KABANATA 4

2952 Words
FRITS'S P.O.V. Nakatagilid ako sa paghiga habang pinagmamasdan ko ang asawa kong mahimbing ang pagkakatulog. Kulang siguro ang buong magdamag ko kung hindi ko nagagawa siyang titigan ng ilang minuto bago ako matulog, parang kailan lang, 'yung mga panahong nag-uumpisa pa lang kaming dalawa, napakahirap ng pinagdaanan namin, maraming araw at taon na nasayang na akala ko wala ng katapusan. Ngunit hindi kami sumuko ni Allyson, hinarap namin ang lahat ng mga pagsubok na dumaan sa'min. Ngayon masasabi kong mas matatag na kaming dalawa at higit na mas tatag pa. Masuyo kong hinaplos ang malambot niyang buhok, hindi ako makakilos ng maayos dahil nakayakap siya sa'kin. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya, hindi ko mabilang ang ilang beses kong paglunok. Hindi pa rin kasi nawawala ang malakas niyang appeal na hindi ko maiwasang maakit, parang mas lalo pa akong naaakit sa kanya ngayon, tulad na lang ngayon, tinutukso ako ng manipis at makipot niyang labi na halikan ko, ito naman si Heart ko gusto rin naman ang inuutos ng isip ko, kaya naman dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa labi niya, napapikit ako ng dumikit ang labi ko sa labi niya, ang nakakainis lang, gusto kong mas higit pa doon ang kiss namin, hindi ko lang magawa dahil tulog na tulog siya. Kaya pigil na pigil ang pagtitimpi ko ng inalis ko ang labi ko sa labi niya. Bumuga ako ng hangin upang ilabas ang nararamdaman kong init ng katawan. "Alam mo ba Wife ko, kahit tulog ka. Inaakit mo pa rin ako." Kausap ko sa tulog, napadako pa ang mga mata ko sa hita ni Ally, maikli at manipis na short lang kasi ang suot niyang pantulog at wala siyang suot na bra. "Sh*t!" Napamura ako sa inis ko. Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa banyo, doon ko binuhos ang lahat ng init ng katawan ko sa malamig na tubig. Pansamantalang nawala ang init ng katawan ko, matapos kong maligo lumabas ako ng kwarto at nagtungo ako sa minibar at doon uminom ng alak. Hindi kasi ako makatulog. Nakakailang shot pa lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, si Menona ang bagong asawa ng yumaong si Benidicto. Isa si Benidicto sa may pinakamalaking Share sa kumpanya, kasing edad ni Daddy si Benidicto, na nasa edad sikwenta. Ngunit kamakailan lang namatay ito sa sakit sa puso at ngayon ang pangalawa niyang asawa na si Menona ang humahawak ng lahat ng ari-arian ni Benidicto, siya ang bagong humahawak ng share ni Bedinicto ngayon. Sinagot ko ang tawag niya. "Yes, good morning Mrs, Reyes." Sabi ko. "Mr, Santiago, masyado ka namang pormal sa pagtawag sa pangalan ko. You can call me Menona, and I call you Frits, tutal hindi naman nagkakalayo ang edad natin. I'm thirty six years old, dalawang taon lang naman ang ahead ko sa'yo, am i right?" Sabi niya sa kabilang linya. "I'm sorry Mrs, Reyes. But when it comes to Business. Magiging pormal ako sa'yo at sa lahat ng mga business trasactions ko." "I see, masyado kang mailap Mr, Santiago." "Ano ba ang dahilan ng pagtawag mo? Nasa kalagitnaan ng gabi at oras ng pahinga." "Nothing, naisipan lang kitang tawagan. Nanood kasi ako ng isang Pelikula at kamukha mo ang lalaki, Alam mo ba'ng ang lalaki ay may kabit at mas mahal niya ang kabit niya kaysa sa asawa niya?" Huminga ako ng malalim, hindi ko talaga maintindihan ang babaing iyon, tumatawag ng walang ka-kwenta-kwentang topic, minsan ayoko ng sagutin ang mga tawag niya. "Yan lang ba ang tinawag mo Mrs Reyes, Ang walang kwentang bagay? By the way, about