CHAPTER 4

1715 Words
"Welcome to Manila, Jenniel!" masigla kong sambit nang tuloyan na kaming nakarating sa aking apartment na pinabili ko pa kay Amida. Lihim akong napatiimbagang sa unang araw nang aking pagpapanggap bilang isang bakla. Aaminin kong mahirap lalo na't alam ko sa sarili kong hindi ako iyon o hindi ako ganoong klaseng tao, ngunit dahil lamang sa kagustuhan kong tulungan si Jenniel at upang mapalapit sa aking asawa ay kinakailangan kong gawin ang ganitong klaseng katarantadohan na hindi ko naisip kailanman na hahantong ako sa ganitong sitwasyon na para bang mas matindi pa sa mga giyerang aking sinuong. Kinailangan ko pang manood ng mga movie gay upang mapag-aralan ang bawat kilos at pananalita ng isang bakla. Mahirap lalo na sa pagpilantik ng mga daliri at balakang ngunit wala na akong magawa, dahil para sa akin ay ito na ang pinakamabisang paraan upang maisakatuparan ko ang aking mga plano para sa aking asawa at mapagtakpan ang aking totoong katauhan. Lubos rin namang nakatulong sa pagpapanggap ko ngayon ang naging kabataan namin noon ni Jenniel, dahil ako ang ginagawa nitong manika noon na palaging inaayusan ng buhok at nilalagyan ng polbus sa mukha, kaya't alam kong hindi ako mahihirapang mapaniwala ito sa pagpapanggap na isa akong bakla. Subalit ang part ng pagme-make up ay talagang hindi ko kayang gawin, dahil baka makapatay lamang ako ng tao kung masasayaran ng kulay ang aking labi, maliban na lamang kung sa labi ng aking asawa magmumula ang kulay na iyon kahit araw-arawin ko pang naising makulayan ang aking labi. Napapailing na lamang ako kasabay nang nakakalokong ngisi na sumilay sa aking labi dahil sa mga huling isiping naglalaro sa aking isipan. "Hoy– Sandy, thank you talaga, ha! Kung 'di dahil sa 'yo baka 'di na lang ako nakaisip magpatuloy sa pag-aaral." Saka ito lumapit sa akin at yumakap nang mahigpit. Nakaramdam naman ako nang ilang dahil kahit papaano ay lalake pa rin ako, at hindi na kami tulad noong mga bata pa kami. "Please lang, lumayo ka! Nangingilabot ako!" kunwaring pagtataray ko na sinabayan ko pa nang tila panginginig ng aking mga kamay na agad naman nitong ikinatawa ng malakas kasabay nang pag-atras. "Sorry naman! Masaya lang ako kasi tinulungan mo ako. At saka first time ko rin kayang makarating dito sa Manila. Hindi ko nga naisip na makakapag-aral ako rito sa siyudad, eh." Mababakas ang kaligayahan sa itsura at pananalita nito na lihim ko namang ikinatuwa dahil kahit papaano ay nagkaroon ito ng pagkakataon na mangarap o ipagpatuloy ang pangarap para sa magandang kinabukasan nito at sa pamilya. "Oo na– kaya lumayo ka na! Hindi ibig sabihin na tinulungan kitang makapag-aral dito, eh may karapatan ka ng molestiyahin ako." kunwaring paninermon ko na muli lamang nitonh ikinahagalpak ng tawa. "Wagas ka naman sa molestiyahin– hoy, Sandy, parehas tayong babae kaya 'wag kang ano d'yan!" Saka ito umirap. "'Yang mga mata mo, Jenniel, patinuin mo 'yan kung ayaw mong dukutin ko 'yan d'yan." Sa halil na makinig ito ay dinilaam lamang ako nito saka ako tinalikuran. Napa buntonghininga na lamang ako saka ko ito itinaboy dahil kung paglalaanan ko pa ito ng oras ay baka tuloyan na akong mabaliw at maubusan ng pasensya. "Lumayas ka na sa harapan kong babae ka! Baka masabunutan lang kita!" hasik ko, saka ko ito tinalikuran. At tangka na sana akong lalabas ng apartment nang muli akong natigilan dahil sa pagtawag nito. "Hoy– teka, Sandy! Saan nga pala ako matutulog?" alumpihit nitong tanong na tila batang nahihiya. Tumikwas ang aking kaliwang kilay kasabay ng pagtaas ng gilid ng aking labi. "'Yong kanang pinto ang kuwarto mo at 'yong kaliwa naman ang sa akin. Bahala ka na sa buhay mo kung ano mang gusto mong gawin d'yan sa room mo. Aalis na ako dahil may trabaho pa ako. 'Wag ka na magluto ng tanghalian mo, magpapa-deliver na lang ako ng pagkain mo para makapahinga ka na muna." Hindi ko na hinintay pang magsalita ito at agad ko na ring tinalikuran. Kanina ko pa gustong umalis dahil may meeting akong pupuntahan, na hindi ko magawa dahil sa pagdating ni Jenniel, kaya't pinanuna ko na lamang papuntahin si Amida sa lugar. Bago ako umalis ay mahigpit ko munang kinausap ang aking mga tauhan na itinalaga kong magbabantay sa apartment simula ngayong araw dahil ayaw kong may makaalam ni isa man sa aking mga kalaban ang tungkol dito, at maging dahilan upang madamay pa si Jenniel sa magulong mundo ko na magdadala rito sa kapahamakan. Napa buntonghininga na lamang ako pagkatapos ay sumakay na rin ako ng kotse. "Boss, tumawag po si Amida. Dumating na raw po sa lugar si Mr. De Luna." Imporma ni Dolfo habang nananatiling nakatutok ang paningin sa kalsada. Tumango ako. "Good! Naayos n'yo na ba ang mga dokumento?" "Yes, boss. Hawak na po lahat ni Amida at utos n'yo na lang po ang hinihintay n'ya." Saka ito tumingin sa aking direksyon mula sa rare view mirror. "Good! Sabihin mo simulan n'ya na at gusto kong maayos na ang lahat pagdating ko." Tumango naman ito at muling pinindot ang cellphone. Ilang pag-ring lang mula sa kabilang linya ay narinig kong sinagot ni Amida. Napangisi na lang ako sa naging takbo nang usap ng dalawa dahil walang labis at walang kulang ang mga salitang sinabi ni Dolfo na ayon sa aking mga ipinag-uutos. PAGDATING namin sa restaurant ay tanaw ko na mula sa aking kinatatayuan ang pakikipag-negosasyon ni Amida kay Mr. De Luna. At mababakas sa mukha ni Mr. De Luna ang takot at tila hindi alam ang gagawin habang seryosong nakatitig dito si Amida. Isa lang iyan sa mga ugali ni Amida ang hinahangaan ko pagdating sa pakikipag-negosasyon. Matalino at matapang ito na wala ring sinasanto. Hindi rin uso rito ang salitang awa at patawad kaya't ito ang palagi kong ipinapadalang tao sa tuwing may haharapin akong mga langaw na dapat bugawin o patayin. Sa halip na ako ang humaharap ay ito ang aking pinapupunta sa tuwing kinakailangan kong makipag-negosasyon. At ni minsan hindi ito humaharap sa akin nang walang dalang magandang resulta. Sabay-sabay na nagyukuan ang mga empleyado ng restaurant nang makita akong pumasok sa loob. Hindi maikakailang kilala akong tao sa buong mundo, ngunit ang katotohanang iyon ay nananatili pa ring pribado sa lahat, dahil hindi ko pinahihintulutan ang sinuman na mailagay ang pangalan ko, litrato o ano mang kuwento tungkol sa aking buhay sa kahit saang social networking services, dahil isa na ring dahilan ay upang hindi malaman ng aking ina tungkol sa aking totoong pagkatao. Agad na tumayo si Amida nang makita na akong papalapit pagkatapos ay bahagyang yumukod. Maging si Mr. De Luna ay ganoon rin ang ginawa tulad ni Amida. Agad akong naupo at hindi tinanggap ang alok na pakikipagkamay ni Mr. De Luna, dahil wala namang dahilan upang pagtuunan ko pa ito ng pansin. Sumibol sa itsura nito ang pagkapahiya. "Amida?" Saka ako mariing tumingin dito. Tumango naman ito. "Naipaliwang ko na po ang lahat, boss. Pero mukhang nahihirapan pa rin pong mag-desisyon si Mr. De Luna." At muli itong tumingin kay Mr. De Luna. Ngumisi ako pagkatapos ay mariin kong tinitigan sa mga mata si Mr. De Luna. "Edgardo– Edgardo." Saka ako umiling. "Alam mo naman siguro ang malaking posibilidad na puwedeng mangyari sa 'yo, lalo na sa pamilya mo kung patuloy mo akong kakalabanin at susunod sa mga utos at kagustuhan ni Tomoharu, 'di ba?" Yumuko ako sa papel na nasa harapan nito at muli akong ngumisi. "M-Mr. G-Galliguez–––" "Sign it! Wala na tayong pag-uusapan pa." Putol ko sa pagsasalita nito, saka ko sinenyasan si Amida. Agad naman itong tumalima at iniabot ang ballpen kay Mr. De Luna. Saglit pang tinitigan ni De Luna ang ballpen, ngunit sa huli ay kinuha rin iyon at nanginginig ang kamay habang pinipirmahan ang mga dokumento. Dokumentong magpapabagsak kay Tomoharu Jr. Isa si De Luna sa mga kaalyado ni Tomoharu na dapat kong linisin. Iisa-isahin kong putulin ang mga galamay ni Tomoharu nang sa ganoon wala na rin itong kawala at kakayahang ipagpagpatuloy pa ang maruming gawain. At sa huli ay mas nanaisin na lamang nitong mamatay. Mamatay sa mismong sariling mga kamay. "Good decision, Edgardo." Tinitigan ko pa muna ito mariin bago ako nagdesisyon tumayo. Lihim akong napangisi nang makita ko sa itsura ni Mr. De Luna ang labis na pagkatalo. At alam kong binabalot na rin ito ng takot sa mga sandaling ito. Iba akong maglaro at iyon ang ugali kong kinatatakutan ng lahat, kaya't wala nang nagtatangka pang kumalaban sa akin, maliban na lang kay Tomoharu Jr. Si Tomoharu Jr. ang nagpapatuloy ngayon ng negosyong naiwan ng ama nito. Ang negosyong kalaban ng gobyerno. At hindi rin ito tumitigil hangga't hindi nito naiipaghigante ang ama nitong si Tomoharu Sr. na nakalaban noon ni Mr. Morisson. Pagsakay ko ng kotse ay agad kong sinenyasan si Amida bago pa man maisara ni Dolfo ang pinto. Tumango naman ito. "Copy, Boss. Mamaya lang po ay laman na rin sa lahat ng balita si Mr. De Luna." "Good!" Saka ako ngumisi. "Poor Edgardo." Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay muli ko na namang naalala ang aking asawa. Gustong-gusto ko na itong kunin, ngunit hindi ko pa rin magawa para sa kaligtasan nito. At ayaw kong dahil lang sa kagustuhan kong iyon ay magdadala rito sa matinding kapahamakan. Alam kong kaya ko itong protektahan, ngunit sa kabilang banda ay ayaw ko pa ring isugal ang buhay at kaligtasan nito. Lalo na't may malaking laban akong haharapin sa labas ng bansa. Hahayaan ko na muna itong mamuhay ng normal na walang iniisip na ano mang gulong nakapalibot rito. Ayaw kong bigyan ng pagkakataon ang aking mga kalaban na magamit ng mga ito laban sa akin ang aking asawa kung oras na malaman ng mga ito ang tungkol dito, kaya sa ngayon ay palihim ko na lamang muna itong sinusubaybayan. "How is she?" sambit ko habang nasa kalagitnaan ng beyahe papunta sa kumpanya. "Okay na po ang lahat, boss. Sinigurado ko pong maayos at ligtas ang lugar na nilipatan nila. Kinausap ko na rin po ang in charge sa registrar, signal n'yo na lang po ang hinihintay ko kung kailan n'yo po gustong kausapin." Imporma nito habang nakatuon ang atensyon sa kalsada. Tumango ako. "Bring her to me tomorrow morning." Bumuntonghininga ako. Agad naman itong tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD