Chapter Fifteen: Hidden Gratitude

2115 Words
[Ivana's] Hapon na ngayon pero inaalala ko pa rin `yung sinabi ni Tyler sa akin noong umaga. He said he wants me to marry Gene because he wants him to be his dad. Totoo namang mag-ama silang dalawa pero hinding-hindi ako magpapakasal sa isang Gene Marcus Carter. Ang galing talaga ng taong `yon na magmanipula, kinuha niya agad `yung loob ni Tyler sa una pa lang nilang pagkikita. “Mommy! Mommy!" rinig kong sigaw ni Tyler habang naglalaro sa dalampasigan. Hinayaan ko muna siyang maglaro roon kaysa naman sa kukulitin na naman niya ako tungkol sa pagpapakasal kay Gene. He thought it's easy to just marry someone but I understand him because he's still innocent. Maiintindihan din niya kapag matanda na siya. ”Don't go in the water, okay?!" pasigaw kong sambit. Gumagawa siya ng sand castle doon at ako naman ay tinatamad kaya nakasilong lang ako rito sa tabi. Konti lang ang tao ngayon kaya malaya si Tyler na naglalaro. “Okay, mommy!" sumbat ni Tyler kaya naging panatag ang loob ko. Naisipan kong mag-relax muna at mag-isip kung paano ko iiwasan si Gene lalo na't nandito rin siya. Hindi malabong magkikita ulit kami kaya dapat ako na ang umiwas, ayoko kasing magsama na naman sila ng anak ko. Takot ako na baka tuluyan na siyang magustuhan ni Tyler at sabihin na naman sa akin na pakasalan `yung mayabang niyang tatay. ”Ugh, nakakainis!" sambit ko sa kawalan at pinagkrus ang aking mga braso sa dibdib ko. Bakit ba kasi nandito rin siya? Kung nasaan ako ay nandoon din siya kaya nanggigigil ako. Feeling ko talaga eh sinasadya niyang magkrus ang landas namin. Haysss, kung posible lang na hindi kami magkita kailan man ay mas ikakasaya pa iyon. Having him so near isn't okay for me because I feel so threatened by his presence. Feeling ko talaga ay may gagawin siyang hindi maganda every time. “Kung hindi lang talaga dahil kay Mr. De Guzman ay baka tinaboy ko na si Gene.” May utang na loob ako kay Mr. De Guzman kaya ako pumayag sa plano niya which is para rin naman sa ikabubuti namin ni Tyler. Bumuntong-hininga ako at pumikit saglit ngunit wala pang isang minuto ay nakarinig ako sigawan mula sa mga tao sa paligid. “Look, someone is drowning! It's a kid!" malakas ring sumigaw yung katabi ko kaya napabalikwas ako at agad hinanap si Tyler. Bigla akong kinabahan noong nakita kong wala siya sa pwesto niya kanina at muntikan na akong mahilo dahil sa sobrang takot noong nakita ko siyang nalulunod mula sa malalim na bahagi ng dagat. Agad akong tumakbo para puntahan siya pero huminto ako saglit dahil nakita ko si Gene na lumangoy papunta kay Tyler. Akala ko ay ililigtas niya yung anak ko pero nasaksihan ko kung paano siya malunod. Both of them are drowning and that's when I can't move my feet anymore. Gustong-gusto ko silang puntahan pero hindi ako makagalaw, hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Mabuti na lang at mabilis na umaksyon `yung mga lifeguard at kinuha silang dalawa mula sa malalim na bahagi ng dagat. Noong nasa dalampasigan na sila ay doon na ako napatakbo at napahagulhol ng iyak. Luckily, my son is still conscious pero wala nang malay si Gene kaya nakaramdam ako ng labis na pag-aalala. He dived in to save my son but he ended up drowning too and worst he lost his consciousness. They're performing CPR to Gene at ako naman ay yakap-yakap `yung anak kong umiiyak. May mga emergency responder na dumating para ipunta sila sa clinic ng resort. Ako naman ay nasa tabi lang ng anak ko habang pinapatahan siya. Napako ang tingin ko kay Gene na ngayon ay nagkamalay na pero sobrang mahina kaya bigla akong nakaramdam ng takot at pag-aalala. ”Please tell me you're fine, you freak!" malakas na sigaw ng utak ko. Hindi naman ako ganun kawalang puso para hindi mag-alala para sa kaniya. “Mommy, why is Mr. Carter not waking up?" inosenteng tanong ni Tyler sa aking. Noong tinignan ko siya ay nakatingin pala siya kay Gene na ngayon ay nakapikit habang nakahiga sa kama. ”He's awake, baby. Mr. Carter is just resting because he's so tired," paliwanag ko. Bumagsak ang mga balikat ni Tyler dahil sa lungkot. “He came to me and lift me up when the water was pulling me down," ika niya. Ang mga katagang iyon ay sakto lang para maintindihan ko ang nangyari. Gene went to save Tyler pero hindi siya marunong lumangoy kaya kinarga na lang niya ang anak ko at itinaas para hindi makainom ng maraming tubig, I think that's what happened. Tumingin din ako kay Gene at nanlambot. "Bakit mo ba `yon ginawa, Gene?" tanong ng isip ko. Hindi nagtagal ay may lumapit sa amin na nurse para tignan ang kalagayan ni Tyler. Sa tingin ko naman ay okay na siya, so Gene lang talaga ang malala. ”How's the other patient? Is he fine?" tanong ko sa nurse. “He drank to much water and the other nurses are checking his condition. He gained his consciousness and that's a good sign. I heard Mr. Carter is doing well now, he just need to rest," sagot naman ng nurse. Hindi na ako nagtaka kung bakit kilala nitong nurse na `to si Gene, sikat ang mokong dahil may mukha siya at kalat na kalat din ang kaniyang pangalan sa magazines maging sa social media. ”That's good to hear," sabi ko na lang. Umalis na siya at sinabing pwede na kaming lumabas pero inaalala ko pa rin si Gene. Hindi naman namin siya pwede iwan after ng ginawa niya para kay Tyler. “Anak, puntahan muna natin si Mr. Carter, ha?" anyaya ko kay Tyler at um-oo naman siya. ”Are you okay, Mr. Carter?" mahinang sambit ni Tyler at hinawakan ang kanang kamay ni Gene. Dumilat naman si Gene at tinignan si Tyler bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. “Hey, little man. Glad to see you're doing well," mahinang giit ni Gene. ”I am because you came to save me. Your hand is so cold, let me kiss it for you. Mommy said when someone is sick, you have to kiss that person and he'll be fine," malambing na bulong ni Tyler tsaka niya hinalikan `yung kamay ni Gene. May kung anong humaplos sa puso ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Nanlambot ang puso ko at hindi ko ikakaila na ang sarap nilang panoorin. They really look like a perfect pair of father and son, mag-ama nga sila. “Tyler? Tara na sa room natin at nang makapagpalit ka na ng damit. Baka sipunin ka kapag hindi ka pa nagpalit," pagsisingit ko. Sabay nila akong tinignan pero kapansin-pansin ang masamang titig ni Gene sa akin habang salubong ang kilay. ”What?" I asked him. “At ikaw? Hindi ka ba magpapalit? Look at yourself, you're just wearing a two piece for f's sake, Van. Nalunod na akot' naghahabol ng hininga kanina pero gusto kong bumangon sa dalampasigan at patayin `yung lifeguard na para kang hinuhubaran sa tingin,” pabalang sa saad ni Gene at nakatingin pa rin siya ng masama sa akin. Napasabunot na lang ako noong naalala kong naka-two piece lang pala ako. Nakalimutan ko kung ano ang suot-suot ko kanina dahil nga sa nangyari. “So dapat bang nagdamit muna ako bago ko kayo puntahan? Both of you were drowning kaya hindi ko na inisip kung ano ang suot ko," sagot ko. ”Kung sana kasi ay hindi ka nag-two piece then everything is fine," ngiwi niya. Napipi ako sa sinabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. “FYI, Mr. Carter! I can wear anything I want tsaka lahat naman ng tao roon sa beach ay naka-two piece din kaya anong problema mo?" ”Yeah but you should have wear something more decent. Look at your upper garment, hindi naman iyan kasya para takpan `yang pumuputok mong--" Hindi ko na siya pinatapos dahil tinakpan ko ang kaniyang bibig bago pa niya tapusin `yung sasabihin niya. Napakabastos talaga ng isang `to kahit kailan! Nakakagigil siya! Kung wala lang `yung anak ko ay baka kanina pa ako nagwala rito dahil sa inis. “Tumigil ka nga!" sabi ko sa kaniya. Naramdaman ko ang kaniyang pagngisi bago niya dinilaan `yung kamay kong nakatakip sa bibig niya. ”Yuck! Why did you do that?!" malakas na hiyaw ko bago lumayo sa kaniya. It's really disgusting but the way his tongue rolled in my palm did something strange to my nerves, parang nagkagulo yung mga cells ko dahil doon. “Hmm, you like it?" pang-aasar pa niya. ”What? Are you serious?! It's gross you know!" Saang sulok ba ng mundo niya nakuha ang pag-iisip niyang ganu'n? Kakaiba talaga ang takbo ng isip ng isang `to, hindi ko kayang makipagsabayan. “Mommy? Are we going to our room or not? It's getting cold and I might get sick," Tyler interrupted. Ito ang pagkakataon na nagpapasalamat ako at sumingit `yung anak ko para maputol `yung pag-uusap namin no Gene. ”Oh! Sorry about that, baby. Come on, let's go na bago ka maligin ng husto." Nag-squat ako para buhatin si Tyler pero narinig kong sumipol si Gene. “Hot!" komento niya. Alam ko kung saan siya nakatingin kaya tumayo muna ako at sinuntok siya sa binti. ”Ang bastos mo!" inis na saad ko. “Aray! Why did you do that?!" aniya habang hinihimas `yung binti niyang sinuntok ko. ”At talagang nagtatanong ka pa kung bakit?!" pahiyaw kong sambit. “That's what other men will think when they see you flaunting your big boobs in front of them," seryoso niyang giit bago bumaba sa kama. ”Alam mo, nakakainis kang kausap. Tara na Tyler." Paalis na kami noong pinigilan niya kami sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko. “Can you at least cover up your body?" ika niya. ”Look, I don't care what will others think when they see me. I'm proud of my body and I don't give a damn about men staring at me, maglaway sila!" I have nothing to be ashamed of dahil hindi naman naiiba `yung kasuotan ko sa mga ibang kababaihan dito. He's being unreasonable and I hate it! “Proud pala ha, tignan natin. Kapag may nambastos sa'yo makikita mo," banat pa niya. Umismis na lang ako at inikutan siya ng mata. ”Bring it on!" I challenged him. “Ang tigas ng bungo mo, Van." ”Bakit? Nag-aalala ka ba?" matapang ko siyang tinanong pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. He wrapped his arms around my waist and pulled me close to him. Magkadikit na magkadikit ang mga katawan namin pati na rin ang aming mukha, the tip of our nose are touching and I can feel his hot breath. He leaned close to my ear and whispered, “I freaking am." I gulped hard because of the weird sensation I'm feeling right now. Ibinaba pa niya ang kaniyang ulo para maging ka-level ng balikat ko tsaka muling bumulong. ”One wrong move and this knot will fall, revealing what's hiding in it." Ramdam ko ang kaniyang kamay na hawak-hawak 'yung lace ng bra ko. Isang hila lang niya ay matatanggal na `yung pagkabuhol nito. Damn you, Gene! “Get a-away from m-me," utal na giit ko bago siya tinulak ng mahina. I can't take it if he's too close to me. ”But why, luv? Aren't you enjoying this like I do?" mapang-akit niyang bulong. Pumikit ako at nag-isip ng matino. “My son is freaking watching, Gene! Lumayo ka sa akin bago ko tuhurin `yang ari mo," banta ko. ”What the hell, Van?!" salubong ang mga kilay na saad ni Gene bago lumayo sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata bago tinuro so Tyler na tahimik lang na nonood kanina pa. Mukha namang nakuha niya ang ibig kong sibihin dahil napakamot siya sa noo at pumikit. “Mommy? What are you two doing?" inosenteng tanong ni Tyler. ”We were... uhm talking about what happened earlier, right?" palusot ko bago siniko si Gene sa aking tabi. “Yes, we were just talking about earlier," dagdag naman ni Gene. Mukha namang kumbinsido si Tyler dahil tumango-tango siya. ”Alam mo, ang yabang mo. Hindi mo naman pala alam na lumangoy tapos bigla kang pumunta sa malalim," pag-iiba ko sa usapan. “Yeah, I don't know how to swim. Iyan ang sumpanh ipinasa sa aking ng tatay kong hindi niligtas ang nanay kong nalulunod noon," salaysay niya. Hindi na ako nagsalita pa at naglakad palabas ng clinic at kasama pa namin si Gene. Pasikreto ko siyang tinignan habang nag-uusap sila ni Tyler. ”Gene, you might not know this by now but thank you for saving our son,“ sambit ko sa aking isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD