CHAPTER 5: Maintenance

2104 Words
Liezel Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya at ganun din siya sa akin. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya. Halos magiba naman ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Ano'ng gagawin ko? Siguradong pagdududahan na niya ako ngayon. Kailangan ko ang tulong mo, Joel! Pero siguradong magagalit siya sa akin dahil pinag-usapan na naming dalawa ito. Ako ang bahala dito at siya ang bahala sa ama ko. "That's enough. I want to rest now." Bigla na siyang kumalas mula sa akin kaya nakaramdam na ako ng takot, lalo na't naging seryoso ding bigla ang anyo niya. Hindi kaagad ako nakaalis mula sa pagkakaupo ko sa tiyan niya. Bumangon siya at hinawakan akong muli. "Hindi na muna kita gagalawin sa ngayon. Kahit isa ka lang robot..." Isinumping niya ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga ko, bago muling tumitig sa aking mga mata. "... I still want our first romance to be unforgettable." Muling sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Hinalikan niya ako sa noo na siyang nagpakalma sa akin. "Ihahatid na kita sa magiging silid mo." Niyakap niya ako sa baywang at siya na ang nagbaba sa akin sa kama. Iniwasan kong mapatingin sa ibabang bahagi niya. Nauna na siyang nagtungo sa pinto at binuksan ito. Lumabas siyang walang kahit na anong saplot. Kaagad naman akong sumunod sa kanya. Muli na naman akong napalunok nang mapatitig na naman ako sa kahubaran niya. Ganito ba talaga siya dito? Sanay siyang maglalakad dito sa bahay niya ng hubo't hubad, kahit nandito pa ako? Kunsabagay, robot naman ang pagkakakilala niya sa akin. Walang isip at computer lang ang tanging gumagana sa loob ko. Huminto kami sa unang pinto na naririto sa kaliwang bahagi ng second floor. Nakahilera ito sa mga pinto ng guest room, ayon na rin sa sinabi niya sa akin kanina. Binuksan niya ito at binuhay ang ilaw sa kisame. "Your luggage is already here," aniya. Natanaw ko naman kaagad ito sa gilid ng kama. "There's a bed, a bathroom, and a TV." Pumasok kami sa loob. "Kailangan mo ring magpahinga natutulog ka man o hindi. See you tomorrow, Darling. Goodnight." "Goodnight, Darling," walang emosyon ko ding sagot sa kanya. Muling gumuhit ang ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin. Nilampasan na rin naman niya ako at lumabas na ng silid ko. Hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Ilang ulit akong huminga ng malalim. Parang anumang oras ay bibigay na lamang ang katawan ko. Nakakangawit ang tumayo ng diretso, at napakahirap um-acting sa harapan niya na parang walang nararamdaman. Haayst! Ngayon pa lamang gumuhit ang halo-halong emosyon sa mukha ko. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at hinilot ang sentido kong tila nananakit. Nilingon ko ang pinto. Nakasarado naman na ito ngayon at wala na rin siya. Nilapitan ko ito at ikinandado. Mabilis akong nagtungo sa banyo at humarap sa salamin. Namumula ang mukha ko ngayon. Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Nauhaw din akong bigla, pero hindi pa ako pwedeng lumabas. Baka gising pa siya at makikita niya ako. Pwede naman sigurong inumin itong tubig sa gripo. Malinaw naman ito at walang amoy. Hindi rin naman ako choosy. Umiinom nga ako ng tubig sa pusali. Isinahod ko na dito ang mga palad ko at dito na ako uminom. Marami akong nailaman sa tiyan ko bago ko muling pinatay ang gripo. Napalinga ako sa buong paligid. Napakaganda naman nitong banyo ko. Malinis at mabango. Pwede na ring tulugan. Binuksan ko ang mga cabinet sa itaas at ibaba. Mayroon ditong mga nakatuping malalaking puting tuwalya. Mayroon ding maliliit. Bandle-bandle din ang mga tissue dito. Kumpleto rin sa gamit. May sabon, shampoo, mouthwash, toothbrush at toothpaste. Sinadya ba niyang maglagay ng mga ganito dito? Naisip ba niyang maaari ding gumamit ng ganito ang mga robot? Ang sabi naman ni Joel sa kanya ay marami siyang ipinaliwanag kay Damien. Hindi naman na sinabi pa sa akin ni Joel kung ano-ano ang mga 'yon. Napabuga na lang ako ng malakas na hangin. Mabuti na lang binigyan din niya ako ng sarili kong silid. Dito ko mailalabas