Liezel "T-Tatay..." Napatakip ako sa bibig at hindi malaman ang sasabihin. Palipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Si Tatay ay tila hindi rin malaman ang sasabihin sa akin at kung paano titingin. "P-Pwede ko po ba muna siyang makausap, Tatay?" ani ko sa kanya. "Oh, sige. Maiwan ko muna kayo. Ihahanda ko lang 'yong niluto kong pagkain sa loob." "Salamat po, Tatay." Kaagad na rin siyang pumasok sa loob. Si Joel ay natanaw ko rin sa kusina sa loob ng bahay at kumakain-kain na doon. Muli kong nilingon si Damien na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko hanggang sa mga sandaling ito. Humakbang ako palapit sa kanya sa nanginginig kong mga tuhod. Hinila ko ang isang silya malapit sa kanya at naupo doon. Tumikhim muna ako upang alisin