Chapter Sixteen: Freak Nextdoor

2165 Words
[Ivana's] "Are we going home tomorrow, mommy? Can we please stay here for another night? I didn't spend much time here because of what happened," pakiusap ni Tyler sa akin habang kumakain ng hapunan. I'm actually thinking about it too since we didn't enjoy this day because of the incident. Iniisip kong mag-stay rito ng isa pang gabi at sa Monday na lang kami uuwi. Gabi na ngayon at hindi na kami lumabas pa after what happened. Inaalagaan ko si Tyler baka kasi magkasakit dahil kanina. “Sure. Let's stay here for another night but we have to go home on Monday morning because I still have to work," I replied. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at naalala ko na naman ang ngiti ni Gene, parehas sila ng ngiti. ”Yes! I want to play in the sand again!" masayang sambit niya. “What? No, Tyler. You're going to stick with me starting tomorrow. I can't let you out of my sight ever again," I said, remembering how I let him play by himself. Nagsisisi ako sa ginawa ko, pinabayaan ko siya at ganun na nga ang nangyari. ”Can you let me play when I call Mr. Carter to be with me?" tanong niya. Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. “What do you mean? You can't just tell Mr. Carter to play with you because he's busy. He's here for business, Tyler," paalala ko sa kaniya. ”Hmmm... Maybe I should ask him if he can spare some time with me. He can't be so busy all the time, right mommy?" Ano na naman ba ang iniisip ng batang ito? Parang hindi ko yata magugustuhan ang magiging resulta. “I will go find his room and talk to him," dagdag pa niya. Sinasabi ko na nga bang hindi ko magugustuhan ang susunod niyang sasabihin eh. ”Baby, you can't do that. We don't really know Mr. Carter so don't just go around and hang out with him.“ ”But, mommy! He gave me his car and he saved me, he's a good man and I like him!" he opposed my statement. Napahilamos na lang ako sa mukha at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Son, if you really like him then you should wait until you grow up before you hang out with him," ani ko. ”He will get old when I grow up," he shot back. Hindi ko na alam ang sasabihin kong explaination sa anak ko para layuan niya si Gene. As much as possible, ayoko talagang magsama silang dalawa. Ilang beses ko nang sinabi na ayaw ko silang magsama pero kabaliktaran naman ang nangyayari, nakakainis. So ano `yon? Hihilingin ko na lang na palagi silang nagkikita para kabaliktaran `yung mangyayari? Dyusko, kulang na lang talaga ay hilingin ni Tyler na makitulog siya kay Gene eh. “Just don't bother him too much, okay? Mr. Carter is a busy person," iyon na lang an nasabi ko. Inubos muna niya ang pagkain sa kaniyang plato at uminom ng tubig bago sumagot. ”He can surely make time for me," he declared without a hint of hesitation. Napasabunot na lang ako dahil wala na talaga akong masabi. Napapansin kong hindi na nakikinig si Tyler sa akin simula noong nakilala niya si Gene. Ganyan ba ang impluwensya ng tatay niya sa kaniya? Hindi pwedeng lumaki ang anak ko na matigas ang bungo kagaya ng ama niyang siraulo. "Tapos ka na? Go to our room ang brush your teeth, okay? Susunod ako after cleaning here," ani ko. Tumango siya at bumaba mula sa upuan tsaka tumakbo papunta sa kwarto. Looking at him growing up so fast breaks my heart into two. Parang kahapon lang nagpupuyat ako kakaalaga sa kaniya tapos ngayon kaya na niyang gumalaw mag-isa. Tapos ang susunod na mangyayari ay lalaki na siya at hindi na niya kailangan na i-assist sa mga gagawin niya like kakain, maliligo and sa pagdadamit. Gusto kong forever na lang siyang baby pero sobra naman akong selfish kapag ganoon, sapat na `yung selfishness ko sa part na hindi pagsabi sa kaniya na ama niya si Gene. Ayoko nang dagdagan pa ang selfishness ko. Tinapos ko na ang paglilinis at nagmadaling pumunta sa kwarto baka nagkakalat na naman si Tyler. Noong binuksan ko ang pinto ay wala siya sa kama kaya dimiretso ako sa bathroom para tignan kung nandoon pa siya pero wala. “Tyler?" tawag ko sa kaniyang pangalan pero walang sumagot. Lumabas na ako sa bathroom at napansing nakabukas yung glass door papunta sa terrace. Kinabahan ako at tumakbo papunta ng terrace pero walang Tyler dito. Huminto muna ako sa paghahanap at nag-isip kung saan sulok siya hahanapin. ”Tyler?" Nilakasan ko ang pagtawag sa kaniya bago nagmartsa pabalik ng kwarto. Isasara ko sana `yung pinto ng terrace ngunit nakarinig ako ng malakas na hagikhik mula sa kabilang kwarto. Mabilis akong bumalik sa teresa at dumungaw sa kabilang teresa upang kumpirmahin kung boses nga ba ng anak ko `yung narinig ko o hindi. Muli ay nakarinig na naman ako ng tawa. “Stop it! It tickles!" Napatakip ako sa bibig noong nakumpirma kong anak ko talaga yung tumatawa at nagsalita ngayon lang. ”Oh my gosh! Tyler?!" malakas na sigaw ko upang marinig nila sa kabilang kwarto. Masyadong magkadikit ang terrace ng room namin sa kabilang room kaya alam kong narinig nila `yung sigaw ko. Mayamaya pa ay bumukas yung pinto ng terrace sa kabila at niluwa nito ang walang damit na si Gene habang karga ang anak kong tumawa pa. “Oh my! Bakit nandiyan ka Tyler?! How did you go there?!" histerikal na hiyaw ko. Tinapunan naman ako ng tingin ni Tyler at sinabing, ”Hi, mommy! I'm here!" habang kumakaway pa sa akin. Uminit bigla ang dugo ko. “Wait for me there, Tyler. At ikaw, buksan mo `yung pinto ng room mo!" sigaw ko bago tumakbo palabang ng kwarto namin. Malakas akong kumatok sa pinto ng room ni Gene at binuksan naman niya ito agad. ”Give me my son!" I said right after he opened the door. “Please don't give me to mommy. She's mad at me, Mr. Carter," takot na sambit ni Tyler at yumakap kay Gene ng mahigpit. Maingat naman siyang hinawakan ni Gene sa ulo at masamang tumingin sa akin. ”You're freaking scaring him, Van. Can you please lower down your tone? Kanina ka pa sumisigaw at sumasakit na ang nga tainga ko kakarinig sa sigaw mo." “Wow! Ikaw pa itong may ganang pagsabihan ako ng ganyan samantalang ikaw pa itong nagnakaw ng anak, you son stealer!" Hindi ko siya inatrasan at sinuklian ang masama niyang titig. ”And now you're accusing me. Can you come in first?" he invited. “No thanks. Akin na `yang anak ko at nang makabalik na kami sa room namin," pagtatangi ko. Ayokong pumasok sa kwarto niya, never! ”Then let's see if Tyler wants to come with you. He's scared of you," he said. “He's scared because he's a were that he did something bad and I can't tolerate it." Ubos na ang pasensya ko sa hindi pakikinig ni Tyler sa akin. Lumalaki siyang sinusuway ako at sinabi ko ng ayoko ng ganu'n. ”Fine. Let's get in." Pumasok na nga kami sa room niya at napansin kong ayaw talagang bumitaw ni Tyler sa mahigpit niyang pagyakap kay Gene. Iniisip niya sigurong baka bigla ko siyang kunin kaya ganyan na lang kahigpit `yung paghawak niya sa leeg ni Gene, wais na bata. “Paano napunta rito ang anak ko? Hindi ko napansin na lumabas siya sa pinto kanina," giit ko noong medyo kumalma na ako. ”Through the terrace," maikli niyang tugon. “Ano?! Anong sabi mo?! Sa terrace siya dumaan?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Hindi ko kasi lubos maisip kung paano nakatawid `yung tatlong taong gulang kong anak sa teresa. Tapos nasa fourth floor pa kami kaya sobrang taas ng height mula sa baba hanggang dito. ”Chill, okay? I'm going to explain what happened. I was out drinking a glass of brandy on my terrace when I heard him calling me on your terrace. He was insisting that I should get him there and stay with me for the night. Of course, I said no but he started begging so I just said yes. I told him to go out and use the door but he said you won't allow him to stay with me so he started climbing up to cross the terrace and I had no choice but to go and get him.“ Noong sinabi niyang nag-attempt si Tyler na akyatin `yung terrace as nanumbalik na naman ang kaba ko. Dyusko, maaga yata akong tatanda dahil sa stress na dinudulot ng anak ko. Kung ngayon pa lang ay ganito na niya ako istresin, paano pa kaya kapag lumaki na siya? ”Don't get mad at him. Kids like his age tend to act like that. Bakit ba kasi nakabukas `yung pinto ng terrace sa kwarto niyo? He can't open it by himself." “Well, I did but hindi ko naman alam na pupunta pala siya roon eh!" I defended. ”Just like how you thought he won't get drown and let him play alone?" sumbat niya sa akin. Nanigas ako dahil doon. “How did you know that?" Was he watching back then. ”I have my eyes, Van. Hindi na mahalaga kung bakit ko alam, ang case dito ay bakit mo siya hinayaan na maglarong mag-isa? You know beaches are dangerous to kids." Malalim at malamig ang boses ni Gene habang kinakausap niya ako. Bakit ganyan niya ako kausapin? Sino ba siya sa buhay namin? Ama lang siya ng anak ko na ayaw kong pumapel sa buhay namin lalo na kay Tyler. “Alam kong hindi safe ang beach para sa mga bata at alam kong pagkakamali ko `yon, inaamin ko naman eh. Pero ang isumbat mo sa akin `yon? Sino ka ba para pagsabihan ako?" matigas sa saad ko. Nasaksihan ko kung paano nag-umigting ang kaniyang panga. ”It doesn't matter who I am to you or what role am I playing in your life. My concern here is Tyler's safety, you can hate me all you want but I'm going to play my role on his life, whether you like it or not. I'm a person too and I do feel concern to people I like and both you and Tyler aren't an exception. Hindi ako bato kagaya ng iniisip mo, Van at wala rin akong masamang intensyon sa anak mo kaya h'wag mo naman sana siyang sabihan na lumayo sa akin." Ramdam ko ang sincerity sa bawat katagang binitawan niya. Muntikan na akong maniwala pero naalala ko na naman ang ginawa niya noon. I don't believe he changed for the better. “Kaya kong palakihin ang anak ko na walang ibang pumapapel sa buhay niya. We can live happily with just the two of us, we managed to live peacefully for years and I know it will always stay like that." ”Buksan mo naman `yung pag-iisip mo, Van. Hindi sa lahat ng oras ay kaya mong palakihin si Tyler ng mag-isa.“ Nasaktan ako sa sinabi niya pero umusbong na naman ang galit ko sa kaniya. ”Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko kaya wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan!" pasigaw kong giit. “I don't know because you built a wall around you, Van. How am I supposed to know you?" ”At ikaw? Do you think your baring your real self to me? C'mon, Gene! Kilala kita dahil ikaw ang palaging laman ng mga magazines, I know how ruthless you are so don't go around acting so soft in front of my son.“ ”What an accusation! So, you're saying a demon like me doesn't have the slightest chance to redeem himself? As I've said, my intention is pure and I never felt so alive in four f*****g years after I met your son. Is it a sin to feel different for the first freaking time?" he muttered with an intense look in his eyes, para niya akong hinihigop sa nga titig niya. Dahil sa wala akong matinong maisip na pwedeng isagot sa kaniya ay tumayo na lang ako at kinuha so Tyler mula sa kaniya. Hindi naman nagsalita si Gene at hinayaan na lang kaming lumabas sa room niya. Tulog na si Tyler kaya dumiretso kami sa kama para matulog. After kong siyang kinumutan ay dumilat siya at tumitig sa akin. “Mommy? Please don't be mad at Mr. Carter," ika niya bago pumikit bago humarap sa kabilang side. Wow ha! Sinabi rin ni Gene sa akin na huwag akong magalit kay Tyler tapos ngayon anak ko naman ang nagsabing h'wag akong magalit kay Gene. So kanino ako magagalit? Sa sarili ko?! Aba'y hindi naman yata pwede `yon! Inaalala ko pa rin `yung mga sinabi ni Gene kaya siguradong kukulangin na naman ako sa tulog ngayon. Nakakainis ka Gene Marcus Carter! Ang sarap mong sabunutan, legit! Kung bakit pa kasi `yung katabi ng room namin ang kinuha mo! ----------------------------- Ano? May idea na kaya si Gene? Let's start the guessing game!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD