CHAPTER 8: CCTV Camera

2189 Words
Liezel "Tay, sigurado po ba kayo na okay lang kayo? Malala po ba ang tinamo niyong mga sugat? Binugbog po ba kayo sa kulungan?" Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko sa pisngi. Kasalukuyan ko na ngayon siyang kausap sa kabilang linya ng phone. "Ayos na ayos lang ako. Kaunting galos lang 'to. Magpapatalo ba naman si Tatay sa kanila. Sinabi ko na nga dito sa kaibigan mo na hindi na kailangan pang ipa-doctor ito. Maliliit lang naman. Dahon lang ng bayabas ito ay ayos na." "Ang importante ay nagamot na kayo, Tatay, at nakalaya na rin kayo. Sobra po akong nag-alala sa inyo. Hindi ako halos makatulog sa kaiisip sa inyo at kung paano ko kayo ilalabas sa kulungan. Pasensiya na po kung hindi po muna ako makakauwi sa ngayon. May tinanggap po akong trabaho at stay-in po ako dito. Malaki po ang sahod, Tatay, kaya kahit hindi na po kayo magtrabaho ngayon. Ako na po ang bahala sa inyo. Inihabilin ko po kayo kay Joel. Hinding-hindi niya po kayo pababayaan." Bigla siyang nanahimik sa kabilang linya. Hindi siya sumagot. "Tatay..." "Pasensiya ka na, anak. Naging pasanin mo pa ako. Ako ang may kasalanan kung bakit naririyan ka ngayon." Napahinto ako sa sinabi niya. Nangunot bigla ang aking noo. "Tatay, kaya ko pong gawin ang lahat para sa inyo. Ganun ko po kayo ka-mahal. Pangako ko po sa inyo, hinding-hindi na po tayo maghihirap simula ngayon. May pera na tayo ngayon, Tatay. Makakabili na tayo ng sarili nating bahay. Pwede na kayong magtayo ng sarili niyong junkshop o talyer. Di ba pangarap niyo po 'yon? Matutupad na po ngayon ang mga pangarap natin, Tatay. Para po sa inyo ang lahat ng ito, sa ating dalawa." "Hindi mo naman kailangang gawin ito--" "Tatay, ganun naman po talaga, 'di ba? Kailangan nating maghirap, magsakripisyo para makaahon sa kahirapan. Kung hihiga lang po tayo nang hihiga, walang mangyayari sa atin. Mamamatay tayo sa gutom at dilat ang mata. Kayo po ni Nanay ang nagturo sa akin niyan at nakatatak na po 'yan sa isipan ko. Kung naririto pa rin sana si Nanay hanggang ngayon, mararanasan din sana niya ang guminhawa sa buhay. Ang tumira sa magandang bahay at makakain nang masasarap. Pero wala na po siya, kaya sa inyo ko na lang po ibinubuhos ang lahat nang pagmamahal ko, Tatay." Pinunasan ko ang masaganang luha na tumulong muli sa aking pisngi. Mahabang katahimikan ang namayaning muli sa aming dalawa. "Mag-iingat po kayo palagi, Tatay. Hiling ko po ay hindi na maulit pa ito. Hindi ko na po kakayanin kapag may nangyaring masama ulit sa inyo. Hindi na po ulit kayo makukulong. Hinding-hindi na kayo babalik do'n, Tatay." "Kung hindi mo na kaya ang trabaho dyan, bumalik ka na lang dito, anak. Hihintayin ka ni Tatay. Ako na lang ang makikipag-usap sa amo mo." "Opo. Magsasabi na lang po ako sa inyo, Tatay. Huwag po kayong mag-alala, mabait naman po ang amo ko." "Mag-iingat ka rin dyan. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa Diyos na binigyan ako ng isang napakabuting anak na tulad mo." Muli akong napahikbi sa sinabi niya. Pero hindi ako mabuting tao, Tatay. Nanloloko ako ng kapwa ko. "Siyanga po pala, Tatay." "Ano 'yon?" "Nakipagkalas na po ako kay Alvin. Napag-isip-isip ko po, kailangan niya po munang ayusin ang sarili niya. At ganun din po ako... Maraming mga bagay na mahirap intindihin sa ngayon pero kailangan munang harapin... Naniniwala naman po ako na kung kami talaga ang nakatadhana para sa isa't isa, kami pa rin po sa huli. Pero sa ngayon, kailangan po muna naming maghiwalay at ayusin ang mga dapat ayusin sa sarili namin." "Naiintindihan kita, anak. Mag-iingat ka palagi." "Opo, Tatay. Kayo din po. Mahal na mahal ko po kayo." "Mahal na mahal din kita, anak. At patawad..." Naputol na ang linya. Muli namang tumulo ang mga luha ko sa pisngi, pero nagawa ko na ngayong ngumiti. Ang importante ay maayos na ang kalagayan niya ngayon. 'Yon lang ang tanging mahalaga para sa akin. Teka, hindi ko nga pala naitanong sa kanya kung sino 'yong lalaking tinulungan niya noon at tinulungan din siyang makalabas ng kulungan. Mabuti naman at naawa siya kay Tatay. Kaya lang ay tatlong linggo din ang pinanatili ni Tatay sa kulungan bago nakalabas. Ang sabi ay nabugbog ang taong 'yon. Siguro ay magaling na siya ngayon, kaya ngayon lang siya nakabalik. Nag-text na lamang akong muli kay Joel na balitaan ako kung sakaling nakahanap na siya ng bagong bahay namin ni Tatay. Bilhan din niya ng cellphone si Tatay at turuang gumamit niyon para naman magkausap kami palagi. 'Oo na. Ang dami mong utos.' Natawa na lamang ako sa sagot niya. 'Maraming salamat, Joel. Utang na loob ko itong lahat sa iyo. Mababayaran din kita balang-araw.' 'Ayusin mo lang 'yong trabaho mo dyan, okay na sa akin.' Napangiti naman ako sa sagot niya. 'Ang bait naman. Salamat ulit. Umwaaah.' 'Eww.' Napanganga akong bigla sa sagot niya. Maka-eww. 'Gaga.' Hindi na siya sumagot pa. Natawa na lamang ako. Tumayo na rin ako at ini-off muli ang phone ko. Ibinalik ko itong muli sa closet. Bumaba akong muli ng bahay at inumpisahan na ang paglilinis. Sinilip ko ang mga gwardiya sa labas. Natanaw ko ang isa na abala sa pagdidilig ng mga halaman sa gilid gamit ang hose. Ngayon ko lang napansin na may mga halaman din pala sa mga gilid ng pader. Masyadong matataas ang pader at pansin kong may mga nakapalibot na kable sa taas nito. Nangunot ang noo ko. Live wire kaya ang mga 'yan? Para bang naniniguro si Damien na walang sinumang makakapasok dito sa bakuran niya. Masyado siyang mautak at mahigpit. Siguro ay ganun din sa likod-bahay kaya okay lang sa kanya na magtambay ako doon. Dahil hindi rin naman ako makakatakas. Tsk. Sisilip nga ako doon mamaya. Natanaw ko naman ang isa pang guard sa labas ng guardhouse na nasa gilid ng gate. Nakaupo ito sa isang silya at abala sa pagbabasa ng diyaryo. Siguro ay ganyan lang ang gawain nila dito araw-araw. Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglilinis. Hindi naman makalat at wala ring gaanong alikabok dito sa loob kaya mabilis lang akong natapos dito sa baba. Umakyat din ako sa second floor dito ko naman inumpisahang maglinis. Winalisan ko ang mga sahig at pinunasan ang lahat ng mga muwebles. Nakarating akong muli sa master's bedroom. Pumasok ako sa loob. Mukhang hindi naman pala talaga ito ikinakandado ni Damien. Siguro ay wala namang importanteng mga gamit dito na kailangan niyang itago. Pero kunsabagay, sino naman ang mangingialam gayong wala naman daw pumapasok ditong ibang tao. At ang pagkakaalam niya ay robot ako. May robot bang nangingialam ng mga gamit? Lumibot ang paningin ko sa buong paligid. Magulo pa rin ang kama niya. Hindi man lang niya inayos kanina bago siya umalis. Nasa sahig na ang isang unan. Nilapitan ko ito at dinampot. Inayos ko na rin ang buong kama niya. Inilagay ko sa laundry basket ang robe at tuwalya niyang nakakalat din dito sa kama. Sinimulan ko na ring walisin ang sahig at punasan ang lahat ng mga muwebles. Naagaw namang bigla ang pansin ko ng isang magandang babaeng nasa picture frame at nakapatong dito sa TV cabinet. May isa pang picture frame din dito na tatlo silang magkakasama. Ang magandang babae, si Damien na sobrang bata pa dito at isa pang batang babae. Sino kaya ang mga ito? Siguro ay ito ang kanyang ina? May pagkakahawig din silang dalawa. Pero mas malaki ang naging parte ng mukha ni Mr. David Delavega kay Damien. Napakaganda pala ng Mama niya. Hindi na ako magtataka kung bakit naanakan din siya ni Mr. David Delavega. Pero nasaan na kaya sila ngayon? Buhay pa kaya sila? Bakit hindi niya kasama dito? Oh, baka naman may sarili din itong pamilya katulad ng mga ina ng mga bastardo. Tama, maaaring ganun nga. Mas malaki ng kaunti kay Damien itong batang babae. Siguro ay kapatid naman niya ito. Siguradong mas matanda ito sa kanya. Sa tingin ko ay nasa seven o eight years old pa lang ito, habang si Damien ay nasa five or six. Napaka-cute pala ni Damien noong bata pa lang siya. Ang taba ng pisngi at namumula-mula. Napakatangos din ng ilong niya. Ang gwapong bata. Hanggang ngayon naman ay napakagwapo talaga niya. Taong-tao na talaga siya ngayon. Matangkad at may malaking pangangatawan. Lahat naman silang magkakapatid ay pinagpala. Perpekto na nga kung tutuusin. Looks, yaman at kapangyarihan ay nasa kanila na. Nadaanan din ng paningin ko ang mga certificate at awards na natanggap ni Damien noong siya nag-aaral pa lamang. Computer Science pala ang tinapos niya. Pero mukhang nagti-take siya ngayon ng Human Biology. Nag-aaral pa rin pala siya hanggang ngayon, pero pumapasok din siya sa trabaho? Ang sipag naman pala niya. Nakakahanga siya. Isa na rin siyang professional billionaire. Isa-isa ko ring pinunasan ang mga frame. Siguradong napaka-importante din sa kanya ng mga ito. Pero nasaan na nga kaya talaga ngayon ang ina at kapatid niya? Sino naman kaya ang ama ng ate niya? Si Mr. David Delavega din ba? Kung siya, dapat ay kinuha na rin siya katulad nang ginawa nito kay Damien. Hay, napakahirap manghula. Hindi naman ako pwedeng magtanong kay Damien. May robot bang tsismosa? Siguro ay si Joel na lamang ang tatanungin ko tungkol dito. Baka mayroon pa siyang ibang nalalaman tungkol kay Damien. Nakapasok din ako sa loob ng walk-in closet ni Damien. Dito ko nakita kung gaano karami ang mga magagara niyang mga damit, sapatos at mga alahas. Halos masilaw ang mga mata ko habang nakatitig sa mesang nasa gitna nitong malaking closet kung saan salamin ang ibabaw at sa loob nito ay punong-puno ng mga alahas. May mga kwintas, bracelet, singsing, anklet at nakapatas na mamahaling mga relo. Grabe lang. Hindi ko naman mahawakan ang mga ito dahil nakakandado. At wala rin akong planong hawakan sila. Baka mamaya ay magkulang 'yan at pagbintangan pa ako. Walang robot na magnanakaw. I mean, hindi ako ipinanganak na ganun. Pinunasan ko na lamang din ang mga dapat pinunasan dito upang mawala ang mga alikabok. Inayos ko rin ang pagkakapatas ng mga damit, pati na rin ang mga naka-hanger. Nagtungo din ako sa banyo at 'yon naman ang nilinis ko. Nang matapos ay lumabas na rin ako dala ang laundry basket. Nasa kalahati pa lang naman ang laman nito. Lalabhan ko na rin upang hindi maipon. Isinama ko na rin dito ang mga pinaghubaran ko kagabi. Tanghali na kaya nagtungo na muna akong muli sa kusina. Napagod ako sa paglilinis. Naalala ko na mayroon pa nga palang 3rd floor ang bahay na ito. Pagkatapos kong mananghalian ay doon naman ako maglilinis. Diyos ko. Kung ito yata ang lilinisin ko araw-araw, mangangayayat yata ako ng sobra. Kunsabagay, malinis naman ang buong bahay. Kailangan ko lang siguraduhin na walang kahit kaunting alikabok para hindi ako mainip sa buong maghapon. Nagluto na muna ako at mabilis na kumain. Hindi pwedeng makahalata sa akin ang mga gwardya sa labas. Naamoy kaya nila 'yong mga niluto ko dito sa loob? Sana naman ay hindi. *** THIRD PERSON Buong oras nang nakatunganga si Damien Delavega sa computer niya at pinagmamasdan ang bawat kilos ni Liezel sa loob ng tahanan niya. Kanina pa rin niya kinakagat-kagat ang dulo ng ballpen niya at tila nag-e-enjoy siya sa mga nakikita niya. Panaka-nakang sumisilay ang ngiti sa mga labi niya habang pinanonood ang dalaga sa magana nitong pagkain sa kusina. Lingid sa kaalaman ni Liezel ay nakatanim sa bawat sulok ng mansion ni Damien ang mga CCTV camera, kaya kahit hindi nito kasama ang amo niya ay nalalaman naman nito ang bawat galaw niya. Naagaw ang pansin ni Damien ng phone niyang bigla na lamang tumunog. Kaagad niya itong dinampot mula sa tabi ng laptop niya. Isa sa mga tao niya ang nasa screen at tumatawag. Kaagad niya rin itong sinagot, "Elias." "Boss, naihatid na po namin sa San Mateo si Mr. Lizandro. Kasama pa po niya doon si Mr. Joel Xavier." "All right, just make sure he has security around the clock. How is Ivana doing?" "Binabantayan pa rin po namin hanggang ngayon. Wala pa naman pong kahina-hinalang kilos sa kanya." "Mabuti na 'yong nakakasiguro tayo. We need to find Pablo as soon as possible. I know Ivana can't stand it. Pupuntahan niya rin ang kanyang ama." "Yes, boss." Kaagad na ring ibinaba ni Damien ang phone niya at muling pinagmasdan ang mga kilos ng dalagang si Liezel sa loob ng bahay niya. Nasa loob na ito ngayon ng laundry room. Bigla siyang napangiti nang makita niyang tumuwad ito sa gawing kinaroroonan ng CCTV camera para abutin ang mga damit na nasa laundry basket at nakalapag sa sahig. Kaagad niyang ni-zoom ang camera sa butt ng dalaga, kung saan G-string pa rin ang suot nito at litaw na litaw ang mabibilog nitong pang-upo. "You're waking up my manhood again, woman. I warned you not to dress like that when you're not with me... I want to f**k you at this very moment." Kaagad na itinupi ni Damien ang laptop niya at tumayo. Bitbit ang coat niya ay nagmadali siyang lumabas ng opisina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD