Ally's P.O.V. Nakasuot ako ng fitted dress habang ang sandals ko ay may four inches ang taas. Taas noo ako ng bumaba ako ng kotse, poker face akong nakatingin sa security guard ng kumpanya namin. "Good morning po Ma'am." Yumuko pa siya sa'kin, bago niya ako binigyan ng daan para makapasok sa loob ng Kumpanya. Bahagya kong inangat ang kilay ko tanda ng pagtugon sa kanya. Well, alam kong ngayon pa lang nanginginig na ang tuhod ng mga empleyado dahil sa biglaang pagsulpot ko sa kumpanya. Last time kasi na dumalaw ako dito may pinatalsik akong empleyado. Hindi lang isa kung hindi tatlong higad. Psh! Sayang ang katungkulan nila manager at supervisor pa naman sila. Ang ayoko lang kasi ay yung mababalitaan kong nilalandi ang asawa ko. Hindi ako katulad ng ibang asawa na iiyak sa isang tabi. Not