ang totoong ako. Hindi ko talaga kayang magpanggap buong araw at gabi na robot sa harapan niya! At may robot din bang natutulog? Siyempre, wala. Kaya paano ako nganganga sa kanya buong magdamag kung kasama ko siya sa silid niya? Torture 'yon. Papatayin ko lang talaga ang sarili ko. Hinubad ko na ang lahat ng saplot ko sa katawan. Hinawakan ko ang p********e ko at sinalat ang gitna nito. Haayst! Basa talaga siya! Pati ang pundiyo ng g-string ko ay basa din! May robot bang nagbabasa ang p**e? Kingina. Hanggang kailan ko kaya paninindigan ito? Kung bakit naman kasi pinaupo pa niya ako sa katawan niya. Eh, makatulo laway naman talaga ang katawan niya. Ang bango-bango pa niya. Mabuti na lang talaga at pinahinto niya rin ako kaagad. Kung hindi, baka mas malala pa doon ang mangyari sa p**e ko. Nagtungo ako sa toilet at naupo doon. Inilabas ko ang lahat ng laman ng pantog ko. By the way, isa nga pala akong matabil na babae. Maingay at madaldal. Pero natutunan kong maging tahimik dahil sa trabaho kong ito. Ito ang mahigpit na ipina-aral sa akin ni Joel. Kahit hindi ko na kasama si Damien ngayon ay kailangan ko pa ring sanayin ang sarili ko na maging tahimik at utak lang ang paganahin. Hindi pa naman ako nagugutom. Mabuti na lang marami akong kinain kanina bago magtungo dito. Tumayo na ako at nag-flush ng toilet bowl. Pumasok din ako sa loob ng shower room at naglinis ng katawan ko. Ilang minuto lang ang inilagi ko sa loob. Kaagad na rin akong lumabas at nagpatuyo ng katawan ko gamit ang isang puting tuwalya. Itinapis ko na rin ito sa katawan ko. Inilagay ko naman sa isang bakanteng laundry basket na naririto ang mga pinaghubaran ko. Lumabas na rin ako ng banyo at nilapitan naman ang traveling bag ko sa gilid ng kama. Binuksan ko ito at inilabas ang mga gamit ko. Isa-isa ko silang inayos sa closet na naririto. Napatitig ako sa luma kong phone. Binuksan ko ito at naghintay ng mga papasok na message. Nakatanggap naman ako mula kay Joel at kay Alvin. Una ko nang binuksan angmga message ni Joel. 'Kumusta ka dyan? If something goes wrong, just let me know straight away.' 'Bukas na ako magtutungo sa jail. Bukas ko pa madadala sa bank ang check.' 'I'll just give you an immediate update about your father.' 'Be careful.' Napabuntong hininga ako ng malalim. Ang message naman ni Alvin ang binuksan ko. 'Babe, nasaan ka? Pahiramin mo muna ulit ako ng 1K. Sinisingil na kasi ako ni Joben sa utang ko noong nakaraan sa kanya. Nagamit ko kanina ang pera ko sa pagkuha ng requirements.' Uutang na naman siya. 'Nandito ako sa apartment niyo. Saradong-sarado. Wala pa rin si Tatay Lizandro. Nasaan ka na ba?' Hindi niya alam na nakakulong si Tatay. 'Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?' 'Off ang phone mo, babae.' 'Umuwi ka na ngayon na. Kailangan ko na ang pera.' Kung makautos. Tsk! 'Gabi na, Liezel.' 'Bwisit.' 'Nasaan ka ba kasi?! Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo! Para na akong tanga dito!' 'Tangina! Pinagtataguan mo ba ako?!' 'Huwag na huwag ka lang magpapakita sa akin!' Gago. Talagang hindi na. Sira ulo. Hindi ko na binuksan pa ang iba pa niyang text. Nanggigigil lang ako sa inis sa kanya. Araw-araw na lang siyang nanghihiram ng pera sa akin. Idinadahilan na naman niya ang utang niya o pagkuha niya ng requirements. Pero alam ko namang hindi niya ginagawa 'yon. Noong una ay binigyan siya ng trabaho ni Kuya Dexter sa opisina ng mga Delavega sa BGC Taguig, bilang janitor. Hindi naman kasi siya tapos sa pag-aaral at wala siyang ibang alam na trabaho. Tinanggap naman niya pero isang beses lang sa isang linggo siya kung pumasok. Nakakapagod daw. Palagi na lang daw siyang inuutusan. Hanggang sa hindi na siya pumasok. Malamang, ganun talaga ang namamasukan. Hindi naman siya ang boss! Binigyan din siya ng trabaho ni Kuya Dexter sa isang hotel bilang room attendant o housekeeper doon. Pero palagi din siyang absent at late pa kung pumasok. Nakipag-away pa siya sa kapwa niya housekeeper, kaya tinanggal siya doon. Ipinasok din siya ni Kuya Dexter sa isa sa mga restaurant na pag-aari din nila. Pero hindi pinasukan ng timang. Mas nakakapagod daw doon. Maglilinis daw siya ng mga mesang pinagkainan ng mga tao, magsi-serve, magpa-mop ng sahig at maglilinis daw ng banyo. Diyos ko. Pinasakit niya lang ang ulo ni Kuya Dexter, lalong-lalo na ng ate niya. Sa pagkakaalam ko ay binibigyan din siya ni ate Diana ng pera, pero hindi ko alam kung saan niya dinadala. Malamang sa mga bisyo lang niya. At ngayon ay mangungutang na naman siya sa akin! Mayaman ba ako?! Puro na lang siya utang! Ibinenta ko na nga ang sarili ko sa isang bilyonaryo para lang mapalaya ang Tatay ko! Sira-ulo talaga siya! Wala na siyang naitulong sa akin! Hindi na siya nagtino! Ang tanda-tanda na niya! Tama lang talaga ang payo ni Joel na hiwalayan ko na siya. Wala akong magiging kinabukasan sa kanya, lalong-lalo na ang magiging mga anak namin kung sakaling bumigay na ako sa kanya. Mabuti na lang talaga, hindi ako mapusok na tao. Palagi din namin itong pinag-aawayan. Hindi ko raw maibigay sa kanya ang mga pangangailangan niya bilang lalaki. Hindi ko raw siya magawang paligayahin. Hindi ko raw siya totoong mahal. Mukha niya! Magsikap siya para pagbigyan ko siya! Ang kapal pa ng mukha niyang mag-demand. Akala mo Presidente ng Pilipinas. Hari yarn? Nadala lang talaga ako noong una sa mga pambobola niya at mga paglalambing niya. Nakipag-close pa siya kay Tatay. Tinutulungan niya noon si Tatay sa pangangalakal. Si Tatay naman ay nagtatrabaho sa isang malaking junkshop sa lugar namin. Edad 50 pa lang naman si Tatay at napakalakas pa. Gwapo din naman si Alvin kahit payat. Pero hindi sila magkamukha ni ate Diana. Kapatid lang siya ni ate Diana sa ina. 5'8 ang height niya habang ako naman ay 5'5. At kapatid siya ni ate Diana kaya pinatos ko siya. Ang sabi naman niya noon ay maghahanap siya ng trabaho kaya binigyan ko siya ng chance. Six months pa lang naman ang relasyon naming dalawa. At hindi na aabot pa ng isang taon dahil makikipaghiwalay na talaga ako sa kanya. Hihingi na lang ako ng pasensya kay ate Diana para sa kapatid niya. Alam ko namang maiintindihan niya ako. Sila nga pala ay sa Baguio na nakatira at sa phone na lang kami nagkakausap. Kinukumusta din niya palagi sa akin ang kapatid niya. Hindi ko lang masabi kung ano talaga ang gawain dito ni Alvin. Dahil kapag sinabi ko 'yon, tatawagan niya si Alvin at pagsasabihan. Ako naman ang pagbubuntunan ng galit ng isa dahil sumbungera daw ako sa ate niya. Mapuputol din kasi ang sustento ng ate niya sa kanya kapag nagkataon. Pinalalaki lang ni ate Diana ang ulo ng kapatid niya. Hindi naman niya 'yan anak para maging obligasyon niya. Ang tanda-tanda na niyan. 25 na. Batugan pa rin hanggang ngayon. Mabuti na rin itong nalayo na ako sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya. Tinapos ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko sa closet. Bukas ko na lang siya tatawagan para makipaghiwalay ng maayos. Sasamantalahin kong wala dito si Damien. Nag-text naman ako kay Joel na maayos naman ang kalagayan ko dito. 'I told Mr. Delavega that you still need maintenance at least once a month. Sa pagkakataong 'yon ay pwede kang makalabas dahil gagawin 'yon sa lab ko,' aniya sa reply niya. Napabuga ako ng malakas na hangin. 'Once a month lang? Hindi ba pwedeng twice or thrice? Makukulong ako dito. Ayaw niya akong palabasin kahit sa harapan lang ng bahay niya. Ayaw niya rin akong makipag-usap sa mga tao niya. Mababaliw ako dito. Mapapanisan ako ng laway,' sagot ko sa kanya. 'Nasabi ko na. Gawan mo na lang ng paraan kung gusto mong makalabas. Magsira-siraan ka.' Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. 'Ano'ng magsira-siraan?' 'Kunyari may nasira sa system mo, ganun. Ikaw na ang bahala.' Napabuga akong muli ng malakas na hangin sa sinabi niya. Hayst! Wala talaga siya sa ayos. Paano ko naman gagawin 'yon? Manginginig ang katawan ko, ganun? 'Yong para akong may epilepsy? Oh, kaya ay hindi na gumagalaw at 'di na rin humihinga. Papapatay-patay na, ganun. Nabubulol na rin dahil hindi na maayos ang system ko sa loob. 'Di ba, ganun 'yong may mga sira na bagay o mga machine? Tsk. Napakahirap naman nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD