan ay nagtulong sa pagbubukas ng gate. Umandar na rin ang kotse at lumabas ng gate. Muli rin itong sumara hanggang sa hindi ko na ito makita pa. Napabuga ako ng malakas na hangin. Muli rin akong nag-inat-inat. Napakahirap na palagi akong straight body at seryoso ang mukha! Para din akong magkaka-stiff neck dahil sa buong oras na hindi paggalaw ng leeg ko! Kaya ngayon ay pinaikot-ikot ko itong muli. Muli akong bumalik sa kusina at nagluto ng almusal ko. Teka, saan kaya kumakain ang mga naiwan na bodyguard dito? Siguro ay may baon sila. Hindi naman daw sila pwedeng pumasok dito sa loob. Hindi rin ako pwedeng lumapit sa kanila. Ayaw ko rin namang gawin 'yon dahil baka pagsamantalahan nila ako. Sa pagkakaalam nila ay robot ako at walang utak. Wala ring kalaban-laban sa kanila. Bigla ko tuloy naalala 'yong sinabi ni Damien na ang dati niyang mga tauhan ay sinamantala ang oras na wala siya dito. Siguro ay ginalaw nila ang mga nauna niyang s*x dolls. Naalala ko ring bigla ang mga s*x dolls niya sa basement. Napakarami niyon, at karamihan sa kanila ay mukha talagang mga tao. Katulad sila ng mga s*x dolls na nakasama ko sa shop ni Joel. Wala nga lang silang buhay. Hindi sila gumagalaw na katulad ko. Pero umuungol sila sa tuwing niroromansa. Ipinakita na kasi ni Joel sa akin ang isa sa kanila. Automatic na umuungol ang mga bibig nila sa tuwing hinahawakan ang mga maseselang parte ng katawan nila. Natawa na lamang ako noong subukan kong pisilin ang dibdib ng isa sa kanila. Bigla na lamang itong umungol na parang tao. Itsina-charge daw 'yon sa kuryente ayon kay Joel. May battery daw ang mga 'yon sa loob. Nag-aalala lang ako na baka kapag nagsawa na sa akin si Damien ay ikulong niya rin ako sa basement na 'yon at hindi na niya hayaan pang makalabas kahit kailan. Walang tutulong sa akin dito kung ganun. Siguro ay kailangan kong mahanap ang mga duplicate ng susi ng mga pinto doon. Kailangan kong paghandaan ang araw na magsasawa na siya sa akin. Hindi ako pwedeng makulong dito. Siguradong mamamatay ako doon. Nakita ko rin ang ilang s*x dolls doon na putol-putol na ang mga braso at binti. Ang iba ay pugot na ang ulo. Siya ba ang gumagawa ng mga 'yon? Bakit? Matapos ba niyang parausan at pagsawaan ay ganun na lang niya ibabasura o bababuyin? Baka ganun din ang gawin niya sa akin. Haayst! Ngayon pa lang ay ginagapangan na ako ng matinding takot at kaba. May sira yata siya sa ulo. Pero sa tuwing kaharap ko naman siya ay para siyang isang napakaamong tupa. Pero ang sabi nila ay huwag na huwag daw magtitiwala sa mga ganyang klase ng tao. Dahil karamihan daw sa kanila ay nagbabalat-kayo lamang. Marami sa kanila ay nasa ilalim ang kulo. Haayst. Kailangan kong tawagan si Joel at sabihin sa kanya ang mga natuklasan ko sa basement. Kailangan niyang paimbestigahan ang lalaking ito at alamin ang buong pagkatao. Ang pagkakakilala lang namin sa kanya ay anak siya nang nangungunang bilyonaryo sa bansang ito. Kapatid ni Kuya Dexter sa ama. Isa siya sa mga anak sa labas. Teka, kung ganun ay nasaan kaya ang kanyang ina? Buhay pa kaya ... o wala na. Paano siya naging ganito? Napapaisip tuloy ako at nahihiwagaan sa kanya. Hindi na kasi normal ang ganitong klase ng tao. May sakit siya sa utak. Isa siyang psycho. Napayuko akong bigla sa kawali nang makaamoy ako nang tila nasusunog. At ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong sunog na nga ang itlog ko! "Shocks! Nasunog!" Mabilis kong pinatay ang kalan. Nag-uling ang ilalim ng itlog ko! Sa dami nang iniisip ko ay nawawala na rin ako sa concentration. Inilipat ko sa plato ang sunog na itlog. Pwede pa namang kainin ang ibabaw nito. Nadaanan ng mga mata ko ang tasa na dapat ay para sa kape ni Damien kanina. Hindi na ito nalagyan pa ng tubig at hindi na rin niya nainom. Hindi na rin naman siya humingi ng kape kanina. Nilagyan ko na lamang ito ng mainit na tubig at ako na ang uminom. Isinabay ko na ito sa pag-aalmusal ko. Matapos kong kumain ay siniguro ko nang muli na malinis ang buong kusina. Umakyat na akong muli sa second floor at pumasok sa loob ng silid ko. Kinuha ko ang phone ko mula sa closet at ini-on ito. Nakatanggap akong muli ng napakaraming message mula kay Alvin. Isa-isa kong binuksan ang mga ito at puro galit lang niya ang sumalubong sa akin. Pero sa tatlong huli niyang text ay may pag-aalala na. Hindi na ako nagdalawang isip pa na tawagan siya. Tatlong ring bago siya sumagot, "Liezel! Tangina naman, nasaan ka ba?! Alam mo ba kung gaano na ako nag-aalala sa iyo dito?! Hindi rin umuuwi ng bahay niyo si Tatay Lizandro! Hindi rin daw nagpaalam sa junkshop. Tatlong linggo na pala siyang hindi pumapasok. Saan ba kayo nagpunta? Bakit hindi ka man lang nagpapaalam sa akin? Sumagot ka! Kahapon pa ako tawag nang tawag sa iyo!" Sumakit kaagad ang ulo ko sa sunod-sunod niyang tanong. Sumisigaw pa! "Nakakulong si Tatay," mahinang sagot ko sa kanya. "Ano'ng naka--Ano?! P-Paanong nakulong? Bakit? May ginawa ba siya? Ano'ng ginawa niya? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? At nasaan ka ngayon? Bakit hindi ka umuwi kagabi?" "Gumagawa ako ng paraan para mailabas si Tatay sa kulungan." "Paanong paraan? Ano ba kasing ginawa niya?" Huminga ako ng malalim. "Pinagbintangan siyang sangkot sa isang grupo ng kriminal at pumatay sa tatlong lalaki." "What the f**k? Sa hitsura ni Tatay? Ang payat-payat. Magagawa ba niyang pumatay ng tatlong tao? Daga pa siguro, pwede." "Kahit malaki ang katawan ni Tatay, alam kong hindi niya magagawang pumatay. Sa asong gala nga ay napakalambot na ng puso niya, sa tao pa kaya?" Bigla na lamang tumulo ang mga luha ko sa pisngi na kaagad ko rin namang pinunasan. Nakaramdam na naman ako ng matinding awa para sa ama ko. "May ebidensiya ba sila na si Tatay ang pumatay?" "Siya daw 'yong natira at nahuli doon. Ang iba raw ay nakatakas pero pinaghahahanap na rin ngayon ng batas. Sinabi naman ni Tatay na hindi niya kilala ang mga taong 'yon. Tumulong lang daw siya sa isang lalaking nakita niyang binubugbog." "Sino namang lalaki 'yon? Bakit naman kasi siya nangialam pa?! Problema na nila 'yon! Ano'ng laban niya sa mga gagong 'yon? Eh, mga kriminal nga ang mga 'yon! Buti hindi siya pinatay. Oh, nasaan ngayon 'yong tinulungan niya? Hindi na mahanap, hindi ba? Tinulungan din ba siya? Siya pa tuloy ang nakulong!" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Patuloy lamang sa paglandas ang mga luha ko sa pisngi. "Nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan kita." "Hindi... Hindi na ako uuwi." "Ano'ng sinasabi mo? Ano'ng hindi ka na uuwi? Hihingi ako ng tulong kay Kuya Dexter. Baka may magawa siyang paraan para makalaya ang Tatay mo. Makakalabas pa si Tatay. Huwag kang timang dyan!" Pinunasan kong muli ang mga luha ko sa pisngi at huminga ng malalim. "Makakalaya si Tatay. Nakagawa na ako ng paraan." "Ano'ng paraan? Nakakuha ka ba ng pera? Kanino? May abogado ka na ba?" Hindi kaagad ako sumagot. Muli akong huminga ng malalim. "Huwag mo na akong tatawagan pa kahit kailan." "A-Ano? A-Ano bang sinasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng bait, Liezel?! Magpapakamatay ka ba?!" "Kalimutan mo na ako, Alvin. Tinatapos ko na ang relasyon nating dalawa. Wala ka nang aasahan pa sa akin." "Nababaliw ka na ba?! Tungkol ba ito sa pag-utang ko sa iyo? Oh, may nahanap ka nang lalaking mapera at kayang tumulong sa Tatay mo. Sino? Sino ang lalaking 'yan, Liezel?! Porke ba wala akong pera, itatapon mo na lang ako?!" "I'm sorry, Alvin. Tapos na tayo." "Liezel! Linawin mo--" Kaagad ko nang pinutol ang tawag at ni-block ang numero niya. Napahikbi ako at mas lalong naiyak. Kahit papaano naman ay minahal ko rin si Alvin, kahit ganun siya. At nakaramdam pa rin ako ngayon ng sakit sa dibdib sa pakikipaghiwalay kong ito sa kanya. Pero kailangan kong tanggapin na hindi kami para sa isa't isa. Wala akong magiging kinabukasan sa kanya. Bukod doon ay naibenta ko na ang sarili ko sa ibang lalaki, sa halagang 100 hundred million pesos. Hindi para sa akin, kundi para sa Tatay ko. Ang buhay lang ng Tatay ko ang pinakamahalaga sa lahat para sa akin. Hinding-hindi niya 'yon matutumbasan. Muli naman akong napayuko sa phone ko nang bigla itong mag-vibrate. Lumabas ang pangalan ni Joel sa screen na ngayon ay tumatawag. Kaagad ko itong sinagot. "Joel, kumusta? Ano'ng nangyari?" "Liezel, ang Tatay mo." Biglang bumundol ang matinding takot at kaba sa dibdib ko dahil sa bungad niya sa akin. "A-Ano'ng nangyari kay Tatay? Joel, ano'ng nangyari? Sabihin mo sa akin. Ano'ng nangyari kay Tatay?!" "Kahapon pa pala siya nakalabas ng kulungan." Bigla akong napahinto sa sinabi niya. "A-Ano? ... A-Ano'ng--p-paano nangyari? S-Sino'ng nagpiyansa sa kanya. Tumakas ba siya?" Mas lalo pa akong kinabahan. "The man he helped that night. Siya ang tumulong para makalaya ang ama mo." "A-Ano? S-Sino ba raw 'yong lalaki? Nagkausap na ba kayo ni Tatay? Nagkita na ba kayo?" "Yeah, he's with me now. We're here at the clinic right now. He's being treated for some wounds he got inside the jail." Bigla akong napahagulgol sa sinabi niya. "O-Okay lang ba si Tatay? Okay lang ba siya? Kawawa naman ang Tatay ko." "He's fine now, Liezel. Huwag ka nang mag-alala pa. Ako na ang bahala sa kanya. Gagawin ko 'yong mga pinagkasunduan nating dalawa." Napatakip ako sa bibig ko at pinigilan ang paglakas ng iyak ko. Salamat po, Diyos ko! Maraming maraming salamat po dahil hindi niyo pinabayaan ang Tatay ko... Kung sinuman ang lalaking 'yon. Maraming maraming salamat sa kanya. Binalikan niya ang Tatay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD