CHAPTER 5

1950 Words
NAKANGISI ako habang pinapanood ang balita tungkol sa pagkamatay ni De Luna. At ayon sa mga awtoridad ay walang makita o makuhang lead tungkol sa pagkamatay nito at nananatiling palaisipan pa rin ang biglang pagpanaw nito. Sinigurado talaga ni Amida na walang makikitang ano mang bakas sa pagkamatay ni De Luna habang nasa loob ng sasakyan. Isa iyon sa husay at galing ni Amida na hinahangaan ko. Matalino ito at hindi iyon maikakaila. Tumayo ako at nilapitan ko si Amida na ngayon ay tahimik na nakatayo sa gilid ng aking office table. "Well done, Amida! And get ready for your next subject." Tumango naman ito. Marahan kong tinapik ang balikat nito pagkatapos ay saka ginulo ang buhok nito na animo ay isang nakababatang kapatid ko lamang. Natawa na lang ako nang mabilis itong lumayo at agad inayos ang buhok. "Gosh! My hair." Napailing na lamang ako at muling bumalik sa aking upuan, saka ako tumingin dito. "Who will be next on the list?" seryoso kong tanong habang pinapaikot ko sa aking daliri ang hawak kong ballpen. "Si Mr. Cariaso po, boss. Pumapangalawa s'ya kay Mr. De Luna na may mataas na share sa mga negosyo ni Mr. Tomoharu Jr." Pagkatapos ay iniabot nito sa akin ang isang folder na naglalaman nang listahan ng mga taong dapat linisin. Sunod-sunod na nakalista ang limang taong galamay ni Tomoharu Jr. Tumango ako. "Good!" sambit ko, saka ako nag-angat ng tingin dito. "Amida, you know what to do." Pagkatapos ay muli kong ibinalik ang folder dito. Tumango ito kasabay nang pag-abot nito sa folder. "Yes, boss. Kasalukuyan pong nasa Singapore ngayon si Mr. Cariaso kasama ang pamilya n'ya, at sinigurado ko rin pong nakarating na sa kanya ang balita tungkol kay Mr. De Luna." Napangisi naman ako, at tangka na sanang tutugon nang bigla namang may kumatok sa pinto ng aking opisina. "Come in!" malakas kong turan, kasunod noon ay pagbukas ng pinto at bumungad si Dolfo habang nasa likod nito ang isang babae. Yumukod ito nang makapasok na sa loob. "Boss, nand'to na po si Mrs. Santos. Ang in charge po sa registrar office. Naipaliwanag ko na po sa kanya ang lahat." Tumingin ito kay Mrs. Santos saka nito iginaya sa upuang nasa harapan ng aking office table. "Good morning po, Mr. Galliguez!" bati nito kasabay ng bahagyang pagyukod. Sinenyasan ko itong maupo na agad rin namang tumalima. "I don't want to be disappointed, Mrs. Santos, dahil iba akong maningil." Nakita ko ang sunod-sunod nitong paglunok kasabay nang bigla pamumutla ng mukha nito, na lihim ko namang ikinatawa. Hindi nito alam ang kaugnayan ko sa aking asawa, dahil iyon na rin ang bilin ko kay Dolfo na huwag ipapaalam dito para na rin sa kaligtasan ng dalaga. "M-Makakaasa po kayo, Mr. Galliguez. Ako na po ang bahala kina Miss Aguilar at Miss Pajares. M-Magbibigay rin po ako ng weekly report tungkol kay Miss Aguilar," nauutal na sambit ni Mrs. Santos na mababakas pa sa itsura nito ang takot. "Good! At alam mo na ang mangyayari kung may makaalam man sa naging pag-uusap nating 'to, right– Mrs. Santos?" seryoso kong sambit habang mariing nakatitig dito na agad naman nitong ikinatungo. "You can leave now." Utos ko. Tumayo ito at bahagya pang muling yumukod bago ito tuloyang dumiretso palabas ng aking opisina. "Dolfo, ikaw na ang bahala sa kanya. Turuan mo ng leksyon oras na magkamali ng galaw. Ayaw kong may makaalam kahit sino na magdadala sa kapahamakan ng asawa ko. Naiintindihan mo?!" mariin kong turan. Tumango ito. "Yes, boss. Ako na po ang bahala. Na-check ko na rin po ang background ni Mrs. Santos. At isa na rin po 'yon sa sinabi ko sa kanya kanina. Hawak ko sa leeg ang pamilya n'ya kaya oras na magkamali s'ya ng hakbang ay may isa sa pamilya n'ya ang magsasakripisyo dahil sa kapalpakan n'ya." Mabilis na sumilay sa aking labi ang nakakalokong ngisi dahil sa aking narinig mula kay Dolfo. ONE MONTH LATER ALAS SINGKO na ng hapon nang makauwi ako sa apartment. At walang Jenniel akong dinatnan na agad kong ipinagtaka, kaya't agad kong tinawagan si Amida na nasa kabilang apartment lamng kung saan nagsisilbing control room sa mga CCTV camera na nakakabit sa buong palagid. "Where is Jenniel?" agad kong tanong habang nakaharap sa nakabukas na pinto ng apartment. "Boss, base po kay Melchor ay hindi pa po bumabalik si Miss Jenniel mula pa po nang umalis kaninang 10 ng umaga nang pumasok sa university." Imporma nito na waring agad na rin nitong inalam kay Melchor ang mga nangyari dahil agad na rin nitong nabigyan ng sagot ang aking tanong nang walang paliguyligoy. Tangka na sana akong tutugon nang agad akong matigilan dahil mula sa tapat ng gate ay nakita kong bumaba na ng trysikel si Jenniel. Napakunot ang aking mga kilay nang mapansin ko ang suot nitong damit dahil hindi na ito naka-uniform, na ayon kay Melchor ay umalis ito kanina papasok sa university kaya alam kong naka-uniform ito, ngunit ngayon ay nakasuot na ito ng fitted slacks na pinaresan ng puting long sleeve na animo ay kagagaling nito sa opisina. Pinutol ko na ang linya at inilagay ko ang aking cellphone sa bulsa ng suot kong jeans saka ako namaywang sa harapan nito at tinitigan ito habang papalapit sa akin. "At bakit ngayon ka lang umuwing babae ka, ha? Dapat eksaktong alas singko nand'to ka na. Pero nauna pa akong dumating sa 'yo! Saan ka na nanggaling?" Saka ko ito tiningnan mula ulo hanggang paa. Agad namang tumikwas ang kaliwa nitong kilay. "Wow, sobra ka namang makahagod ng tingin sa akin. Akala mo na naman may ginawa akong malaking krimen." "Aba't– naku, Jenniel! Magtino-tino kang babae ka, kung ayaw mong ibalik kita sa Bicol!" hasik ko na sinabayan ko pa nang kunwaring gigil na gigil kasabay nang pag amba ng aking kamay na kukurutin ito. Mabilis naman itong lumayo at dumiretso sa sopa saka naupo. "Oo na– para matahimik ka na. Hindi ako namasyal o kung ano pa man 'yang maduming iniisip mo tungkol sa akin. Naghanap ako ng part time job, kaso lahat nang in-apply-an ko hindi tumugma sa schedule ng pasok ko, kaya ayon nag-try ako sa bar. Buti na lang natanggap ako at hindi sabay sa oras ng pasok ko." Napakunot ang aking mga kilay at lumapit dito. Naupo ako sa pang-isahang upuang nasa tapat nito. "Bakit kailangan mo pa ng part time job? Wala ka namang ibang ginagastos dito, ah! Isa pa, makakaabala lang sa pagpopokus mo sa pag-aaral ang part time job na 'yan– at sa bar pa talaga mismo? Ano'ng trabaho mo do'n? 'Wag mong sabihing–––" "Hoy, Sandy! D'yos miyo kang bakla ka!" malakas nitong sambit kasabay nang pag antandang cross na akala mo ay napaka-inosenteng babae na tropa ni Maria. "Kung ano man 'yang maruming iniisip mo nagkakamali ka! Waitress ang in-apply-an ko ro'n at hindi dancer, isa pa, walang mga dancer do'n, mga singer at banda pa mayr'on!" talak pa nito, pagkatapos ay inirapan ako habang nakatikwas ang kaliwang kilay. "Makapag-isip ng 'di maganda sa akin– wagas! Sa edad kong 'to FYI lang, Sandy, never been kissed. Never been touched and is extremely fresh 'to, kaya 'wag kang ano d'yan." Pagtataray pa nito kasabay nang malakas na paghawi sa buhok. Napailing na lamang ako sa kahibangan nito at hindi ko na lamang pinansin pa ang mga sinasabi nito dahil ang nasa isip ko pa rin ay ang trabahong sinasabi nitong in-apply-an. Sa bar. Hindi ko maialis sa aking dibdib at isipan ang pag-aalala para dito dahil sa trabahong iyon ay malaki o may posibilidad itong mapahamak kahit pa sabihing waitress lamang ang in-apply-an nito dahil hindi maiiwasang may mga gagong nagpupunta roon at walang takot na gumawa ng mali. "Fine! By the way, saan at ano ang pangalan ng bar na in-apply-an mo?" Sa halip ay tanong ko saka dumekwatro ng upo kasabay ng pag-cross ng aking mga kamay sa tapat ng aking dibdib. "'Wag ka ng maraming salita d'yan. Gusto ko lang makasiguro na maayos 'yang bar na in-apply-an mo. At hindi ka gagawing pang-aliw sa mga parokyano." "Hoy– wala pa ulit akong sinasabi, masyado ka talagang mag-isip, San–––" "Dami pang daldal! Ano ngang pangalan ng bar na 'yon baka sakaling alam ko at kilala ko ang may-ari." Agad kong putol sa pagsasalita nito. Bumuntonghininga ito, pagkatapos ay nakita kong kinuha nito ang isang kaperasong papel sa dala nitong brown envelope kanina saka nito iniabot sa akin. "'Yan ang pangalan ng bar na in-apply-an ko pero wala namang nakalagay d'yan kung sino ang may-ari, eh." Natigilan ako at lihim na napangiti sa aking isipan, dahil ang bar na papasukan nito ay ang bar na matagal na rin naming minamanmanan na may kaugnay kay Cassandra ang nagmamay-ari. Ang J-Bar ni James Monteverde. "Ano? Alam mo ba ang bar na 'yan?" tanong nito na tila naghihintay rin ito sa ano mang magiging sagot ko. Umiling ako. "Hindi, eh. Pero sana okay naman ang bar na 'yan– basta trabaho lang, Jenniel, ha? Naku– binabalaan kita, 'wag kang papadala sa mga tukso pag sinupalpal ka ng malaking halaga kapalit ng one night pleasure." "Tse! D'yan ka na nga! Kung ano-ano na lang 'yang pinag-iisip mo laban sa akin! Masyado mo ng dinudungisan ang dignidad ko dahil lang d'yan sa madumi mong isip!" pagtatalak nito kasabay nang mabilis na rin nitong pagtayo. "Hoy– kiringking! Ikaw lang ang madumi ang isip! Masyadong advance 'yang utak mo! Nag-a-advice lang ako, pero iba na agad 'yang tinatahak ng isip mo!" habol kong sambit dito habang napapailing. "Tse! Ako pa ngayon, eh, ikaw nga 'tong iba-iba na ang iniisip kanina pa tungkol sa akin." Pagtataray pa nito pagkatapos ay dumiretso na rin papasok sa loob ng sariling silid nito. Napa buntonghininga na lamang ako at muli kong tinitigan ang maliit na kaperasong papel na naglalaman ng requirements na dapat nitong asikasohin sa bar na papasukan. What a coincidence, Monteverde! Impit kong usal sa aking isipin saka ako tumayo at lumakad palabas ng apartment. Agad kong tinawagan si Amida. "Yes, boss? May ipag-uutos po ba kayo?" agad nitong tanong hindi pa man ako nakakapagsalita. Bumuntonghininga ako. "Where is Ron? I need to talk to him right now." Agad akong napatikhim nang makita ko mula sa bintana na papalabas din ng apartment si Jenniel, kaya't hindi ko na rin pinatagal pa ang pakikipag-usap ko kay Amida. "Copy, boss. Sasabihan ko po s'ya agad oras na makabalik na rin s'ya. Nasa misyon pa po kasi ngayon si Ron, eh." Nang marinig ko na ang pagtugon ni Amida ay hindi na ako muli pang tumugon at pinutol ko na rin ang linya. At lumakad na rin papasok sa loob ng bahay. "Sandy, ano nga palang gusto mong lutuin kong ula–––" "Don't bother yourself. I also ordered food outside. Baka 'di na naman ako ganahan sa luto mo." Pang-aasar ko, pagkatapos ay nilagpasan ko na lamang ito at agad na rin akong dumiretso papunta sa aking silid dahil nakita kong mabilis rin ang naging pagbabago sa itsura nito. "Bakla ka talaga kahit kailan!" malakas nitong sambit na mababakas pa ang inis habang nakatingin sa akin habang nakatayo mula sa pintuan. Nilingon ko ito at agad akong namaywang, bago pa man ako tuloyang pumasok sa aking silid. "I know right!" Then I rolled my eyes while pretending to brush my shoulder hair with my limp wrist. At sa puntong iyon ay lalo lamang itong waring nainis na ikinatawa ko na lamang sa aking isipan. Napailing ako nang tuloyan ko nang naisara ang pinto ng aking silid kasabay ng aking pag buntonghininga. Fvck this gay gesture! D*mn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD