MENONA'S P.O.V. Kuyom ang kamao ko habang tinatanaw ko papalayo ang malditang asawa ni Frits na si Allyson. Hindi ko talaga kayang ma-isahan ang babaing iyon, masyado siyang palaban at hindi papayag magpatalo. Huminga ako ng malalim upang mailabas ko ang na-ipong galit kay Allyson, kailangan maging normal ako paglabas mg comfort room na ito, kailangang makita ng babaing si Allyson na hindi ako natatakot sa kanya. "Makikita mo! Sa'kin ang huling halakhak!" pagkatapos taas-noo akong lumabas ng comfort room. "Menona!" masayang bati ni Mr Azul. I glared him tapos umupo ako sa swivel chair ko. "Pwede ba, wala akong panahong makipag-usap sa'yo." Hinimas-himas ko pa ang sintido ko, bigla kasing sumakit ang ulo ko. "Let me do it for you," lalapit sana siya upang hilutin ang sintido ko. "Sto