sa pinapanood mo'ng baduy na palabas. Hindi mangyayari sa'kin 'yan, mas mahal ko ang asawa at pamilya ko kaysa sa sarili ko. Good bye." Sabay putol ko sa tawag niya. Muli kong pinagpatuloy ang pag-inom ko ng alak, nang makaramdam ako ng antok, tinapos ko na ang iniinom ko at muli akong bumalik sa kwarto namin. Tulog pa rin si Ally, humiga ako sa tabi niya, niyakap ko siya at hinalikan sa noo. "Sweet dreams wife ko." Bulong ko sa kanya. Kinabukasan; Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na parang may kumakagat sa paa ko. Nang imulat ko ang mata ko upang tingnan ko iyon, napabalikwas akong bangon. "F*ck! Sino nagpapasok kay Mickey!" Halos pasigaw ko, si Mickey ang alagang aso ni John Axle ang bunso naming anak, bata pa lang siya mahilig na siya sa mga aso, kaya naman noong nagsecond birthday siya ni-regaluhan siya ni Bernadette ng aso at pinangalan niya itong Mickey mouse, ang weird dahil hindi naman siya daga kung hindi aso. Pero iyon ang pinangalan niya. Iyon kasi ang unang cartoons names na kilala niya noon. "Mickey Mouse!" Narinig kong sigaw ni John Axle. Kumakawag-kawag naman ang buntot ni Mickey, habang tahol nang tahol, naririnig niya siguro ang boses ng amo niya. "John Axle, bakit mo pinapasok dito ang aso mo? Natutulog pa ako, muntik na akong kagatin." Lumapit si John Axle kay Mickey Mouse. Pagkatapos kinarga niya. "Hindi ka niya po Daddy kakagatin, sabi ko sa kanya gisingin ka lang niya. Hindi ka po niya kakagatin kasi may vaccine po si Mickey Mouse." Salubong ang kilay kong nakatingin sa anak kong si John Axle, ang bata-bata pa sumasagot na, may pinagmanahan talaga ang batang iyon, mana sa Mommy niya. "Nasaan ang Mommy mo?" "Nasa kusina po si Mommy, siya po ang nagluluto ng almusal natin. Daddy, hindi po ako kakain kasi busog ako." "Mommy mo lang ang nagluto hindi ka na kakain, hindi pwede kumain ka ng almusal." Suminangot si John Axle. "Daddy, baka sumakit ang tiyan ko, baka po ma-poison ako." Pigil na pigil ang tawa ko sa sinabi ng anak ko, kung maririnig lang ni Ally, ang sinabi ng anak namin, siguradong mapapalo niya ang anak naming si John Axle. "Bad yan, masarap naman ang luto ni Mommy di ba? Masarap ang adobo niya at sinigang. Let's go ibalik mo na si Mickey Mouse sa kulungan niya at maghugas ka na ng kamay at sabay na tayong kumain." "Pero, Daddy!" "John Axle, wag makulit." "Okay, Hihintayin po kita sa kusina Dad, ibabalik ko lang si Mickey Mouse sa kulungan niya at maghuhugas ako ng kamay." "Good boy." Ngumiti pa ako sa kanya. Pagka-alis ni John Axle, kinuha ko ang towel ko upang maligo na. Ngunit bago ako makapasok sa banyo, narinig ko ang tunog ng cellphone ko. Sasagutin ko sana ang tawag ngunit nabasa ko sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Menona. Napailing ako, tapos dumiretso ako sa banyo. Nakatitig sa'kin si Allyson, habang pinapanood niya akong kumain. "Ano husbie ko, masarap ba?" Tumango-tango ako at nag-hand sign ako ng "Okay" kaya naman ang lapad ng ngiti niya sa'kin. "Sabi na nga ba, ang galing-galing ko ng magluto." Masayang sabi ni Ally. "Mom, galing lang, kapag magaling na magaling, ibig sabihin naglolokohan na po tayo." Sabad ni John Ace, habang kumakain. Tumaas ang kilay ni Ally, "Ikaw ba ang kinakausap ko John Ace! Hindi ba't sinabi ko sa'yo na wag kang makikisali sa usapan ng matatanda!" Pasigaw niya. Bigla namang nanahimik si John Ace, kapag nagagalit na kasi siya. Takot na ang mga anak namin sa kanya, kahit anong maldita, kulit at suplado ng mga anak namin, hindi sila uubra sa mommy nila. "I'm sorry po Mommy." Nakayuko pa si John Ace. "Mula ngayon ako na ang magluluto ng almusal. Kung ayaw niyong kumain. Magpagutom kayo, hindi ko kayo bibigyan ng allowance. Maliwanag!" "Yes po Mommy." Sabay pa nilang sabi. "Wife ko, baka naman masyado ng sobra ang paghihigpit mo sa kanila." Kung nakakamatay ang mga tingin sa'kin ng wife ko, baka kanina pa ako nakabulagta. Sobrang talim kasi nito. Feeling ko tuloy may period siya ngayon ang moody kasi niya at sensitive siya. "Gusto mo ikaw na sa bahay, ako na lang ang hahawak ng kumpanya!" "Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin wife ko," "Ikaw na lang!" Sabay talikod niya sa'kin. Psh! Galit na naman siya, maiintindihan ko pa sana kung buntis siya, teka? Hindi kaya buntis siya? Pinagmasdan ko ang tiyan niya. Flat pa rin naman. Huminto ako sa pagkain ko at tumayo ako upang lapitan si Ally, niyakap ko siya patalikod. "Wife ko, sorry na wag ka ng magalit, nakakasama 'yan sa baby natin." Pabulong kong sabi sa kanya. Humarap siya sa'kin at tumawa ng malakas. "Moody nga siya." "Anong pinagsasabi mo'ng buntis ako? Hindi ako buntis husbie ko. Naiinis lang kasi ako dahil sa tuwing ako ang nagluluto, halos ayaw niyong kainin, sobrang effort ako sa pagluluto para matikman niyo, ayaw niyo namang kainin, hindi naman nakakalason ang niluto ko." Parang maamong tupa naman ang apat kong anak, habang tahimik na kumakain. "Nagbibiro lang naman kami wife ko, masarap naman ang pagkaing niluto mo, lalo na ang adobo." Sumimangot siya. "Husbie ko, wala naman akong adobong niluto. Dinuguan iyon, kaya nga may puto eh," "Dinuguan pala iyon, akala ko adobo." "Ha-ha-ha! Dinuguan nga, nai-isip ko kasi yung adobo, nami-miss ko na kasi iyon wife ko. Pero masarap, sobrang sarap ng dinuguan next time dagdagan mo lang ng sabaw wife ko. Mas mas lalong sumarap, di ba mga anak?" "Opo Daddy!" Sabay-sabay nilang sabi. Ngumiti naman si Ally, "Sige, mamaya ipagluluto kita ng adobo. Kumain ka na." Sabi pa niya. Muli kong pinagpatuloy ang pagkain, masarap naman talaga ang luto niya at sakto naman ang lasa. Madi-distract ka lang talaga sa itsura ng luto niya, tulad ng dinuguan, akala ko talaga adobo kasi walang sabaw. "Husbie ko, kanina pa tunog nang tunog ang cellphone mo. Sagutin mo ang tumatawag sa'yo." "Ha?" Hindi ko sana sasagutin ng bigla kong naisip na baka si Menona iyon, baka mag selos si Ally. "Ako na nga ang sasagot." Kinuha niya ang cellphone ko, kumunot ang noo niya ng mabasa sa screen ang pangalan. "Baka si Menona siguro ang tumawag." Sa isip-isip ko. "Menona?" Sabi niya, sinagot niya ang tawag, hindi nagsalita si Ally, marahil pinakikinggan niya ang tumatawag sa kanya. "Anong kailangan mo sa asawa ko?" "Patay na!" Sa isip-isip ko. "Really? Masyado naman yatang maaga ang pagcontact mo sa asawa ko, business ba talaga yan O may ibang business kayo na hindi ko alam." Sabi pa niya. "Okay." Lumapit sa'kin si Ally, hindi maipinta ang mukha niya, "Oh! Si Menona daw!" Halos isampal na sa'kin ni Ally ang cellphone ko ng ibigay niya sa'kin. "Bakit ka napatawag?" Sabi ko. "Nakakatakot naman ang asawa mo, ang taray!" Narinig kong sabi ni Menona. Hindi ko magawang sumagot ng maayos, paano ba naman kasi ni-loudspeaker kasi ni Ally, kaya naririnig niya ang sinasabi ni Menona. Ang lamig sa kusina dahil sa aircon. Pero pinagpapawisan ako ng malapot, siguradong hindi na ako kakausapin ni Ally nito. "Yes, nagagalit siya sa mga tumatawag sa'kin." "Bakit siya magagalit? Natatakot ba siyang maagaw ka ng iba? Siguro pangit ang asawa mo kaya masyado siyang insecure sa mga babaing tumatawag sa'yo, ha-ha-ha!" Kitang-kita ko ang pagtikom ng kamao ni Ally, sobrang galit na niya, kaya bago pa maagaw sa'kin ang cellphone ko Pinutol ko na ang pag-uusap namin. Nagcross-arm siya habang naglalakad ng pabalik-balik. "Frits, sasama ako ngayon sa office, gusto kong makita ang Menona na iyan!" "Wife ko, wag mo na siyang patulan. Dito ka na lang sa bahay." Humarap siya sa'kin. "Isasama mo ako O ako mismo ang pupunta sa kumpanya!" Mariin niyang sabi. Kakamot-kamot ako sa batok. Sinasabi na nga ba e, hindi papayag si Ally na hindi pumunta ng kumpanya, kung sabagay. Mabuti na rin iyon para tumigil na si Menona sa kakatawag sa'kin sa cellphone. Huminga ako ng malalim. "Okay sige Wife ko, tatapusin ko lang ang pagkain." "Very good, Husbie ko." Tumalikod siya sa'kin. "Mag-aasikaso na ako." Sabi pa niya. Pailing-iling ako ng makaalis siya ng kusina. Kumunot-noo ako, habang pinagmamasdan ko ang suot ni Ally. "Bakit parang natulala ka na diyan?" Sabi niya. "Magpalit ka nga ng damit mo, Wife ko." Pinasadahan niya ng tingin. "Anong masama sa suot ko." Sagot niya. "Baka ako naman ang makapatay sa suot mo." Seryosong sagot ko sa kanya. Kulay yelow ang suot niyang backless dress na may mahabang split saa tagiliran. Mga limang pulgada na lang makikita na ang suot niyang panty, litaw na litaw ang kaputian niya suot niyang damit. At ngayon pa lang naiinis ako dahil alam kong maraming mga matang hahabulin siya ng tingin at ayokong mangyari iyon, dahil gusto ko ako lang ang makakakita sa suot niyang damit ngayon. "Don't worry wife ko, may dala akong jacket.. susuotin ko ito pagpasok ko ng kumpanya. Aalisin ko lang kapag nagharap na kami ni Menona." Ngumiti pa siya. Hindi talaga magpapatalo si Ally, pagdating sa kamaldihan, bigla kong naalala tuloy ang ugali niya noong college kami. Wala pa rin pagbabago. "I told you, wag kang mag-uumpisa ng gulo wife ko." Nakatitig pa ako sa kanya. Pilya siyang ngumiti sa'kin. "Hindi ako mag-uumpisa ng gulo husbie ko, pero kapag inumpisahan ako, siguraduhin nilang kaya nilang tapusin, dahil kapag ako ang tumapos, pagsisihan nila. Let' s go, husbie ko!" Nauna na siyang naglakad sa'kin palabas. Sumunod naman ako sa kanya. Magkahawak kamay kaming dalawa. Habang papasok ng kumpanya, hindi ko tuloy maiwasang mainis sa mga lalaking hinahabol ng tingin si Ally, bagama't natatakpan ng jacket ang damit niyang suot. Naiinis pa rin ako dahil pinagmamasdan pa rin siya. Inisa-isa kong tandaan ang mga lalaking humahabol ng tingin kay Ally, bibigyan ko sila ng lection. Lumapit ako sa security guard na naka-duty. "Sir. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo. "Pakikuha ang lahat ng pangalan ng mga sumipol at tumingin sa asawa ko." "Sigurado po kayo?" Pag-uulit ng isang securty guard. "Sigurado rin akong isasama kita sa paghindi ka pa tumigil sa tanong mo." "Sorry Sir." Sagot niya. Sa ibang room si Ally pumasok, babalikan na lang siya, kapag dumating na si Menona. Naging abala ako sa loob ng office ko, kaya halos hindi ko naalala si Ally, malapit na kasing mag-lunch. Mayamaya may bigla pumihit ng seradura ko ng pintuan ng office. Nang i-angat ko ang mukha ko upang tingnan ang pumasok, Napangiwi ako ng nasa harap ko si Menona. Ang lapad ng ngiti niya sa'kin, mabilis kong pinagmasdan ang sarili niya. Nakasuot siya ng maikling black dress at lantad na landat ang balat niya. "Hindi ba sinabi sa'yo Mrs Reyes ng secretary ko, na hindi pa ako tumatanggap ng bisita." Sa halip na sagutin niya ako dumiretso siya sa malambot na upuan. "After lunch pa ang meeting, pero maghihintay na lang ako dito. Hindi ka naman siguro manganggat." Pilya niyang sabi. Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto, si Allyson, inalis na niya ang suot niyang jacket. Tumayo ako para salubungin siya ng yakap at halik. "Sino ang babaing 'yan?" Sabad ni Menona. Kumawala sa pagkakayakap sa'kin si Ally at humarap kay Menona. Pinasadahan niya ito ng tingin habang parang kasing taas ng building ang kilay niya, nakahalukipkip pa siya. "Husbie ko, bakit may basura sa loob ng office mo? Hindi ka ba nagpapalinis ng office mo?" Aniya. Pinagmasdan rin siya ni Menona mula ulo hanggang paa. "Sino ka? Kabet ka rin ba ni Frits?" "Bakit ikaw ba ang kabet niya?" Sagot ni Ally. "Hindi pa sa ngayon pero malapit na. Kaya wag kang umeksena." Matapang na sagot ni Menona. Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha niya. "Ouch!" Matalim ang titig ni Ally kay Menona, "Kung gusto mo'ng maging kabet ng ASAWA KO, siguraduhin mo lang na matatalbugan mo ang ganda ko, hindi 'yung umasa ka lang sa make up mo na hindi naman bumagay sa'yo!" Pagtataray ni Ally. "I-ikaw ang asawa ni Frits?" "Oo, me my self and I Allyson Goddess Ramirez Santiago. Nakakabit na sa'kin ang salitang Goddess, ayoko ko nga sana kaya lang 'yan ang binansag sa'kin." Ngumisi si Ally, "Yang kalandian mo wag mo'ng gamitin sa asawa ko, dahil kapag ako nainis, kahit gaano ka pa Kakati, ako ang magbabanli ng mainit na tubig sa katawan mo. Para naman mawala ang kati mo, isa pa, hindi bagay sa'yo ang manglait lalo na ang sabihing panget ang ibang tao." Muli siyang ngumisi. Habang pinapasadahan ng tingin si Menona, mula ulo hanggang paa. "Hindi ka ba nanaawa sa sarili mo? Habang sinasabi mo'ng pangit iniinsulto mo lang ang sarili mo. Ha-ha-ha!" Sabay tawa ni Ally. "How dare you! Wala pa'ng nang-insulto sa'kin ng ganyan!" Aakma sanang sasampalin si Allyson ni Menona pero mabilis na sinangga iyon ni Ally, kitang-kita ko sa mukha ni Ally ang galit kay Menona. "Let me go! Ouucchh!!" Sigaw ni Menona ng pilipitin ang kamay niya ni Ally. "Wala sigurong magtangka dahil naawa sa itusra mo!" Pinilipit ni Ally ang kamay ni Menona. "Wala rin pwedeng manakit sa makinis kong mukha, lalo na kung ang puro kalyo mo lang namang kamay ang dadapo sa'kin, stupid slut" Sabay tulak niya kay Menona, sumubsob ito sa semento. "Pagsisihan mo'ng sinaktan mo akoo!"sigaw ni Menona. "Nakakatakot ang pagbabanta mo! Go push! Umpisahan mo na, dahil kapag ako ang nag-umpisa, tapos agad!" Mabilis na tumayo si Menona at tumakbo palabas ng office. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ally, "Wag mo na siyang tatanggapin once na alisin niya ang share stock niya." Aniya. "Yes, Wife ko. Okay ka lang ba?" Sabi ko. Tumango siya. "Yes, order mo nga ako husbie ng pampalamig ng ulo." Sabi niya, umupo siya sa malambot na upuan at ipinikit ang mata niya, namumula pa rin ang mukha niya sa galit. "Yes, wife ko." Um-order ako ng Ice cream favorite kasi iyon ni Ally. Minasahe ko siya, habang hinihintay namin ang Ice Cream, nang dumating iyon, pinagsaluhan naming dalawa. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng nginitian niya ako, salamat naman at hindi sa'kin binaling ang galit, dahil kapag nangyari iyon, war naman kami, at siguradong bawal naman kaming magtabi, outside de-kulambo panigura ako no'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD