KABANATA 3

1737 Words
Ally's P.O.V. Nagising ako sa ingay ng tunog ng alarm na nasa ibabaw ng bedside namin, pikit ang kanang mata ko habang nakalukbong ako ng kumot, ang isang kamay ko ay kinakapa ang ibabaw ng table na kung saan nakapatong ang alarm clock ko na tunog nang tunog. "Istorbo," sabi ko nang patayin ko ang alarm clock, pagkatapos muli akong natulog. "Mommy, wake up na tanghali na." niyogyug pa ako ni John Axle na hindi pa rin umaalis ng kwarto. "Just give me another thirty minutes baby, I'm sleepy." Sagot ko, habang nakapikit ako. "Wake up Mommy, I'm hungry." Umikot ako sa paghiga upang humarap sa kanya upang tingnan siya. Nakaupo siya sa harap ko, at nakacross-arm habang salubong ang kilay. "Nasa kusina ang Daddy mo. Or tell to your Yaya." Inis kong sagot. "No! Ayoko si Daddy or si Yaya, gusto ko ikaw ang magserve ng foods sa'kin Mommy." Gusto kong kurutin sa pisngi ang bunso kong anak, ang bata pa napakatigas na ng ulo, ang hirap ng pasunurin, wala akong nagawa kung hindi ang bumangon. "Ikaw na bata ka! Ang kulit mo, kanino ka ba nagmana! Tigas ng ulo mo." "Sabi ni Daddy sa'yo daw po ako nagmana ng ugali." "Sinabi 'yon ng Daddy mo?" inis kong sabi. "Yes, he said a while ago." Kampanteng sagot ng anak ko, na halatang hindi naiintindihan ang mga sinasabi niya. Kinarga ko si John Axle upang mabilis kaming makalabas ng kwarto. Humanda sa'kin 'yang Frits na 'yan sinisiraan ako. Nakataas ang kilay kong ng magtama ang tingin namin ni Frits, habang papalapit kami ni John Axle sa kusina, nandoon na si John Ace at Jhoace na abala sa pakain. Samantalang si Frits bising-bisi sa niluluto niya. "Goodmorning Mommy." Bati sa'kin ng tatlo kong anak, hinalikan pa nila ako sa pisngi. Namilog ang mga mata ko ng makita ko si Shawn na nasa tapat ng lutuan at may hawak na sandok. May bangko siyang tinutungtungan. "Shawn!" napatayo ako sa kinauupuan ko upang alisin siya sa Tapat ng lutuan. "Why Mommy?" takang tanong niya sa'kin. Pinaupo ko siya sa tapat ng bilog na lamesa. "Don't ask me why? Bakit nando'n ka? Hindi mo ba alam na baka mapaso ka at masunog ang mansion natin." Bumaba siya sa upuan at bumalik sa kusina, muli siyang tumuntong sa upuan. "Don't worry mommy, I'm a big boy. ang saya nga po ng ginagawa ko, nagluluto kami ni Daddy, tinuturuan niya ako magluto." Muli kong binaling ang tingin kay Frits. "Husbie, anong kalokohan ba 'yan? Masyado pa'ng bata si Shawn para makigulo sa kusina." "Wife ko, easy ka lang, kaya naman ni Shawn 'yan, tikman mo na lang ang niluto niyang pritong itlog." Nakangiting sabi ni Frits. Tiningnan ko ang pagkain sa mesa, halos malapit ng maubos ang itlog na nilito ni Shawn at halos hindi na galaw nila Jhoace at John Ace ang paborito nilang Ham at hotdog na ulam. "Taste it Mommy it's delicous." Sabi ni Jhoace. Out of curiosty tinikman ko ang ulam na niluto ni Shawn, hindi pa rin kasi maalis sa isip ko na maliit na bata ang nagluto. Slow motion ko pa'ng nginuya at nilasahan ko pa itong maigi. "Anong lasa Mommy?" tanong ni John Axle. "Hmm.. masarap!" sabay ngiti ko, tumingin ako kay Shawn. "Sige. Pumapayag na akong magluto ka, pero hindi pwedeng ikaw lang mag-isa kusina tuwing gusto mo'ng magluto." Ngumiti siya. "Thank you Mommy." "Husbie ko, Baby Shawn. Tama na 'yang niluto niyo sumabay na kayo sa'min." Agad namang silang lumapit at sumabay sa pagkain namin. "Wife ko, darating pala si Dianne ngayon, bibisita daw siya sa'tin." Sabi ni Frits habang nakaupo kami sa harap ng lamesa, katatapos lang naming kumain, naiwan kaming dalawa ni Frits para maglinis at maghugas, araw kasi ng linggo ngayon at tuwing araw ng linggo naka-day off ang mga katulong namin, kaya kami ang nag-aasikaso sa mga bata. Maging ang mga anak namin ay tinuturuan namin sa gawaing bahay, ayoko silang matulad sa'kin noon na walang alam sa buhay. "Si Dianne?" "Ouhm," "Nakaka-miss din ang ka-ingayan niya, pagluluto ko siya ng pagkain mamaya." Nakangiti kong sagot. "Ang sabi niya, um-order na lang daw tayo ng pagkain, wala raw siyang tiwala sa luto mo." Salubong ang kilay ko ng makipagtitigan ako kay Frits. Sinabi niya 'yon?" gigil kong sagot. "Wife ko, siya talaga ang nagsabi no'n, wag ka sa'king magalit." "Husbie! Dala mo ba ang cellphone mo? Naiwan ko sa kwarto natin ang cellphone ko." Kinapa niya sa bulsa ng short niya ang cellphone niya. "Dala ko, bakit?" "Peram ako, tatawagan ko si Dianne. Sasabihin kong wag na siyang pumunta rito, ang arte niya!" inis kong sabi. "Napikon ka na agad Wife ko, hindi ka na nasanay kay Dianne." "Basta peram ako ng cellphone mo!" pasigaw kong sabi. Wala siyang nagawa kung hindi ang i-abot sa'kin ang cellphone niya, nakakainis kasi si Dianne, masyadong nakaka-sakit ang mga biro niya. "Hello, Dianne si Allyson 'to." Bungad kong sabi ng sagutin niya ang tawag ko. "Aaalllyyy!! I miiiiiss yoooouu!" sigaw niya, bigla ko tuloy inilayo ng konti ang cellphone sa tenga ko, baka kasi matanggal ang eardrums ko sa lakas ng boses niya. "Ally, nandiyan ka pa ba?" "Oo, nilayo ko lang ng konti ang tenga ko, baka mabinge ako. Ano ba'ng kinain mo at sobra kang makatili." "Namiss lang kita girl, hindi mo ba nami-miss ang bestfriend mo'ng mas maganda pa sa'yo?" I rolled my eyes, kung nakikita lang ni Dianne kung ilang beses ang naging pag-ikot ng eye balls ko sa sinabi niya. "Hindi ka pa rin nagbabago. Mukha ka pa ring high school student na nakita ng gwapo kung makatili, wag mo na rin pangaraping maging kasing ganda kita dahil masasaktan ka lang girl." Tumawa ng malakas si Dianne. "Hindi ka pa rin nagbabago Ally, maldita ka pa rin. Ayaw patalo." "Whatever! Kaya pala ako napatawag sa'yo upang sabihing wag ka ng pumunta rito, may lakad kami ni husbie." Alibi ko. "Sorry girl, pero nasa tapat na kami sa mansion niyo at inagbubuksan na kami ng gate ng security guard niyo para makapasok." Nasapo ko ang sintido ko sa inis, naisahan ako ni Dianne. Alam na alam niya gagawin ko. "Akala ko ba, mamayang hapon pa?" "Sinabi ko lang na mamayang hapon pa, kapag sinabi ko kasi sa'yo na umaga ako pupunta siguradong madaling araw pa lang umalis ka na." sabay tawa niya sa kabilang linya. "Sasabunutan talaga kita!" inis kong sabi. "Namiss ko nga yan, bye girl!" Hindi ko pa naibaba ang cellphone ko, narinig ko na ang boses ni Dianne na kasing ingay ng tunog ng ambulansiya. "Wife ko, nandito na si Dianne." Ani Frits. Tumayo siya upang salubungin si Dianne. "Naririnig ko nga boses niya." Naabutan namin si Dianne sa sala na kinakausap si John Axle, naglalaro kasi ang bunso naming anak. "Dianne," Ang lapad ng pagkakangiti ni Dianne sa'kin ng makita niya ako, kasama niya si Coby at ang anak niyang si Denver Claide. Tumayo siya at lumapit sa'kin pagkatapos niyakap ako. "Girl, kumusta ka na? Wow! Mas lalo tayong gumaganda ngayon." Pinagmasdan pa niya ako mula ulo hanggang paa, vice versa. "Walang kupas kayong dalawa ni Frits, hanep! Naka-apat na agad kayo." Tumingin pa siya kay Frits at pilyang ngumiti sa'kin. Tumaas ang kilay ko. "Patunay lang 'yan na hindi kami baog dalawa." Tumawa ng malakas si Dianne. "Yeah, pansin ko nga, gabi-gabi siguro kayo." Pilyang ngiti niya. Nagcross arm ako. "Tigilan mo ako Dianne ha! Pumunta ka lang ba dito para mang-asar sa'kin?" inis kong sabi. Ngiting-ngiti si Dianne. "Actually, sumama lang naman ako kay Coby na pumunta rito, siya talaga ang may sadya sa inyong dalawa." "Tama si Fiona, kailangan ko kayong makausap dalawa." Sabad ni Coby. Tumingin ako sa kanya at pagkatapos binaling ko ang tingin kay Frits. "Alam mo ba ito Husbie ko?" Sa halip na sagutin niya ako binaling niya ang tingin kay Coby. "Let's talk some other place." Ani Frits. Nagkibit balikat siya. "Sure Cousin." Sa halip na sa bahay kami mag-uusap nauwi sa isang Café na malapit lang sa subdivison namin. "Allyson, kaya kami pumunta rito ni Dianne ay para hingiin ang basbas mo na sumama sa'kin si Frits sa Davao, may bago kaming business na itatayong dalawa ni Frits at kailangan namin itong matutukan." "Anong business naman 'yon?" "Electronics Company." Sagot ni Coby. Tumaas ang kilay ko. "Masyado naman yatang malayo sa mga naging business natin ang gusto niyong gawin." "Ally, 'iyon nga ang mas maganda ang magtayo ng kumpanyang malayo sa nakasanayan natin." Sagot naman ni Dianne. "Hanggang ilang buwan kayo magtatagal doon?" "More than Six months." Sagot ni Coby. "No way!" Hinawakan ni Frits ang kamay ko at tumingin sa'kin. "Wife ko, pumayag ka na please! Gusto ko rin subukan ang ibang business, every Saturday and Sunday uuwi naman ako." "No way! Hayaan mong ibang Empleyado mo ang personal na gumawa no'n para sa'yo. Bakit kailangan ikaw pa Frits. Pwede naman si Coby na lang." "Gusto mo girl, doon na lang muna kayo pansamantalang tumira ni Frits, ako kasi doon muna ako pansamantalang titira dahil si Denver, palaging hinahanap ang Daddy niya." Ani Dianne. "Hindi pwede, nag-aaral na ang mga bata." "Iwan niyo muna kay Tita Faith, at Tito Paul." Sagot ni Coby. Bumuntong-hininga ako. "Hindi pwede ang iniisip niyo, Frits, wag ka na lang umalis please!" "Pero Wife ko, kawawa naman si Coby kung siya lang ang nandoon, business partner kaming dalawa." Saglit akong nanahimik, ang hirap naman mag desisyon, parang magmumukha akong masamang asawa kapag hindi ako pumayag sa gusto nila. Muli akong huminga ng malalim. "Kailang ba dapat kayo Aalis kung papayag ako?" Nagkatinginan si Coby at Frits bago sila muling tumingin sa'kin. "After three weeks." Sagot ni Coby. "Pwede ba akong mag-isip muna hanggang sa one week?" malungkot kong sagot. Lumapad ang mga ngiti nila. "Sure take your time wife ko." Sagot ni Frits. "Thank you!" tipid kong sagot. Matapos ang naging pag-uusap naming apat, muli kaming bumalik sa mansion, nagkaroon kami ng bonding kasama ang mga anak natin. Ako pinipilit kong maging masaya sa harap nilang lahat, sa totoo lang kasi tutol ako sa plano nila, hindi ko kayang mapalayo kay Frits ng ganoon katagal. Halos hindi na nga ako makatulog sa tuwing may business trip siya at tumatagal ng two weeks ang pag-uwi niya.'yon pa kayang anim na buwan. Baka mabaliw na ako kahihintay sa kanya, siguro dahil sa mga napagdaanan namin noon, natatakot na akong mawala siyang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD