ALLY'S P.O.V. Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock ko na nasa bed side table. Pinatay ko agad iyon upang hindi magising si Frits, ilang oras pa lang kasi ang tulog niya kaya ayoko siyang gisingin. Agad kong kinuha ang towel upang maligo. Ganoon kasi ang daily routine ko maliligo muna ako bago ako magluto ng almusal para hindi ako tamarin. Ako kasi ang personal na nagluluto ng almusal nila. Dahil hindi ko na ginigising ng maaga si Yaya Chedeng dahil matanda na siya. Mahigit isang oras ang nilaan ko sa paliligo at pagbibihis bago ako lumabas ng kwarto. Nagluto ako ng almusal pagkatapos inihanda ko na ang susuotin ng mga bata sa pagpasok. "John Ace and Jhoace, bakit hindi niyo ginagalaw ang pagkain niyo?" Napansin ko kasing hindi sila kumakain ng gatas at tinapay lang an